AngMakrong kasanayansaFilipinolohiyaTheMacro Skillsinfilipinology PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

MALAY 23.

2 (2011): 61-70

Ang Makrong-kasanayan sa Filipinolohiya /


The Macro-skills in Filipinology
Josefina C. Mangahis
Pamantasang De La Salle, Maynila, Filipinas
mangahisj@dlsu.edu.ph

Ang epektibong pagpapahayag ng kaisipan, saloobin, naisin, at damdamin ay isang mahalagang


proseso sa pakikipagtalastasan. Ang pangunahing kasangkapan upang maisakatuparan ang matagumpay
na pakikipagtalastasan ay paggamit ng wika. Dito nakasalalay ang tagumpay ng anumang propesyon sa
pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Nilalayon ng artikulong ito na: 1. maipaliwanag ang apat na makrong-
ka sana yan: ang pa kikinig, pagsasalita, pagba sa, at pagsula t, 2. ma lina ng ang kaka yaha ng
pangkomunikatibo sa pagtuturo ng wika, at 3. mailahad kung paano magagamit ang apat na makrong-
kasanayan sa kolaboratibong pagtuturo ng Filipinolohiya.

Mga susing salita: makrong-kasanayan, kakayahang pangkomunikatibo, kolaboratibong pagtuturo,


Filipinolohiya

The effective expression of one’s thoughts, opinions, desires, and emotions is an important process
of communication. Language is, first and foremost, an essential tool that makes communication
successful. This article aims to further expound on the four macro skills of listening, speaking, reading,
and writing. It also aims to further develop communicative skills in teaching language and to discuss
further how to use these four macro-skills in the collaborative teaching of Filipinology.

Keywords: macro-skills, communicative skill, collaborative teaching, Filipinology

PANIMULA mahalaga ang wika sa pakikipag-ugnayan ng tao


sa kapuwa.
Wika ang sukatan sa pag-unlad ng tao kaya’t Kakailanganin ng mag-aaral ang parehong
masasabing isa it o sa pinakamahalagang impormasyon sa kultura at wika sapagkat
instrumento ng tao sa pakikipagkomunikasyon. magkaugnay ito (Damen 337). Wika ang isang
Nagsisilbi ring salik sa pagtatagumpay ng isang kalipunan ng puwersa at pagsasama-sama ng anyo
bansa ang pagpapayaman ng sariling wika at sa isang magkaibang kultural na gamit ng iba’t ibang
kultura. Nakabalot sa wika ang nag-uugat na pangkat. Hindi maipagkakaila na laging magkasama
nabuong sistema ng isang kultura ayon sa ang wika at kultura. Nasasalamin sa wika ang
pamantayan ng paniniwala, tradisyon, pag-uugali kultura ng isang bansa. May malaking bahaging
at kung paano nakikisalamuha ang tao kaya’t ginagampanan ang karanasan sa loob ng kultura

