Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG SISTEMA NG EDUKASYON SA PILIPINAS

October 18, 2016

Ang sistema ng edukasyon ngayon sa pilipinas ay umunlad dahil sa pag-kakaroon ng K-12 na


nilagdaan ng ating dating pangulo na si Former President Benigno Aquino III dito nadagdagan pa
ng dalawang taon na tinatawag na senior high kindergarten,anim na taon sa elementarya (grade
1 to 6),apat na taon sa junior high school (grade 7 to 10) at dalawang taon sa senior high school
(grade 11 to 12) isa sa mga pinakamagandang naging kontribusyon ng gobyerno sa
kasalukuyang panahon ay ang malaking badyet na inilalaan nito para sa Kagawaran ng Edukasyon
(DepEd) Tanda ito ng patuloy na pagsuporta at pananalig sa kaisipang ang paghubog ng kabataan
ay paghubog ng kinabukasan at ang bawat mag-aaral magsesenior high ay mag-kakaroon ng
tinatawag na voucher kasama narin ang mga nasa pribadong paaralan naging kaakibat ng
gobyerno ang na magbigay ng edukasyon sa mga mamamayan nito ang masigurong
napapaunlad ang kalidad ng edukasyong ito batay sa pangangailangan at mithiin ng bansa sa
curriculum na ito makakapili ang mag-aaral kung ano ang nais nila halimbawa ang Academic
Strand at Technical Vocational sa Academic Strand dito nakapaloob ang ABM,STEM,GAS at
HUMMS at ang TechVoc naman ay para sa mga gusto sa Arts at Sports at iba pa tila maganda ang
layunin ng K-to-12 para paunlarin ang edukasyon sa Pilipinas. Pero laging maiiwan na tanong sa
programa nito, para kanino papaunlarin ng K-to-12 ang edukasyon sa Pilipinas?Ang pagkakaroon
ng edukasyon ang inaasahan ng maraming pamilyang Pilipino para makaahon sa kahirapan. Kaya
naman isa ito sa pangunahing pinaglalaanang gastusin ng pamilyang Pilipino. Ang makapagtapos
ang kanilang mga anak at magkaroon ng magandang buhay.Laging tungkulin ng mga
mamamayan na hingin mula sa kanilang gobyerno, hindi lamang ang pagkakaroon ng edukasyon,
kundi ang edukasyong tunay na para sa kanila at tunay na para sa bayan.Batay sa nakikita natin
ngayon, hindi ganito ang edukasyong mayroon ang Pilipino sa kasalukuyan.

Sistemang Edukasyon ng Hapon


Ang Sistemang Edukasyon ng Hapon ay nagtataglay ng 6 na taon sa elementarya, 3 taon sa
baguhang hayskul, 3 taon sa nakatataas na hayskul at 4 taon sa unibersidad (ang mga baguhang
kolehiyo ay 2 taon). Para sa mga bata na mas mababa pa ang edad para makapasok sa
elementarya, may mga kindergarten at mga daycare sila na maaaring pasukan.

Sa bansang Hapon, ang mga batang papasok sa elementarya ay sa buwan ng Abril kasunod ng
kanilang ikaanim na taong kaarawan. Sapilitan ang elementarya at ang mababang hay-iskul. Para
makapasok sa hay-iskul at sa mismong unibersidad, kinakailangang kumuha ng pagsusulit.
Mayropon ding mga technical at iba pang eskuwelahang nagtuturo ng teknikal at ibang
kakayahan sa trabaho na nagtapos ng mababa at mataas na hay-iskul.
Mayroong tatlong uri ng paaralan: Ang lokal na paaralan na pinamumunuan ng Gobyernong
Hapon, pampublikong paaralan na pinamumunuan ng mga prefecture at mga munisipalidad, at
pribadong paaralan na pinamumunuan naman ng mga samahan sa paaralan.

Ang nabanggit na kailangan sa edukasyon ay kailangan lamang para sa mga mamamayang


Hapon, ngunit kung dayuhang sapat na ang edad sa pagpasok sa paaralan (mula sa Abril kasunod
ng kanilang ikaanim na kaarawan patungong Marso kasunod ng kanilang ika -15 kaarawan) na
naninirahan sa Hapon at nais na mag-aral sa paaralan ng Hapon, maaari silang tanggapin. Sa
Sistemang Edukasyon ng Hapon, tinitiyak sa edad ng bata ang taon ng pagbubukas sa paaralan.
Samakatwid, bilang tuntunin, ang dayuhang bata ay pumapasok sa paaralan ayon sa kanilang
edad.

You might also like