Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Letter to the Philippines

CAST: ENSEMBLE
1: ACTOR
2: ACTOR
3: ACTOR

(opening)
**sound fx**
** Some actors preset (doing repetitive movement)**
**some actors come in and out**
(Hussle and bustle: Traffic/ Streets Chaos)
(instrumental piece na melody, violin/ cello, flute)
(artsy –)
Theme: dark, hopeless)
Groups/solos of movement to the sound
crossing but staying on stage.
Bringing these trashes of props around the stage
(kinakalat)

From the ensemble,


Emerges 1st ACTOR
*looking around the trash going stage down looking at the people*
*Then goes back or dragged bag to chaotic traffic of people*
(choreographed)
(sfx goes louder)

Ensemble murmurs

*under: light music as bed*


1: aray, aray. Teka teka, yung bata, may buntis hoh, dadaan, tabi tabi.
Grabe naman itong buhay na ito, umalis ka ng fresh ng 4:30am,
ala singko palang ng umaga, amoy pauwi na ako
kung pwede lang di pumasok sa skwelahan, hinding hindi na ako papasok

*sfx* snap
Ensem: WEH!
*sfx: goes back

1: Charot lang! papatayin ako ni Mama.


Traffic ka lang, graduating student ako.
Atsaka, sabi nga ni Dr. Jose Rizal
Ang Kabataan ang…... (to the audience)” pag-asa ng bayan”
kame yung magiging future leaders,(ensem: REACTS) future creators(REACTS), future
adultz(REACTS) yez and future decision makers,
(WITH THE ENSEM) saamin nakakasalalay ang mundong ito.

1: ….edi papasok na.


*ENSEM CLEARS but not exit
*it shows the basura around
…………………
1: Ano ba ito, ang daming basura, ang dugyot dugyot naman. PAano kanaman gaganahan
maging adult nito ito kung ganito, ramdam na ramdam mo na may pollusyon sa hangin, punng
puno ng plastic ang mga dagat tapos ito, kung saan saan nagkalat ang mga basura. Feeling ko
kung ang kalikasan nakakapagsalita

(sfx: transforming with wind and storm)


Ensemble: (forms Mother nature)
Narrator 2 (to be recorded with effects na nanatakot) : (kalikasan) masyado nyo akong inabuso,
Hindi nyo na ako nirespeto, hindi nyo na ako inaalagaan, magsisisi kayong lahat….

1: (reaction)
Panis nanaman siguro yung nakain kong Almusal.

location: BUS Terminal


*transforms into Long lines for commute*
*runs para makapila*

Nako… oo nga, may graded recitation pala nga kame mamaya,


wala nanaman akong masasagot nito.
Wait, relax, kalma, nagreview ka, namemorize mo sya at dapat confident ka.

(trying to recall)
1: Ano ba yung topic.... ahm Climate change...
(stinger)
(VO): Ramos, Jonalyn
-What is climate change??
*game show timer sfx*
1: Its the..result...of...the..ahm..its the process...when..ahm...
(stinger)
2: a change in the statistical properties (principally its mean and spread)[3] of meteorological
variables when considered over long periods of time, regardless of cause.

(Vo): How about the others?


3: "Climate Change is when the prevailing conditions of the atmosphere, the conditions that we
are used to based on time, location, and pattern, is not what it used to be."
2: "Definition 3" is about abnormal variations to the climate, and the effects of these variations
on other parts of the Earth.