Copyright © 2011 Pamantasang De La Salle, Filipinas


62 MALAY TOMO XXIII BLG. 2

ng isang tao. Nanggagaling ang mensaheng Sa pag-aaral nito, ang wika at iba’t ibang
ipinadadala sa kultura, gamit ang wika tungo sa larangan ng sining tulad ng musika, pagguhit,
tagumpay na pag-unawa sa mensahe. Kasabay sa eskultura, sayaw, drama, panitikan, pelikula,
pagkatuto ng wika ang pagkatuto rin ng kultura ng pilosopiya, at pati na relihiyon ay ibinibilang sa
ibang bansa. Upang makapagpahayag ng epektibo kultura. Sa kultura at lipunan upang palitawin ang
gamit ang wikang Filipino, kinakailangan pag-aralan pagka-Filipino ng bawat larangan (Covar 27). Sa
at matutuhan ng mag-aaral ang kulturang Filipino. pananaw ni Covar, ang lahat ng larangang
Sa puntong ito, upang maging mahusay sa nabanggit ay hinabi at nililok ng mga Filipino
kasanayan sa komunikasyon, kailangang makita ito kaya’t napakahalaga ng mga konseptong ito sa
sa partikular na konteksto o nilalaman. Nakabatay paglinang ng makrong-kasanayan sa pakikinig,
sa “genre” approach sa pagkatutong pedagogy ang pagsasalita, pagbasa at pagsulat na maka-
integrasyo ng pamamaraan nito kung saan Filipino.
nakapokus sa kaugnayan ng teksto kung paano Kung mapapansin, t aliwas it o sa mga
ginagamit ang wika sa halip na talakayin ang mga konseptong itinuturo sa klase sa wika na kalimitan
batas ng paggamit ng wika (Cope and Kalantizis ay maka-kanluraning kaisipan at kultura ang
3-8). siyang natutuhan ng mga mag-aaral. Maipupuntos
Hindi lamang ang mga bagong kaalaman sa iba’t natin ang bagay na ito sa mga sumusunod: 1.
ibang disiplina ang mahalaga kundi mahalagang kakulangan sa kaalaman ng mga guro tungkol sa
matutunan din kung paano makipagtalastasan nang kaisipan at kulturang Filipino, 2. kakapusan sa
wasto gamit ang wika. Hindi lahat ng mag-aaral ay mga materyales na tumatalakay sa Filipinolohiya,
may sapat na t ag lay na kaalaman up ang at 3. ang malakas na impluwensiya ng modern,
maisakatuparan ang pag-aaral sa pamantasan at makabago at maka-kanluraning kaisipan,
ito ang hamon upang matuto ng mga kaalamang ito pamumuhay, kultura, at teknolohiya sa buhay ng
(Jones at Bonano 2). mga Filipino. Sa puntong ito, isang “paradigm”
Kaugnay dito, kinakailangang ituro ang mu la sa mga ko nsep t o ng nabanggit ang
Filipinolohiya sa bawat klase sa wika. Ang puwedeng mabuo upang magamit sa paglinang ng
ikalimang makrong kasanayan ng mag-aaral ng mga makrong-kasanayan sa Filipinolohiya.
wika ay ang malawak na kaalaman sa kultura na Ang Filipinong kaisipan, kultura, at lipunan ay
siyang karagdagan sa mga makrong kasanayan sa bunga ng karanasang Filipino at ito ay may
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. mahalagang pundasyon sa ating pagsasabansa at
pagiging isang lahi. Ito ang mga mahahalagang
Pagbibigay-kahulugan sa Filipinolohiya elemento na nakapaloob sa Filipinolohiya. Kaya’t
ang kakapusan o kakulangan sa karanasan sa
Ano ba ang Filipinolohiya at paano ito kaisipan, kultura, at lipunang Filipino ay may
makakaambag sa mak ro ng-kasanayan sa malaking epekto sa paglinang ng mga kakayahang
pakikipagtalastasan? Halos higit sa dalawang pangkomunikatibo para sa epektibong pag-aaral
dekada na rin ang nakalipas ng mabuo at talakayin at pagtuturo ng wika. Mahalaga sa pagkakataong
ang Filipinolohiya ni Dr. Prospero R. Covar, isang ito na mapalawak at mapayaman pa natin ang ating
batikang propesor ng Sosyolohiya at Antropolohiya kaalaman at karanasan sa Filipinong kaisipan,
ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang katagang kultura at lipunan sapagkat ito ang siyang magiging
Filipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita: una basihan ng pagkatao o ng ating pagka-Filipino
ay Filipino; at ang pangalawa ay lohiya na isina- (Covar 27).
Filipino na Latin, logos, na ang katuturan ay Upang mas maunawaan ang Filipinolohiya,
sistematikong pag-aaral. Ang Filipinolohiya ay nagbigay si Covar ng isang halimbawa ukol sa
sistematikong pag-aaral ng Filipinong kaisipan bawat larangan na magpapakita ng at ing
(psyche) at Filipinong kultura at Filipinong lipunan. kakanyahan.
MAKRONG-KASANAYAN SA FILIPINOLOHIYA JOSEFINA C. MANGAHIS 63

