Lakbay Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Kalikasan ng Pag-ibig: Isang Lakbay Sanaysay

Sa pagpihit ng gulong ng behikulong aming kinalalagyan ay ang unti-unting paglayo sa lungsod na


nagsilbing lugar na aking kinagisnan. Aking minasdan ang kalsada kung saan ang makapal na usok na dulot
ng linya ng mga sasakyang tila hindi na makasulong sa kanilang patutunguhan. Dahan-dahan, utay-utay
ay numinipis ang itim na hangin sa pagtahak namin sa destinasyon. Kaiba sa maalinsangan at magulong
siyudad, ang daan patungo dito ay tuluyang naghatid sa akin ng kapayapaan.

Ika-3 ng Hunyo nang makatakas ako saglit sa maliwag at komplikadong produkto ng


modernisasyon. Isang araw na hindi pangkaraniwan sapagkat sa dalawampu't apat na oras na iyon,
napagtanto ko ang dalawang pinakamahalagang bagay sa mundo; ang kalikasan at pag-ibig.

Ang aking mga natatanaw sa bintana ng sasakyan ay tila isang serye ng imahe na nagbabalik sa
akin sa nakaraan. Ang mga sementadong bahay na di lumaon ay napalitan ng mga puno at ektarya ng
bakanteng damuhan ay nagdulot sa akin ng malamig na sensasyon, hudyat na tuluyan na kaming nakalayo
sa maalinsangang syudad.

Ngunit hindi naging maluwag ang daloy ng aming paglalakbay sapagkat may mga pagkakataong
mabato ang lupa at makipot ang daanan. Dahil hindi pa kami gaanong kapamilyar sa lugar ay ilang beses
kaming naligaw ng landas ngunit sa tulong ng mga residente duon ay natiyak namin ang tamang ruta.

Gabi na ng marating namin ang Retreat House sa Taysan kung saan gaganapin ang pag-iisang
dibdib ng aking pinsang babae at ng kanyang kasintahan. Bumungad sa amin ay ang isang malawak na
field at sa tabi nito ay isang makalumang bahay na pinalamutian ng mga makukukay na bulaklak.

Sa may bandang likod naman nito ay mayroong duyan na gawa sa kahoy ng puno. Gayun din ang
kubo sa tabi nito na binubuo ng dalawang katre at isang upuan. Ang liwanag ng buwan ang siyang nagdala
sa buong lugar ng katahimikan at kapayapaan. Sa pagtama ng ilaw nito sa bawat sulok ng lugar, umultaw
ang isang espesyal na imahe ng panahong malayo pa sa sakop ng kabihasnan.

Ang kawalan namin ng koneksyon sa internet ay nakatulong upang higit oang napagtuuunan ng
atensyon ang aking sarili at ang kagandahang taglay ng kalikasan.

Malayo sa anumang produkto ng teknolohiya at modernisasyon, natutuhan kong pahalagahan


ang buhay sa labas ng mga pagbabago. Pinagmasdan namin ang mga bituin habang nakahiga sa malambot
na damo. Hindi mabilang ang dami, hindi gaya sa syudad na limitado at mabibilang sa daliri. Hindi tulad sa
syudad na ang kalangitan ay natatakpan ng mga linya ng kuryente, sa lugar na ito, nakakita ako ng isang
bagong kalangitan.

Ang pagbukang-liwayway na siyang naging hudyat ng wakas ng gabi ay lalo pang nagpalitaw sa
kagandahan ng lugar. Ang luntiang damo at ang mga puno na nagbibigay lilom mula sa sikat ng araw. Isa
pa sa pumukaw ng aking atensyon ay ang mga upuan na yari sa kahoy ng puno na nagbigay ng kakaibang
sensasyon sa akin. Naupo ako sa isa sa mga ito at duon ay napagnilayan ko na maraming bagay ang hindi
pa natin nakikita sa mundo.

Isama pa ang mga hayop sa kagubatan na bihira na lamang makita sapagkat limitado na ang
kanilang mga tirahan. Hindi ko mapigilan na kumuha ng larawan sapagkat alam kong sa oras na matapos
ang araw na ito ay wala na akong pagkakataong makabalik pa muli.
Tumayo ako sa bahay na pinalamutian ng bulaklak habang pinapanood ang paglakad ng aking
pinsan sa altar. Ang kanyang kagandahan ay makatawag-pansin at nagpadagdag dito ay ang kagandahan
ng kalikasan na kanilan pinili upang makasaksi ng kanilang pag-ibig.

Habang ang magkasintahan ay nagbibitaw ng pangako sa isa’t isa, sumagi sa isip ko ang isang
katanungan, “Makakamit ko ba ang tunay na pag-ibig?” Kasabay ng katanungang ito ay ang paglitaw ng
iba’t ibang imahe sa aking isipan. Isa sa mga imaheng ito ay ang lugar na bumubuhay sa aking pangarap
na ito, walang iba kung hindi ang lugar na ito, ang Taysan.

You might also like