Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Pamilya ni Rizal

Magulang:

FRANCISCO MERCADO (Francisco Engracio Rizal


Mercado y Alejandra II):
Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal,
ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818
sa Biñan, Laguna. Siya ang pinakabata sa labintatlong
anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado.
Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa
Colegio de San Jose sa Manila at dito niya nakilala
ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda
na doon din nag-aral. Binuhay niya ang pamilya
nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga
bugas, tubo, at iba pang mga pananim.
Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose Rizal. Namatay si Francisco Mercado
noong
Enero 5, 1898.

TEODORA ALONSO (Teodora Morales Alonzo Realonda


de Rizal y Quintos):
Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose Rizal na ipinanganak
noong ika-9 ng Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo,
Manila. Siya ang ikalawang anak nina Lorenzo Alonso at
Brijida de Quintos. Galing sa may-kaya na pamilya, nag-
aral siya sa Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay
naging edukado. Dalawampung taong gulang siya nang
ikasal sa tatay ni Jose Rizal na si Francisco Mercado at
tumira sila sa Calamba, Laguna. Si Teodora ay naging isang masipag
at dedikadongina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal. Sa Calamba, nakibahagi
ang kanyang pamilya sa agrikultura. Bilang nanay ng kalaban ng Espanyol,
nakulong siya sa loob ng dalawa't kalahating taon dahil pinagbintangan siyang
nilason niya ang asawa ng kanyang kapatid at iba pang mga pagpapahirap. Dahil sa
malabong mga mata ni Teodora, napag-isipan ni Jose Rizal na mag-aral ng
medisina. Namatay si Teodora Aquino noong ika-16 ng Agosoto 1911 sa Calle San
Fernando, Binondo, Maynila dahil sa kaniyang kahinaan.

Mga Kapatid:

SATURNINA RIZAL:
Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid.
Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng.
Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at
siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong
ang kanilang ina na
si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas.
Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto.

PACIANO RIZAL (Paciano Rizal Mercado y Alonso


Realonda): Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose
Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851 sa Calamba,
Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang magkakapatid.
Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang
makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose, pinadalhan
niya ng pensiyon at sinulatan niya para mabalitaan si Jose
tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang pamilya.
Nag-aral si Paciano sa Colegio de San Jose sa Maynila. Naging guro at kaibigan
niya si Fr. Jose Burgos. Sumali at sinuportahan ni Paciano ang Propaganda
Movement for social refroms at ang diyaryo ng kilusan, Diariong Tagalog.
Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro galing sa
Laguna. Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng Revolutionary
Army at naging military commander din ng revolutionary forces sa Laguna noong
Philippine-American War. Dahil dito, hinuli siya ng mga Amerikano.
Namatay si Paciano ng siya'y 79 dahil sa tuberculosis.
Narcisa Rizal: Ang Pinakamatulunging Kapatid na Babae ng Bayani
Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may
palayaw na “Sisa”. Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal.
Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa pag-aaral ni Rizal
sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at
ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan
and pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos ng mga tula at
isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si Sisa ang
pinakamatulungin sa kanilang pamilya. Nang ang kanilang
mga magulang na sina Don Francisco at Doña Teodora ay itinaboy sa kanilang
tahanan, si Sisa ang kumupkop sa kanila. Kahit na ang kasintahan ni Jose Rizal na
si Josephine Bracken ay pinatira niya sa kanyang tahanan sapagkat pinaghinalaan
siya ng pamilya Rizal na isang espiya ng mga paring
Espanyol. Kaya’t noong taong 1896, habang siya ay nakapiit sa barkong “Castilla”
na nakadaong sa Cavite ay nagpadala ng liham ng pasasalamat si Jose Rizal sa
kapatid na si Sisa sa pagpapatuloy kay Bracken sa kanyang tahanan.

Si Sisa rin ang matiyagang naghanap ng lugar kung saan si Jose Rizal ay inilibing
na walang kahon at walang pangalan para pagkakilanlan kaya nagbigay siya ng
aginaldo sa namamahala sa mga libingan para lagyan ng markang “RPJ” na siyang
titik ng mga pangalan ni Jose Rizal. Pagkaraan ng maraming taon ay hinukay ni
Sisa at mga kaanak ang mga labi ni Jose Rizal.

Si Sisa ay ikinasal kay Antonino Lopez, isang guro at musikero mula sa Morong,
Rizal. Dahil sa pinatira nila ang mga magulang ni Sisa at Jose sa kanilang tahanan,
sila ang pinuntirya ng mga Espanyol. Tinakot siya na ibabalik sa pinanggalingan at
sinira ang kanilang tahanan bukod pa sa kinuha ng sapilitan ang kanilang mga ari-
arian.

Si Narcisa at Antonino ay nabiyayaan ng walong anak. Ang anak nilang si Antonio


na ipinanganak noong 1878, na namatay noong 1928 ay pinakasalang ang kanyang
pinsang buo na si Emiliana Rizal, na anak ng kapatid ni Sisa na si Paciano kay
Severina Decena. Ang anak na babae ni Sisa na si Angelica na dumalay kay Jose
Rizal sa Dapitan ay sumapi sa Katipunan pagkatapos na patayin ang kanyang
amain na si Jose Rizal.

Sa isang panayam ni Ambeth Ocampo sa mga guro ni Sisa ay ipinagtapat nila na


ang kanilang lolo Antonio ay anak ng prayleng si Leoncio Lopez, and kura paroko
ng Calamba, kung saan ay siya pinagbasihan ni Jose Rizal ng katauhan ni Padre
Florentino sa El Filibusterismo. Napag-alaman din na pagkatapos ng kasal nina
Narcisa at Antonino ay tumira sila sa simbahan ni Padre Lopez at minana ni
Antonino ang lahat ng aklat at pag-aari ng namatay na pari.

Si Narcisa Rizal ay sumakabilang-buhay noong 1939.

OLYMPIA RIZAL

Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya


ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre
Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay
biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang
kamatayan noong taong 1887.