Ang Larangan ng Kaisipan pa man dumating ang Kastila sa Filipinas sa


pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralang
Ang mga Filipino ay naniniwala na ang tao ay Kastila. Ito ay lumawak sa panahon ng mga
binubuo ng katawang lupa at kaluluwa. Likas na Amerikano. Hanggang sa ngayon ang sistemang
ang paniniwalang ito bago pa man dumating ang pang-edukasyon ay hindi lamang kanluranin kundi
Kristiyanismo sa Filipinas. Sa atin, kapag namatay kolonyal din. Pinaaasa tayo ng kanluraning
ang tao, nagiging alabok ang katawang lupa at ang edukasyon na ito’y magpapalaya sa ating kaisipan
kaluluwa naman ay pumapanaw o yumayao. Sa at pangkabuhayang pamumuhay subalit naging
Filipino, ang pagkamatay ay paghihiwalay ng alipin tayo ng kanluraning pag-iisip at ekonomiya.
katawan at kaluluwa kaya’t habang ang tao ay may Ang ating kaisipan, kultura, at lipunan ay
hininga, tibok ng puso, at pulso, maski na ito ay nagmistulang kanluranin at ang ating kategoryang
hinatulan na ng doktor na “brain dead,” ang tao ginagamit sa pang-unawa sa ating kapaligiran ay
ay may buhay pa. Kaya sa paniniwalang ito, ang may hiram at alay ng akademikong disiplina.
“organ o cadaver donation” ay hindi kaagad- Nasilaw tayo sa pananaw ng “unibersalismo.’’
agad matanggap ng maraming Filipino. Hinamak at inalipusta ang ating sariling pananaw
bilang “ethnic,” “parochial,” at “provincial.”
Larangan ng Kultura: Wika Noong una na ang akademikong disiplina ay
nagdudulot ng linaw sa ating kultura subalit inaakit
Ang wika ay binubuo ng mga tunog at ang isang t ayo ng akad emik o ng d isip linang at ing
lahi ay pumupili lamang ng 15 hanggang 45 na kinabibilangan na mag-ambag ng teorya, metodo,
patinig, katinig, at supresegmental upang buuin ang at laman ng mga disiplina at hindi upang ilantad
isang wika. Ang tunog ng isang wika ay ayon sa ang Filipinong kaisipan, kultura, at lipunan. Sa
tambalan ng mga tunog tulad ng /p/ at /b/, /t/ at /d/ Filipinolohiya, ang mga akademikong disiplina ay
at /k/ at /g/. Dahilan ito sa pagkakaiba-iba ng magsisilbing kasangkapan upang mapalaya ang
kalidad ng pagbigkas ng mga Tagalog at mga Filipinong kaisipan, kultura, at lipunan (Covar
Bisaya. Nagpapatunay lamang na hindi estable ang 29).
Filipino bilang wika. Upang mas maunawan ang Filipinong kaisipan,
kultura at lipunan, iminungkahi na masusing pag-
Larangan ng Lipunan: Sambahayan aralan ang teorya sa Filipinolohiya (Covar 30).
Maraming teorya na kanluranin ang hindi akma sa
Ang istruktura ng Filipinong sambahayan ay uri ng ating kaisipan at pag-uugali tulad ng
“extended family.” Sa ating kinship system, psychoanalysis ni Freud at ang Indo-European-
partikular ang katawagan sa iba’t ibang relasyon based theory in linguistics ay hindi dapat gamitin
ng pagkakamag-anakan tulad ng magbalae, sa pag-aanalisa ng mga wikang Malayo-Polynesian
maghipag, magbayaw, at magbilas. Samantala, sa na kung saan kabilang ang Filipino. Ipinakikita sa
American kinship system, ang biyenan, manugang, mga tinurang ito ni Covar ang pangangailangang
bayaw, bilas, at hipag—lahat ng ito’y in-laws. natin na bumalangkas ng sariling teorya na lapat sa
Ang t atlong halimbawang nabanggit ay ating kaisipan, kultura at lipunan na ayon sa ating
nagpapatunay lamang na may sariling kakanyahan mga karanasan at pananaw. Kaalinsabay ng
o katangian ang Filipinong kaisipan, kultura, at pagbalangkas ng sariling teorya ay ang pagtuklas
lipunan. ng mga metodo sa Filipinolohiya para mas
Sa puntong ito, maipagmamalaki natin na ang maunawaan, mapakinabangan, at magamit sa
Filipinolohiya at akademikong disiplina ay may pag linang ng makro ng-kasanayan sa
sariling kakanyahan o katangian na nagsimula bago pakikipagtalasan (Tingnan ang Figura 1.0).
64 MALAY TOMO XXIII BLG. 2

Pagkatao

Labas Loob
Katawan Kaluluwa/Budhi
Mukha Isip
Dibdib Puso
Tiyan Bituka
Sikmura

Pagkatao Pagkatao
Pakikipagkapwa

Pag-anib sa lipunan Pagtuturo at paniniwala Pangkabuhayan Pampolitika

Istrukturang Panlipunan

Sambayanan
(Kinship)

Samahan
(Interest)

Pamayanan
(Territoriality)

Sambahayanan

Figura 1. Balangkas ng Pambansang Kaisipan, Kultura at Lipunang Filipino (Covar 1989)

Mahalaga na pag-aralan ang balangkas na ito Makatutulong ng malaki ang mga kaalamang
upang magkaroon ng tamang direksiyon tungo sa nabanggit tungkol sa Filipinolohiya sa paghahanda
epektibong paglinang ng makrong-kasanayan sa ng mga kagamitan sa pagtuturo at pag-aaral upang
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat gamit malinang ng husto ang mga makrong kasanayan sa
ang mga kaalaman at kaisipang maka-Filipino na pakikipagtalastasan.
siyang laman ng Filipinolohiya.
MAKRONG-KASANAYAN SA FILIPINOLOHIYA JOSEFINA C. MANGAHIS 65