1: (reacts) Ang dami namang depinisyon ng Climate change, iba, iba, di ko pa marin
maintindihan.
2 & 3: "pabago bago ng temperature ng mundo over a long period of time, dati nasa ice age,
sobrang lamig, ngayon naman ang mundo ay painit ng painit"
Happy? okay na?
*switch back to reality*

1: ahh. Ito yung nabasa ko sa facebook na natutunaw na daw yung mga ice sa antartica, kasi
sobra na ang init ng mundo. shinare ko kaya yun.
eh ano ngayon? Malayo naman bahay ko sa antartica

*pops out from the ensem*


4: alam mo, sayang lang data ng cellphone mo. Ganito kasi yan, hindi porket, hindi direkta
mong nararamdaman eh di ka na gagawa ng action. Isipin mo pag ang mundo ay patuloy na
magiinit, *starts choreo* kung ano ano ang pwedeng mangyaring kapamahakan, na lahat tayo
ay apektado. Tataas ang sea level ng mundo. Oh, marunong kabang lumangoy? Nako. Pag
patuloy na uminit ang mundo, kasama ang buong pilipinas, matatakpan tayo ng tubig. Alam mo
yun, parang isang malaking baha ang magkakaroon sa mundo at magiging permanente na iyon.

1: pag uminit ang mundo, iinit din ang karagatan, (*choreo*) Isa na rin jan na pwedeng
mangyare yung pamumuo ng mga malalakas na bagyo. ang daming pwedeng mapapahamak,
ang daming pwedeng masira at buhay na mawawala. Ayaw ko ng maulit ang Yolanda at ondoy.

*dumating na ang BUS


*transforms inside BUS*
(sfx: bg ng paligid/edsa)*

Location: Loob ng BUS

*hawak hawak yung mga xerox na papel na lectures*

Ay! (traffic)
1: Nako, malalate nanaman ako nito, mag aalas sais na, traffic na
4: Isa ring dahilan yan eh
1: Ang traffic? Sa climate change? Ano namang kasalanan ng mga kotse sa mundo?

4: ang kotse, walang kasalanan, ibig ko sabihin ay ang mga gumagamit nito, *choreo* pag may
traffic ibig sabihin madaming sasakyan, mas madaming sasakyan, mas madaming nasusunog na
gas and diesel, ang gas at diesel ay mga “greenhouse gases” na masama para sa mundo, ehh
ang mga sasakyan kaya ang mga isa sa mga nagpoproduce ng mga masasamang usok na
nakakadagdag kung bakit umiinit ang mundo.
1: so, anong gagawin? Di na gagamit ng kotse? Eh paano makakapasok sa school o sa trabaho?
4: taray may car!!
4: ang daming paraan. pwedeng maglakad, magbike, scooter, sumakay ng public transport like
LRTs and bus o kaya mag carpool. Kahit na ano, basta malimitahan lang yung maramihang pag
gamit ng kotse, Di naman ibig sabihin na di na gagamit, iwasan lang ang kada araw na gumamit
nito.

1: Para po.

*walks to the garbage*


Location: Nagaantay ng Dadaan na Jeep
1: Andito kapa rin? asan na yung mga jeep na yun? 6:45am na, punuan na ito.
*gets Water bottle and drink 1L from Bag*
4: Sarap? Lamig? Nakakasira din yan ng Kalikasan

1: Grabe kanaman, pwede bang uhaw lang. digmaan na may kasamag adventure kasi dito sa
pilipinas ang pagcocommute. Atsaka Botelya lang ito, ano nanamang kasalanan nito sa yo

4: eh gawa sa plastic yan. Kasama ng nga straw, plastic bag sa grocery, mga pakete chichirya at
shampoo, yan sila nakaka dagdag yan sa pagkasira sa mundo. Paano?*choreo* *ang mga
plastic gawa sa petrolyo, na nagpoproduce ng greenhouse gases, mas marami ang gumagamit,
mas tumataas ang demand, mas naabuso ang pagamit ng petrolyo.

*Jeep Arrives*

Location: Inside Jeepney


(hangin effect sa buhok)

1: Oo nga, atsaka yung mga plastic na yan halos yan ang laman ng basura at kalat na nakita ko,
dun palang sa terminal ng bus nagkalat sila, tapos ayun kadalasang napupunta sa karagatan, eh
di panaman madaling mabulok ang plastic na yan, nakaka pinsala atsaka di maganda tignan.