Lucia Rizal: Kahati sa mga Paghihirap ng Bayani


Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa
pamilya Rizal. Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng
Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol
sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa
sa kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang
mag-asawa ay minsan nang nagatulan na itapon sa ibang
bansa kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal.

Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong Mayo, 1889. Hindi siya


binigyan ng isang burol Katoliko sa dahilang hindi siya nangumpisal mula nang
ikasal kay Lucia. Sa artikulo na isinulat ni Jose Rizal na “La Solidaridad Una
Profanacion” ay binatikos niya ang mga pari na tumangging ilibing sa maayos na
libingan ang isang mabuting Kristiyano dahil lamang sa siya ay bayaw ni Jose
Rizal.

Noong Disyembre 1891, ang balong si Lucia ay isa sa mga dumalo sa


pulong ng pamilya sa Hong Kong na isang reuniyon. Sinamahan niya si Jose Rizal
pabalik ng Maynila ng Hunyo ng sumunod na taon. Mula ika-6 hanggang ika-15
ng Hulyo 1892, si Jose Rizal ay ikinulong sa Fort Santiago at ipinatapon sa
Dapitan pagkatapos sa tahi-tahing kasinungalingan na may mga babasahin laban sa
mga pari na nakuha sa mga bagahe ni Lucia noong nagbiyahe siya sakay ng
barkong Don Juan.

Ang mga anak nila Lucia at Mariano ay sina Delfina, Concepcion,


Patrocinio, Estanislao, Paz, Victoria, at Jose. Si Delfina na ipinanganak noong
1979 at namatay noong 1900 ay naging sikat bilang isa sa tatlong babae na
kinabibilangan nina Marcela Agoncillo at anak na si Lorenza na tumahi ng ating
watawat. Si Delfina ang unang asawa ni Heneral Salvador Natividad ng
Rebolusyon ng Pilipinas. Sina Teodosio (Osio) at Estanislao Tan ay naging mga
estudyante ng kanilang amain na si Jose Rizal sa eskuwelahan na kanyang itinatag
sa Dapitan.

Maria Rizal

Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at


nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay si Daniel
Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na si Maria
daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na
pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945.

Concepcion Rizal: Ang Unang Pagdadalamhati ng Bayani

Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si


Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na
tatlong taon, noong 1865. Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid.

Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni


Jose o “Pepe” Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at
lagging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya
naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na
babae.

Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si Jose Rizal
at isinulat niya na noong siya ay apat na taong gulang ay nawalan siya ng kapatid
na babae at sa kauna-unahang pagkakataon ay naiyak siya sa panghihinayang sa
pagkawala ng kapatid na kayang minamahal.

Napakarami rin ang namatay nang bata pa noong mga panahong iyon.
Mahigit na sampung mga pamangkin na babae at lalaki ni Jose Rizal ang binawian
ng mga buhay sa murang edad.

JOSEFA RIZAL

Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya


ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay kilala rin bilang si
“Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat
ng mga mensahe. Siya ay nagsulat para kay Josefa na ang laman
ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang kaalaman
sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente
pesos ngunit ang 10 doon ay para dapat sa lotto.

Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa


niya pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal
bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa mga orihinal na miyembro
ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.

Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945.


Trinidad Rizal: Ang Katiwala ng Pinakasikat na Tula ng
Bayani
Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal.
Siya ay ipinanganak noong 1868 at namatay noong 1951. Ang
palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtago at tagapamahala
na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose Rizal.

Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay Trining at isinasalaysay


niya na ang mga babae sa Alemanya ay masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si
Trining na habang bata pa ito ay dapat magbasa nang magbasa ng buong puso.
Pinangaralan niya ito na huwag hayaang ang katamaran ang mamayani dahil
napuna ni Jose Rizal na wala sa loob nito ang pag-aaral. Sinabi niya na kaunting
tiyaga lamang at siya ay magtatagumpay. Makaraan ang apat na taon ay nagulat na
lamang si Jose Rizal nang makatanggap siya ng liham mula kay Trining. Ipinaalam
nito na nakapagtapos ito ng Kolehiyo, dalawang taon at isa’t-kalahating buwan na
ang nakakaraan.

Noong Agosto 1893, si Trinidad kasama ng kanyang ina ay namuhay


kasama si Jose Rizal sa “casa cuadrada” o “square house” (bahay kuwadrado).
Naitala na minsan ay pinag-isipan o pinagplanuhan ni Trining na patakasin si Jose
Rizal sa pagkakakulong. Noong Enero 1896 ay inanyayahan ni Jose Rizal si
Trining na bumalik sa Dapitan. Ang suliranin ni Jose Rizal ay kung sino ang
mapapangasawa ni Trinidad sa Dapitan, dahil ang pook na iyon ay halos parang
walang tao at walang kabuhay-buhay. Minsan ay sumulat si Trining kay Jose Rizal
na nabasa nito ang sulat sa kapatid nilang si Paciano, na kinukumusta si Trining
kung nakakasundo nito si Senyora Panggoy kung saan siya ay namamasukan.
Sinabi ni Trining na salamat sa Diyos sila’y magkakasundo at nabubuhay nang
tahimik.

Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay namuhay nang magkasama


hanggang sila’y namayapa at parehong hindi nag-asawa.

Bago namatay si Jose Rizal ay dinalaw siya ni Trining at ng kanilang ina sa


kanyang piitan sa Fort Santiago. Nang sila’y paalis na ay inabot ni Jose Rizal ang
isang lampana, isang regalo mula sa mga Pardo de Tavera at ibinulong sa kanya sa
wikang hindi naunawaan ng mga kawal na nakabantay sa kanya na ang lutuan ay
mayroong bagay na nakatago doon at iyon ay ang kanyang huling tulang isinulat.

Tulad ni Josefa at dalawang pamangkin, sumapi sa Katipunan si Trinidad


matapos ang kamatayan ni Jose Rizal.

Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang


buwan mula Abril hanggan Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at dinapuan
pala siya ng sakit na malaria. Siya ang pinakahuling namatay sa pamilya Rizal.