Makrong-kasanayan sa Pakikinig Ang pagsasalita ay interaktibong at sistematikong


pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng
Dahil mas maraming oras ang ginugugol sa pagpapahayag at tumatanggap.
pakikinig kumpara sa apat na makrong kasanayan, May routine sa wika sa pagsasalita, sa paraan
maraming kagamitan or resources na may Filipinong ng pagbati, pagpapakilala, pagpapaliwanag, pag-
kaisipan at kultura ang maaaring magamit na anyaya, atbpa. Hindi sapat ang mahusay na paraan
“springboard” o motibasyon sa pagtalakay ng isang ng pagsasalita. Nangagailangan din ng mahalagang
bagay o pangyayari na maka-Filipino. Halimbawa, nilalaman ang kaniyang sasabihin o bibigkasin.
ang paggamit ng musika na may etnikong tunog na Tungkulin din ng guro na tuklasin ito. Dahil dito
sinaliwan ng mga etnikong instrumento ay nararapat lamang na maging sensitibo ang guro sa
epektibong pamukaw sa mga mag-aaral. Sa bawat nag-aaral at may kapasidad na maganyak
paggamit nito, ang mag-aaral ay magkakaroon ng at mapukaw sila na magsalita (Bygate 59-82).
pagkakataong ikumpara ang klase ng tunog at Hindi madaling matamo ang kahusayan sa
instrumentong etniko sa mga nakagawian nilang pag sasalit a. S a kat unayan, gumawa ng
tunog o musika. Sa aktibidad na ito ng pakikinig, pananaliksik sina Richmond at McCroskey (18-
ang guro ay dapat handa at may sapat na kaalaman 21), at lumabas na may 20% ng populasyon ang
upang maibahagi ang mga tamang inpormasyon na natatakot at nababahala sa pagsasalita sa harap
nauukol at nakapaloob dito. ng maraming tao. Maraming salik ang dapat
Dalawa sa mga suliraning kaugnay sa isaalang-alang sa mabisa at mahusay na
pakikikinig ay ang maikling “listening span” ng mga pagsasalita. Kaugnay sa isinagawang pag-aaral
mag-aaral at ang kakulangan o kasalatan sa mga nina Richmond at McCroskey, nararapat na bigyan
materyales na gagamitin sa pagtuturo ng pakikinig. ng kaukulang panahon ang isang magsasalita upang
Itinuturo ni Brown (27-29) na ito ang dahilan sa makabuo ng isang kongkretong kaisipan sa
pagsasawalang-bahala ng mga mag-aaral sa kanyang paksang sasabihin o tatalakayin (Dunkel
pakikinig. Sa puntong ito, kakailanganin ang 99-106).
pagpapayaman ng koleksiyon ng mga kagamitan May dalawang pangunahing tungkulin ang wika:
na may kinalaman sa pakikinig. Makatutulong ang ang tungkuling transaksiyunal at tungkuling
edukasyonal na teknolohiya tulad ng mga interaksiyunal. Ang unang tungkulin ay nakatuon
audiorecording ng musika, tula, talumpati, kuwento sa paghahatid ng mensahe at ang pangalawang
na tumutugon, tumatalakay, at nagpapahiwatig ng tungkulin ay nakapokus sa maayos na pagsasalita
Filipinong kaisipan, kultura at lipunan. ng bawat mag-aaral. Sa puntong ito, mahalagang
Sa apat na kasanayang dapat matamo ng mga papel ang ginagampanan ng guro upang epektibong
mag-aaral, mahalaga na matamong una ang malinang ang kasanayan sa pagsasalita ng bawat
kasanayan sa pakikinig sapagkat ito ang unang mag-aaral. Halimbawa, ang wastong pagbigkas ng
hakbang sa pagkatuto ng wika. Di matagumpay mga salita ng guro sa wika ay may malaking
na maisasakatupan ang pagtatamo sa tatlo pang inpluwensiya sa tamang pagsasalita ng mag-aaral.
kasanayan nang hindi ganap na nalilinang ng bawat Kaya’t kung hindi maayos at tama ang pagbigkas
mag-aaral ang kasanayan sa pakikinig. ng guro ng mga salita maaring ito rin ang matutunan
ng kaniyang mag-aaral (Brown & Yule 27-29).
Makrong-kasanayan sa Pagsasalita Sa Filipiholohiya, mahalaga na maihatid ng
malinaw ang mga salitang gagamitin at sasabihin
Ang susi ng ating diwa ay ang mga katagang sa mga gawain ng pagsasalita. Kaya’t ang guro ng
ating binibigkas. Ang pagsasalita ang susi rin sa wika ay dapat na may sapat na kaalaman sa tamang
pakikipagtalastasan sa kapuwa. Sa pamamagitan paggamit o pagbigkas ng wika. Maaaring gumamit
ng wika naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin ng recording ukol sa tamang pagbigkas upang mas
at nakapagpapaliwanag sa pamamagitan ng salita. lubos na malinang ang kasanayan sa pagsasalita
66 MALAY TOMO XXIII BLG. 2

