Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

2019 Division Schools Press Conference

isinulat ni Enrico Vanadero

BAGUIO CITY — Pinangunahan ni Sir Paul Joseph A. Nuval ang pagbukas ng Mini Press
Conference para sa Online Publishing at Collaborative Publishing ng Elementary at Secondary
Level sa 2019 Division Schools Press Conference na iginanap ngayong Oktubre 28 sa Divisions’
Office.

Sinimulan niya ang Press Conference sa pagpapakita ng isang video ng pelikulang Maleficent na
may sipiin sa isang linya na “Love doesn’t always end well”. Iniugnay niya ito sa Pilipinas ang
sipiing ito na maiuugnay sa pag-unlad ng Pilipinas. Isinaad niya na ang Pilipinas ay nakaranggo sa
113 sa 189 na bansa na developed. Mayroon ding mga problemang inihaharap ang lipunan sa
ngayon. Ang mga kaso ng kahirapan, pagbawas ng kayaman at kagamitan, at sa mga industriya
ay ilan lamang sa mga kasong iprinesenta.

Mayroon walong kasong iprinesentang problemang panlipunan sa ilalim ng mga kondisyon ng


Pilipinas: Poverty. unemployment. high pop, inequality, environmental degradation, loss of airable
land, malnutrition, ethnical conflict. Ang pangunahing problema ay ang kahirapan. Sa 108 milyong
naninirahan sa Pilipinas, 35.2 milyong Pilipino ay nakararanas ng kahirapan, at ipinagkakait ng
kahirapan ang seguridad bilang isang mamamayan. Kinukuha nito ang ating kalayaan at ang ating
kinabukasan. Ipinagkakait din ng kahirapan hindi lang ang malinis na tubig at pagkain kung hindi
ang edukasyon at pangangalaga sa kalusugan.

You might also like