SOLEDAD RIZAL

Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at


ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang
Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang
guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang
magkakapatid. Siya ay sinabihan ni Rizal na dapat siya
ay isang maging magandang huwaran para sa mga tao,
ito ay nakasulat sa mensahe noong 1890.

Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa kanilang pamilya. Ang


kanyang napangasawa ay si Pantaleon Quintero na taga-Calamba Laguna rin
ngunit sila’y nagpakasal nang walang permiso sa kanyang mga magulang. Di sang-
ayon si Rizal dito kaya’t ginamit niya ang paksang ito at nagsulat at sinabi niya sa
mensahe niya na isang kakahiyan sa pamilya Rizal ang pagpapakasal ng kapitid
kay Pantaleon.

Isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na kontrobersyal dahil sa kumakalat
na balita na hindi raw totoong anak ni Teodora at Francisco si Choleng kung ‘di
kela Saturnina at Jose Alberto na kapatid ni Teodora.

Si Choleng at Pantaleon ay nagkaroon ng limang anak na sina Trinitario,


Amelia, Luisa, Serafin at Felix. Ang kanyang anak na si Amelia ay napangasawa si
Bernabe Malvar na anak ni Gen. Miguel Malvar.

Kabataan ni Rizal
June 19, 1861, isinilang ang ating Heroe Nacional na si Jose Protacio
Rizal Mercado y Alonso Realonda, Pepe Rizal, sa Calamba, Laguna, sa
pagitan ng alas onse at alas dose ng gabi.

Kahit pampito na sa labing-isang magkakapatid mula kina Francisco


Rizal Mercado at Teodora Alonso, lubos na nahirapan ang ina sapagkat
bagama’t maliit ang bata, napakalaki ng kanyang ulo. Isa silang
maykayang pamilyang negosyante at magsasaka na nangungupahan sa
Hacienda ng mga prayleng Dominikano. Makikita ang katayuan nila sa
buhay sa itsura pa lamang ng kanilang bahay na bato at sa lokasyon na
ito na katabi mismo ng plaza at ng simbahan.

Tatlong araw matapos maisilang, sinabi ni Padre Rufino Collantes


habang binibinyagan niya si Pepe, “Lolay, tandaan mo ito. Alagaan
mong mabuti ang batang ito, at siya’y magiging malaking tao.” At iyon
naman ang ginawa ng ina.
Siya ang naging pinakaunang guro ni Pepe. Si Doña Lolay ay pambihira
sa mga babaeng india noon. Siya ay nakapag-aral sa Colegio de Sta.
Rosa sa Intramuros at pinag-aral din niya maging ang mga anak niyang
babae sa Maynila. Kaya naman naituro niya kay Pepe ang pagmamahal
sa karunungan, binabasahan siya sa tuwing gabi ng isa sa koleksyon nila
ng mga isanlibong aklat.
Ang ama naman niyang si Don Kikoy ay pinatayuan siya ng mga maliliit
na bahay kubo sa kanilang bakuran upang mapaglaruan niya at
maging workshop niya sa kanyang paglilok at pagpinta.
.
Wala ring Rizal na bayani kung wala ang paggabay sa kanya ng kanyang
Kuya Paciano, isang makabayang kaibigan ng binitay na si Padre
Burgos, na nagturo sa kanyang mahalin ang bayan, at ang kanyang mga
kapatid na babae, ilan sa kanila magiging kasapi kasama ni Paciano ng
Himagsikan.

Kaya medyo spoiled marahil dahil nasa kanya lahat ng pansin dahil siya
ay bunsong lalaki. Ngunit sa aking palagay, may isang hindi gaanong
nababanggit na dahilan kung bakit kahit na nagmula siya sa isang
mayamang angkan, hindi nawala ang kanyang koneksyon sa
bayan. Kahit sa kanyang alaala ng kabataan, Memorias de un Estudiante
de Manila, prominente ang role ng kanyang yaya na habang siya’y nasa
azotea at naghahapunan sa ilalim ng buwan, habang nakikita ang
Bundok Makiling, bigla na lamang siyang tatakutin ng aswang, o
kukwentuhan ng mga tungkol sa nuno.

Iba rin itong trip ni yaya, ilalabas si Pepe sa gabi malapit sa ilog sa
ilalim ng mga punungkahoy at doon itutuloy ang
pagkukuwento. Lumabas ang mga ito sa kanyang mga
nobela. Nakakantsawan man kung minsan dahil daw malaki ang
kanyang ulo noong siya ay bata pa at ayon kay Ante Radaic ay
nagkaroon ng inferiority complex tulad ng marami sa atin, tinugunan
niya ito sa pag-aaral ng mabuti at pagiging malusog at aktibo.

Isang huwaran para sa ating lahat. Sa pagkabata maaari nang magsimula


ang kabayanihan. Nagbigay si Pepe ng pagmamahal sa bayan dahil
nagkaroon siya ng sapat nito sa kanyang tahanan.

Pag- aaral ni Rizal


Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa
kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya
naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna
upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz.
Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na
pag-aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na
kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang
salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa
paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at
notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya
natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang
sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan
sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang
agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang
kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas)
pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong
Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at
mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong
mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya
sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay
natapos niya ang karerang Medisina, bilang “sobresaliente”
(napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa
Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa
paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo
siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng
wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman
gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe,
Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo,
Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at
iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Ang Paglalakbay ni Rizal


