Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Babang Luksa

Teoryang Romantisismo

Paano mo masasabi na tunay na mahal mo ang isang tao? Ito ba ay dahil palagi mo
siyang kasama? O kaya, dahil nagkakasundo kayo? Para sa akin, masasabi na mahal mo talaga
ang isang tao kung siya ay natatanggap mo bilang siya at gagawin mo ang lahat para lang
ipaglaban siya. Naniniwala kayo na kahit anong problema, nalulutas ninyo ito magkasama at sa
maayos na paraan. Ang tunay na pag-ibig ay hindi namamatay, kahit ano man ang mangyari.
Kahit kamatayan, hindi magwawakas ang pagmamahal ng dalawang tao. Makikita ito sa tulang
Babang Luksa na isinalin ni Olivia Dantes mula sa tulang Pampango ni Diosdao Macapagal.
Maaari itong suriin sa Teoryang Romantisismo sapagkat ang paksa nito ay nagbibigay diin sa
pagmamahalan ng dalawang tao, kahit yumaon na ang isa.

Makikita sa tulang Babang Luksa na napakaraming emosyon ang nadama ng may akda.
Siya ay nalulungkot sapagkat namatay na ang kanyang minamahal, ngunit siya ay
nakakaramdaman din ng saya tuwing naaalala niya ang kanilang mga ginawa at pinupuntahan
noong sila ay magkasama pa. Sa teoryang Romantisismo, nagkakaroon ng inspirasyon ang tao
upang mabatid ng tao ang katotohanan, kagandahan at kabutihan. Ang kanyang iniirog ang
naging inspirasyon upang siya’y makapagsulat tungkol sa kanilang pagmamahalan. Sa akda,
ipinakita kung paano sila ang may akda at ang kanyang minamahal nagsama dito sa mundo; ang
kanilang pagliligawan, ang pagsasagot ng babae at ang ibang mga pangyayari na makikita ang
kanilang pagmamahalan. Ang teoryang Romantisismo ay nagpapakita ng mga pangyayari na
makatotohanan at nangyayari sa buhay ng tao, at ito ay nanananlig sa Panginoon, katwiran,
kagandahan at kalikasan. Mapapansin din dito ang katotohanan ng buhay na ang tao ay
sadyang kailangan mamatay. Kahit sa sobrang lungkot ng may akda, kanya itong tinanggap at
nanalig na lamang siya sa Diyos. Ang nilalaman ng isang akdang masusuri sa teoryang
Romantisismo ay ang karakter na romantiko o sobre natural. Ang may akda ay masasabing
isang romantiko sapagkat siya ay nakasulat tungkol sa kanyang mga damdamin at emosyon sa
pagmamahalan nilang dalawa.

Ipinakita sa tula ang pagmamahalan ng dalawang tao. Masasabi na tunay ang kanilang
pagmamahalan sapagkat nalampasan nila ang kahit anong problema, maging ang kamatayan.
Ang tunay na pag-ibig ay nagdadala ng kasayahan sa isang tao. Ito ay nagbibigay ng rason upang
hindi mawalan ng pag-asa, maging masaya, at maging kumpleto ang isang tao.

You might also like