Final Speech

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

To our School Head Teachers, to our honourable Mayor, Mayor Ramil

Rivera, our assistant Principal, Mr Romulo Vijandre, to our Principal for


Cabiao National High School, Mr. Lorenzo P. Joaquin, our guest speaker
Ms. Cristina Mae Lugtu, our beloved parents, teachers, visitors, fellow
students, Ladies and gentlemen, Good Evening!

Its my pleasure to stand up here in front of you tonight but first and
foremost I would like to say thank you to all of our teachers here in Cabiao
National High School especially to our dearest Grade 10 teachers.
To our beloved parents or guradians who always there to support and
guide us, thank you po. To our classmates, friends and especially to my 10
STE (JLV) family, thank you for all the memories we made together and
most especially to our dear/almighty God who gives me strength and made
this dream come through, for all the blessings and opportunities that given
to me.

“Kasama ko si Lord bakit ako matatakot?” katagang hindi ko


malimutan at laging naaalala. Sa tuwing magkakaroon ako ng mga
challenges sa buhay, di maiiwasang makaramdam ng pangamba at takot
na baka ako ay mabigo then maaalala ko ang katagang iyan, “ kasama ko
si Lord bakit ako matatakot” tila pakiramdam ko ay gumagaan sapagkat
nararamdaman kong kasama ko sya. Kaya mga kapwa ko magaaral huwag
matatakot itake ung challenges nyo sa buhay, kasama natin si lord bakit
tayo matatakot?.

Mixed emotion, ang aking nararamdaman ngayon, masaya ngunit


may lungkot. Masaya dahil nakikita ko ang mga ngiti sa ating mga mata,
lalo na sa ating mga magulang na walang pasidlan ng tuwa. Sa wakas ang
mga pagod, puyat at sakripisyo na ginawa natin sa paggawa ng mga
assignments, projects, reports at sa pagrerebyu ay nagkaroon na ng
matamis na bunga. Malungkot dahil kailangan na natin sabihin ang mga
temporary goodbyes dahil tayo ay maghihiwahiwalay na ng landas tungo
sa pagkamit ng ating mga pangarap.
Hindi madali sa mga katulad natin lalo na sa pamilya namin ang
makapag aral sa panahon ngayon, kailangan ng sapat na salapi, panustos
sa araw araw at sa iba pang gastos.

Isang simpleng may bahay ang aking ina at mayroon kaming maliit
na tindahan na syang pinagkukunan namin ng kabuhayan at ang aking
ama na isang contruction na nakikipagsapalaran sa kanyang pamukpok na
martilyo.

Isang karaniwan at simpleng pamilya lang kami na kailangan


talagang kumayod sa araw araw para sa pang araw araw na
pangangailangan.

Nakita ko at dama ko ang paghihirap nila kaya ito ang naging


inspirasyon ko para makapag aral ng mabuti at kahit man lang dito ay
Makita ko ang kasiyahan sa kabila ng kanilang paghihirap .

Dahil sa pagtitiwala ko kay Lord ito ang nasisilbing gabay ko sa


pagtupad ng aking pangarap.

Tandang tanda ko po noon nang pumunta kami sa our Lady of


Manaog kasama ang buong pamilya sabi nila kapag daw humiling ka dito
ay matutupad then isinulat ko po ang kahilingan ko at inilagay sa altar.

Nang tumuntong ng grade 9 bumaba ang aking rank at ako’y


nalungkot ngunit nagtiwala parin akong matutupad ang hiniling kong iyon,
tiwala lang sabi ko.

Grade 10 , babawi ako kasama si God. “Think positive kaya mo yan”


pag chicheer up ko sa sarili ko.

Gustong gusto ko ding mailaban sa math dahil paborito ko itong


subject ngunit hindi ako nailalaban, pinayuhan ako ng aking ina na hindi pa
daw panahon siguro pag ako na daw ang ilalaban sa math tiyak ay
mananalo ako.

Nang tumuntong ako ng grade 10, lahat ginawa ko nag aral ako ng
mabuti at ilalaban na ako sa math, finally I made it,. “Yes ilalaban na ako”
bulong ko sa sarili ko. Sa San Antonio National High School naganap ang
mathematics competition na kung saan out of 56 students or 23 different
schools ay pang top 6 ako. Nagkatotoo nga ang sinabi ni mama dahil
nakapasok ako sa top 10.

Narealize ko na “God’s plan will always be the best”.

Naalala ko tuloy ang sinulat kong kahilingan sa papel na nilagay ko sa Our


Lady of Manaog, ang nakalagay po sa papel ay sana po maging top 1 ako
sa grade 10 at nagkatotoo nga, eto na po ako ngayon sa harap nyo na
naniniwalang “walang imposible pero kailangan mo lang maniwala at
magtiwala sa kakayahan mo higit sa ating Panginoon.

Noong unang pasok ko sa paaralang Cabiao National High School,


sari-sari ang aking nararamdaman, masaya, excited ngunit kinakabahan.
Bagong school, bagong kaklase, bagong pakikisama at syempre hindi
maikakaila na maramdaman ang pagiging proud sapagkat alam kong
hinahangaan ng maraming tao ang section namin, ang STE .

