Professional Documents
Culture Documents
Kaugnay Na Literatura
Kaugnay Na Literatura
Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do they Differ
sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng Disyembre, 1937
ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa. Marahil ang pagkakaroon ng
opisyal na wika ng isang bansa ay siyang magiging tulay tungo sa matatag at matagumpay na ekonomiya
nito. Dagdag pa rito, ayon naman kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay
multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na
ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum
na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang
kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Hindi rin kayang baguhin, palitan, at malimutan ng isang bansa ang
wika nito dahil Malaki ang naging gampanin nito noon at magpahanggang ngayon.
Ayon kay Bienvenido Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa bawat sandal ng buhay natin
ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit
din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika upang kamtan ang kailangan natin.”
Kasabay ng araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal kabilang na ang mga pulitiko, propesyonal,
at mga simpleng mamamayan ay nakakabit na sa kanila ang paggamit ng wika sa tuwing makikisalamuha’t
lamang nito na kapag ginamit at pinapalaganap ang Wikang Filipino kasabay ng modernisasyon sa
kasalukuyan ay maipapalaganap din ang produkto, kultura, at iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.
nakasanayan na ng mga mamamayan, kabilang na rito ay ang wikang nakasanayan. Ayon kay Mario I.
Miclat, Ph.D., nasabi niya sa artikulong Ang Kalagayan ng Wikang Filipino sa Panahon Ngayon, “Hindi
ngayon lamang dekadang ito sumulpot ang problema ng pambansang wika, o lingua franca, o wikang
panlahat. Hindi noon lamang panahon nina Quezon sa pamahalaang Commonwealth kalahating siglo ang
nakararaan. Pinag-uusapan na iyan kahit noong mahigit apat na raang taon na.” Isa sa mga salik na siyang
nagiging dahilan ng mga samo’t saring suliranin patungkol sa wika ay ang paglitaw ng mga makabagong
salita na kung minsan ay nagbubunsod ng hindi pagkakaintindihan ng bawat isa. Tulad na lang ng
paglaganap ng Jeje words, Beki language¸ at marami pang ibang nauusong salita na nagiging kadahilanan
ng mga orihinal na termino at kahulugan nito. Ang Investigative Documentaries ni Malou C. Mangahas,
isang Journalist at taga-ulat ng GMA network, na may pamagat na Jejemon and the Filipino Language. Sa
dokumentasyong ito, gumawa sila ng eksperimento kung maiintindihan nga ba ng mga Filipino ang
wikang Jejemon sa pamamagitan ng pagpapabasa sa mga ito ng isang partikular na mensahe na nakasulat
sa wikang jejemon. Ang iba, partikular na ang matatanda, ay nahirapang basahin ang mensahe dahil sa
sari-saring karakter na ginamit upang mabuo ang salita samantalang mabilis naman itong naintindihan ng
mga kabataan dahil ayon sa kanila, ang wikang Jejemon ay uso at pamilyar na sa kanilang henerasyon.
Sinubukan din nilang alamin kung kaya ng mga kabataan ang tamang pagbabaybay sa wikang Jejemon.
Dito, nadiskubre nilang higit na binibigyang pansin ng ibang mga kabataan o mga Jejemon ang pagiging
malikhain sa pagsulat ng mga salita kaysa sa magiging kahulugan nito sa iba. Pinaalala rin sa
dokumentasyong ito na walang masama na sumabay sa uso ngunit may limitasyon din ito. Mawawalan ng
silbi ang kakaibang spelling kung iilan lamang ang nakakaunawa at nakakalimutan na ang tamang
pananalita. Ngunit sa kabilang dako naman ay higit na akma na gamitin ang mga salita na may kinalaman
malaki ang kinalaman ng teknolohiya at modernisasyon sa paglaganap at paglaho ng ilang mga salita.
Sa isang panayam ng GMA News ay inihalintulad naman ni National Artist for Literature Virgilio
Almario Ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy sa pera na nawawala sa sirkulasyon. "Hindi naman
namamatay 'yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in currency," paliwanag ni Almario na siyang pinuno
ngayon ng Komisyon ng Wikang Filipino. "Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang
lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag niya. Sinabi pa ni Almario na buhay ang
Ayon kay Caroll (1964), ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan. Ito ay resulta ng paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon,
ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga huwaran ng gawi na pinag-
aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
Ayon sa librong Kasaysayan ng Wika at Pananaliksik, ang wikang Filipino ay napagtibay bilang
Wikang Pambansa noong 1987 sa Order Pangkagawaran bilang 22 sa ilalim ng Artikulo XII Seksyon VI.
