History of Barangay

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

K-Cel An B.

Gargullo

I Year Social Work June 28, 2019

Ang barangay ng San Agustin I, ay isa sa pinakamatandang barangay sa bayn ng Naujan. Ang
panagalan nito ay hinango sa pangalan ng Patrong si San Agustin.

Dati rati ito ay nasakop ng Barangay kalagimay na ngayon ay kilala sa tawag na Barangay San
Isidro, Barangau Mapantat na ngayon ay Sta. Isabel. Sa dahilang napakalawak na lupain ng
nasasaklawan ng mga barangay na ito, kung kaya't ito ay hinati at ginawang ring isang Barangay
Sang Agustin I at Barangay San Agustin II. Karamihan sa mga lihitimong naninirahan sa barangay
ay pawing mga sagradong Katoliko.

Ang mga kauna-unahang nainirahan dito sa barangay ay ang mga pamilya ng Gaba,Garongat
Gavarra.Naitalaga bilang tinyente del Baryo, si G. Tomas Ylagan.

Ayon sa mga naitalang kasyasayan, dito sa barangay binuo ang unang pwersa ng mga gerilya na
lumaban sa mga Hapong gustong sakupin ang bayan. Sa kaunlaran ng barangay matatagouan
ang sinasabing mag-asawang niyog na kung saan ay dito naganap ang matinding labanan sa
pagitan ng mga gerilya at sunadalong Hapon na siyang nbalitang napakarami ang namatay sa
magkabilang panig. Sa panahong iyon, sinunog ng nga sundalong Hapon ang unang Paaralang
Elementarya ng Barangay San Agustin I.

Sa pamamagitan na rin ng pakikipagtulungan ng pamilyang Fajardo at Kapitan naupatayo ang


simbahang katoliko ng barangay sa kanilang naibigay na donasyong lupa.

Sa tulong ng Plan International at ng Kaunting pondo ng barangay ay naipatayo ang


kasalukuyang San Agustin Multi-Purpose Center, na matatagpuan sa Purok II, sa pangunguna ng
isa sa mga naging Punong Barangay, Ely H.Vargas at sa kabutihang loob ng mag-asawang
Aquilino Manigbas sa siyang nagbigay ng lote upang maupatayo angvgusaling ito.

Naaalala ang mga nanungkulan sa barangay sa pamamagitan ng mga naisagawa nilang mga
proyekto sa panahon ng kanilang panunungkulan. Tulad noong panahon ni G. Raymundo de
Guzman (1968-1971) sa barangay ay nagdonate siya ng lupa upang mapagtayuan ng Basketball
Court at sa tulong na rin ng naging OIC Mayor Rolly Mendoza ay naisagawa ito.
Sa kasalukuyan, maraming pagbabago at pag-unlad ang Barangay San Agustin I dahil marami
ang oroyektobg naisasagawa na dito. Maayos na ang nga kalsada at sa baybay tabi nito ang
nakatayong streetlights na nagpapaliwanag kapagkagabi. Nagkaroon na rin ng mga panibagong
gusali katulad ng Senior Citizen at bagong Daycare Center. Mayroon na rin Covered Court ang
barangay na kung saan dito ginaganap ang mga aktibidad ng barangay. Sa kabuuan, ang
Barangay San Agustin ay patuloy na sumusulong at patuloy sa pag-unlad hindi lamang sa tulong
ng mga namumuno dito kundi na rin sa pakikipagtulungan ng mga taong nainirahan.

Ang Barangay San Agustin I ay may kabuuang lawak na humigit kumulang 433.93 hektaryang
lupain na nababahagi sa iba't ibang ibang gamit ng lupain tulad ng Agricultural land, idle land at
resedential land. Sa kabuuang lawak ng barangay ay nahahati sa anim (6) na Purok. Ang purok I
ay nagsiisimula sa boundary ng Mabini. Dito sa purok I natatagpuan ang Simbahang Katoliko at
ang Headquarter ng Barangay Tanod Ang hangganan ng Purok II kungbsaan matatagpuan ang
Multi Purpose Hall, Daycare Center, Senior Citizen Building at ang baging Baskettball Court
(Covered Court) ng Barangay.

Ang purok III ay magsisimula sa kanto ng barangay papuntang bancuro. Matatagpuan dito ang
kumang Basketball Court at ang hangganan nito ay sa pagitan ng barangay road. Mula sa bahay
ng mga Panelo magsisimula ang Purok IV haggang sa boundry ng barancuro . Ang ouro V naman
ay magsisimula sa bahay ni G. Alcayin papaunta ng Santiago Garong Elementary School sa
boundry ng San Agustin II. At ang kanto mula kay G. Benjamin Gavarra magsisimula naman ang
purok IV at ang hangganan nito ay sa boundry ng San Isidro

Ang buong barqbgay ay nasa kapatagan. Ang barangay San Agustin I ay di pahuhuli sa
kabihasnan. Sa gawing silangan ng barangay ay bunagtas angbilog ng Pingasabangan. May
sariling pinagkukunan ng laks at kabuhayan dulot ng matatabang lupa, ngunit di katulad ng
ibang barangay, ang oinagkukunan ngvtubig ay isang sululiranin ng mga mamayan. Karaniwang
tanawin ang mga puno na nakatanim sa baybay kalsada bukod nasa mangilan-ngilang puning
kahoy sa bakuran ng kani-kanilang tahanan.

Di nalalayo sa iba ang klimang tintamasa ngvtaga San Agustin I. Tuwing darating ang abril at
mayo ay sumasagasa ang tindi ng init ng araw. Kasagsagan din ito ng kasiyan at pagtitipon ng
mga residente buhat sa iba't ibang purok. Mula Hunyo hanggang buwan ng Disyembre ay tag-
ulan. Bagama't mas abal ang mga kabtaan parasa paaralan ang mga nakatatanda na magsasaka
ay nakatuon sa kanilang mga bukirin.

Ang Barangay San Agustin I ay may iba't ibang gamit ng lupa. Pinkamalaki dito ay 95.7% na
agrikulturang lupain. Ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng nga mamayan ay ang
pagsasaka, employment at business.

You might also like