Hindi siya nasiyahan sa kanyang pag-aaral sa Pamantasan ng Santo
Tomas -sa kanyang palagay, ang kanyang propesor ng Dominiko ay galit
sa kanya, may mababang tingin sa mga Pilipino at ang kanilang tinuturo
ay masamaat makaluma Dahil sa mga ito, siya ay pinayuhan ning
Antonio Rivera, Paciano at Saturnina na mag-aral ng medisina sa ibang
bansa.
MGA PINUNTAHANG BANSA: Mayo 8, 1882- Singgapor ·
dinalaw ang mga makasayasayang pook, ang hardin botaniko, mga
templo atmga tanghalan ng sining
Hunyo 15, 1882- Barcelona · hindi nasiyahan dahil siya’y sanay sa
malalaki at magagandang otel at magalang na pakikitungo sa mga
panauhin · sinulat niya ang “Amor Patrio” o “Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa”
Setyembre- Madrid · Universidad Central de Madrid (Medisina,
Pilosopiya at Panitikan) · Academia de San Fernando (pagpinta at
eskultura) · Umibig siya dito kay Consuelo na anak ni Don Pablo Ortega
y Rey na nagging alkalde ng Maynila · Isinulat ang “A La Senorita C. O.
y R.” o “Kay Binibining C. O. at R.” · Natamo niya ang lisensya sa
panggagamot sa Pamantasang Sentral ng Madrid (Hunyo 21, 1884) ·
Nagwagi si Rizal sa isang paligsahan sa wikang Griyego (Hunyo 25,
1884) · Pumunta siya sa handaan handog kina Juan Luna at
Resurreccion Hidalgo para magbigay ng isang talumpati. Pagkatapos ng
handaan ay hinanda ni Rizal ang kanyang pagsulat ng unang kabanata ng
Noli Me Tangere. · Natapos niya ang kanyang pag-aaral sa Pamantasang
Sentral ng Madrid sa Pilosopiya, Medisina at Panitikan ngunit hindi niya
nakuha ang kanyang diploma sa pagkadoktor.
Oktubre 1885- Paris · Naging katulong at mag-aaral sa klinika ni
Dr. Loius de Wicker na isang Pranses at magaling na manggagamot sa
mata
Pebrero 3, 1886- Heidelberg (lungsod ng mga mag-aaral at ng
industriya) · Pamantasan ng Heidelberg · Nagtrabaho sa klinika ni Dr.
Javier Galezonsky, taga- Poland at isa ring doktor sa mata · Nag-aral din
kay Dr. Otto Becker, isang Aleman na tanyag din sa paggamot ng mga
karamdaman sa mata
Oktubre 29, 1886- Berlin · Naging katulong sa klinika ni Dr. R.
Schulzer, isang Alemang manggagamot sa mata · Nag-aral dito tungkol
sa panggagamot ng mga karamdaman sa mata, agham at wika ·
Nakisalamuha sa mga siyentipiko at iskolar na mga Aleman · Tinapos
niya dito ang Noli Me Tangere
Mayo 13, 1887- Austriya Pebrero 8, 1888- Hong Kong · Natuwa
sa mga sa panonoos ng mga palabas-dulaan ng mga Intsik
Pebrero 22- 1888- Hapon · Nalaman ang kulutura ng mga Hapon
lalo na ang wika ng mga ito · Umibig kay O Sei Keio
Abril 28, 1888- San Francisco Mayo 6, 1888- Oakland Mayo 24,
1888- Liverpool
Mayo 25, 1888- Londres Inanyayahan ni Dr. Rost na sumulat sa
Trubner’s Record Nag-aral tungkol sa kasayasayan ng Pilipinas lalo na
ang dahilan kung bakit mababa ang tingin ng mga Kastila sa mga
Pilipino Setyembre 1888- Paris Hinanap ang Bibliothique Nationale
Disyembre 11, 1888- Espanya Kinamusta ang mga kababayan
Disyembre 23, 1888- Londres Naakit kay Gertrude, anak ng may-ari ng
kanyang inuupahang bahay Nililok ang tatlong ulo ng magkakapatid na
Beckett
Marso 1889- Paris Nagsasaliksik pa rin tungkol sa kasaysayan ng
Pilipinas Nag-iskrima sa isang himnasyo Nagplano na magtayo ng
eskwelahan para sa mga lalaking Pilipino

Pag-ibig ni Rizal
JULIA
Noon ay buwan ng abril, 1877. Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa
Los Baños, Laguna upang maligo. Doon nya nakita ang isang
magandang babae na nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni
Julia ang nakakintal sa isipan ni Rizal subali't tulad ng iba pang
kabataan, ang paghanga ring nalimutan nang makakilala siya ng isang
dalagita ring taga-Lipa Batangas.
SEGUNDA KATIGBAK
Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang
dalagitang taga-Lipa, Batangas. nakilala ni Rizal ang
dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang
lola noong buwan ng disyembre 1877, sampung
buwan matapos makilala nya si Julia. Inilarawan ni
Rizal si Segunda na may mahabang buhok, matang nangungusap na
maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang pagkakataon,
malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang
ngipin at may kilos na malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan
ni Rizal na iguhit niya ang larawan ni Segunda na kanya namang
pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag-iibigan.
Pinigilan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid
niya na naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz, subali't
nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito.

VICENTA YBARDALOZA
Ang sakit na nadama ni Rizal sa paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang
pinawi sa pagdalaw sa dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na
tinatawag niyang binibining L. Sinabi ni Rizal na mas matanda ito sa
kanya, maputiat nagtataglay ng mga matang kaakit-akit. Pinaniniwalaan
na ang babaing ito ay ang gurong si Vicenta Ybardaloza. Madalas na
dalawin ni Rizal si binibining L bagamat ang puso niya ay patuoloy na
nagungulila kay Segunda. nahinto lamang ang pagdalaw niya kay Bb. L
nang pagbawalan siya ng kanyang ama.
LEONOR VALENZUELA
Nang ikalawang taon niya sa UST ay nakilala niya si
Leonor na kapit-bahay ng may-ari ng bahay na
tinutuluyan ni Rizal na si Doña Concha Leyva.Si
Leonor ay anak nina Kapitan Juan at ni kapitana
Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng sulat, at
upang hindi malaman na sila'y may kaugnayan,
tinuruan ni Rizal si Leonor sa pagsulat na ang tintang
ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang kanilang pag-
iibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang
magkaibigan.

