Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

I.

LAYUNIN
A. Nakaaayos ng isang talata tungkol sa pinagputul-putol na sanayasay.
B. Palalaman ang proseso ng pagsulat para makabuo ng isang sulatin.
C. Nakagagawa ng sultain sa tulong ng multidimensional na proseso ng pagsulat.

II. PAKSA
Proseso ng Pagsulat
Aklat: Panitikang Asyano, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 9 pp. 168-169
Kagamitan: gawaing pisara

III. PAMAMARAAN
A. Panimula
a. Pagbati
b. Pag-tsek ng atendans
B. Balik-aral
Tumawag ng isang mag-aara upang ibahagi ang kanilang nakaraang
leksyon. Ipaliwanag muli ang natapos na aralin bilang pagbibigay pagkakataon sa mga
hindi nakadalo sa klase.
C. Pagganyak
Ibahagi ang hinandang sinulatang papel. Ipasaayos ang teksto na pinutol sa mga
mag-aaral. Isagawa ito nang kolaboratibo. Bigyan lamang ang mga mag-aaral ng 5 minuto para
buuhin ang teksto. Pagkatapos, suriin kung tama ba ang pagkakaayos nito.
D. Talakayan
Talakayin ang multidimensional na proseso ng pagsulat ayon kay Dr. Paquito
Badayos.
Mga Hakbang sa Pagsulat
Mga Mungkahing Tanong sa Pagsulat
Mga tanong sa Pagrerebisa ng Sinulat
E. Paglalahat
Tumawag ng isang mag-aaralo upang ibuod ang paksang tinalakay.
IV. EBALWASYON
Gumawa ng isang komposisyong tungkol sa darating na Araw ng mga Puso. Gawin itong
patalata.
Gabay sa Pagsusulat:
1. Para sa iyo, ano ang Araw ng mga Puso
2. Ano ang kadalasang ginagawang mga tao dito?
3. Sino ang gusto mong makasama sa araw na ito?
4. Gaano kahalaga ang araw na ito sa iyo?
V. KASUNDUAN
Pag-aralan ang bagong aralin Mga Akdang Pampanitikan sa Kanlurang Asya pp. 183-184
Rama at Sita (Epiko- Hindu)
Kilalanin ang tauhan at mga pangyayaring naganap sa India.

You might also like