Hulwarang Organisasyon NG Teksto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat

ibang Kontekstong
Pananaliksik

Paolo Samson Cortes


STEM 11-Pasteur
Hulwarang Organisasyon ng Teksto

1.Depinisyon
Isang paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay kahulugan sa
isang salita.

2.Pag-iisa-isa
Pagtatalakay sa pangunahing paksa at pagbabanggit ng mga kaugnay
at mahahalagang salita.

3.Pagsusunod-sunod
Masasabing ito ang pinakasimpleng paraan ng pagsasaayos ng teksto.
Ang mga ideya nito ay isa-isang inilalahad o tinatalakay sa teksto.

4.Pagsusuri
Sa paraang ito ay kailangan ng paglilista ngunit ang naitalang detalye
ay susuriin pa. Ang mga sangkap na sinusuri ay pinaghihiwalay at
ipinaliliwanag.

5.Paghahambing
Sa paraang ito, may dalawang bagay, kaisipan o pangyayariang
pinaghahambing. Iba-ibang anyo ang nagagamit sa pamamaraangito.

6.Sanhi at Bunga
May mga akda na ginagamitan ng sanhi at pinagmulan para mabuo
ito. May mga paksang naipaliliwanag o matatalakay kung babanggitin ang
pinanggalingan o sanhing pinagmulan.

7.Suliranin at Solusyon
Sa mga salitang katulad nito, problema ang unang inilalatag. Matapos
malaman ng pangkalahatang suliranin ay magkakaroon nan g paglalahad sa
mga paraan o solusyon na resulta sa pag-aaral.

Mga Uri ng mga Lihis na Pangangatwiran

1.Padalus-dalos na paglalahat (Hasty Generalization).


Isang paglalahat ito na batay lamang sa ilang patunay o katibayang
may kinikilingan.

Halimbawa:
 Tiyak na babae ang drayber ng sasakyan na iyan. Napakabagal ng
takbo.
 Marasarap magluto ang katulong naming Bisaya. Magagaling
talagang magluto ang mga Bisaya.

2.Walang kaugnayan (Non Sequitor).


Ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa saligan o
naunang pahayag.
Halimbawa:
 Halatang ayaw mo sakin. Hindi mo ako inimbita sa iyong pagtitipon.
 Dapat bigyan ako ni Sir ng mataas na grado sa Filipino 2, mataas yata
ang grado ko sa huling pagsusulit sa Filipino 1.
3.Ad Hominem (Against the person).
Lihis na panganagatwiran sapagkat nawawalan ng katotohanan ang
argumento dahil ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang krebilidad
ng taong kausap.

Halimbawa:
 Hindi dapat pakinggan ang apela ni Jalosjos para sa kanyang paglaya
dahil isa siyang manggagahasa.
 Huwag natin siyang iboto. Nambabae ang taong iyan.

4.Circular Reasoning.
Pag-uulit-ulit ng pahayag na walang malinaw na punto.

Halimbawa:
 Tayo ay nagkakasala sapagkat tayo ay makasalanan.
 Hindi ako sinungaling kaya totoo lahat ang sinasabi ko.

5.Post Hoc Ergo Propter Hoc (After this, therefore because of this).
Isang pagmamatuwid na dahil sa magkakasunod-sunod na pattern ng
mga pangyayari, ang nauna ay pininiwalaang dahilan ng kasunod na
pangyayari.

Halimbawa:
 Tumilaok na ang manok. Salamat naman , umaga na.
 Naglalabas na ang maraming usok ang bulkan. Malapit na itong pumutok.

6.Ad Misericordiam (Appeal to emotion/pity).


Pagmamatuwid na hindi nakasalig sa katatagan ng argumento kundi
sa awa at simpatya mula sa kausap.

Halimbawa:
 Kailangang tanggapin ninyo ang aking proyekto. Nagkasakit ako dahil sa
paghahanda ng aking ulat.
 Mananalo ang mga batang iyan sa paligsahang ito dahil kailangan nila ang
premyo para sa kanilang pag-aaral.

