Modyuls Sent To Jezrael

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

PAGSUSURI NG PANGANGAILANGAN

Layunin:

1. Naisasagawa ang mga hakbang sa pagsusuri ng pangangailangan

Nakatuon ang pagsusuri sa pangangailangan sa mga layunin at nilalaman ng


kurso. Sinusuri dito ang nalalaman na ng mga mag-aaral at ang kailangan nilang
malaman. Tinitiyak nito na ang kurso ay naglalaman ng makabuluhan at magagamit
na mga bagay upang matuto. Ang isang mabuting pagsusuri ng pangangailangan ay
pagtatanong ng mga angkop na mga tanong at paghanap ng mga angkop na mga sagot
sa mabisang paraan.

Iba-ibang tuon ng mga pagsusuri sa pangangailangan

Hinati-hati nina Hutchinson at Waters (1987) ang mga pangangailangan sa target


na pangangailangan (i.e. ano ang kailangang gawin ng mag-aaral sa target na
sitwasyon) at ang mga pangangailangan sa pagkatuto (i.e. ano ang mga kailangang
gawin ng mga mag-aaral upang matuto). Makikita ito sa sumusunod na figyur ang
tatlong uri ng pangangailangan

Ang pagsusuri sa mga target na pangangailangan ay maaring tumingin sa:

1. Mga pangangailangan: Ano ang kinakailangan sa paggamit ng mga mag-aaral


sa wika? Gaya halimbawa, kailangan bang isulat ng mga mag-aaral ang mga
sagot sa mga tanong sa pagsusulit?

2. Mga kakulangan: Ano-ano ang mga kakulangan ng mga mag-aaral?


Halimbawa, mayroon bang mga aspekto ng pagsulat na hindi nila naisagawa sa
mga nauna nilang aralin sa unang wika? Ikalawang wika?

3. Mga kagustuhan: Ano ang ninanais matutunan ng mga mag-aaral?

Isa pang paraan upang makita ang mga pangangailangan ay magkaroon ng malinaw
na linya ng kasalukuyang kaalaman, kinakailangang kaalaman at obhektibo at
subhektibong mga pangangailangan. Mabuting matantiya na ang mga kakulangan ay
matutugunan ng kasalukuyang kaalaman. Gayundin na ang mga pangangailangan ay
matutugunan ng mga kinakailangang kaalaman at ang mga kagustuhan ay tumutugma
sa mga subhektibong mga pangangailangan.

Ang impormasyon hinggil sa mga obhektibong pangangailangan ay maaaring


matipon sa pamamagitan ng mga personal na mga panayam, pagtitipon ng data
(halimbawa ay ang pagsusuri sa mga papel sa pagsusulit o teksbuk), pagmamasid
(halimbawa, pagtatala ng mga obserbasyon sa mag-aaral sa maghapon), inpormal na
kunsultasyon samga guro at mga mag-aaral at mga pagsusulit. Matutukoy naman ang
mga subhektibong pangangailangan sa pamamagitan ng pagtataya sa sarili ng mga
mag-aaral gamit ang mga listahan at scales, mga talatanungan at panayam.

Ang mga kinalabasan ng pagsusuri sa mga pangangailangan ay nararapat na


magiging makabuluhan para sa pagdidesenyo ng kurikulum. Tiyakin lamang na ang
titipuning mga impormasyon hinggil dito ay magagamit upang hindi masayang ang
panahon at pagsisikap na gagawin sa pagtitipon.

Ang sumusunod na talahanayan ay naglalahad ng mga tanong na karaniwang


lumalabas sa pagsusuri ng target na pangangailangan (Munby, 1978; Hutchinson and
Waters, 1987). Naisaayos ang mga ito sa apat na layuning pagkatuto dahil ang
pagsusuri sa mga pangangailangan ay dapat magbubunga ng mga pagpapasya tungkol
sa dapat matutunan ng mga mag-aaral sa kurso/kurikulum/aralin. Ang mga tanong
sa talahanayan ay tumitiyak na ang pagsusuri sa mga pangangailangan ay kumakalap
ng impormasyong angkop sa sakop na mga layunin sa pagkatuto.