Ang artikulo naman ni Sara Boydon noong Agosto 10, 2014 sa Tomasino Web ay nagpapahayag
na ang wikang Filipino ay hindi lamang dapat maalala tuwing buwan ng Agosto o tuwing may okasyon
lamang dahil ito ang sumisimbolo na tayo ay mga Pilipino at nararapat lamang na hindi natin ito
makalimutan dahil lamang sa mga bakas na naiwan ng mga dayuhan sa ating bansa.
Dapat lamang na palaging gamitin, tangkilikin, at pagyamanin ang wikang kinagisnang upang
hindi ito mawala sa sirkulasyon ng patuloy na pag-ikot ng mundo. Dahil itinatanag ang wikang Filipino
Kaugnay na Pag-aaral
Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya saisang bansa.
Ito ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng bawat tao saisang ekonomiya. Kung
ng isang bansa. Masasabi na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang isang bansa sa mga aspektong
transaksiyon, wala tayong ekonomiya.” Ang wika umano ay isang paraan ng paggawa ng transaksyon.
ito naintindihan kung kaya’t dapat ay maipahayag mo rin ng malinaw sa iba ang iyong naintindihan
tungkol doon. Dahil dito, masasabi na ang wikang pambansa ay may malaking papel na ginagampanan sa
Ayon kay Jose Laderas Santos, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), malaki ang
halimbawa ang pagbili ng isang ordinaryong Pilipino sa tindahan. Ang ginagamit na wika sa transaksiyong
ito ay Filipino. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa at nagkakaroon
Ayon kay Bernard Macinas, komisyner ng KWF mula sa Bicol, ang bawat bansa ay may sariling
pagmamahal. Kapag ito’y natamo, magkakaroon ng katahimikan at kaayusan ang isang bansa. Masasabi
rin na angkatiwasayan ng isang bansa ay isa ring salik sa pag-unlad ng ekonomiya nito.
Kapagnagkakaroon ng kaayusan ang isang bansa ay maaiwasan ang gulo at mas mapapaunlad pa laloang
kanilang ekonomiya.
Para naman kay Vilma Tacbad, komisyner ng KWF mula sa Pampangga, bagaman Ingles ang wika
ng komersyo, hindi pa rin ito ang susi sa kaunlaran ng bansa. Binigyan niyang halimbawa ang mga
bansang Japan, South Korea, Thailand, at China. Di tulad sa bansang Pilipinas, ang mga bansang ito ay
masasabing mahina sawikang Ingles. Ngunit hindi ito naging dahilan upang paunlarin nila ang kanilang
bansa. “Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang wikang sarili. Hindi
ginamit ng Japan para umunlad ang wikang Ingles,” ani Tacbad. Sa bansang ito na Ingles ang itinuturing
na pangalawang lengguahe, malaking bagay ang paggamit nito sa usaping pang-ekonomiya. Ngunit kung
ikukumpara ang Pilipinas sa ibang bansa, mas magkakaroon ng malaking posibilidad na mapaunlad ang
ekonomiya sa pamamagitan ng paglinang sa kung anong sariling atin, Filipino, ang wikang pambansa.
teknolohiya at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi
harapan ng bantayog ng batikang makata at manunulat na si Francisco Balagtas, na siyang nasa likod ng
epikong "Florante at Laura." Ayon sa isinagawang eksperimento ng GMA News, kung saan sinubukan
nilang alamin mula sa mga kabataan ngayon at ilan sa mga matatanda ang kahulugan ng mga lumang salita
kagaya nga limpuyok, papagayo at salakat, wala sa mga modernong kabataan ang nakakuha
ng tamang sagot o kahulugan ng mga salitang ito subalit may isang matanda ang nakakuha naman
ng tamang sagot. Ayon sa ulat na ito, masasabi nating mahirap para sa mga kabataan ngayon
Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang
hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang
henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay,
kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga
gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating
pagkakamali.
Share
ave
acebook
Twitter
GPlus
LinkedIn
Sa pag-usad ng panahon, may bahagyang pagbabago sa paggamit ng wikang Filipino at tila hirap ang ilan na
makisabay dito.
Isang halimbawa si Edison Yunesco na mas gustong purong Tagalog ang gamitin sa pagsasalita.