7.Ad Baculum (Appeal to fear/force).


Pagmamatuwid na gumagamit ng puwersa o pananakot upang
tanggapin lamang ang pangangatwiran.
Halimbawa:
 Isa ka sa pinakamatagal na empleyado ng pahayagang ito na pagmamay-ari
ng mga magulang ko. Kaya huwag mo na sanang isulat pa ang naganap na
insidente ng pambubugbog ko kanina.]
 Kapag ipinagpatuloy ang paglalathala ng iyong scientific findings, tiyak na
tatanggalin ng gobyerno an gating budget.

8.Ad Numram (Appeal to number or popularity).


Pagmamatuwid na naninindigan sa pagiging makatotohanan ng isang
argumento dahil marami ang naniniwala.

Halimbawa:
 GMA Kapuso ang pinakasikat na istasyon ngayon dahil ito ang nauuna sa
survey.
 Mananalo nag kandidatong iyan. Napakarami ang dumalo sa kanyang miting
de avance.

9.Cum Hoc Ergo Propter Hoc (With this, therefore because of this).
Pangangatwiran na dahil sabay naganap ang dalawang bagay o
pangyayari, ang isa ay dapat dahilan ng isa.

Halimbawa:
 Kumakain ako ng mani kaya matalas ang aking memorya.
 Masuwerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay laging mataas
ang benta ko.

10.Ad Ignorantiam (Appeal to ignorance).


Tinatawag din itong Burden of Proof sa Ingles. Ang proposisyon o
pahayag sa uring ito ay maaaring totoo sapagkat hindi pa napatutunayan ang
pagiging mali nito, o viceversa.

Halimbawa:
 May mga hindi naniniwala sa mga UFO o mga multo sapagkat hindi pa
napatutunayan na mayroon nga nito sa mundo ng mga mortal.
 Kung wala ng tanong ang buong klase, sa palagay ko’ay handa na ang lahat
sa pagsusulit.

Tekstong Akademik
= ang tekstong akademik ang tawag sa mga tekstong ginagamit sa pag
aaral ng humanidades, agham panlipunan at agham pisikal. taglay
nitoang mga terminolohiya, uri ng diskurso o pahayag, nilalaman ng
teksto at ang mga konseptong inilalahad.
pag aaral ng humanidades Ang mga araling nauukol sa tao[1] o mga
araling pantao (Ingles: Humanities, "pagkatao," o The Humanities, "mga
pagkatao" ng tao) ay mga disiplinang akademiko na nag-aaral sa mga
kundisyong humano, na ginagamitan ng mga metodo ng malawakang
pagsusuri (kritiko), pagpuna (analitiko), at pagbabakasali (ispekulatibo);
dahil sa tatlong metodong ito, itinatangi ang pag-aaral na ito - na
tinatawag ding humanidades o umanidades - mula sa mga imperikong
(empirikal) gawi na ginagamit sa mga likas na agham at mga agham
panlipunan.

Ang mga agham panlipunan (Ingles: Social Science) ay isang


pangkat ng mga displinang akademiko na pinag-aaralan ang mga aspeto
ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito mula sa
mga sining at humanidades at sa halip nagbibigay diin sa paggamit
ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensiya sa
pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga
kaparaanang nabibilang (quantitative) at pangkatangian (qualitative).

Tinutukoy minsan bilang mga malalambot na agham (soft


sciences) ang mga agham panlipunan, sa pag-aaral ng parehong inter-
subhektibo at obhektibo o aspetong kayarian ng lipunan. Salungat ito sa
mga matitigas na agham (hard sciences) na maaaring eksklusibong
nakatuon sa obhektibong aspeto ng kalikasan.