LEONOR RIVERA
Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo
ang landas ni Rizal at ni Leonor Rivera nang ipagsama
ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang
tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor.
Ang pagmamahalan sa isa't isa ay naramdaman nila
nang masugatan si RIzal sa isang pag-aaway ng mga
estudyante sa UST at ito'y ginamot ni Leonor. Siya ay
inilarawan na may maputing balat, alon-along buhok na mamula-mula,
may maliit na bibig, may kalakihan at maitim na mata at mahahabang
pilikmata, iong na may katamtamang tangos, ngiting binabagayan ng
dalawang biloy sa mala-rosas na mga pisng, matamis na tinig na
binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Matagal nagkawalay ang
dalawa nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si
leonor Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina.
Namatay sa panganganak si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893
ngunit may sinasabing namatay din siya dahil sa
kalungkutan.

CONSUELO ORTEGA y REY


Si RIzal ay hindi naman kagandahang lalaki ngunit nagtataglay ng
maraming talento kaya't nagustuhan siya ng magandang anak ni Don
Pablo sa Madrid na si Consuelo. may dalawang dahilan kung bakit
umayaw si Rizal sa relasyon nila,May kasunduan na sila ni Leonor. Ang
kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si Eduardo de Lete ay
may gusto din kay Consuelo.

SEIKO USUI
Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay 27. Nagsimula ang
pag-iibigan nila nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng
Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seiko
kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi
gaanong marunong ng wikang niponggo ay pinipilt niya
para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng
wikang pranses at ingles. Doon na sana titira sa Japan si Rizal ngunit
mas nanaig ang misyon niya na na pagpapalaya sa Pilipinas. Taong 1897
matapos mamatay ni rizal ay nagpakasal si Seiko kay Alfred Charlton,
isang British guro ng chemistry.Namatay si Seiko noong May 1, 1947.
GERTRUDE BECKETT
Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay na tinirhan ni
Rizal nang magtungo siya sa London. Inilarawan ni
Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na
buhok, asul na mata at mapupulang pisngi. HIndi rin
nagtagal at umalis siya sa London upang
makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang
misyon a Maynila.

SUSANNE JACOBE
Isa sa dalawang dahilan kung bakit masaya si Rizal
nang umalis ng Belgium. Noong Abril, 1891
pagkatapos isulat ang El Filibusterismo ay bumalik
siya sa Belhika na ikinatuwa naman ni Susanne
Jacobe.

NELLIE BOUSTED
Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon,
may mataas na moralidad at totoong Filipina. May
dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal
si Nellie na magpakasal:
 Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.
 Ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong
protestantismo na gusto naman ni Nellie
JOSEPHINE BRACKEN
Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876.
ang kanyang mga magulang ay sina James
Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish.
ngunit namatay ang ina nya sa panganganak
kaya't inalagaan siya ni Ginoong George Taufer.
Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang isang
babaeng irish na 18 taong gulang, may gintong
buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni
Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas
ng isang buwan nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito
ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta
siyang magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik
din si Bracken sa Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit
tinanggihan ito ni Padre Obach kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal
ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang
kanilang anak na walong buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni Rizal
na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay niya muna ang librong
imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine 2
taon matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.

Ang Buhay ni Rizal sa Dapitan


Noong Hulyo 15, 1892, nakarating sa Dapitan si Rizal at ipinagkaloob
siya kay Don Ricardo Carnicero y Sanchez, ang komandante ng
hukbong Espanyol sa lugar. At kasama ng pagbìbigay na iyon ang isang
sulat, na bukod sa mg̃a iba’t ibang bagay, ipinag-uutos sa Gobernador na
patirahin si Rizal sa kumbento roon ng mga Heswita, at kung sakali ay
hindi mangyari ito, ay doon siya patirahín sa bahay ng Gobernador. Dala
din ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells, ang superior ng mga
Heswita, para kay Padre Antonio Obach, ang paring Heswita sa Dapitan.
Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon upang si Rizal ay makatira
sa kumbento. Ang mga kodisyong ito ay ang sumusunod: Una, hayag na
tatalikdan at pagsisisihan ni Rizal ang kanyang mga sinabi laban sa
relihiyong Katolika, at maghahayag siya ng mga pagpapatotoong iniibig
niya ang Espanya at kinalulupitan niya ang mga kagagawang laban sa
Espanya; ikalawa, na bago siya tanggapín ay gagawa muna siya ng mga
“santo ejercicio” at tsaka “confesión general,” ng kanyang dinaanang
buhay; at ikatlo, na sa haharaping panahon ay magpapakagaling ng asal,
na ano pa’t siya'y maging uliran ng iba sa pagka masintahin sa
relihiyong Katolika at sa Espanya. Dahil hindi siya pumayag sa mga
nasabing kondisyon, pansamantala siya tumira sa kuwartel na
pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na kanyang naging kaibigan.
Noong Setyembre 21, 1891, nakatanggap sina Rizal, Carcinero at
isang Espanyol ng Dipolog ang gantimpala na ang kanilang ticket bilang
9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000. Ang naging hati ni
Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay
Jose Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili
ng lupa sa Talisay na isang kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.
Hindi naglaon ay tumanggap si Rizal kay Padre Pastells ng isang
librong sinulat ng presbíterong si Don Felix Sara y Salvany, at sa handog
na iyo'y nagpasalamat si Rizal at nangakong tutumbasan ito, bagay na
tinupad niya noong ika-15 ng Enero ng 1893, na nagpadala naman siya
kay Padre Pastells ng isang marikit na eskulturang larawan ni San Pablo,
na canyang ginawa. Nagkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at
Pastells ukol sa usapin ng relihiyon na naglalaman ng mga paniniwalang
pangrelihiyon ni Rizal: (1) Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa
pansariling kapakinabangan at (2) ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng
Diyos sa lahat ng tao. Hindi nagtagumpay si Pastells na maibalik si Rizal
para sa simbahan. Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez
sa Dapitan upang muling akitin si Rizal na magbalik sa simbahan.
Ngunit, tulad ni Padre Pastells, hindi rin ito nagtagumpay.
Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama
niya ang kanyang mga kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa Talisay.
Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na Pablo Mercado
(Florencio Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas malaking kaso.
Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang
kanyang mga pasyente ay mga mahihirap na hindi makabayad at mga
mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang paglilingkod. Nang
tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa’t kalahating taon,
ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa
panggagamot kahit na siya ay nasa Dapitan, sinasadya siya ng mga
pasyente mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni
Rizal ang mga lokal na halamang gamot.
Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng
patubig sa Dapitan upang magkaroon ng
malinis na tubig sa bawat bahay ng Dapitan.
Inumpisahan niya ang ilang proyektong
pangkomunidad sa Dapitan ang Paglilinis
ng mga latian upang mawala ang malaria,
Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng
Dapitan at Pagpapaganda ng liwasan at ang
paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa.
Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng
mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa
wika, heograpiya, kasaysayan, matematika, gawaing industriyal at iba
pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang alas 4:00 ng hapon. Ang ilan
sa mga iniambag ni Rizal sa agham sa Dapitan ay ang mga sumusunod:
Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa
paghahanap ng mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng
Europa, Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi at, Natagpuan
niya ang species ng Draco rizali, Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.
Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa
panahong ito ay natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at
Malayo. Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay
Rizal sa panahon ng pagkakatapon niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng
mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok niya ang Paghihiganti ng Ina,
ang ulo ni Padre Guericco, at estatwa ng isang babaeng taga-Dapitan.
Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang
magsasaka. Umabot ng 70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na
tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy, tubo, mais, kape, at
cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan
ng pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong makinarya. Ang
pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan.
Nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon, mangangalakal na taga-Dapitan,
sa negosyo ng pangingisda, koprahan at abaka. Itinayo din ni Rizal ang
kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang mabawasan ang
monopolyo ng mga Tsino sa lugar. Naging malikhain si Rizal sa Dapitan
sa pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod, sulpukan, isang
pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy at makina sa paggawa ng bricks.

