Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Summative Test

Pangalan: ________________________ Petsa: ______________


Baitang/Pangkat: _________________

I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang TITIK ng pinakaangkop na sagot sa patlang.

___ 1. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?

a. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala
b. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao

___ 2. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang
kapuwa

a. Dignidad
b. Moralidad

___ 3. Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?

a. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapuwa at sa pakikitungo sa mga ito


b. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapuwe ang pagmamahal at pagpapahalaga

___ 4. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?

a. Sa sandaliang nalalabag ang kaniyang karapatang pantao


b. Sa oras na niyayapakan ng kapuwa ang kaniyang pagkatao

___ 5. Ayon kay Propesor _______, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang
igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa etc..

a. Patrick zion
b. Patrick lee

___ 6. Ito ang kalayaang magnais o hindi magnais

a. Kalayaang tumukoy
b. Kalayaang gumusto

___ 7. Ito naman ang kalayaan upang tukuyin kung alin ang nanaisin

a. Kalayaan tumukoy
b. Kalayaan gumusto

___ 8. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari
ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang
ilang pang mga kasama na itinuring na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito,
nawala ang kaniyang _______.

a. Panlabas na kalayaan
b. Panloob na kalayaan

___ 9. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.” Ang pangungusap ay:

a. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang
naaayon sa kabutihan.

___ 10. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?

a. Konsiyensiya
b. Batas-moral
___ 11. Lumaki si Jaycee sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang
maraming pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito,
madalas siyang sumasangguni sa maraming mahahalagang aklat na magtuturo sa kaniya ng mga batayan sa
pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsiyensiya ang inilalapat ni Jaycee?

a. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsiyensiya sa pagkilala sa mabuti
at masama
b. Ipagpaliban muna ang pasiya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam

___ 12. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsiyensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao


b. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalikihan, kultura, at kapaligiran ng tao

___ 13. Ang likas na Batas-moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang
katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas-moral ang tinutukoy sa
pangungusap?

a. Obhekotibo
b. Pangkalahatan (unibersal)

___ 14. Sobra ang sukli na natanggap ni Leny nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang
na ang kaniyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng
konsiyensiya ang ginamit ni Leny?

a. Tamang konsiyensiya
b. Purong konsiyensiya

___ 15. Nahuli ng kaniyang guro si Albert na nagpapakopya sa kaniyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa
niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging isinisisi
ni Albert ang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Albert sa pagkakataong ito?

a. Ang pagtulong sa kapuwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapuwa na akuin ang pagkakamali
b. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kaniyang sarili

___ 16. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

a. Magpasiya
b. Umunawa

___ 17. Ang sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:

a. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay


b. Ang isip ay may kapangyarihan maglapat ng mga pagpapasiya

___ 18. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kaniyang kilos?

a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o discipline


b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob

___ 19. Ang tao ay may tungkuling ________, __________, at _____________ ang isip at kilos loob.

a. Sanayin, paunlarin, at gawin ganap


b. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap

___ 20. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang ________________

a. Kabutihan
b. Katotohanan
II. TAMA at MALI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pahayag
ay tama at isulat naman ang salitang MALI kung ang pahayag ay mali.
__________ 21. Dahil sa dignidad lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o
makasasama sa ibang tao.
__________ 22. Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos-
loob.
__________ 23. Ang panlabas na kalayaan ay ang kalayaan upang isakatuparan ang Gawain na ninais ng kilos-
loob.
__________ 24. Ang Dignidad ng tao ang bumabagabag sa kaniya kapag gumagawa siya ng masama.
__________ 25. Ang Likas na batas-moral ay di likas sa tao dahil wala siyang kalayaan.
__________ 26. Ipinapakita dito na ang konsiyensiya ay nakakabit sa isip ng tao; kaya’t ito ay kakayahan ng isip na
maghusga ng mabuti at masama.
__________ 27. Ang di matinag na karangalan taglay ng tao ay ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao.
__________ 28. Ang kalayaan ng isip ay bahagi ng ispiritwal na aspekto ng ating pagkatao.
__________ 29. Likas sa tao ang walang kalayaan pumili sa masama at sa mabuti.
__________ 30. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa kasinungalingan

III. Punan ang patlang. Pumili sa loob ng kahon ng pinakaangkop na sagot.

Sanayin kumilos/gumawa
Paunlarin katotohanan
gawing ganap umuunawa
kabutihan nakaalam
nagpapasya/pumili natatangi

Ang tao ay 31.) _____________________________ na nilalang dahil siya ay may:

Isip na 32.) ____________ 33.) kilos-loob na__________________ 34.) Ang gamit ng isip ay
______________ 35.) Ang gamit ng kilos-loob ay _____________________ 36.) Ang tunguhin ng isip ay
_________________ 37.) Ang tunguhin ng kilos-loob ay ______________ kaya nararapat na 38.) ______________
39.) _____________ at 40.) _______________ ang isip at kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang kakayahang
ito ng tao.

You might also like