Ang patuloy na pagsusuri ng mga pangangailangan sa kurso ay maaaring gumamit


ng pamaraang pyramid ni Jordan (1990). Sa pamaraang ito, ang mga mag-aaral ay
maaaring bigyan ng series ng mga aytem na naglalarawan ng kanilang mga kagustuhan.
Pipiliin at iraranggo ng bawat indibidwal na mag-aaral ang mga naglalarawan sa kani-
kaniyang mga kagustuhan. Pagkatapos ay gagawin ang pagpili at pagraranggo nang
pares-pares o apatan. Ang panghuli ay isasagawa ang pangkatang pagpili at
pagraranggo ng mga kagustuhan ng mga mag-aaral nang pangkatan. Kapag iuulat na
sa klase ng mga mag-aaral ang kanilang napili at nairanggong mga nais matutunan,
itatala rin nila ang mga gawaing may mataas na ranggo mula sa bawat indibidwal. Ang
impormasyong ito ay makakatulong sa guro upang makapagplano ng programa
gayundin na makakapaghanda ng gawaing pang-isahan o pang maliit na pangkatang
gawain.

Ang mga aytem na iraranggo ay maaaring gumamit ng sumusunod na pormat.

Mga uri ng pangangailangan


Kasalukuyang kaalaman Kinakailangang kaalaman
Obhektibong pangangailangan
Subhektibong pangangailangan

Mga tanong na nakatuon sa mga pangangailangan


Mga Layunin Mga tanong Mga uri ng impormasyon
makukuha
Wika Saan gagamitin ang aralin sa wika? Mga tunog
Gaano dapat maging kahusay ang nag-aaral Bokabularyo
ng aralin wika? Istraktura ng gramatika
Anong mga gawaing pangkumunikatibo ang Tungkulin ng wika
makakabahagi ang mag-aaral? Set ng mga parirala at mga
Saan magagamit ang wika? pangungusap
Mga task
Mga kaisipan Anong mga paksa/nilalaman ng kurso ang Mga parsang aralin
aaralin ng mag-aaral? Mga tema
Mga teksto
Mga kasanayan Paano gagamitin ng mag-aaral ang wika? Pakikinig
Sa anong mga kondisyon magagamit ang Pagsasalita
wika? Pagbasa
Kanino gagamitin ng mga mag-aaral ang Pagsulat
wikang pag-aaralan? Antas ng kawastuhan (accuracy)
Antas ng kahusaya (fluency)
Teksto Sa anong gamit ng wika, pamilyar na ang mag- Mga genre uri ng diskurso
aaral? Mga kasanayan sa
sosyolinggwistika

Kung mas ninanais ng mga mag-aaral o guro na magkaroon pa ng mas maraming


mga gawain, mas maraming mga feedback sa mga takdang aralin, maaari itong idagdag
sa ihahanda at pagkakasunduang silabus sa klase. Sa napagkasunduang silabus,
parehong may bahagi ang mga mag-aaral at guro sa pagpili sa nilalaman at iba pang
aspekto ng aralin/kurikulum.

Ang mga nasuring pangangailangan ay dapat naibalanse sa mga naglilimitang


salik na nakita sa pagsusuri ng kapaligiran partikular sa limitasyon ng oras.

Pagtukoy sa mga pangangailangan

Ang sumusunod na talahanayan ay nagmumungkahi ng saklaw ng mga


pamamaraan ng pagtuklas ng mga pangangailangan. Naisaayos ang mga ito ayon sa
mga pangangailangan, kakulangan at mga kagustuhan.

Mga pamamaraan at mga halimbawa ng pagsusuri ng pangangailangan


Uri ng kailangan Tuon Pamaraan Halimbawa
Mga Kahusayan Self-report Antas ng bokabularyo
pangangailangan Pagsusulit (Nation at Beglar, 2007)
Antas ng katatasan e.g. bilis sa pagbasa)
Gamit sa Self-report
mga Obserbasyon at Pagsusuri ng teksto (Nation, 2006)
sitwasyon pagsusuri Pagsusuri ng mga pagsusulit at mga
Pag-aaral sa mga takdang aralin (Friedrich at Pierson,
naunang mga pag-aaral 1981); Horowitz, 1986)
Pagsusuri sa corpus Pagsusuri ng mga task
Mga Kakulangan Kahusayan Self-report Mga pagsusulit sa bokabularyo
Pagsusulit
Gamit sa
mga Self-report Resulta ng mga pagsusulit
sitwasyon Obserbasyon at Pagsusuri ng mga task (Ellis, 1986)
pagsusuri

Mga kagustuhan Mga ninanais Self-report Mga tala ng mga pagpipilian ng mga
gawain
gamit Obserbasyon Obserbasyon ng mga guro

Ang unang tinitignan sa mga pangangailangan ay ang mga hinihingi ng mga


target na tasks. Ano ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral upang matamo ang mga
target na task at matamo ang layunin ng kurso/aralin?

