1872 Cavite Mutiny

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1872 Cavite Mutiny; The involvement

of the Three Friars

Nape, Franchette V.
Bpea 2-2

July 29, 2019


Along with the controversy of the Cavite Mutiny in 1872, two different sides of the
story arose. One from the prolific Spanish historian, Jose Montero Y Vidal and one from
Nadawit ang tatlong pari sa pag-aalsa na nangyari sa Cavite noong 1872 ng Enero
20. Ito'y nag-ugat sa paniningil ng Espanya ng karagdagang tributo. Naniniwala ang
pamahalaan na ang mga pari ang siyang pasimo ng naturang pag-aaklas. Sila'y pinatay
sa pamamagitan ng paggarote sa Bagumbayan noong 1872 ng Pebrero 17.
Hindi konkreto ang ebidensyang mayroon ang pamahalaan para akusahan ng
Subesyon ang tatlong pari. Tanging ang tinatag lang ni Mariano Gomez na Ang La Verdad
or The Truth, isang pahayagan na nagbibigay ng impormasyon sa hindi magandang
nangyayari sa bansa, ay masasabing may parte pero hindi direkta ang impluwensya ng
pag-aaklas at masasabing hindi ito aksyon ng subersyon. Isa pang hindi konkreto na
ebidensya ay ang paanyaya ni Padre Jacinto Zamora na, Grand Reunion our friends are
well provided with powder and ammunition. Kung saan ginamit laban sa kaniya ito sa
pag-aakalang ito:y isang panghihikayat sa ibang mamamayan na magrebelde. Pero sa
kabilang kamay, ang nais lamang ng paanyaya ni Jacinto Zamora sa kaniyang kaibigan
na maglaro ng paguigui na sikat dati. At ang salitang powder and ammunition ay may
sapat silang pera upang maglaro magdamag.
Kung titignan ay hindi naman direkta ang kanilang impluwensiya na ginawa nila at
aksyon ng pagkakaroon ng subersyon ang mga ginawa nila nung sila'y nabubuhay pa.
Pero nung sila'y ginarote o binitay, doon natin masasabing malaki na at ganap na silang
naging parte ng pag-aaklas o subersyon. Kung saan nagdulot ng matinding pagkagalit
sa mga dayuhang mananakop na magkaroon ng reporma sa pamamahala ng sariling
bayan. Ito rin ang naging inspirasyon ni Jose Rizal upang isulat ang kaniyang mga nobela.

You might also like