Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GLOBALISASYONG

TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-
KULTURAL

Mababanaag din ito sa aspetong teknolohikal at


sosyo-kultural ng mga bansa sa daigdig. Mabilis
na tinangkilik ng mga mamamayan sa
developing countries ang pagggamit ng cellular
phones o mobile phone na nagsimula sa
mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga
bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India.
Sa Pilipinas, talamak ang paggamit ng mobile
phones. Sa katunayan, ang pagte-text ay naging
bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay
ng marami. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra,
marami sa mga cellphone users ay hindi lamang
itinuturing ang cellphone bilang isang
communication gadget, ito ay nagsisilbi ring
ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi
madaling maihiwalay ito sa kanila. higit na
pagbabago ang dinala ng computer at internet
sa nakararami.
Kaalinsabay ng pag-usbong ng mga social
networking sites tulad ng facebook, twitter,
instagram at Myspace ay ang pagbibigay
kakanyahan sa mga ordinaryong mamamayan
na ipahayag ang kanilang saloobin sa iba’t ibang
paksa o usapin. Aktibo nang nakikibahagi ang
mga netizen sa mga usaping lubos na
nakakaapekto sa kanila.
Sa kabila ng mga positibong naidudulot,
kaakibat din nito ay mga suliraning may
kinalaman sa pagkalat ng iba’t ibang uri ng
computer viruses at spam na sumisira ng
electronic files at minsan ay nagiging sanhi ng
pagkalugi ng mga namumuhunan.

Sang-ayon ka ba sa cybercrime law upang


mabigyang-tugon ang suliranin ukol dito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
GLOBALISASYONG POLITIKAL

Globalisasyong politikal na maituturing


ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga
bansa, samahang rehiyunal at maging ng
pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng
kani-kanilang pamahalaan. Kaugnay sa
globalisasyong politikal ay ang gampanin ng mga
pandaigdigang institusyon sa pamamahala ng
mga bansa. Ayon sa artikulo ni Prof. Randy
David na pinamagatang, ‘The Reality of Global
pandaigdigang organisasyon tulad ng United
Nations, European Union, Amnesty
International at mga tulad nito sa mga polisiya
at programang kinahaharap ng isang bansa. May
magandang dulot ang globalisasyong politikal
kung ang layunin nito ay tulungan ang mga
bansa upang higit na maisakatuparan ang mga
programa at proyektong mag-aangat sa
pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit
maaari rin itong maging sagabal sa pag-unlad ng
isang bansa kung ang kanilang interes ang
bibigyang pansin.

You might also like