Upang matukoy ang mga kakulangan ng mag-aaral, kailangang suriin ang


kasalukuyang kakayahan ng mga mag-aaral. Alamin ang kasalukuyang antas ng
kanilang kahusayan sa mga kasanayang nililinang sa kurso/aralin. Kasama sa
pagsusuri dito ang pagtukoy ng guro sa kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral sa
mga kasanayan na nililinang sa kurso. Maging ang mga mag-aaral mismo ay maaaring
pagmumulan ng makabuluhang impormasyon tungkol sa kanilang mga
kakulangan.Paano nila binibigyang kahulugan ang mga task ng kurso? Upang
makakalap ng impormasyon hinggil sa kakulangan ng mga mag-aaral, maaari silang
kapanayamin hinggil sa kanilang gawain sa kurso gamit ang inihandang set ng mga
tanong sa panayam. Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano sa palagay nila ang dapat
nilang gawin upang maisagawa o magawa nila ang mga task o mga takdang gawain.
Ang pangkalahatang kahusayan ng mga mag-aaral ay may malaking kinalaman sa
paraan ng pagganap nila sa mga task o itinakdang mga gawain. Upang makatipon ng
datos hinggil sa kanilang pangkalahatang kahusayan, maaaring kapanayamin ang mga
ito, bigyan sila ng mga pagsusulit halimbawa sa bokabularyo, gramatika, pagsulat,
pagsusulit sa pag-unawa o di kaya ay hahayaan silang mataya nila ang kanilang sarili
sa pamamagitan ng pagpapasagot sa kanila ng inihandang talatanungan.

Samantala, sa pagsusuri sa mga gustong matutunan ng mga mag-aaral, may


mga sarili silang pananaw tungkol sa tingin nila ay makabuluhan sa kanila.
Makakatulong ang impormasyon dito upang makita kung magkapareho o magkaiba ang
mga pananaw ng mga mag-aaral at pananaw ng nagsusuri. Kapag magkaiba ang
kanilang pananaw, maaaring pag-aralang muli ng nagdidesenyo ng kurikulum/aralin
ang mga resulta ng isinagawang pagsusuri ng mga pangangailangan o di kaya ay
hikayatin ang mga mag-aaral na magamit ang higit na makabuluhang pananaw hinggil
sa kanilang kailangan. Matitipon ang mga impormasyon hinggil dito sa pamamagitan
ng panayam o talatanungan. Bagamat ang talatanungan ay may kahirapang ihanda,
ang isang tulad nito na maayos ang pagkakadisenyo para sa luyunin nito ay
napakahalagang pagkukunan ng impormasyonng maaaring muling magamit sa mga
susunod nilang kurso. Maaari ding tanungin ang mga mag-aaral kung ano sa palagay
nila ang makakabuti sa kanilang paggawa ng kanilang mga task.

Makikita ditong may mga kagamitang maaaring magamit sa pagsusuri ng mga


pangangailangan. Kasama dito ang pagsusuri sa mga teksto, pakikipanayam sa mga
dating mag-aaral at mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng kurso/aralin,
pagsusurbey sa kapaligiran, pagkilatis sa mga gawa ng mga mag-aaral, pakikipanayam
sa mga guro, empleyado at nagsusuri at paggamit ng personal na karanasan at likas na
pagkukuro. Sapagkat ang pagsusuri ng pangangailangan ay isang uri ng pananaliksik,
mahalagang makuha o makabuo ng mga tamang talatanungan ng mabilis at magamit
ito bilang gabay sa pagpili ng mga pamamaraan ng pangangalap ng datos.

