Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Christine Cincollagas

Halimbawa ng Anekdota

Si Celine
Naalala ko pa noong unang araw na dinala ang isang tuta sa bahay
naming. Kumpara sa mga nauna, dala ng bugbog ng kolonyalismo, hindi
ko agad matanggap ang isang tuatang ordinary o askal sa mas tamang
kolokyal na pananalita.

Ordinaryo ang kulay, ang balahibo pati ang itsura. Siya ay isang babae
kaya pinagdarasal na sana’y mabuntis siya ng isang may lahing aso. Pero
tulad ng mga naunang babaeng tutang nanirahan sa amin. Hindi
hinahayaan nila nanay at tatay na lumabas man lang ang alaga naming
aso.

Ako ang nagpangalan sa tutang iyon. Kasikatan kasi ng “Maging Sino Ka


Man” noon. Paborito ko ang karakter ni Anne Curtis. Kaya naman
pinangalan ko syang “Celine”.

Mabait na alagang aso si Celine at tulad ng pambihirang kakayahan ng


mga aso, malakas ang pang-amoy nila. Kaya naman lahat ng nakatira sa
bahay naming, memoryado niya ang amoy. At kapag hindi sa kanya
pamilyar ang amoy, sa entrada pa lang ng bahay, hindi na ito titigil
kakatahol.

Dalawang taon akong nawala sa Pinas. Naisip ko, dahilan sa nakahalubilo


ako sa isang lahi, mag-iiba na ang amoy ko sa kanya. Pero gulat ko,
pagdating na pagdating ko, sabik na sabik na nagtatalon si Celine sa
akin. Naglambing na tila sinasabi sa akin na “Welcome back! I miss you!”

At sa ilang pagkakataon, nahuli ko ang aking sarili na nakikipag-usap sa


alaga naming aso. Minsan, sinasabi ko sa kanya ang mga pangarap ko,
sama ng loob, at mg masasayang sandal. Para akong tanga na
nagbabakasakaling naiintindihan niya ako. Kapag tinitingnan ko siya sa
kanyang mga mata, may haplos ng pagkilala na sa mga panahon ng
pananatili niya sa aming bahay. Hindi na lang siya alagang aso sa amin
kundi isang parte ng aming pamilya.

You might also like