ng mga mag-aaral. Isa sa suliranin sa pagsasalita sa binasa o pinanuod na materyal. Tulad ng naunang
ay ang kalidad ng bawat tunog sa iba’t ibang kasanayan, kakailanganin ang pagbuo ng isang
rehiyon sa Filipinas. Dahilan ito para pag-ibayuhin “repository” o “reservoir” ng mga kagamitan at
ang pagtuturo ng tamang pagbigkas ng mga salita materyales na nagtataglay ng mga tema na
sa mga mag-aaral. tumatalakay at nagpapahiwatig ng Filipinong
kaisipan, kultura, at lipunan.
Makrong-Kasanayan sa Pagbasa
Makrong-kasanayan sa Pagsulat
Ang kasanayan sa pagbasa ay hindi madaling
matamo. Tungkulin ng bawat guro ang paglinang Ang pagsulat ang pinakahuli at komplikadong
ng mga magagandang kaisipan ng bawat mag-aaral makrong kasanayan na pinauunlad ng isang mag-
na maganyak silang basahin ang tekstong wala pa aaral ng wika. Nakapaloob sa kasanayang ito ang
silang interes basahin. Malawakang pag-unawa sa lahat ng natutunang kaalaman sa nilalaman at
teksto ang unang dapat isaalang-alang sa teknikal na aspekto sa larangan ng pagsulat.
pagbabasa. May apat na antas ang taksonomiya. Nangangailangan ng masusing paghahanda upang
Ang una ay pag-unawang literal. Sa pag-unawang maisakatuparan ang bunga ng kasanayang ito. Hindi
ito, ang pokus ay sa mga kaisipang makikita sa lamang pinauunlad ng isang istandardisadong
texto kaya’t nangangailangan ng mas malawak at sistema ng pagsulat ang wika mismo. Tulad ng ibang
masinsing pag-iisip ang bawat mag-aaral. Ang inovasyon, may matinding bisa sa kultura at
epektibong pagbasa ay nangangailangan ng panlipunang organisasyon ang pag-unlad sa
mabilisang pagpoproseso ng pagbibigay kahulugan pagsulat. Nakagagawa ito ng mas pormal at
sa tekstong binasa (Barret 19-21). permanenteng tala. Napalilitaw at naitatala ang
May apat na bahagi ang paraan ng pagbasa. malay na pag-iisip dahil di-gaanong pabagu-bago
Una ay ang pagbasa ng paksa, pangalawa ang pag- at higit na pinag-iisipan ito kaysa sa oral na
unawa sa paksang binasa, ang pangatlo ay ang pananalita, mas mataas at mas kompleks (Darling
pagbibigay puna o reaksiyon sa binasa, at ang 40-43).
panghuli ay ang pag-uugnay ng natutunang Isa ring benepisyong dulot ng istandardisasyon
kaalaman sa binasa sa mga kaalamang natamo na. ng sist ema na p agsu lat ng wika ay ang
Kaya lang kapuna-puna ang hindi pagkahilig ng pagpapaunlad ng translation o pagsasaling-wika
mga mag-aaral ngayon sa pagbabasa. Mas nito sa ibang ganap nang napaunlad na wika sa
kinawilihan nila ang panunuod kaysa bumasa. Dahil mundo. Nagagawang maisalin sa Filipino ang mga
sa malawakang pagkalat ng teknolohiyang biswal, nakalimbag na panitikan, siyentipikong ulat na
lalong nabaling ang atensyon ng mga mag-aaral sa orihinal nakasulat sa ibang ganap na maunlad na
panonood kaysa pagbabasa. Hindi maisasantabi wika tulad ng Aleman, Pranses, at Ruso. Ang
ang penomenong ito kaya’t mahalaga ang paggamit leksikal na pagpapalawak sa pamamagitan ng
ng mga resources o materyales sa pagbasa na may panghihiram na ginagawang permanente ng pasulat
Filipinong kaisipan at kultura na nakapaloob sa na wika ay nagpapahintulot sa wika na saklawin at
wika at iba’t ibang larangan ng sining tulad ng ip ahayag ang mga p aksa at ko nsept o ng
drama, panitikan, at pelikula (Gray 34-36). sumasalamin sa patuloy na pag-unlad ng kaalaman.
Sa puntong ito, makatutulong ang masusing pag- Nangangahulugan din ito na nabibigyang-
aaral sa mga nilalaman ng mga gagamiting pagkakataon ang mga gumagamit ng wika na
materyales sa pagbabasa kasama na rito ang makilahok at mabiyayaan ng mga naturang pag-
materyales na may bersiyong biswal tulad ng mga unlad.
pelikula. Mahalaga ito upang magkaroon ang mag- Upang maging isang matagumpay na manunulat,
aaral ng pagkakataong malinang at matutunan ang kinakailangang matamo ng mag-aaral ang malawak
mga Filipinong kaisipan, kultura, at lipunan mula na kaalaman ang kasanayan sa pag-eedit. Ang
MAKRONG-KASANAYAN SA FILIPINOLOHIYA JOSEFINA C. MANGAHIS 67

constructivist approach ay ginagabayan upang Paggamit ng Makrong-kasanayan sa Pakikinig


