Asignaturang Filipino: Ang pagpatigil nga ba nito’y marapat na hakbangin?
Ang asignaturang Filipino ay pinapapalooban ng mahahalagang kaalamang marapat
na isalin sa mga bagong henerasyon, mga impormasyong angkop na nakabuhol sa ating pangaraw- araw na pamumuhay at mga kabatirang katumbas ay ilang buhay ang isinakripisyo ngunit ang lahat nang ito ba’y mauuwi nalang sa wala’t hahayaan na lamang bang maglaho? Ang walang taros na pagdesisyon ng mga opisyal sa Commission on Higher Education sa paglabas ng CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013 ay nagpaalarma sa mahigit 200 na guro ng wika, manunulat ng panitikang Filipino at mga estudyante. Nagkaisa’t nanindigan laban sa polisiya ang mga indibidwal na ito sapagkat isinantabi ng natukoy na Memorandum ang pagturo ng Filipino bilang mahalagang asignatura kasunod ng pagsasabatas ng bagong kurikulum ng pagtututuro. Humigit-kumulang 100 taon ang nakalilipas simula ng ipinahayag ni dating Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagrerekomendang Tagalog ang gawing saligan ng wikang pambansa ngunit, bago iyan ay marami munang pinagdaanan ang ating mga huwarang bayani bago tuluyang nakamit ang kalaayan sa wika ng bansang Pilipinas. Isang rason iyan na magpapatunay na hindi marapat na alisin ang pagturo ng asignaturang Filipino sa kurikulum dahil sinugal ng mga bayani natin ang kanilang mga buhay para lang makamit ang kalayaang pambansa. Ika nga “Ang pagkakaroon ng sariling wika ay nagpapatunay lang na may kalayaan ang isang bansa”. Sinasabing ang mga kabataa’y pag-asa ng bayan ngunit, paano mapapatunayan iyan kung mga kabataan mismo’y walang alam ukol sa sarili nating mga kaalaman? Kapag hindi ipagpatuloy ang pagtuturo ng nasabing asignatura’y unti unting mawawala’t mamamatay ang ating wika, kultura’t pagkakakilanlan dahil ang pagtanggal nito’y para na ding pagsibak ng identidad ng mamamayang Pilipino. Ang pagprepreserba’t patuloy na pagsasabuhay ng kasaysayan nati’y paraan upang maipahayag at maipamalas ang sariling atin. Hindi marapat na tanggalin ang asignaturang Filipino sapagkat ilang kabuhayan ang nakatanikala dito. Malaki-laking porsyento ng mga Pilipino ang nakaambang mawalan ng trabaho. Ayon sa isang propesor sa UP-Diliman, hindi palaging mabubuti ang dulot ng globalisasyon, nagdudulot rin ito ng pagkawala ng pagkakakilanlan dahil sa pag-usbong ng ideyolohiyang dayuhan. Sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa ating sistema ng pagtuturo, magdudulot ito ng napakaraming resultang maaring ikababa ng identidad at dignidad ng isang Pilipino. Sa bawat hakbang na ating tatahakin, ito’y maaaring makaapekto sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, ang mga desisyong ating pipiliin ay maaaring makapagbago ng iba’t ibang mga bagay at mga kilos na ating gagawin ay kasunod nito’y maaring positibo o negatibo. Sanggunian: https://usapangwika.wordpress.com/2016/11/14/bakit-hindi-dapat-alisin-ang-asignaturang- filipino-sa-kolehiyo/ https://upd.edu.ph/~updinfo/jul14/articles/Mga%20Guro%20tutol%20sa%20utos%20ng%20CH ED%20na%20tanggalin%20ang%20Filipino%20sabjek.html http://www.bitagtheoriginal.com/files/theme/tu_061814-FilipinoSubject.htm