Professional Documents
Culture Documents
Yawa Ni Si Maam Flores
Yawa Ni Si Maam Flores
ARALING PAMPANITIKAN
- Naiiba ito dahil ang nobela ay nag bibigay aral ... may
damdamin na masasalamin.. itunuturing din makulay .,
mayaman, at makabuluhang anyo ng tuluyan
a.) nilalaman
c.) makatotohanan
3.4(a) Paano naiiba ang tulang tradisyonal ang
kultura ng bansang pinagmulan nito?
a.) makatotohanan
b.) masining
c.) pagpapahayag
Si Haring Ahmad ang unang hari ng Pate, siya din ang kauna-
unahang namuno sa Islam. Ninais nito na mawala si Liongo kung
kaya ito ay kanyang iklinulong at ikinadena. Ngunit si Liongo ay
nakatakas sa pamamagitan ng pag-awit ng sang papuri na inawit din
ng nasa labas ng bilangguan kung kaya ang kadena niya ay nasira
kung kaya siya ay nakatakas. Si Liongo ay nanirahan sa gubat
kasama ng mga tao doon. Sinanay niya ang kanyang sarili sa
paghawak ng busog at palaso kung kaya siya ay nakasali sa mga
paligsahan na isa lamang palang pakana ng Hari upang siya ay
mahuli muli nito, ngunit sa muli siya ay nakatakas.
Nagmula sa isang hindi kilala at hindi kalakihang tribo ng mga Umuofia,sa Nigeria ang isang
matapang na at respetadong mandirigma na si Okonkwo.
Habang sila ay naglalakbay, biglaan sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang
patayin, ngunit nagawang makatakas ng kawawang bata. Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa
kay Okonkwo. Habang nasa harapan ng kanyang pinamumunuan kailangan mamili ni
Okonkwo at upang ipakita ang katapangan sa harap ng mga kanayon, pinili niyang patayin
ang bata sa kabila ng paghingi nito ng saklolo.
Lumipas ang mga panahon, nabalitaan nalamang ni Okonkwo na patay na pala si Ogbuefi
Ezeudu ang matandang nagbigay sa kanyan ng babala tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna.
sa di malamang dahilan, umalingawngaw ng malakas na putok ng baril sa paligid habang
nakaburol si Ogbuefi Ezeudu. Tinamaan ng baril ni Okonkwo ang labing-anim na taong
gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangan pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang
krimen dahil ito ay isang mortal na kasalanan sa dyosa ng lupa. Napagpasyahan na ipatapon si
Okonkwo at ang kanyang pamilya sa Mbanta. Malugod naman silang tinanggap ng mga
kaanak lalo na ng kanyang tiyuhin na si Uchendu. Sinuportahan si Okonkwo na
makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan
ng kanilang munting kabukiran.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon
matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar.
Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Isang masamang balita
naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay
Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.
Isang araw may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si
G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta upang
ipakilala ang simbahan, ngunit ito ay hindi nagging madali. Hindi naglaon, nagkasakit si G.
Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch
ang takip sa mukha ng isang Egwugwu ito ay katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno.
Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev.
Smith.
Ikinalungkot ng komisyoner ng distrito ang nangyari sa kanilang simbahan at nagpatawag ito
ng isang pagpupulong kasama ang mga pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, ipina-aresto ang
mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay pinalaya na ang
mga bilango at napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagaakalang nais ng mga kaangkan na
maghimagsik nagawang patayin ni Okonkwo ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa
mga kaangkan niya ngunit ang totoo ay hindi pa handa sa giyera ang mga kaangkan niya.
Mahigit treinta pesos ang pinagbilhan niya sa mga boteng inipon niya
nang mahigit dalawang linggo. Dapat nga beinte-otso lang. Mabuti’t
kilala niya ang magbobote, pinasakto na niya.
Hindi niya napigilan ang ngumiti nang iabot sa kanya ng magbobote ang
pera. Bakit nga hindi? Kumpleto na ang dalawandaan niya! Tatlong
buwan niya kaya ‘yong inipon. Kahit minsan hindi na siya mag-recess.
Kahit hindi na siya makarenta ng computer para makapag-Facebook.
Kahit hindi na muna niya mabayaran ang inutang na Zest-o kina Aling
Mila. Ang mahalaga, mabibili na niya ang gusto niya!
Tinext niya agad si Rachel. Sabi niya, may pera na siya. Sagot naman
nito, magkita na raw sila, para mabili na niya ang gusto niya. Matagal na
niyang pinapangarap ‘yon. Simula pa noong mapanood niya ‘yon sa
bahay ng Kuya Jessie niya.
Kundi nanà.
2.4
I.PAGKILALA SA MAY AKDA:-Sa tingin ko binase ng may
akda sa kaniyang sariling karanasan ang pasulat ng kwentong
“Ang Dakilang Kaibigan”.Naranasan niya nang magkaroon ng
kaibigan na sa oras ng kaniyang pangangailangan ay nandoon
ito upang siya ay damayan.
