Professional Documents
Culture Documents
Quarter Plan 4th Grading
Quarter Plan 4th Grading
4th QUARTER
Gramatika: Damdamin o Saloobin, Tayutay at Talinghaga, Pagsulat ng orihinal na tulang may tamang anyo at kaisahan, Salitang
Nanghihikayat, Hudyat ng Pagsusunod-sunod ng mga Hakbang, Pagsulat ng Radio Broadcast/Pagsasagawa ng Debate
II. CONTENT STANDARD: Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang
kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.
235
III. LEARNING ENDSTATES
A. ACADEMIC
LEARNING TO THINK: Nauunawaan ang kahalagahan ng mga pangyayaring nakapaloob sa obra maestrang Florante at Laura tungo sa
pagkamakabansa.
LEARNING TO DO: Nakabubuo ng isang debate na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahong isinulat ni Francisco Balagtas ang
kanyang Florante at Laura at sa kasalukuyan.
LEARNING TO FEEL: Napahahalagahan ang mga natutuhang aral tungo sa malalim na pag-unawa sa obra maestrang Florante at Laura
batay sa panahong naisulat ito at maiugnay ang mga pangyayari sa tunay na buhay.
LEARNING TO COMMUNICATE: Naibabahagi ang kaugalian, uri ng pamumuhay, relihiyon, paniniwala, at kultura na mababanaag sa
obra maestrang Florante at Laura para masuri at mapahalagahan.
LEARNING TO INTUIT: Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayaring nakapaloob sa obra maestrang Florante at Laura batay sa mga
kasalukuyang pangyayaring maiuugnay rito.
LEARNING TO LEAD: Naisasabuhay ang mga aral na hango sa akdang Florante at Laura na natutuhan upang mapairal ang
pagpapahalaga sa sarili.
LEARNING TO BE: Nagpapakita ng aktibong pakikilahok sa pagsasagawa ng isang debate na kasasalaminan ng pagiging makabansa at
mapanuring pinoy.
B. PAANO MAISULONG ANG KAALAMAN PATUNGO SA PAGIGING (HOW WILL THE LEARNING PROMOTE):
1. MAKADIYOS/MAKATAO
Naisasabuhay ang mga aral na hinango sa akdang Florante at Laura na natutuhan upang mapairal ang pagpapahalaga sa sarili at
pagkakaiba-iba.
2. MAKALIKASAN/MAKABANSA
Napayayaman ang pag-unawa sa kultura, kaugalian at tradisyon na mababanag sa akdang Florante at Laura.
236
IV. ACHIEVING THE ENDSTATES OF THIS UNIT
C. Performance Output
1. Debate
2. Radio Broadcasting
237
V. CHUNKING/OUTLINING THE UNIT
Aralin 1: Panitikan: Talambuhay ni Francisco Balagtas, Kaligirang Pangkasaysayan, at Mga Tauhan ng Florante at Laura
Gramatika: Damdamin o Saloobin
Una at Ikalawang Linggo:
1. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33)
2. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito -
pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda at pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat. (F8PB-IVa-b-33)
3. Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa. (F8PS-IVa-b-35)
4. Naibibigay ang sariling puna sa kahusayan ng may-akda sa paggamit ng mga salita at pagpapakahulugan sa akda. (F8PU-IVa-b-35)
5. Napaghahambing ang mga pangyayari sa napanood na teleserye at ang kaugnay na mga pangyayari sa binasang bahagi ng akda.
(F8PD-IVa-b-33)
6. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may- akda, gamit ang wika ng kabataan. (F8WG-IVa-b-35)
Aralin 2: Panitikan: Pag-aalay Kay Selya, Mga Tagubilin, at Mga Pagsubok kay Florante at Kay Aladin
Gramatika: Tayutay at Talinghaga
Ikatlo at Ikaapat na Linggo:
1. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin. (F8PN-IV-c-d-34)
2. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa. (F8PB-IV-c-d-34)
3. Nabibigyang kahulugan ang: -matalinghagang ekspresyon; -tayutay; - simbolo. (F8PT-IVc-d-34)
4. Nailalahad ang sariling karanasan o karanasan ng iba na maitutulad sa napanood na palabas sa telebisyon o pelikula na may temang
pag-ibig, gaya sa akda. (F8PD-IVc-d-34)
5. Nabibigkas nang may damdamin ang isinulat na monologo tungkol sa iba’t ibang damdamin. (F8PS-IVc-d-36)
6. Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa: -pagkapoot; -pagkatakot at iba pa. (F8PU-IVc-d-36)
7. Nagagamit ang ilang tayutay at talinghaga sa isang simpleng tulang tradisyunal na may temang pag-ibig. (F8WG-IVc-d-36)
238
Aralin 3: Panitikan: Alaala ng Ama, Pamamaalam ni Florante, at Pagtulong ng Isang Kaaway
Gramatika: Pagsulat ng orihinal na tulang may tamang anyo at kaisahan
Ikalimang Linggo:
1. Naipaliliwanag ang sariling saloobin/ impresyon tungkol sa mahahalagang mensahe at damdaming hatid ng akda. (F8PB-IVd-e-35)
2. Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salitang mula sa aralin batay sa denotatibo at konotatibong kahulugan. (F8PT-IVd-e-35)
3. Naibabahagi ang nadarama matapos mapanood ang isang music video na may temang katulad ng aralin. (F8PD-IVd-e-35)
4. Nalalapatan ng himig ang isinulat na orihinal na tula na may tamang anyo at kaisahan. (F8WG-IVd-e-37)
5. Nasusuri ang mga katangian at tono ng akda batay sa napakinggang mga bahagi. (F8PN-IVd-e-35)
6. Nabibigkas nang madamdamin ang mga sauladong berso ng Florante at Laura.F8PS-IVd-e-37
7. Naisusulat ang ilang saknong tungkol sa pag-ibig sa anyo ng isang makabuluhang tula. F8PU-IVd-e-37
Aralin 4: Panitikan: Pagbabalik-tanaw ni Florante sa Kanyang Kamusmusan, si Adolfo, at Trahedya sa Buhay ni Florante
Gramatika: Salitang Nanghihikayat
Ikaanim at Ikapitong Linggo:
1. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin. (F8PB-IVf-g-36)
2. Nabibigyang- kahulugan ang mga piling salita na di -lantad ang kahulugan batay sa pagkakagamit sa pangungusap. (F8PT-IVf-g-36)
3. Nagbibigay reaksyon sa isang programang pantelebisyon na may paksang katulad ng araling binasa. (F8PD-IVf-g-36)
4. Natatalakay ang aralin gamit ang estratehiya ng: - Simula - Pataas na aksyon - Kasukdulan - Kakalasan – Wakas. (F8PS-IVf-g-38)
5. Nakasusulat ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa sa binasa. (F8PU-IVf-g-38)
6. Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan. (F8PN-IVf-g-36)
7. Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat. (F8WG-IVf-g-38)
Aralin 5: Panitikan: Paghingi ng Tulong ng Krotona, Ang Pagtatagpo nina Florante at Laura, Sa Krotona, at Ang Pagtataksil ni Adolfo
Gramatika: Hudyat ng Pagsusunod-sunod ng mga Hakbang
Ikawalong Linggo:
1. Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa napakinggan. (F8PN-IVg-b]h-37)
239
2. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at motibo ng mga tauhan. (F8PB-IVg-h-37)
3. Pasalitang naihahambing ang mga pangyayari sa lipunang Pilipino sa kasalukuyang panahon. (F8PS-IVg-h-39)
4. Nasusulat ang isang islogan na tumatalakay sa paksa ng aralin. (F8PU-IVg-h-39)
5. Nagagamit ang mga hudyat ng pagsunod-sunod ng mga hakbang upang magbago ang isang bayan. (F8WG-IVg-h-39)
6. Naibibigay ang kahulugan ng salitang di pamilyar gamit ang kontekswal na pahiwatig. (F8PT-IVg-h-37)
7. Nagbibigay reaksyon sa isang programang pantelebisyon na may paksang katulad ng araling binasa. (F8PD-IVf-g-36)
240
RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG RADIO BROADCAST
Nangangailangan pa ng
Pamantayan Napakahusay (10) Mahusay (8) Mahusay-husay (6) Puntos
ensayo (4)
Napakahusay nang Ang binuong iskrip ay
Di-gaanong
pagkakabuo ng iskrip isang komprehensibo Hindi komprehensibo at
komprehensibo at
at ito ay nagtataglay at nagtataglay ng nagtataglay ng lahat ng
Iskrip nagtataglay ng lahat
ng lahat na lahat ng kakailanganin sa pagbo-
ng kakailanganin sa
kakailanganin sa kakailanganin sa broadcast.
pagbo-broadcast.
pagbo-broadcast. pagbo-broadcast.
Napakahusay na
Ang radio broadcast Hindi gaanong
naisagawa ang radio
ay naisagawa ng naisagawa ng Hindi naisagawa ng
broadcast. Ito ay
makatotohanan at makatotohanan at makatotohanan at
makatotohanan at
Pagtatanghal nakasusunod sa mga nakasusunod sa mga nakasusunod sa mga
nakasusunod sa mga
wastong hakbang o wastong hakbang o wastong hakbang o paraan
wastong hakbang o
paraan ng pagbo- paraan ng pagbo- ng pagbo-broadcast.
paraan ng pagbo-
broadcast. broadcast.
broadcast.
Mahusay ang
Ang boses ay Di-gaanong
paglakas at paghina Hindi malumanay,
malumanay, malumanay,
Boses ng boses at lubos na malinaw, nakaaakit sa mga
malinaw, nakaaakit malinaw, nakaaakit
nakaaakit sa mga tagapakinig.
sa mga tagapakinig. sa mga tagapakinig.
tagapakinig.
Napakahusay ng mga Ang mga salitang
salitang pinili. Simple ginamit ay pilimpili, Di-gaanong
Hindi nauunawaan ng mga
subalit malaman at simple subalit nauunawaan ng mga
Salitang Ginamit tagapakinig ang mga
nauunawaan ng malaman at tagapakinig ang mga
salitang ginamit.
lahat ng uri ng nauunawaan ng lahat salitang ginamit.
tagapakinig. ng uri ng tagapakinig.
Kabuoang Puntos:
241
RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG DEBATE
242