Sumasangkot ang mga dalubhasa sa agham panlipunan sa pagsasaliksik


at pag-teoriya tungkol sa parehong pinagsama at indibidwal na mga asal.
Kabilang sa pangunahing mga agham panlipunan ang sumusunod:

 Antropolohiya
 Komunikasyon
 Kultural na mga pag-aaral
 Ekonomiks
 Edukasyon
 Heograpiya
 Kasaysayan
 Linggwistika
 Batas
 Agham pampolitika
 Sikolohiya
 Panuntunang panlipunan
 Sosyolohiya
isang branch ng pisikal na agham, ay ang pag-aaral ng mga
komposisyon, mga katangian at pag-uugali ng matter [1] [2] Chemistry
ay higit sa lahat alalahanin ang atoms at ang kanilang mga pakikipag-
ugnayan sa iba pang mga atoms -. halimbawa, ang mga katangian ng
Bonds kemikal na nabuo sa pagitan ng atoms upang lumikha ng
compounds kemikal. Pati na rin ito, kabilang ang mga pakikipag-
ugnayan atoms at iba pang mga phenomena - electron at iba't-ibang
mga anyo ng enerhiya - ay isinasaalang-alang, tulad ng photochemical
reaksyon, oksihenasyon-pagbabawas reaksyon, ang mga pagbabago sa
phase ng matter, at paghihiwalay ng mixtures. Sa wakas, mga
katangian ng mga bagay na tulad ng mga alloys o Polymer ay
isinasaalang-alang.

tekstong propesyunal ay mga tekstong ginagawa ng mga taong


may specialidad. ang aklat ng tekstong propesyonal ay maaaring nasa
paraang pananaliksik o isang tesis. Ilang halimbawa nito ay ang mga
partikular na pag-aaral tungkol sa mga bagong tuklas na bagay o iyung
mga pagsasaliksik ukol sa mga makabagong pamamaraan sa agham.
hal. ako ay nakapagtapos ng ph.d at gumawa ako ng isang tesis batay sa
aking riserts tungkol sa makabagong pamamaraan ng pag-oopera ng
pasyente.

Ang Tesis Na Ito Sng Tinatawag Nating Tekstong Propesyunal.


Ang Tekstong Akademik At Propesyunal Sa Pagbasa?

= ANG TEKSTONG PROPESYONAL O PANDALUBHASAAN AY


NAGSASAAD NG TALAKAY UKOL SA NATATANGING PAKSA AT MAY
KAUGNAYAN SA PROPESYON NG MANUNULAT . NAGLALAMAN ITO NG
BATAYANG TEORYA AT MGA DATOS BILANG EBIDENSYA NG TALAKAY ,
MAGING ANG MGA BAGONG TUKLAS NA DATOS NA MAY KINALAMAN
SA GAWAIN NG MANUNULAT. MASUSING PANANALIKSIK AT MAHUSAY
NA PAGPILI NG SALITANG GAGAMITIN ANG KAILANGAN DITO.

ANG TEKSTONG PROPESYONAL AY YAONG MGA TEKSTO NA


NAGDAAN SA MABALASIK NA PARERESIRTS AT ITO AY PARA SA MGA
TAONG ANG GUSTONG PAG ARALAN AY YAONG MGA BAGAY NA
MAKAKATULONG UPANG MAGING MALAWAK ANG KANILANG
KAALAMAN GAYA NG MGA ABOGASYA AT MEDISINA DAHIL ITO AY
NAKAKATULONG UPANG KANILANG MALAMAN ANG MGA BAGAY NA
MGA PATUNAY O PINATUTUNAYAN NG MGA AKDA .
TEKSTONG PROPESYONAL

= ITO AY TEKSTONG MGA ISINULAT NG TAONG PROPESYONAL NA


MAHUSAY SA KANILANG LARANGAN .
KARANIWANG TAGLAY NG TEKSTONG PROPESYONAL

1) HINDI MALIGOY ANG PAKSA


2) KOMPREHENSIBO ANG PAGKAKALAHAD
3) MAAYOS AT ORGANISADO AND PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA
IDEYA
4) MAYAMAN SA MGA IMPORMASYON
5) BUNGA NG MASUSING PANANALIKSIK
6) INIUUGNAY SA MGA NAGING KARANASAN NG ISANG TAO SA O
BUMABASA O KAYA NAMAN AY SA ISANG TIYAK NA SITWASYON .