Pagiging Henyo ni Rizal


Si Jose Rizal ay matalino. Mula noong bata pa siya, nangunguna
na siya sa kanyang mga kaklase; nagtapos siya sa Ateneo na isang
summa cum laude. Siya ay nag-aral ng medisina. Ginamit niya ang
talino upang tumulong. Pumasok siya sa optalmolohiya upang tumulong
sa kanyang nabubulog na nanay. Ginamit rin niya ang kanyang
katalinuhan upang panlaban sa mga Espanol. Siya ay nagsulat tungkol sa
mga kasamaan na ginagawa ng mga Espanol, at sa dapat mga nakukuha
ng mga Pilipino. Ang pagsusulat ni Rizal ay nagsilbing inspirasyon para
sa mga Pilipino na lumaban sa mga Espanol. Ginamit rin niya ang
kanyang katalinuhan upang maimpluwensya ang mga Pilipino tungkol
sa pagpapahalaga ng sariling wika. Ang katalinuhan ni Jose Rizal ay
dakila dahil ginamit niya ito para sa ikabubuti ng mga Pilipino.
Ang Paglilitis at Hatol kay Rizal
Nalaman ni Rizal sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga
Espanyol ukol sanagaganap na madugong himagsikan sa Pilipinas.
Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Ang
mga Kaso ni Rizal:KonspirasyonRebelyonSedisyon Bapor
Colon- dumaong sa Maynila noong Nobyembre 3, 1896. Fort
Santiago-dinala si Rizal. Nobyembre 20 at 21, 1896- nagkaroon ng
paunang pagsisiyasat. Miguel Perez- eskribyente ng hukuman -
tumulong sa Imbestigador na opisyal ng HukumangMilitar ng
Kwartel Heneral sa pagsisiyasat. Koronel Francisco Olive- Huwes
o imbestigador na opisyal ngHukumang Militar. Disyembre 2,
1896 - ang naging bunga ng pagsisiyasat ay ipinadalani
Gobernador Heneral Ramon Blanco kay RafaelDominguez na
tanging Huwes-Panghukbo. Kabuuang ibinigay ni
RafaelDominguez batay sa mgapatotoong testimonyal
atdokumental laban kay Rizal: “Lumalabas na si Jose Rizal
Mercado, ang nasasakdal, ang siyang pangunahing tagapagtatag at
buhay na kaluluwa ng insureksyong Pilipino, ang tagapagtatag ng
mga samahan, pahayagan, at librong nag- papaapoy at
nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa rebolusyon.”
Nicolas dela Peña- Hukom ng Hukbo - ipinasya ang mga
sumusunod na rekomendasyon matapos basahin ni Rafael
Dominguez angakusasyon kay Rizal:ang nasasakdal ay
litisin,ikulong,samsamin ang mga ari-arian katumbas ang isang
milyong multa,at ipagtanggol sa hukuman ng isang opisyal ng
hukbo. Pinunong Tagasiyasat- inatasang sabihin kay Rizal na
pumili sa listahan na mayroong 106 na mga pangalang na maaaring
tagapagtanggol niya. Luis Taviel de Andrade- Unang Tenyente ng
Artilyero - piniling maging tagapagtanggol ni Rizal noong
Disyembre 10, 1896. Disyembre 11- humarap sa Fort Santiago si
Rizal para sa pormal na pagbasa ng mga sakdal laban sa kanya.
Disyembre 11- binasa kay Rizalang mga sakdal laban sa kanya
saharap ng kanyang tagapagtanggol saFort Santiago. Gobernador
Heneral Camilo G. de Polavieja - ang pumalit kay Gobernador
Blanco (sinasabing mas makatao kesa kay Polavieja) noong
Disyembre 13, 1896.
Disyembre 15- gumawa si Rizal ngisang pahayag na sinulat niya
sa loobng kanyang bilangguan sa FortSantiago.Nobyembre 3-
Disyembre 29,1986- nanatili si Rizal sa loob ngkanyang selda sa
Fort Santiago. Ang Manipesto ni Rizal sa Taumbayan Isinulat
niya ito dahil gusto niyang ibahagi sataumbayan na makakamit
lang natin ang kalayaan sapamamagitan ng edukasyon at
pagsisikap.Sinasabi rito na ikininagulat niya na ang ngalan niya
angnaging pamansag ng ilang mga rebolusyon. Nililinaw din dito
na tinutulan na niya ang balak ngrebolusyon dahil hindi pa raw
tayo handa para dito.
Nicolas dela Peña- nagrekomenda kay Gob. Camilo Polavieja na
huwag ilathala angpahayag ni Rizal.Disyembre 25, 1896-
pinakamalungkot na pasko ni Rizal. Tenyente Luis de Andrade- ay
sinulatan ni Rizal, sinabi niya sa liham na hihintayin niya ang
tagapagtanggol nang umagang yaon sapagkat may mahalaga
siyang sasabihin, at binate niya ng “Maligayang Pasko”.
Ang Paglilitis kay Rizal - isang patunay ng kawalang-katarungan
ng mga Espanyol. Ika-8 ng umaga, Disyembre 26, 1896 sa
“Cuartel de España”, ay sinimulan na ang paglilitis.
Pitong miyembro ng hukumang militar ang nakaupo sa tapat ng
mahabang mesa’t nakauniporme. Mga Miyembro ng Hukumang-
Militar: - Ten. Kol. Jose Togores Arjona (pangulo ng lupon) -
Kapt. Ricardo Muñoz Arias - Kapt. Manuel Reguera - Kapt.
Santiago Izquierdo Osorio - Kapt. Braulio Rodriguez Nuñez -