Hindi niya rin tanggap ang paraan ng pagte-text ng mga kabataan ngayon gaya ng "d2 na me, asan na u."
Ani Yunesco, bakit hindi na lamang Hapon kung Hapon at Ingles kung Ingles.
Aminado rin si Gail Gines na nahihirapan siyang intindihin ang ilang pagbabago sa paggamit ng wika.
Halimbawa na lamang aniya ang salitang "ganern" na ginagamit sa halip na "ganu'n" o "ganoon."
Ayon naman sa tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino na si Virgilio Almario, nahirapan din siya
noong una sa text language ng millennials.
Kuwento pa niya, kinakailangang unawain ang mga bagong gamit ng salita para mas mapabilis ang pagsagot
sa mga text message ng millennials, tulad ng mga abbreviation na "BTW" o "by the way" at "OTW" o "on
the way."
National Artist for Literature si Virgilio Almario at chairman din ng National Commission for Culture and
the Arts.
Bilang punong tagasuri ng wikang Filipino, wala siyang nakikitang masama sa pagbabago sa wika.
Paliwanag pa niya, baka lalong hindi maintindihan ang mga susunod na henerasyon kung mananatiling
makaluma ang paggamit sa wika.
Giit pa ni Almario, araw-araw na nagbabago ang buhay na wika at ang pagbabago ay isang katotohanang
kailangang tanggapin.
https://news.abs-cbn.com/life/08/08/17/tama-ba-ang-mga-pagbabago-sa-wikang-filipino
“Gramatikong Kamalian at Kahinaan ng mga Mag-aaral sa
Filipino”
Kabanata I
I. Panimula
Ang pag-aaral na ito ay masusing tumatalakay sa mga
gramatikong kahinaan at kamalian sa wikang Filipino ng mga
mag-aaral partikular na ang mga nasa unang taon sa kolehiyo.
Ito ay nakatuon sa kung anu-ano ang mga salik na paghina ng
kakayahan ng mga mag-aaral sa kanilang “grammar” sa
Filipino, mapaberbal man o pasulat. Naglalayon din ito na
masolusyunan ang problemang ito.
II. Paglalahad ng Suliranin
Tanong:
Natutugunan ba ng mga guro sa Filipino ang kahinaan ng mg
estudyante sa kanilang “grammar” sa wikang Filipino?
A. Sitwasyon sa Klasrum
Sapat at napapanahon na aklat
Maayos na pasilidad sa pagtuturo
Mainam na kapaligiran at walang destraksyon sa pagkatuto
C. Sistema ng Edukasyon
Marubdob na ipinatupad ng DepEd. ang Patakarang Bilingwal
Ipinapatupad ang paggamit ng wikang Ingles bilang 2nd language
Mas pinagtutuunan ng ibang mga paaralan ang paggamit ng wikang Ingles kaysa Filipino
IV. Haypotesis
Pagtutuunan ang wikang Filipino upang mapaunlad ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa kanilang “grammar” sa
wikang Filipino.
V. Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito; “Gramatikong Kahinaan at Kakulangan
ng mga mag-aaral sa Filipino” ay tumatalakay lamang sa mga
gramatikong kahinaan at kakulangan sa Filipino ng mga mag-
aaral na nasa unang taon sa antas tersyarya sa Pamantasang
Normal ng Pilipinas.
Sinusubukan rin na talakayin sa pag-aaral na ito ang mga salik
na nakakaapekto sa pagkatuto o hindi pagkatuto ng mga mag-
aaral pagdating sa kanilang grammar sa Filipino, gaya na
lamang ng sistemang pang-edukasyon, mga pamamaraan o
istratehiya sa pagtuturo ng mga guro, mga patakarang
pangwika, maayos na pasilidad, napapanahong aklat, antas ng
pagtuturo sa Filipino, mga wikang pokus at antas ng
panggramatikong kakayahan ng mga mag-aaral.
Ninais din na mabatid ng mananaliksik kung papaano masusulusyunan ang mga mali “grammar” sa Filipino ng
mga mag-aaral. At upang malaman ito ay isinagawa ang isang descriptive survey na may mga respondente na
mga nasa unang taon sa antas tersyarya sa Pamantasang Normal ng Pilipinas.
5. Hangga’t maari’y maging maingat sa pagbibigay ngpuna at mahihirap na gawain lalo na doon sa maykahinaan
sa pag-aaral.