maging epektibo ang mag-aaral sa pagsulat. at Pagsasalita
(Hedberg 15-29 ).
Kasabay ng pagpapaunlad sa kakayahan ng Ang pagpapaunlad ng kasanayan sa pakikinig
wikang magpahayag ng mataas na lebel ng at pagsasalita ay laging magkakambal. Nauuna nga
konsepto at proseso, pinayayaman din ng pagsulat lamang na nagagamit ang kasanayan sa pakikinig.
ang wika sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng Magagamit ang kasanayan sa pakikinig sa
iba’t ibang anyo ng nakasulat na diskurso tulad pamamagitan ng mga sumusunod:
ng mga akdang pampanitikan, di-pampanitikang
sanaysay, at mga istandardisado ng sulatin 1. Pakikinig sa mga naka-record na talumpati.
pambisnes/pangkalakal, legal, briefs, at iba pang Mula sa narinig na impormasyon, magagamit
istandardisadong diskurso na ginagamit sa iba’t ng guro ang pagsasanay tulad ng:
ibang propesyon.
Higit sa lahat, ang isang istandardisadong a. Malayang Talakayan. May nakahandang
sist ema ng pag su lat ay nap akahalag ang katanungan ang guro hinggil sa paksang
k asang kap an p ara sa p ag pap aunlad ng narinig. Sa pamamagitan ng katanungang ito,
pangmadlang lit erasi sa pamamagit an ng masusukat niya ang antas ng pag-unawa ng
publikasyon ng mga aklat at iba pang nakalimbag bawat mag-aaral sa pamamagitan ng
na materyales. Pinadadali ng isang opisyal na kasanayan sa pakikinig.
sistema ng pagsulat ang pagkatutong bumasa at b. Pangkatang Gawain. Magbabahagi ang
sumulat. Nasa atin ang patuloy na pagtataguyod bawat mag-aaral ng kani-kanilang kaisipan
ng isang wikang naghahangad ng pagbabago at batay sa narinig na paksa at bubuo ng
pag-unlad. Nasa atin ang pagpapanatili o pangunahing kaisipan. Sa pamamagitan nito,
pagpapayaman ng wikang ating kinagisnan. magkakaroon ng pagkakataong makinig at
Kapag pinigilan natin ang wika sa pag-unlad, ito’y magsalita ang bawat miyembro.
hindi magtatagal. Magiging madalang ang c. Pag gamit ng susing salit a. Mula sa
pagkakagamit dito kapag ikakahon ang isang napakinggan, maaaring palawakin ng mag-
wika. Nak akaho n sa kap ar aanang hind i aaral ang mga nakatalang susing salita na
tumatanggap ang mga gumagamit nito ng mga ibinigay ng guro.
salitang banyagang karaniwang ginagamit sa
pakikipag-ugnayan, talakayan, kalakalan, at sa 2. Pagpaparinig ng mga bahagi ng musika.
mga pampublikasyon at akademikong institusyon. Mapapaunlad ng mag-aaral ang kanilang
Mawawala sa daloy ng panahon ang isang wika kakayahang umunawa at gumawa ng
kapag ipinagkait ang pagkamalikhain sa larangan pagsusuri sa narinig na awitin at pag-uugnay
ng komunikasyon (Pitak Pahina Wikang Filipino nito sa narinig na paliwanag sa talumpati.
sa ika-21 Siglo). 3. Pagpaparinig ng mga napapanaho ng
Upang mas lalong malinang ang kasanayan sa patalastas. Sa pamamagitan nito, maiuugnay
pagsulat, dapat palawigin pa ang paggamit ng nga ng mag-aaral ang narinig na patalastas at
may temang nagpapahiwatig ng mga Filipinong makagagawa ng pagsusuri kaugnay sa
kaisipan at kultura at mapaunlad ang kasanayang talumpating narinig.
ito. Tulad ng nabanggit, kailangan ang palagiang
paggamit ng mga ito upang di ito pumanaw. Sa Paggamit ng Makrong-kasanayan
puntong ito, mapapalawig natin ang Filipinolohiya sa Pagsasalita
sa pamamagitan ng malikhaing paggamit ng mga
makrong-kasanayan sa pakikipagkomunikasyon. 1. Pagsasalaysay o pagkukuwento. Bilang
panimula sa kasanayan sa pagsasalita
68 MALAY TOMO XXIII BLG. 2

