Professional Documents
Culture Documents
Krezel
Krezel
Krezel
Ipinasa nila:
1
Ang Kultura ay yaman ng isang bayan. Ito ay sumasalamin sa mga
paniniwala, kaugalian at mga nakasanayang gawain ng mga tao. Ang
kultura ay tinuturing pamana ng ating mga ninuno na nagmula pa sa
sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Sa bansang Pilipinas, ang
kultura ay nagmula pa sa tradisyunal na nakasanayan ng mga katutubo at
maging sa impluwensya ng mga mananakop.
2
Ang pananaliksik na ito ay nagnanais na masagot ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang mga Kulturang Nayon na naisabuhay sa mga nakalipas na
panahon?
2. Ano ang mga Kulturang Pilipino noon na hindi na naisasagawa sa
ngayon?
3. Ano ang mga kahalagahan ng mga nawalang kultura noon na maaari
sanang maipamana sa kasalukuyang panahon?
3
Ang pagsusuri na ito ay isinagawa mula noong ika-30 ng Hulyo hanggang
ika-31 ng Hulyo taong 2016. Ang pagsusuri na ito ay naganap sa baryo ng
Buna Lejos, bayan ng Indang, lalawigan ng Kabite. Ang mga kalahok sa
pagsusuri na ito ay ang mga taong pinanganak at lumaki sa nasabing baryo
na may edad 75 hanggang 80 taong gulang. Ang mga manananaliksik ay
kumausap ng sampung tao na makakatulong sa kanilang pananaliksik.
Ang panghuhuli ng mga isda, hipon, igat at iba pa sa ilog ay isa lamang sa
kanilang nakagisnang pamumuhay. Noon ay may malawak na palayan sa
kanilang lugar at pagtatanim ang isa sa kanilang hanapbuhay. Pag-aararo,
4
paghahabi, paggawa ng tableya ay ilan lamang sa pangunahing
hanapbuhay nila noon. Sa poso at sa tangke sila kumukuha ng tubig.
Tuwing Mayo nagkakaroon sila ng pagdiriwang na Flores de Mayo na kung
saan imbes na pag-parada ay pagsasadula ang kanilang ginagawa. At pag-
pista naman ay nagsasagawa ng Baylehan na kung saan ang mga
kababaihan ay naka-upo at lalapitan ng mga kalalakihan upang isayaw,
ngunit dahil sa pagdami ng populasyon unti-unti ng nakalimutan ang
nakasanayang kultura.
VIII. Repleksyon
Ang mga kultura natin ay dapat na bigyang halaga dahil ito ay malaki ang
maitutulong para sa ikakaunlad ng ating bayan.