4: diba? grabe yung pang aabuso ng mga tao sa Kalikasan. Di na naalagaan ng tama at di na
narerespeto. Kaya ending iIyak nalang, di man kang gumawa ng Action. kesa maging parte ng
solution, nagiging sanhi ng destruction.

1: *react* baka naman kasi naman di nila alam anong action ang pwede nilang gawin

4: Sus, pwede namang subukan. Kailangan lang ng kaunting Malasakit sa Mundo at


pagpalhalaga sa kalikasan. Sa simpleng pag unplug ng mga appliances sa bahay, diba yung mga
laging nakasaksak, tanggal tanggal din. , nakakatulong na yun, pagiwas na gumamit ng mga
plastic sa pang araw araw, kesyo kubyertos, cups, bags at kung ano ano pa, konting disiplina sa
sarili maayos din yan. Tapos pwede mo ring kausapin mo mga classmates mo and teacher and
magulang mo na limitahan yung pag gamit ng mga bagay na nakakasira sa mundo at kalikasan,
yun mas maganda yun, kasi na shashare mo yung kaalaman mo sa pagpapahalaga ng kalikasan
at mundo.

1: *to the passengers* Mga ate, mga kuya, samahan nyo po ako na mag reduce ng pag gamit ng
mga bagay na makakasira sa mundo at gumawa tayo ng action sa Climate Crisis.

dedma!!

4: sa simula mahirap talaga, pero kailangan na natin simulan. A journey of a thousand miles
begins with 1st step.

Ensemble: *weirdly looking* Exits

4: oh ayan nasa school kana. ready kana sa Recitation mo hah. Goodluck :)

*rush*
VO : Call her name

1: sir, alam ko na ang tanong mo….ang ibig sabihin ng climate change. Ito yung pabago bago ng
temperature ng mundo, sa ngayon nararanasan natin ang unti unting pag init ng mundo which
is very very bad, kasi nga tayong mga tao naabuso natin yung mga bagay bagay dito, kagaya ng
pagsusunog ng diesel at mga basura, nako sobrang sama nun, malakas na pag gamit ng
kuryente, yung tipong lahat nakasaksak lahat, tapos pag gamit ng plastic items, tapos minsan
yung mga saksakan, di natin nabubunot masama pala yun, atsaka yung di natin pag aalalaga sa
kalikasan, magtanim ng halaman, maglinis at magsegregate ng basura, magtanim ng maraming
puno.,atsaka hindi ibig sabihin na, di natin agada gad nararamdaman, di na tayo gagalaw, kelan
tayo gagalaw pag “too late na? pag masama na at nakakamatay na? na kaialngan na natin
simulan ito. ayaw ko naman na mamatay yung mga magiging anak natin dahil sa kapabayaan
natin ngayon. Diba sir?

VO:

-kailan ka magsisimula?

Song enters
Kalikasan

Masaya kaba sa iyong nakikita


sa ating bansa punong puno ng basura.
Natatakot kaba sa mga mangyayari ngayon dina tulad ng dati.
Si inang kalikasan ay nag tataka saiyong pinapakit.
Noon Ang ulan Ang nagsisilbing pandilig ng punot halamanan.
ngayon Ang ulan Ang sanhi ng paglubog ng sambayanan

CHORUS:
KALIKASAN ATING PAG INGATAN
AT PAHALAGAN PAGKAT YAN LANG
ANG ATING NATITIRANG KAYAMANAN . 2X

Bansang sinilangan wag natin pabayaan


maging mapanuri sa ating kapaligiran.
Para sasusunod pang Mga kabataan
ay mayroon silang mapakinabangan

Bridge

Mga punong ginagawang bangko


Mga lupang binubungkal para makakita ng ginto
Ilog dagat punong puno ng kalat
Sino ba ang dahilan dba tayong lahat

(repeat chorus)

You might also like