Kapt. Manuel Diaz Escribano - Kapt. Fermin Perez Rodriguez
Mga Tauhan sa Hukuman- Dr. Jose Rizal (Ang akusado)- Ten.
Taviel de Andrade (Tagapagtanggol ni Rizal)- Kapt. Rafael
Dominguez (Huwes Tagapagtanggol)- Ten. Enrique de Alcocer
(Tagapag-usig) Kasama rin dito si Josephine Bracken,*isang
kapatid na babae ni Rizal,*mga manonood, mamamahayag at
maraming Kastila.
Simula ng Paglilitis - Ang akusado ay iginapos mula siko pa-siko,
ngunit siya ay nanatiling kalmado. - Ang Huwes Tagapagtanggol
na si Kapt. Dominguez ang siyang nagpaliwanag sa hukuman ng
kaso laban kay Rizal. -Si Ten. Alcocer, taga-usig, ang siyang
nagbigay ng talumpati ng buod ng kaso ni Rizal at sinasabing
karapat-dapat na siya ay patawan ng kamatayan. Tatlong sakdal
kay Rizal: Pag-aalsa o rebelyon Sedisyon Konspirasyon o sa
pagbuo ng mga samahang ilegal. Batay sa batas ng mga Kastila
ang parusa sa pag-aalsa o rebelyon at sedisyon ay mula sa
pagkabilanggo habambuhay hanggang kamatayan. At sa
konspirasyon naman o pagbuo ng illegal na samahan ay
pagkabilanggong koreksyonal at pagmumulta ng mula 325 peseta
hanggang 3,250 peseta. - Si Ten. Taviel de Andrade,
tagapagtanggol ni Rizal, ay nagbahagi ng madamdaming talumpati
upang ipagtanggol si Rizal. *Ngunit, pasok-labas lang sa tenga ang
hukom dahil sa sila ay may napagdesisyunan na hatol bago man
magsimula itong paglilitis. Winakasan niya ang kanyang
pagsasalita sa pasasabing “Ang mga hukom ay hindi na dapat
maging mapaghiganti manapa’y dapat maging makatarungan.”
Pagtanggol ni Rizal sa Sarili - pinatunayan ni Rizal na siya ay
inosente sa pamamagitan ng 12 puntos: 1) Wala siyang kaugnayan
sa rebolusyon dahil siya mismo ang nagpayo kay Dr. Pio
Valenzuela noon sa Dapitan na huwag na silang mag-aklas 2)
Hindi siya nakipagsulatan sa mga elementong radikal at
rebolusyonaryo. 3) Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang
pangalan nang hindi niya alam. Kung siya’y maysala, disinsana’y
tumakas siya sa Singapore. 4) Kung may kaugnayan siya sa
rebolusyon, disinsana’y tumakas siyasakay ng isang vintang Moro
at di nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumiling lupain sa Dapitan.
5) Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya kinonsulta
ngmga rebolusyonaryo? 6) Inamin niya na siya ang sumulat ng
Konstitusyon ng La Liga Filipinangunit ito ay pansibikong
asosasyon at hindi isang samahangpangrebolusyon. 7) Hindi
nagtagal ang La Liga Filipina sapagkat pagkatapos ng
unangpulong ay pinatapon na siya sa Dapitan. 8) Kung muling
nabuhay ang La Liga pagkaraan ng siyam na buwan, hindiniya
alam. 9) Hindi itinataguyod ng La Liga Filipina ang mga simulain
ng mga rebolusyonaryo. Kung hindi, sana’y di na itinatag ang
Katipunan. 10) Ang dahilang ng mapapait na komentaryo niya ay
dahil noong 1890, ang kanyang pamilya ayinuusig, kinukumpiska
ang bahay, bodega, lupain, atbp., at ang kanyang kapatid na lalaki
at mgabayaw ay ipinatapon. 11) Ang buhay niya sa Dapitan ay
kapuri-puri kahit itanong pa sa mga komandenteng naroon atsa
mga misyonerong pari. 12) Noong siya ay nagtalumpati sa bahay
ni Doroteo Ongjunco, hindi totoong pinukaw ngkanyang talumpati
ang rebolusyon. Alam ng mga kaibigan niya na tutol siya sa
armadong rebolusyon. Kaya bakit nagpadala ang Katipunan ng
isang sugo sa Dapitan na hindi niya kakilala? Dahil ang
mgakakilala niya ay alam na hindi siya payag sa anumang kilusang
marahas.
Ang mga pagsamo ni Rizal ay hindi na pinakinggan ng Hukom,
dahil may pinapanigan na silangdesisyon. - Pinalabas na ang mga
tao sa hukuman at ipinalalagay ni Ten. Kol. Togores Arjona na
taposna ang paglilitis. - Matapos ang napakaikling delibirasyon
ipinataw ang sentensiyang kamatayan. - Kaagad nilang pinadala
ang desisyon sa korte ni Gob. Hen. Polavieja. - Humingi ang Gob.
Hen. ng payo mula sa Huwes Tagapagtanggol na si Heneral
Nicolasde la Peña.
December 28 – nilagdaan ni Gob. Hen. Polavieja ang desisyon na
hatol kay Rizal na kamatayan. Desisyon ni Gob. Hen. Polavieja
Sang-ayon sa sumunod na opinyon. Inaprubahan ko ang sentensiya
ng Hukumang-Militar sa kasalukuyang kaso, dahilan nito parusang
kamatayan ang ipinataw sa akusadong si Jose Rizal Mercado, na
isasagawa sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya sa ganap na alas
siyete ng umaga ng ika-30 araw ng buwang ito sa Bagumbayan”.