Isang malaking dagok sakanilang katauhan kung sila’y maiinsulto lalona’t sa harap ng klase.
MANINDIGAN PARA SA FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO
Mahalaga ang naging papel ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa pagpapatibay ng Konstitusyon sa wikang Filipino
bilang wikang pambansa at wikang panturo.
Bilang pagsasabuhay sa isinasaad ng Konstitusyon, pinagtibay ng Lupon ng mga Rehente ang UP
PATAKARANG PANGWIKA simula noong Mayo 29, 1989.
Sa pamamagitan ng patakaran sa wika ng UP :
1. Pinayabong ang akademikong disiplina ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas mula antas di-
gradwado hanggang gradwado;
2. Pinasigla ang intelektuwalisasyon sa Filipino sa pamamagitan ng mga saliksik at publikasyon;
3. Itinatag ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF) na nagtataguyod ng pananaliksik sa wika, pagsasalin at
paglalathala ng orihinal na materyales sa iba't ibang disiplina na nakasulat sa wikang Filipino;
4. Nagdaos ng mga seminar, kumperensiya at fora na nagtatasa sa antas ng paggamit ng wikang Filipino; at
5. Nanguna ang Unibersidad sa mga kilusan sa wika gaya ng Pambansang Samahan sa Wika (PSW), Kaguro sa
Filipino, LEDCO, at SANGFIL.
Nawawalan ng halaga ang mga inisyatiba at tagumpay ng UP sa paggamit ng Filipino dahil sa salungat na
patakaran ng Administrasyong Arroyo. Napipigil ang pagsulong ng wikang Filipino bilang panturo dahil sa
Executive Order 210, pahayag ni Kalihim Jeslie Lapus ng Dep. Ed., HB 4701, at mga panukala ng ibang
ahensiyang panggobyerno.
Tahasang lumalabag ang mga ito sa itinatakda ng Konstitusyong 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6 :"Dapat
magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon."
Hinihingi ng pangyayaring ito na muli tayong manindigan at manguna sa pagtataguyod ng Filipino bilang wikang
panturo sa pamamagitan ng :
1. Aktibong paglahok sa pagpapairal ng Patakarang Pangwika ng Sistemang UP;
2. Agarang pagpupulong ng Konseho ng Wikang Filipino na binubuo ng mga direktor ng SWF at mga
tagapangulo ng mga departamento ng Filipino sa Sistemang UP upang bumuo ng programa ng pagkilos;
3. Paninindigan ng University Council ng iba’t ibang kampus sa Sistemang UP hinggil sa usapin ng wikang
Panturo; at
4. Pagtipon ng lakas sa loob at labas ng UP upang ganyakin ang mga humahawak ng kapangyarihan na
magtataguyod sa wikang Filipino.
MANINDIGAN PARA SA FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO
MGA ADMINISTRADOR, KAGURUAN, ESTUDYANTE, AT KAWANI NG UP
Patakarang Bilingual
“While reaffirming the Bilingual Education Policy and the improvement in the
teaching of English and Filipino, this proposal aims to introduce the use of the regional
lingua franca or vernacular as the medium of instruction in Grade One. Studies have
shown that this change will make students stay in rather than drop out of school, learn
better, quicker and more permanently and will, in fact, be able to use the first language
as a bridge to more effective learning in English and Filipino as well as facilitate the
development of their cognitive maturity. (PCER, 2000)”.
Noong 1999 sa panahon ng panunungkulan ni dating kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon Bro. Andrew Gonzalez, nagkaroon ng proyektong Lingua Franca Education.
Sa 16 na rehiyon sa bansa , nagkaroon ng experimental class sa grade one na gumamit ng
lingua franca bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura, at ang control class ay
ang bilingual education.
Kaugnay pa rin ng isyu sa edukasyong multilinggwal, mababanggit dito ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading
test sa dibisyon ng Kalinga. Sa sampung distritong ito, tanging ang Lubuagan lamang ang may First Language
Component, ibig sabihin, ang unang wika ang ginamit na midyum ng pagtuturo sa lahat ng asignatura maging sa
science at math. Ang natitirang siyam na distrito ay sumailalim sa regular ng edukasyong bilinggwal. Ipinakita sa
resulta ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa English
(76.5%) at Filipino (76.44%). Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa English at
61.4% sa Filipino. Ang pumangatlo naman ay ang Pasil, na nakaiskor ng 51.9% sa English at 47.7% sa Filipino.
