Professional Documents
Culture Documents
Balangkas Konseptwal
Balangkas Konseptwal
Balangkas Konseptwal
Ang pananaliksik na ito na may paksang, ‘’Epekto ng mga Social Networking Sites sa
Komunikasyon sa mga Piling Mag-aaral sa Unang Baitang sa Departamento ng Kompyuter
Studies sa Unibersidad ng Kalookan Congressional Campus’’ ay ginamitan ng input-process-
output model. Inilalahad ng input frame ay profyl ng mga tagatugon tulad na lamang ng
kanilang edad, kasarian, digital carrier at social networking sites, bilang ng paggamit ng social
networking sites sa isang linggo at bilang ng oras na ginugol sa paggamit ng mga social
networking sites. Ang process frame ay tumutukoy sa mga hakbang na gagawin ng mga
mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang pagsasagawa ng isang sarbey o pag
iinterbyu, pagbabasa ng mga kaugnay na literatura, paggawa ng listahan ng mga katanungan
o kwestyuneyr, dokumentasyon ng mga nakalap na datos at pagsusuri habang ang output
frame naman ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos at ang epekto o resulta
ng pag aaral alinsunod sa paksa na social networking sites sa komunikasyon sa mga piling mag
aaral. Binibigyan ng balangkas konseptwal ang pananaliksik na ito upang higit na
maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag aaral na ito.