kaugnay sa paksang narinig. Dito masasanay ideya ng papel na ipinabasa o ang pagbuo
na magkuwento o magsalaysay ang mag- ng kongklusyon sa texto o papel na binasa.
aaral at unti-unting mahahasa ang kanilang 2. Pangkatang Pagbasa. Bumuo ng limang
kasanayan sa pagsasalita. miyembro sa bawat pangkat ng mag-aaral
2. Pagbuo ng pabilog na pangkat. Ang bawat at pumili ng aklat na kaugnay sa paksa. Sa
isang mag-aaral sa panloob na pangkat ay pamamagitan ng pagsasanay na ito higit na
bibigyan ng pagkakataong magsalita. Walang lalawak ang kaalaman ng mag-aaral sa
sinumang sasalungat sa pagsasalita ng bawat paksang tatalakayin.
isa sa pagsasanay na ito. Ang mga mag-aaral 3. Pagsasaayos ng pagkakasunod-sunod na
naman sa panlabas na pabilog na pangkat pangyayari. Matapos basahin ang paksa,
ang susunod na bibigyan ng pagkakataong pag-iiba ibahin ng guro ang kaayusan ng mga
magbigay puna sa paraan ng pagtalakay ng talata at pangungusap sa binasang paksa at
may akda. Sa pamamagitan ng paraang ito, isasaayos ng mag-aaral sa pamamagitan ng
mapapalawak ng mga mag-aaral ang paksa paglalagay ng bilang sa tapat ng mga
gamit ang kasanayan sa pagsasalita. pangungusap ayon sa paraan ng pagtalakay
3. Pagpili ng interesadong bahagi. Isa pang ng may akd a. Dit o masusuk at ang
pagsasanay na maaaring isagawa ng guro sa kakayahan ng mag-aaral sa wasto ng
kasanayan sa pagsasalita ay ang pagtatanong pagkakasunod-sunod ng kaisipan at pag-
sa bawat mag-aaral kung saang bahagi ng unawa sa binasa.
akda ang nagkaroon sila ng interes at 4. Pagpapabasa sa mga mag-aaral ng mga
ipaliwanag nila kung bakit ito ang kanilang nasaliksik na babasahin.
pinili. Isang paraan ito ng pagsasanay sa mag-
aaral tungo sa mabisang pagpapahayag. Paggamit ng Makrong-kasanayan sa Pagsulat
4. Pagsasadula. It o ay isang paraan ng
pagsasanay sa pagsasalita. Sa pamamagitan 1. Outlining o paggawa ng balangkas ng bawat
nito, maipakikita ng bawat mag-aaral ang paksa. Unti-unti nang mabubuo sa isipan ng
kanilang kakayahan sa pagsasalita at pag- mag-aaral ang paraan kung paano nabuo ang
unawa sa kontexto ng kanilang isinasadula. kabuuan ng textong binasa. Maaaring
5. Pakikipanayam/interbyu. Maaring itakda sa magbigay ng mga paksa ang guro na kaugnay
bawat mag-aaral na magsagawa ng interbyu sa mga binasang papel. Sa pamamagitan ng
sa mga taong may malawak na kaalaman sa pagt at ala ng mga nakalap na dat os,
paksa. makabubuo na sila ng draft o burador ng
kanilang sariling papel na ang ginagawang
huwaran ay ang mga binasang papel. Sa
Paggamit ng Makrong-kasanayan sa Pagbasa pamamagitan nito, maipapakita na ng mag-
aaral ang lahat ng kaisipang natutunan nila
1. QAR na binuo ni Raphael (516-523). Sa mula sa makrong kasanayan sa pakikinig,
pamamagitan nito maaaring bumuo ng mga pagsasalita, pangbasa, at ang huling
katanungan na makikita ang sagot sa texto. aplikasyon ay ang pagsulat.
Ang kasunod na katanungan naman ay 2. Pagsulat sa Journal. Isa sa mabisang paraan
nangangailangan ng pag-iisip ng mag-aaral sa pag-iimbak ng kaalaman at karunungan
na pag-ugnayin ang bawat bahagi ng textong ng bawat mag-aaral ay ang patatala ng lahat
binasa. Susundan naman it o ng mga ng ito sa isang kuwaderno na tinatawag na
katanungan na maaaring magmula sa sariling journal.
isipan at pananaw. Magagamit din sa literal 3. Pagpapakita ng video clips. Sa pamamagitan
na pagbasa ang pagbibigay ng pangunahing nito, pasusulatin ng guro ang mga mag-aaral
MAKRONG-KASANAYAN SA FILIPINOLOHIYA JOSEFINA C. MANGAHIS 69

ng kaugnayan ng mga ito sa paksang makrong-kasanayang nabanggit sa pagsulong ng


tinatalakay. mithiin ng Filipinolohiya na maitanyag ang Filipinong
4. Dugtungan. Sa pagsasanay na ito, magsusulat kaisipan, kultura, at lipunan sa iba.
ang guro ng panimulang pangungusap na
du dugt ungan ng mg a mag-aaral sa SANGGUNIAN
pamamagitan ng pagsulat ng talata tungkol
sa paksa. Badayos, Paquito B. Metotolohiya sa Pagtuturo
5. Pagtukoy ng sanhi at bunga. Sa pamamagitan ng Wika. Grandwater Publications. Makati
nito, maiaangkop ng mag-aaral ang mga City.1999. Nakalimbag.
teoryang natutunan sa pagtukoy ng sanhi at Barret, Thomas E. “The Barret Taxonomy,
bunga. Cognitive and Affective Dimension of Reading
Comprehension.” In A. M. Robinson (ed),
Sixty Seventh Yearbook of the National
KONGKLUSYON Society for tne Study of Education. Part 11,
Chicago, 111, University of Chicago Press.
Ang wika ay hinggil sa interaksiyon ng tao sa 1968. pp.19-23. Nakalimbag.
kapuwa. Nagaganap ang interaksiyong ito sa Bayley, K.M., & Savage, L. Teachers of English
kultura. Nakapaloob sa interaksiyong ito ang to Speakers of Ot her Lang uages.
pagpapalitan ng kaisipan gamit ang wika. Wika Alexandria,VA. 1994. Nakalimbag.
ang nagsisilbing instrumento o midyum upang Brown, Gillian, and Yule, George. Teaching the
maisakatuparan ang maayos at malinaw na Spoken Languege. Cambridge University
pakikipagtalastasan. Nakapaloob sa epektibong Press. 1983. pp. 27-29. Nakalimbag.
pakikipagtalasatasan ang wastong at malawak na Brown, H. Douglas,. A Practical Guide to
kaalaman ng gumagamit ng wika sa apat na Languege Learning. Mcgraw Hill. 1989.
makrong-kasanayan, ang pakikinig, pagsasalita, Nakalimbag.
pagbasa at pagsulat. Bygate, Martin. “Units of Oral Expression and
Upang maisakatuparan ang maayos at malinaw Language Learning in small group interaction.
na pakikipagtalastasan, mahalaga na malinang ang Applied Linguistics” 1988. (1): 59-82.
mga makrong kasanayan na kung saan mahalaga Nakalimbag.
ang wasto at malawak na kaalaman sa paggamit Casambre, Alejandro J. and Alcantara, Ruby G.
ng wika. Mahalaga ang mga bagay na ito para Husay sa Pakikinig Sa Tatlong Kontekstong
mapalawak lalo ang kaalaman tungko l sa Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang
Filipinolohiya na kung saan tinatalakay ang Filipino Unibersidad ng Pilipinas. 1998.
Filipinong kaisipan, kultura, at lipunan. Ang guro Nakalimbag.
ng wika ay may mahalagang papel na gagampanan Cope, B. & Kalantzis M. (Eds). The Powers of
sa paglinang ng mga makrong-kasanayan ng mag- Literacy. London: The Falmer Press. 1993.
aaral gamit ang elementong nakapaloob sa Nakalimbag.
Filipinolohiya. Malaking hamon ito sa mga guro na Covar, Prospero. Larangan: Seminal Essays On
paunlarin ang kakayahan ng bawat mag-aaral hindi Philippine Cult ure. Maynila: Nat io nal
lamang sa epektibo at mabisang komunikasyon Commission for Culture and the Arts, 1998.
kundi sa pagtatamo ng kaalaman at kaisapang Nakalimbag
maka-Filipino. Sa puntong ito, dalawang bagay ang Covar, Prospero. Tatlong Sanaysay. Contemporary
ating dapat matupad: una ay maisakatuparan ang Art Museum of the Philippines, 1988.
paglinang ng mga mga makrong-kasanayan sa Nakalimbag.
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat at ang Damen, Louise. Culture learning: The fifth
pangalawa ay maging epektibong behikulo ang mga dimension in the language classroom.
70 MALAY TOMO XXIII BLG. 2