Ang mga programang katulad ng Lubuagan First Langauge Component ay nagpapahiwatig na ang mga
pagbabagong ibinatay sa pamayanan gamit ang unang wika ng mga mag-aaral ay matagumpay na
maisasakatuparan. Mahalaga sa ganitong programa ay ang pagkakaroon ng konsultasyon sa pamayanan na
maaaring pasimulan ng pakikiisa ng mga miyembro ng pamayanan sa pagpaplano, pagbuo, pagpapatupad at
pagtaya ng programa.
Sa Pilipinas, ang isyu sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakarang pangwika sa bansa ay patuloy na
nababahiran ng pulitika. Kayang-kayang dalhin ng nakapangyayaring uri ang wika sa direksyong naaayon sa
kanilang preperensya at paniniwalang pangwika. Naaayon din ito sa kanilang adyendang nais isulong para sa
bansa. Sa sitwasyong waring higit na pinapaboran ang English dahil sa tinatawag na globalisasyon, higit din
namang lumalakas ang tawag sa
lokalisasyon para sa lokal na panlasa at kapakinabangan. Batay sa inilahad na mga pag-aaral, ang globalisasyon
at lokalisasyon ay maaaring magkatuwang na maisakatuparan sa pamamagitan
ng maaayos, tama at angkop na patakarang pangwika sa bansa.
Kabanata III. Metodolohiya
I. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na isinasagawa ng mananaliksik ay masusing sinusuri kung anu-ano nga ba ang mga salik na
nakaapekto sa kakayahang panggramatiko ng mga mag-aaral na nasa unang taon sa Pamantasang Normal ng
Pilipinas. Ninanais ding mabatid ng pag-aaral na ito kung bakit mahina sa kanilang “grammar” sa Filipino ang mga
mag-aaral. Sinusubukang alamin ng mananaliksik ang saloobin at damdamin, kakayahan at kaalaman ng mga
mag-aaral na nasa unang taon sa antas tersyarya. Batid ng mananaliksik na ang mga mag-aaral na ito ay
nagsipagtapos at nagkamit ng kanilang edukasyon sa lebel ng sekundarya at sila’y nakakuha at nakapag-aral ng
sabjek na Filipino. At dahil doon ay nais din na mabatid ng mananaliksik kung ang antas ng edukasyon sa Filipino
na nakuha ng mga mag-aaral noong sila ay nasa sekundarya ay sapat upang sila ay matanggap sa mas malaking
mundo ng kolehiyo at kung sapat na ba ang kanilang kaalamang natanggap kung kaya’t sila’y mahusay na sa
kanilang grammar sa wikang Filipino.
Kabilang na rin dito, nais mabatid ng mananaliksik ang epekto ng sistemang pang-edukasyon na ipinatutupad ng
Kagawaran ng Edukasyon at ng Komisyon sa Mataas na Edukasyon sa ikauunlad ng pag-aaral sa wikang
Filipino, lalo na ang pagpapatupad ng Patakarang Bilingual na gagamitin ang wikang Ingles bilang pangalawang
wikang midyum sa pagtuturo.
Ang guro ang siyang gumagabay sa mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Kaya naman nais ding suriin ng
mananaliksik kung epektibo ba ang mga paraan ng pagtuturo ng mga guro sa Filipino upang mabawasan ang
mga kahinaan ng mga pag-aaral sa kanilang “grammar” sa Filipino.
Pinakamahalagang part eng pag-aaral na ito ay ang kabatiran ng mananaliksik kung paano isinasabuhay ng mga
mag-aaral ang kanilang mga natutunan sa Filipino upang mapaunlad ang kanilang gramatikong kakayahan. Batid
ng mananaliksik na nakasalalay ng mahigit ang pagkatuto ng mga estudyante sa kanilang mga sarili din at hindi
lamang nakasalalay sa ibinibigay ng guro. Kung kaya’t nais suriin ng mananaliksik ang isyu ng paggamit ng mga
mag-aaral ng wikang “Taglish” at pati na rin ang kahirapang pag-aralan ng wikang Filipino kaysa Ingles.