HALIMBAW NG TEKSTO:
MAGING ALERTO SA DENGUE
PP. 73-74
ANO ANG DENGUE H- FEVER?
ANG DENGUE H-FEVER AY ISANG NAKAKAHAWANG SAKIT NA ANG
SANHI AY VIRUS.

ANG VIRUS NA ITO AY MAISASALIN SA PAMAMAGITAN NG KAGAT NG


LAMOK. ANG LAMOK NA NAKAKAPAGSALIN NG DENGUE H-FEVER
AYAEDES AEGYPTI AT AEDES ALBOPICTUS , MGA URI NG LAMOK NA
NANGANGAGAT SA ARAW AT NABUBUHAY SA LOOB AT PALIGID NG
BAHAY.

MGA PALATANDAAN AT SINTOMAS NG DENGUE H-FEVER


1. BIGLANG PAGTAAS NG LAGNAT NA TUMATAGAL NG 2-7 ARAW
2. PANANAKIT NG MGA KALAMNAN AT KASU -KASUAN
3. PANANAKIT NG ULO
4. PANGHIHINA
5. PAGKAKAROON NG MALIIT AT MAPUPULANG PANTAL
6. PANANAKIT NG TIYAN
7. PAGDURUGO NG ILONG AT GILAGID
8. PAGSUSUKA O PAGDUMI NANG MAITIM ANG KULAY NA DULOT NG
PAGDURUGO NG BITUKA
Ang Tekstong Pampolitika
= Ito ay isang agham tungkol sa pag-aaral ng lipunan, politika, at
estado ng nasyon. Upang lubos na maunawaan maaaring magtungo sa
link na ito brainly.ph/question/696459

Ito ay tumutukoy sa sumusunod na sitwasyon:

- Pag-aaral sa galaw o estado ng bansa.

- Pag-aanalisa sa mga patakaran ng pamahalaan.

- Tumatayong ugnayan ng pandaigdigang pag-unlad.

- Pagsasabatas ng mga nais ng isang bansa na makabubuti sa naninirahan


dito

- Pangangasiwa sa mga nasasakupan sa lubos na ikauunlad

Ang Tekstong Pang Ekonomiya

-Oikonomia - pangangasiwa ng pangangailangan ng tahanan

-Pag-aaral sa kilos at pagsisikap ng tao sa paraan ng paggamit ng


limitadong pagkukunan ng yaman

Ang Tekstong Pang Edukasyon


= Ang akademikong teksto ay isang sulatin o akda na maayos ang
pagkakabuo upang matulungan ang mga babasa na mas maintindihan at
makasabay sa mga argumento o ideya ng sumulat.

Kadalasang katangian ng isang akademikong teksto ay pagiging pormal


nito, inaral, sinaliksik, obhektibo, sakto, tuwiran, at may kakayanang
maka-impluwensya ng kanyang mambabasa

Ang Tekstong Pampamilya


Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Binubuo ito ng isang
tatay, isang nanay at mga anak. Tinatawag itong extended family kung
kasama nilang namumuhay sa isang bubong ang lolo,lola, tiyuhin o
pinsan. Ang pamilyang Pilipino ay kadalasan nang namumuhay sa
ganitong paraan yamang ang buklod o pagsasamahan ng pamilya ay
higit na pinahahalagahan. Kabaliktaran ito sa Kanluraning mga bansa na
atwomatikong ipinaaalaga sa mga home for the aged ang mga may edad
nang mga magulang.

Ang pamilyang Pilipino ay mayroon ding matatatag na panghahawakan


sa mga selebrasyon na kung saan nagsasama-sama sila at
nagkakasiyahan.

Kung ikaw ay papasok sa kanilang tahanan, talaga namang ang pagiging


mapagpatuloy ang isa sa puwede mong maobserbahan. Uso pa din
hanggang ngayon ang "Mano po".

Tekstong Pangkalikaran
Ay isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay,lugar at maging ng
mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao,kalimitan
tumutugon ito sa tanong na "ANO"

You might also like