Reading, MA: Addison-Wesley. 1987. pp. 337. Nartea, Remedios,V. “The Effect of Some
Nakalimbag. Variables on the Listening Comprehension of
Darling, Charles. “Darling’s guide to grammar and Speech1 Students in the Univeristy of the
good writing.” Available: Capital Community Philippines at Los Banos. Course paper,
Technical College http://webster.commnet.edu/ College of Arts and Sciences,University of the
HP/pages/darling/grammar.htm1997.pp.40-43. Philippines,Quezon City. 1977. Nakalimbag
Web Pearson, P. L., Marx C. M. R & Clark.
Dunkel, P. “Developing listening fluency in 1.2: “Comprehesion.” In. R. Barr. M. L. Kanil, P.
Theo ret ical principles and pedagogical Mosenthal & P. D. Pearson (eds) Handbook of
considerations.” The Modern Languege Reading Research Vol. 11 New York Longman.
Journal, 1986. 70(2), 99-106. Nakalimbag. 1991. pp. 815-860. Nakalimbag.
Goodman, Kenneth S. “Reading: A Psycholinguistic Raphael,Taffy E. “Teaching question-Answer
guessing game. Jo urna l o f R eadi ng relationship,revisited” The Reading Teacher.
Specialists, 6. Reprinted in Theoretical 1986. 39, 516-523. Nakalimbag.
models and processes of reading, ed. H. Richards, Jack. “Listening Comprehension”:
Singer and R. B. Rudell. Hillsdale, N. J. App ro ach, desig n, pr o cedur e. TE SOL
Lawrence Eribaum. 1967. Nakalimbag. Qua rterly, 17 1 983. (2) , 21 9-24 0.
Gray, William. S. On Their own Reading. Addison- Nakalimbag.
Wesley Educational Publishers, 1996. pp. 34- Richmo nd,V. P. at Mc. Croskey, J. C.
36. Nakalimbag. Communication: Apprehension: accordance,
Hedberg, J., Harper, B., Brown, C. & Corderoy, and effectiveness, 2nd ed., Scottsdale, AZ:
R. Exploring user interfaces to improve learning Go rsuch Scaresbrick.1989. pp.18-21.
outcomes. In K. Beattie, C, McNaught, & S. Nakalimbag.
Wills (Eds), Interactive multimedia in Rivers,Wilga M., and Temperly, Mary S. A
university education: designing for change Practical Guide to the Teaching of English
in teaching and learning. Amsterdam: as a Second Foreign Languege, Oxford
Elsevier. 1994. pp. 15-29. Nakalimbag University Press. 1978. Nakalimbag.
Jones, J. & Bonanno, H. (1). Measuring the Rousseau, Jean Jaques. The Social Contract And
academic skills of University of Sydney other Discourses. New York: Dutton . 1950.
students: the MASSUS Project final report. Nakalimbag.
University of Sydney: Learning Assistance Tutolo, Daniel J. “Effect of Question Position,
Centre. 1995. p. 2. Nakalimbag. Question Facing Intelligence On Recalls of
Lobitana, Evelyn M. “The Effects of Language Factual Prose Materials in Listening”
Variation and Other Selected Variables On Do ct o ral Dissertat io n abst racted fro m
Listening Comprehension.” M. A. Thesis, Dissertation Abstracts, p. 3158-A
College of Arts and Sciences, University of the Venut i, Gemma Leigh. T he S cand als of
Philippines. Quezon City. 1981. Nakalimbag. Translation. London & New York: Routledge.
1998. Nakalimbag.

You might also like