Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Wanted: Leader

5 Minute Catechesis – 13 May 2018


TEXT
1 Gud ___ po. Narito na naman ang panahon kung kailan tayong mga
mamamayan ay kailangang pumili ng ating mga lider. Nakakalungkot isipin
na para bang ang pagpili ng mga namumuno sa atin ay binabale-wala ng iba.
Pumipili tayo dahil lang kilala, kaibigan, o random na lang. Toss-coin, ba.
2 Bagama’t mayr’on tayong prinsipyo ng pagkakahiwalay ng estado o
gubyerno’t simbahan, maari naman nating gamitin ang panuntunan ng ating
pananampalataya sa pagpili ng ating mga pinuno. Sa Simbahan o sa
pamahalaan man, may mga katangiang dapa’t sana’y hinahanap natin sa
ating mga pinuno. Makikita natin sa Bibliya mismo ang maaring gawing
batayan at pamantayan sa ating pagpili ng ating mga pinuno.
3 Sa unang liham ni San Pablo kay Timoteo (1 Tim 3), naglista siya ng mga
kanais-nais na katangian ng lider ng simbahan. Hindi man para sa simbahan
ang gagawin nating pagptili ng mga pinuno, maaari naman nating gawing
batayan ang ilan sa mga katangiang inilarawan ni San Pablo upang
magabayan din tayo sa ating mga pagpili.
4 Sabi ni San Pablo, ang lider ay naghahangad ng marangal na gawain.
Dalawang katangian kaagad ang napapaloob dito. Una, ang pagiging tapat at
malinis sa anumang gawain na siyang magpapatunay ng kanyang karangalan.
Pangalawa, ang sipag at tyaga sa pag-iisip at pagpapatupad ng mabuting
gawain para sa kanyang pinaglilingkuran. Wala kasing saysay ang pagiging
marangal kung hindi naman ito sasamahan ng sipag sa gawain.
5 Sabi rin ni San Pablo, ang lider, dapat ay hindi marahas, hindi palaaway at
hindi maibigin sa salapi. Kumbaga, ang lider ay hindi namumuno dahil sa
kapangyarian o kayamanan.
6 Isa pang katangian ng mabuting lider ayon kay San Pablo ay yung marunong
mamahala sa sarili niyang pamilya’t sambahayan. Sapagka’t kung hindi siya
maayos sa kanyang sambahayan, paano pa siya magiging mabuting
tagapangasiwa o steward ng bayan? Kung kaya’t ang lider ay maayos
magplano, marunong magpatakbo ng proyekto, tapat at makatarungan sa
kanyang mga desisyon, at niasasaayos ang pananalapi upang magamit sa
kapaki-pakinabang na bagay o gawain.
7 At hindi man sinabi ni San Pablo, ay ipinakita naman niya na ang isang
napakahalagang katangian ng isang lider ay ang pagpapakumbaba. Bagama’t
marami ang tumitingala sa Kanya bilang isang mabuting alagad ni Hesus, ay
sinabi niya sa 1 Corinthians 15:9 na siya and “pinakahamak na Apostol” at ni
hindi siya karapat-dapat na tawaging Apostol.
8 Ang kababaang loob, marahil higit sa lahat, ang katangiang magpapanatili sa
isang lider upang makapaglingkod nang maayos. Ito’y sapagka’t ang taong
may mababang loob ay hindi nag-aakalang siya lang ang magaling at ang
katwiran niya lang ang pinakamainam. Siguro, isang dahilan kung bakit
nagkakaroon ng mga diktador na pinuno ay sapagka’t inaakala nilang ang
ideya lang nila ang tama at sa iba’y mali.
9 Para sa ating mga sumasampalataya, nais nating ang ating lider ay may
katangian din ng pinakadakilang lider sa lahat, walang iba kundi si Hesus.
Mapagkumbaba subalit may malasakit. Hindi marahas subalit ipinaglalaban
ang katotohanan. Nakikinig subalit pinakikinggan at iginagalang. At higit sa
lahat, nagsasakripisyo subalit may matibay at siguradong misyon para sa
kabutihan ng lahat.
10 Kailan lamang, noong nakaraang Kwaresma, inalala natin at sinariwa ang
pagpapakita ni Hesus ng isang natatanging paraan kung paano mamuno.
Ito'y sa pamamagitan ng paghuhugas ng paa ng Kanyang mga apostol. Sabi
nga ni San Agustin, "Ang nagnanais umakyat ay dapat munang matutong
bumaba." Kaya pala bago umakyat si Hesus sa langit, Siya'y bumaba muna sa
lupa, sumunod sa kagustuhan ng Kanyang Ama, naglingkod sa mga tao, at
ibinigay ang sarili para sa kapakanan ng lahat.
11 Kaya sana po, sa ating pagpili ng pinuno, suriin natin at itanong, Marangal ba
ang taong ito? May mabuti ba siyang hangarin? Mabuti ba siyang
tagapangasiwa o steward ng kanyang sambahayan? Mayroon ba siyang
malasakit? At higit sa lahat, kaya ba nyang maghugas ng paa ng kanyang
kapwa? Happy Ascension Sunday po sa lahat.

You might also like