Pagbaril sa Bagumbayan
Alas sais ng umaga, habang naghahanda para sa martsa sa
Bagumbayan, inihanda ni Rizal ang kanyng huling sulat para sa kanyang
ama at ina. Nagsimulang umalis ang martsa mula sa Fort Santiago
patungo sa Bagumbayan sa ganap na ika- 6:30 ng umaga. Apat na
sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa
likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis
Taviel de Andrade sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila.
Sa likuran ay ang maraming mga sundalong Espanyol na
nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong
nanonood.
Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan, mas maraming bilang ng mga
tao ang naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbaril kay Rizal.
Siya'y nakiusap sa kapitan ng infanteríang mag-uutos sa mga sundalo sa
pagbaríl sa kanya, na siya'y barilín ng paharap, ngunit ito’y hindi
pumayag at sinabing ang iniutos sa kanya ay barilin si Rizal ng
nakatalikod. Sinabi niya sa mga babaril sa kanya, ” Mga kababayan,
huwag ninyo akong babarilin sa ulo; patamain ninyo ang bala sa tapat ng
puso.” Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade at sa mga
humatol sa kanyang doo'y kaharap, na kanyang kinamayan sila ng
mahigpít, at nagsalita sa mg̃a paring sa kanya'y umaacbay, ” Pinatatawad
ko ng̃ taos sa puso ang lahat!”
Humarap ng kusa sa dakong dagat, sa makatuwid ay tinalikuran niya
ang pulutong ng mga sundalong sa kanya'y babaril. Ang pulutong na
ito'y walong sundalong Pilipino ng regimiento num. 70, na ang mga
dala'y fusíl Remington. Sa likuran ng pulutong ng mga Pilipino'y may
isa pang pulutong na binubuo ng walong sundalong Kastilang mga
cazador, na ang dala'y Mausser naman, sa panganganib ng mga punong
Kastíla na baka di bumaríl ang mga sundalong Pilipino sa kapwa
Pilipino.
Nakatindíg si Rizal, unat ang katawan, tunghay ang ulo, nakalaylay
ang mga kamay sa tagiliran ng katawan, masaya ang mukha; hinihintay
ang pagbaril sa kanya. Nilapitan siya ni Dr. Castillo, isang manggagamot
ng hukbong Espanyol, at ito’y pinulsuhan at ito’y humanga sa normal na
tibok ng pulso nito. Hindi nalao’t nariníg ang tunóg ng putok ng walong
fusíl Remington, kasabay ng ganitong malakas na sabi ni Rizal
”Consumatum est!”
Nakita ng lahat na biglang pumihit si Rizal at ng huwag sa kanyang
likod kundi sa kanyang dibdib tumama ang mga bala, natimbuang siyang
patay na anyang patagilíd sa dakong kanan, hindi pataob, kundi patihaya
at ang mga mata'y nakatitig sa langit, “na walang mga verdugo at mga
mapang-api; sa lang̃it na hindi pumapatay ang pananampalataya, at
Diyos ang siyang naghaharì.” Namatay si Rizal sa balang pahatíd ng
kanya ring mga kababayang sundalo, tulad kay Kristong kapwa mga
hudio rin ang sa kanya'y pumatay. Nilapitan si Rizal nina D. Felipe Ruiz
Castillo at ni D. Jose Luis y Saavedra, at nakita nilang bangkay na nga,
nguni’t isa man lamang bala'y walang tumama sa ulo.
Umaalingawngaw pa ang walong sabaysabay na putok ng baríl ay
nagsigawan na ng di ano lamang ng ”Viva España!” ang karamihang
lalaki’t babaeng Kastila at lalaki’t babaeng lahing Kastila na
nangagsisiksikan sa Luneta; sigawang pagdaca'y sinagot ng pagtugtog
ng “Marcha de Cádiz” ng musika ng “batallón de Voluntarios”, na ang
mg̃a bumubuo'y pawang mga lahing Kastila rin.
Hiningi ng mga magulang at mga kapatíd ni Rizal ang bangkay nito,
upang kanilang mailibing, nguni’t hindi pumayag si Polavieja. Binuhat
ng mga sundalong Kastila ang bangkay ni Rizal, isinakay sa isang
“furgon” at ito ang sa kanya'y naghatíd sa pagbabaunan. Ibinaon ng mga
Kastila si Rizal na walang kabaong sa lupang kanilang hinukay sa
libingan sa Paco. Ang pinaglibingan kay Rizal ay ang pinaglibingan din
kay Padre Burgos at nasa dakong kaliwa pagkapasok sa libingan ng
Paco, sa dulo ng pabilog na kuta o pader, at sa dako roon ng kaunti sa
pinaglibingan ni general Montoro.

You might also like