Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagsusuri sa maikling kwento

I. Panimula

A. Pamagat (Tata Selo) - Ang kwento na ito ay patungkol sa buhay ng magsasakang


nangngangalang Tata Selo.
B. May Akda (Rogelio Sikat) – Isinilang noong 1940, nagtrabaho sa Unibersidad ng Sto.
Tomas at isang Campus at literary writer ng The Varsitarian. Siya ay isa sa mga sikat
na pioneers ng Philippine literature sa kadahilang ang kaniyang mga isinulat ay
ginamitan niya ng lenggwaheng atin, ang wikang Filipino.

II. Tauhan

A. Tata Selo- Ang magsasakang pumatay kay kabesang Tano


B. Kabesang Tano- Ang kabesang nagmamay-ari ng isang lupain, kinalaunan ay pinatay ni
Tata Selo dulot ng kaniyang kapuotan.
C. Magbubukid- Ang magbubukid na naging kahangga ni Tata Selo
D. Alkalde- Ang presidente ng munisipyo, isa sa mga nagdulot ng pagkakakulong ni Tata
Selo.
E. Hepe- Ang matabang hepe na nagngangalit kay Tata Selo dahil sa pagpatay nito sa
kabesa
III. Tagpuan
 Ang mga pangyayari sa kwentong Tata Selo ay naganap sa mga sumusunod; bukid,
munisipyo at istaked sa loob ng munisipyo

IV. Pangunahing Suliranin


 Ang pangunahing suliranin sa kwentong ito ay ang kinakaharap na kaso ni Tata Selo; ang
pagpatay sa kabesang si Tano, nagmula ang alitan ng dalawa sa pagpapaalis at pananakit
ni Tano kay Selo sa kaniyang bukiran. Mahihinuha natin na ang tunggalian sa kwentong
ito ay tunggaliang tao laban sa tao.

V. Simbolo
 Ang simbolong nabanggit sa maikling kwento na ito ay ang “Rehas” na
nangangahulugang walang kalayaan at pagkabulag sa pagkakapantay-pantay.

VI. Buod
 Isang araw nagkaroon nang diskusyon si Kabesang Tanoat Tata Selo, ninais ni Kabesang
Tales na paalisin si Tata Selo sa kaniyang bukiran na nag-udyok kay Tata Selo upang siya
ay patayin. Nahuli sa Tata Selo at pansamantalang ikinulong sa iskated na tila ba isang
hayup, dumating ang alkalde at hepe ng munisipyo ngunit ang mga ito ay mas naglubog
pa sa kaniya sa kaniyang kaso. Sa bandang huli ay ninais ni Tata Selo na siya ay patayin
na lamang din ngunit ayon sa alkalde ay panghabambuhay na pakakakulong ang
kaniyang kaparusahan. Dumating ang kaniyang anak na si Saling ngunit tila ba
binuntutan na ito ng alkalde sa bandang huli. Naiwang humihingang bangkay sa Tata
Selo sa rehas na tila ninakaw na ang lahat sa kaniya.

VII. Banghay
 Simula – Sa isang malawak na bukirin ay nakikisaka si Tata Selo; isang matandang
magsasaka, ang bukiran ay pagmamay-ari ng isang kabesa; si Kabesang Tano, bunga ng
katandaan ni Tata Selo ay minarapat na ni Kabesang Tano na siya ay paalisin sa kaniyang
bukiran na siyang ikinagalit ni Tata Selo na nag-udyok upang mapatay niya ang kabesa.
 Gitna – Bunga nang pagpatay ni Tata Selo kay kabesang Tano ay ikinulong siya, sa iskated
sa munisipyo tila hayup na pinapanood ng mga tao. Dumating ang alkalde at hepe ng
munisipyo na nagdulot kay Tata Selo upang siya ay malubog sa kaniyang kaso at
makulong ng panghabambuhay.
 Wakas – Makikita sa mga mata ni Tata Selo ang labis na kalungkutan, ang pagbisita sa
kaniya ng kaniyang anak na si Saling ay hindi niya ikinagalak dahil alam niyang may sakit
ito. Bungo at lupaypay na ang katawan ng kaawa-awang matanda na tila ba naghihintay
na lamang ng kaniyang kamatayan sa loob ng rehas.

VIII. Pagsusuri
 Sariling reaksyon- Para sa akin ay masasabi kong ang bawat pangyayari sa kwentong
ito ay maaaring magmulat sa napakaraming kabataan patungkol sa mga kinakaharap
na suliranin ng ating mga magsasaka at tila ba ang kwentong ito ay suntok sa ating
lipunan; isang patama sa ating gobyerno na nagpapakita nang labis na pagyakap sa
kapangyarihan na nagdudulot nang pagkalimot nila sa kanilang tunay na tungkulin.
 Pag-uugnay sa tunay na sitwasyon sa totoong buhay – Ang kwentong ito ay sadyang
maiuugnay natin sa ating tunay na buhay dahil maraming magsasaka ang nakikisaka
lamang at marami sa kanila ay nakakaranas ng diskriminasyon lalo na ang mga
matatanda.

IX. Pahiwatig
 Nais lamang iparating ng may-akda ang mga kinakaharap na diskriminasyon at
pagmamalabis ng ating mga magsasaka; lalo na ang mga matatanda. Patunay ditto
ang pagpapaalis kay Tata Selo sa kadahilanang siya ay matanda na.

X. Magandang Pahayag
 Ang magandang pahayag ng kwentong ito ay huwag tayong magbulag-bulagan at
huwag nating pagbulaan ang mga paghihirap na dinaranas ng ating mga magsasaka,
ang bawat pagod; pawis at dugo na kanilang inaalay para tayo ay may makain ay
lubhang mahalaga. Karagdagan, ang lubhang pagnanais sa kapangyarihan ay
maaaring magdulot sa atin ng kapahamakan.

XI. Bisang pampanitikan


 Bisang isip- Sa pagbabasa ng akda na ito ay napagtanto ko na hindi biro ang pagod
na dinaranas ng mga magsasaka at napagtanto ko rin na lubhang malawak parin ang
hindi pantay na karapatan at ang pagkamit ng katarungan sa ating bansa ay mas
mabagal pa sa pag-usad ng pagong.
 Bisang pandamdamin- Habang binabasa ko ang akda na ito ay naantig ang aking
puso sapagkat ramdam ko ang mga hiram na pinagdaanan ni Tata Selo; ang mga
sugat na kaniyang natamo at ang mga luha na walang humpay sa pagpatak mula sa
kaniyang mga mata. Nabago ng akda na ito ang pananaw ko hinggil sa mga
magsasaka at sa paraan ng pagkamit ng katarungan sa ating bansa.
 Bisang kaasalan- Sa akdang Tata Selo ay mas naintindihan ko ang takbo ng ating
buhay, napagtanto ko na ang pagsusumikap ay kailangan upang sa huli ay wala
tayong pagsisihan dahil ang mundong ito ay nababalot ng mga taong mapanghusga,
mapanlamang at mapagmataas.
XII. Rekomendasyon
 Ang akda na ito ni Rogelio Sikat ay lubhang mapangmulat, hinihikayat ko ang mga
susunod na henerasyon ng kabataan lalo na ang mga magiging HUMANISTA na ito ay
basahin dahil ito ay kapupulutan ng napakaraming aral at maaaring magbago ng
kanilang pananaw sa buhay.

You might also like