At bilang kasagutan sa mga suliraning ito ay nagsagawa ang mananaliksik ng isang sarbey. Ang sarbey na ito ay
isang “Descriptive Survey Research Design” na gumagamit ng mga palatanungan (Survey Questionnaire) upang
makalikom ng datos. Gumawa ang mga mananaliksik ng sampung (10) palatanungan. Ang mga katanungang ito
ay mga nasa ayos obhetibo at maari lamang sagutin kung sa tingin ng kinakapanayam ay katotohanan ito o hindi
katotohanan. Sasalungguhitan niya lamang ang salitang Katotohanan kung sang-ayon siya sa pahayag at
sasalungguhitan niya lamang ang Hindi Katotohanan kung siya ay salungat sa pahayag.
II. Respondente
Ang pag-aaral na ito; “Gramatikong kahinaan at kakulangan ng mga mag-aaral sa Filipino” ay naglalayong
matuklasan kung bakit nga ba tila humihina na ang kakayahang panggramatiko sa Filipino ng mga mag-aaral. At
ang napiling respondente nito ay ang mga nasa unang taon sa antas tersyarya particular na ang mga mag-aaral
sa unang taon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Sila ang napili ng mananaliksik batay na rin sa kanilang mga
karanasan sa pag-aaral lalo na sa sabjek na Filipino. Batid nating lahat na ang mga “freshmen” na ito ay, na bago
tumuntong sa pamantasan ay nagkaroon na sila ng apat na taong pag-aaral sa lebel sekundarya. Ngunit sapat
nga ba ang natamo nilang edukasyon sa Filipino upang makatuntong sa PNU?
Ang mga respondenteng ito ng mananaliksik ay dumaan na sa maraming proseso ng edukasyon at pagkatuto
kaya naman nais na mabatid ng mananaliksik ang kanilang kakayahan kung sa sistema ng edukasyon na
kanilang pinagdaanan ay nagabayan naman sila nito tungo sa mas mainam na kabatiran at pag-unawa sa wikang
Filipino lalo na pagdating sa “ grammar”.
Ang ilan sa mga respondente ay mga kakatapos lamang ng pag-aaral mula sa lebel ng sekundarya at ang iba
naman ay mga nagsipagtapos na, ilang taon na ang nakakaraan ngunit pasamantala lamang na tumigil sa pag-
aaral kung kaya’t sila’y nagkakaiba-iba rin ang kanilang lebel ng pagkatuto.
Sa sarbey na inihanda ng mananaliksik ay inilatag ang mga katanungang makakatulong upang matugunan ang
mga suliranin sa gramatikong kahinaan at kakulangan sa Filipino ng mga respondente.
III. Instrumento ng Pananaliksik
Upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito at upang masolusyunan ang mga suliranin ay gumamit ang
mananaliksik ng mga kaparaanan gaya na lamang ng pagkuha ng mga datos sa pamamagitan ng pagsasarbey
ng naglalayong makita ang dahilan o aspeto ng paghina ng “grammar” sa Filipino ng mga mag-aaral sa unang
taon. At upang maging posible ito ay inobserbahan at sinuri ng mananaliksik ang kalagayang pang-edukasyon sa
larangan ng pagtuturo ng Filipino. Sinusubukang isa-isahin at intindihin ang bawat aspektong matuklasan gaya ng
antas ng edukasyon, mga istratehiya ng guro, mga patakarang pang-edukasyon at ang wikang Filipino at Ingles –
mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng isang mag-aaral sa wikang Filipino. Sinusuri din kung paano
isabuhay ng mga mag-aaral ang mga natutunan sa asignaturang Filipino.
https://prezi.com/_bexxnktlrkv/filipino/
Ipiniprisinta nina:
I. Panimula
Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang
pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang mga
mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging
ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at
pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. \ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala
ito, ang ekonomiya ay hindi lalago o uunland kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o
nagkakaintindihan.
Nang dahil sa teknolohiya na nakapaligid sa ating kabataan ngayon, nalipat na ang kanilang
atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga. Nakakalimutan na nila ang
pangunahing kaalam kagaya ng wastong paggamit ng mga salita at ang kahalagan ng
pagbibgigay importansya at pagtangkilik sa ating sariling wika; ang wikang Filipino.
Ayon nga sa sinabi ng ating naturingang bayani, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling
wika, ay higit pa sa amoy ng malansang isda”. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paglikom
ng iba-ibang persepsyon ng kabataan sa pagkilanlan at paggamit sa wikang Filipino sa
makabagong panahon. Upang makalikom ng mga suhestiyon ukol sa paano makisabay sa
pagbabago ng ating wika at makabigay ideya sa kung paano mapapaunlad o mabubuhay ulit
ang unti-unti na nating nakakalimutang wikang Filipino.
Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo
at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming
dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa aisang panahon ng kasaysayan, ito ay
tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa
iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at
multicultural, nabubuklod an gating mga watak-watak na isla n g iisang mithiin na ipinapahayag
hinidl amang sa maraming tinig ng iba’t-ibang rehiyon kundi gayon di nsa isahang midyum na
Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang
baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
Lugar ng Pag-aaral
Isinagawa ang pag-aaral sa St. Louise de Marillac College of Bogo sa seksyon ng Blessed
Giuseppina Nicoli na isang pribadong paaralan sa lungsod ng Bogo. Napagdesisyonan ng
mananaliksik na sa paaralang ito ang isigawa ang survey sa kadahilanang ang mga mag-aaral
sa nasabing paaralan ay may mga pangunahing kaalaman ukol sa paksa na isinasaliksik ng
mga mananaliksik.
kalahok sa pag-aaral.
Oo Hindi
1. Sang-ayon ka ba na
umuunlad/nagbabago ang wikang
Filipino? 22 19 2 6
2. Ang makabagong teknolohiya
ba ay isa sa mga salik na
nakakaapekto sa pag-
unlad/pagbago ng wikang Filipino? 19 18 5 7
8. Nakaimpluwensiya ba ang
panankop ng ibang bansa sa pag-
unlad/pagbago ng ating wika? 7 22 17 3
Rekomendasyon
Salig sa isinagawang pag-aaral, inilalahad ang sumusunod na mga mungkahing
solusyon, suhestiyon, at rekomendasyon upang mas lalong mapabuti at mapag-ibayo ang
ideya sa paksa ng pananaliksik:
Patuloy pang paunlarin ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng patuloy na pagbahagi ng importansya at
kahalagahan ng ating wika lalo na sa mga kaabataan sa kasalukuyan.
Pag-enganyo sa kapwa mananaliksik na magsagawa rin ng mga kaugnay na pag-aaral/pananaliksik
upang matugunan ang mga katanungan na magpahanggang ngayon ay nanatili pa rin na nakabitin sa
ating mga isipan patungkol sa pagpapa-unlad ng Wikang Filipino.
Gamitin ang mga imporamasyon na makalap sa pag-aaral/pananaliksik na ito bilang gabay sa paggawa
ng mga teorya na maka-ambag sa paggawa ng paksa na pwedeng makatulong sa pagpapayanong sa
Wikang Filipino.
Pag-aralan at paunlarin pang higit ang ginawang pagsasaliksik ng mga mananaliksik upang mas
madagdagan ang mga datos na kinakailangan para mas mapakinis at mapatibay pa ang konklusyon at
kahulugan ng pag-aaral na ito.
VII. Talaan ng mga Sanggunian
Mga Aklat
Arrogante, Jose A. et. Al. 2007. Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. National Book
Store, Mandaluyong City
Arrogante, Jose A. & Ayuyao, Nunilon G. & Lacanlale, Vilma M. 2004. Panitikang Filipino
(Antolohiya) Binagong Edisyon. National Book Store, Mandaluyong City
Bernales, Rolando et. Al. 2011. Akademikong Filipino T
https://vjntwika16.wordpress.com/2016/11/08/ang-wikang-filipino-sa-makabagong-panahon-isang-
pananaliksik/
Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin.
Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa isang panahon ng
kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o
natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad.
Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do they
Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng
Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa.
Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal
at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na
ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa
isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa
pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may Language Acquisition Device (LAD.
Idinagdag niya na everyone is born with some sort of universal grammar in their brains------
basic rules which are similar across all languages.
Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang wikang Filipino
ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang luar na naiintindihan
sa kahit saang dako ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok at ngipin. Ibig sabihin
nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol sa wika.
5
Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language? Ang wika raw ay
ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang simbolon ito
ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isanasaayos sa ma klase at
pattern nga lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay
mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang
kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga tradisyon. Maari raw
mawala ang matatandang hehnerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin
nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang mga plano o
adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumusunod at sumusunod pang
henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan
ang muling pagkakamali o di naman kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating
pagkakamali. Masasabikung gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga
aspektong intelektwal, sikolohikal, at kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung
babalikan natin at susuriin ang kasaysayan ng ating wikang Filipino?