To the whole family of STE (JLV), thank you for the memories we
have shared together for 4 years. I will surely miss this batch 2018-2019
STE.

Thank you sa mga pinagsaluhang kasiyahan, iyakan at kadramahan


natin at sa mga pinagsamahan natin lalo na noong panahon ng paggawa
ng papers sa research at robotics. Ramdam man natin yung pagod at
puyat matapos lang ang mga kailangang ipasa masaya parin tayo dahil
tayo ay sama samang nangangarag. Yung tipong puro laman ng usapan
natin ay may results and discussion na ba kayo? may research plan na ba
kayo? Ang sarap balikan ng mga ala alang ito na higit na nagpatibay ng
ating bonding. Talagang nagbunga ito ng makamit natin ang 3rd place
overall. Sabi nga nila mam “we are the legends.”

This is not the time to make us sad dahil alam naman natin na this is
not the end. This is only just a beginning, for the new challenge were facing
off next. “An ending is just a new beginning”. Kailangan lang talaga nating
magsumikap para makamit ang gusto natin at manalig sa Diyos na
maykapal.
Maging inspirasyon natin ang ating mga magulang dahil sila ang
mga taong hindi magsasawang sumuporta at gumabay sa atin. Ang lahat
ng kanilang pagsisikap ay para sa ikagaganda ng ating buhay.

Naway lahat tayo ay maging successful pagdating ng panahon.

To my dearest high school teachers, thank you for believing me that I


could do better, for teaching us in such an amazing way, for being strict
yet your love and care are undeniable and of course for helping us how to
face our battles. Thank you for the priceless feelings that you have made
us feel when we won in science investigatory project and pinoy robot
games. You taught us a lesson that molds us to become a better person.
Teachers you are one of the reasons for what we are today and in the
future.

Thank you for being a teacher, a friend, and a mother to all of us.
Thank you for considering us like we are your own children. For being
supportive, jolly, loving, caring, understanding and for all advices that you
gave to motivates us.

William A. Ward once said “ the mediocre teacher TELLS, the good
teacher EXPLAINS, the superior teacher DEMONSTRATES, the great
teacher INSPIRES”.

Teachers, you truly inspires us.

And now to those who I owe the greatest thanks of all, mama, papa and
kuya.

Ma, salamat sa pagmamahal, sakripisyo at paggabay sa akin. Kahit


na may mga tao na hindi gumagawa ng mabuti sayo, nanatili ka pa rin na
may mababang loob at pinagpapasa Diyos na lamang, Alam ko po na
mahirap sa inyo ang pagkawala ni lolo pero nanatili pa rin kayong matatag
at kinakaya ang lahat ng pagsubok at hamon sa buhay kaya nga “Lodi
kita”.

Kaya nga po ma, ang pinanghahawakan kong payo mo kahit


nakaharap ang mga magulang mo o nakatalikod gumawa kayo ng tama
hindi yung nakaharap lang yung magulang mo dun lang kayo gagawa ng
tama o mabuti. Higit sa lahat kapag kami ay may pinoproblema sabi mo
bumulong lang kami sa Diyos at tutulungan nya kami.

Kayo ni papa ang aking lakas sa pagtupad ng aking pangarap. Ma


kahit na inaabot ka ng hatinggabi sa pagtitinda habang nagrerebyu kami ni
kuya sige ka parin sa pagtitinda para kumita at may mapangbaon kami.

Kay papa na pagod at batak sa trabaho nakikita kop o ang pagod sa


inyong mga mata ngunit mas pinipili nyo pong kumayod sa araw araw para
sa amin.

Ang inyong mga payo ang inspirasyon namin ni kuya para mahubog
kami sa mabuting Gawain kaya ang karangalan kong ito ay handog ko
sainyo sa lahat ng pagsisikap nyo. Hindi madaling magsunog ng kilay pero
gagawin namin ni kuya yon para sa inyo dahil alam kong di tayo
pababayaan ni Lord.

Sa aking kuya, kaibigan ko pa salamat sa pagtuturo mo sa akin


minsan, sayo ko din natutunan ito na “ATTITUDE IS BETTER THAN
KNOWLEDGE”, dahil sa kabila ng iyong mga failure noong highs chool ka,
ginawa mo pa rin ang tama, dito ko nakita ang mga taong hindi naniniwala
sa kakayanan mo pero sa kabila ng mga ito , dito ka lalo lumakas, sila ang
naging inspirasyon mo kaya hiniling mo kay mama na Civil engineering
kukunin mo, nagulat si mama pero sinuportahan ka niya. Ngayon fifth year
college ka na. Kuya saludo ako sayo.

To my teachers, classmates and friends, thanks po sa lahat lahat.

Grade 10 completers always remember this bible verse:

Proverbs 3:6 “In everything you do, put God first and he will direct
you and crown your efforts with success”

Thank you, God Bless us all, more power, mabuhay ang batch 2019

CONGRATULATIONS!

You might also like