II.URI NG PANITIKAN: =EPIKO-tulang pasalaysay na
nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.
III.LAYUNIN NG AKDA:-nais ng may akda na ipahatid sa
mga mambabasa kung ano talaga ang tunay na ibig sabihin ng
salitang ‘kaibigan’.Sa anong oras ay handa kang tulungan
kahit sariling buhay mo pa ang nakataya.
IV.TEMA O PAKSA NG AKDA: -pagmamahal sa kaibigan-
pakikipagsapalaran para sa kaibigan
V.MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:ARMAN-
maalalahanin-sumugod para iligtas ang kaibigan-umurong sa
labanan-nabuhayMANDO -lumusob sa labanan-namatay
2.5
2 ANG DAGA
Sa lahat ng hayop,
ayaw ko sa daga,
Salot sa tahanan,
maging sa tumana.
Lahat kinakain,
daming sinisira;
Maraming kaaway,
lalo na ang pusa.
Pagkaing niluto,
kaagad tatakpan,
Upang maligtas sa dagang kalaban;
Maruruming damit ay agad lalabhan,
Nang hindi masira ng dagang kaaway.
2.6
Tagapagsalaysay:
Ang pamilya Ledesma ay katulad lang ng iba ngunit para sa kanilang mga kapitbahay sila naata ang pinakamabait
na pamilya sa barangay.
Ate:
Yaya
, pwede ba ‘to kainin? Nagugutom na ako eh.
Kasambahay:
Nako para sa kapatid mo yan! Kakain na naman ng hapunan eh. Sandali nalang.
May tumama sa bubong
Bunso:
Ate narinig mo yung tumama sa bubong?
Anak:
‘Wag kang magaalala ba
ka kahoy lang yan na nahulog dahil sa lakas ng hangin.
May kakatok sa pintuan
Lola:
Ate may kumakatok ata. Baka tungkol sa bagay na bumagsak sa bubong natin iyan. Paki tignan monaman kung sino.
Pagbubuksan ng pintuan
Ate:
Ano po yun?
Kapitbahay:
Nako pasensya na po. Yung anak ko po kasi naglalaro ng bato ngayon dahil sa lakas ng
hangintumama siya sa bubong ninyo. Di ko po alam kung may nasira.
Ate:
Manang, sila mama nalang po ang kausapin ninyo diyan. Mamayang gabi ho sila makakauwi.
Kapitbahay:
Sige babalik nalang ako mamaya. Paki sabi nalang ang tungkol dito sa kanila. Salamat.
Sa loob ng bahay
Lolo:
Sino daw iyon, apo?
Ate:
Tama po si lola, tungkol nga sa pagtama sa bubong ito. Babalik nalang daw siya pag dumating na silamama.
Bunso nakadungaw sa bintana
Bunso:
Nandiyan na sila mama!
Papasok ang magulang
Tatay:
Mga anak nandito na kami. Tamang-tama lang ang dating namin para sa hapunan.
Papasok sa loob
Nanay:
Oh siya kain na tayo
May kakatok
1.1
I.
O mumunting alon!
Buhat sa magalas na batong tuntungan,
Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t sumasayaw-sayaw
Bago ka humalik sa dalampasigan.
Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay kundimang
Namadmad sa labi ng isang kariktan!
Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,
Titik kang masigla ng luma ng talindaw.
O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan,
Ikaw ay piraso’t nagkadurog-durog na sultanang buwan!
II
Buhat sa malayo,
Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis,
Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto ng langit,
Sa pananambulat ng iyong tilamsik
Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig!
Habang sa malayo ikaw ay mabagsik,
Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit!
Sa buhanging tuyo’t may kislap na init,
Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik!
III
Lumapit-lumayo
Ay pinapawi mo ang kayraming bakas
Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing lumipas,
Aywan kung ang mga magkatabing yapak
Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag
Kung magkagayon man, nais kong isulat
Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat na malawak;
Ako, sa ganito, ay magkakapalad
Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat!
Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-yakap!”
1.7
Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)
Nang bumalik siyá sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya upang
paliguan siyá. Nang maligo siyá sa Ilog Amburayan, namatay ang mga isda sa
baho ng kaniyang libag. Hinanap niya ang dalagang nagnangangalang Ines
Kannoyan, anak ng pinakamayamang tao sa Kalanutian. Pumunta siyá sa
nasabing lugar, kasáma ang tandang at aso niya. Nakarating siyá matapos ang
pakikipaglaban kay Sumarang at pang-aakit ni Sarindang. Nasindak sa kaniya
ang mga lumiligaw kay Ines Kannoyan. Naibigay din niya ang lahat ng mga
hiling ng magulang nitó kayâ ikinasal ang dalawa. Minsan, nangisda si Lam-
ang at nakain siyá ng berkakan, isang malaking isda. Isang maninisid ang
nakakuha ng kaniyang labí at sa tulong ng kaniyang tandang, muli siyáng
nabuhay at namuhay nang matiwasay.