Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KASUNDUAN

ALAMIN NG LAHAT NA:


Ang kasunduang ito ay ginawa sa pagitan nina:
, nasa legal na edad, nakatira sa
_______________________
, at kinikilala bilang “EMPLOYER”;
at
, ______ taong gulang, nakatira sa
__________ _________ ______
, at kinikilala bilang “EMPLEYADO”;

PINATOTOHANAN:
Na, ang EMPLOYER ay nangangailangan ng serbisyo ng isang
_____Sekretarya____ para magtrabaho sa Intercity, Bocaue, Bulacan kung saan ang kabuuan ng kanyang
trabaho ay:
 Mag benta ng bigas na naaayon sa presyo na binigay ng EMPLOYER;
 Mag-inbentorya ng natitirang produkto ng bigas at iba pa sa loob ng lagakan nito;
 Mag-bantay ng giling ng palay kung kinakailangan;
 Iba pang maaaring ipagawa:
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_______________________________________________
Na, ang EMPLEYADO ay naglahad na siya ay may sapat na pangangatawan, kakayahan, at
kaalaman sa paggawa ng trabahong nabanggit.
DAHIL DITO, alang-alang sa mga naunang nabanggit, kinukuha ng EMPLOYER ang
EMPLEYADO bilang “Sekretarya” sa ilalim ng mga susunod na kasunduan:

1. Ang EMPLEYADO ay manunungkulan sa kaniyang trabaho bilang


sekretarya ng EMPLOYER simula
hanggang
2. Ang EMPLEYADO ay makakatanggap ng lingguhang sahod na nagkakahalaga ng Php
2,000.00 na babayaran ng EMPLOYER tuwing
pagkatapos ng lingo, at iba pang benepisyo na itinatadhana ng batas.
Ang EMPLEYADO ay pumapayag na ibawas sa kaniyang sahod ang kaukulang halaga
bilang kontribusyon sa SSS, PhilHealth, at PAG- IBIG para makakuha ng mga benepisyo
nito.
3. May karapatan ang EMPLEYADO na makatanggap ng 13th month pay ayon sa tamang
komputasyon alinsunod sa umiiral na batas.
4. Ang EMPLEYADO ay may karapatang magpahinga nang hindi bumababa sa walong (8)
oras bawat araw.
5. Ang EMPLEYADO ay may rest day na kalahating araw ng lingo tuwing isang lingo.
6. Ang EMPLEYADO ay may karapatang kumain nang tatlong (3) beses sa isang araw:
agahan, tanghalian, at hapunan. Maaari din siyang mag-merienda kung kailan niya gusto
basta hindi ito sasagabal sa kaniyang trabaho.
Ang EMPLEYADO ay may karapatan na magpahinga tuwing may sakit.
7. May karapatan ang EMPLEYADO na makigamit ng telepono o ng iba pang kagamitan tulad
ng computer, internet, cellphone sa kaniyang oras ng pahinga. Gayunpaman, kung hinihingi
ng matinding pangangailangan o emergency, maaari itong gamitin ng EMPLEYADO kahit
na hindi oras ng pahinga.
8. Kung sakaling ang EMPLEYADO ay nais umutang sa EMPLOYER, maaari silang
magkaroon ng kasunduan sa paraan ng pagbayad ng utang na hindi lalabag sa mga umiiral
na batas.
9. Hindi maaring ipawalang-bisa ng EMPLEYADO ang kasunduang ito, maliban lang kung:
a. Ang EMPLEYADO ay inaabuso sa pananalita o pananakit ng damdamin ng
EMPLOYER, o ng sino man sa pinagttrabahuhan ng EMPLEYADO;
b. Pisikal na pananakit o malubhang pag-trato ng EMPLOYER, o ng sino man sa
pinagttrabahuhan ng EMPLEYADO;
c. Ang EMPLOYER, o sino man sa pinagttrabahuhan ng EMPLEYADO, ay gumawa ng
kahit anong krimen laban sa EMPLEYADO;
d. Nilabag ng EMPLOYER ang kahit anong nilalaman ng kasunduang ito;
e. Ang EMPLEYADO o ang EMPLOYER ay may sakit na maaaring nakakahawa o
posibleng makasama sa kalusugan ng mga kasama sa bahay ng EMPLOYER; o
f. Iba pang kadahilanang may kinalaman sa mga nabanggit.
Gayunman, maaari ding umalis ang EMPLEYADO para sa isang rasonableng dahilan na
hindi kasama sa mga nabanggit, kung sya ay magbibigay sa EMPLOYER ng abiso araw
bago ng pag-alis o pagtigil sa trabaho.
Kung sakaling umalis ang EMPLEYADO nang walang abiso sa EMPLOYER, wala na
siyang karapatang maghabol ng suweldo sa trabahong kaniyang ginawa bago umalis.
10. Hindi maaring ipawalang-bisa ng EMPLOYER ang kasunduang ito, maliban lang kung:
a. Ang EMPLEYADO ay may pag-uugaling masama, o kusang lumalabag sa mga
maayos na utos o kagustuhan ng EMPLOYER na kaugnay sa trabaho ng
EMPLEYADO;
b. Malubha o paulit-ulit na pagpapabaya o kapalpakan ng EMPLEYADO sa kaniyang
trabaho;
c. Panloloko, o pang-aabuso ng EMPLEYADO ng tiwala na ibinigay sa kaniya ng
EMPLOYER;
d. Ang EMPLEYADO ay gumawa ng kahit anong krimen laban sa EMPLOYER, o sino
man sa kaniyang tahanan;
e. Nilabag ng EMPLEYADO ang kahit anong nilalaman ng kasunduang ito;
f. Ang EMPLEYADO o ang EMPLOYER ay may sakit na maaaring nakakahawa o
posibleng makasama sa kalusugan ng mga kasama sa bahay ng EMPLOYER; o
g. Iba pang kadahilanang may kinalaman sa mga nabanggit.
Gayunman, maaari ding paalisin ang EMPLEYADO para sa isang rasonableng dahilan
maliban sa mga nabanggit, basta’t magbibigay ang EMPLOYER ng abiso araw bago ng
pag-alis o pagtigil sa trabaho.
11. Sumasang-ayon din ang EMPLOYER at ang EMPLEYADO sa mga sumusunod na bagay:
 Kung may utang na naiwan ang EMPLEYADO sa kanyang dating pinagttrabahuhan
ay sasaluhin ito ng EMPLOYER; ngunit ang EMPLEYADO ay may responsibilidad na
hulugan ito sa kanyang EMPLOYER tuwing matatapos ang lingo at makukuha na
niya ang kanyang sahod.
 Utang sa dating Employer na nagkakahalaga ng :________________________
12. And EMPLEYADO ay pinagbabawalan ng batas na ipagsabi o ikuwento kaninuman ang
kaniyang mga nalalaman tungkol sa EMPLOYER at iba pang miyembro ng
pinagttrabahuhan ng EMPLEYADO, kahit hanggang lumipat na siya ng trabaho, MALIBAN
LANG kung sumasaksi ang EMPLEYADO sa isang kaso tungkol sa krimen na ginawa laban
sa EMPLEYADO mismo, sa EMPLOYER at iba pang miyembro ng tahanan, at ang krimen
ay ukol sa tao, kagamitan, kalayaan at seguridad, at karangalan o puri.
Sumasang-ayon ang EMPLEYADO na ang kasunduang ito ay binasa niya o binasa sa kaniya,
ipinaliwanag sa lenggwaheng alam niya, at naiitindihan niya ang ibig sabihin at kahulugan ng
bawat probisyon sa kasunduang ito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, kami ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika ng ____
20 , dito sa .

___________________________-_ ______________________________
Employer Employee

MGA SAKSI

______________________________ ____________________________

You might also like