Ang mabuting pagsusuri ng pangangailangan ay sumasaklaw sa sakop ng mga


pangangailangan gamit ang mga kagamitan sa pangangalap ng datos. Ang mga
pangangailangan ay hindi laging malinaw at patuloy itong nagbabago kayat mahalagang
tignan ang mga pangangailangan sa iba’t ibang perspektiba sa magkakaibang panahon.
Ang mga perspektiba ay maaaring mag-iba ayon sa uri ng kailangan (kakulangan,
pangangailangan, kagustuhan o kasalukuyang kaalaman, kinakailangang kaalaman,
obhektibo at subhektibong mga pangangailangan), ang pagkukunan ng impormasyon
(kasalukuyang mag-aaral, mga dating mag-aaral, mga guro, kasalukuyang mga task at
materyales, mga task sa hinaharap at materyales) ang mga kagamitan sa pangangalap
ng datos at uri ng impormasyon (istilo ng pagkatuto, layunin ng pag-aaral).

Kasama sa mga panahon ng pagsusuri ng mga pangangailangan ay ang


pagsusuri bago mag-umpisa ang pag-aaral sa kurso/yunit ng aralin, pagsusuri sa pag-
uumpisa ng kurso, at pagsusuri sa panahon ng pagsasagawa sa kurso. Kapag ang kurso
ay kailangan ding aralin ng mga susunod na mag-aaral, mahalagang magkaroon ng
pagsusuri sa pangangailangan pagkatapos ng kurso/aralin.

Pag-eebalweyt sa pagsusuri ng mga pangangailangan

Sapagkat ang pagsusuri sa mga pangangailangan ay isang uri ng pagtataya


samakatuwid ay maaaring maebalweyt ang pagiging kapani-paniwala, pagkabalido at
ang praktikal na gamit nito.

MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO NG WIKA

Layunin:

1. Naiuugnay ang gamit ng mga simulain sa pagtuturo ng wika sa


pagdidesenyo ng kurikulum

Mga pamaraan at simulain

Mangilan-ngilan lamang sa mga guro o mananaliksik sa ngayon ang sumusunod


ng anumang partikular na pamaraan o dulog sa kanilang pagtuturo ng wika. Madalas
hindi makita ng isang praktisyuner ang pagkakaiba-iba ng mga pamaraan sa pagtuturo
ng wika, partikular na sa pagpili at pagsasaayos ng mga aralin sa isang kurso/aralin.
Sapagkat pare-pareho ang pagkakagamit ng mga pamaraan ng pagtuturo, nagbibigay
ito ng ideya na ang marami sa mga kurso/asignaturang itinuturo ay nadisenyo mula
sa parehong mga resulta ng pananaliksik at teorya o pag-uulit nang walang pag-uusisa
sa mga pamamaraang ginamit sa mga naunang mga kurso/asignatura. Kadalasang ang
mga pamaraan ito ay hindi maayos ang pagkakadisenyo. (Nation, 2010)

Ang pagdidesenyo ng kurikulum/aralin na gumagamit ng pagdulog na


“pamaraan” ay tila bunga ng ilang aspektong maingat na pinag-isipan at mula sa
resulta ng pananaliksik na disenyo ng kurikulum. Gayunpaman, maraming aspekto
nito ay ipinagsasawalang bahala at hindi isinasaalang-alang ng mga gurong
nagdidesenyo at nagpapatupad ng kurikulum/aralin. Malinaw itong ipinakita nina
Richards and Rodgers (1986) sa kanilang pagsusuri ng mga pamaraang tulad ng Total
Physical Response at Silent way. Kapag sinuring mabuti ang mga pamaraang ito,
mayroon lamang bahagyang pagkakaiba sa pormat at presentasyon at walang
pagbabago sa pagpili ng kung anong ituturo o paano ito imonitor at matataya.

Ang naging batayan sa mga nabanggit na mga suliranin ay: marami sa mga
aspekto ng disenyo ng kurikulum ay hindi sistematikong ibinatay sa pananaliksik at
teorya. Ito ay hindi dahil sa kakulangan ng mga naaangkop na mga naisagawang
pananaliksik at teorya kundi dahil sa kakulangan ng pagnanais na alamin ang mga
resulta ng mga naisagawang pag-aaral upang magamit sa pagdidesenyo ng kurikulum
nang hindi na kailangang sumunod sa dating pamaraan.

Ang dalawampung mga simulain


Ang mga simulaing inilarawan dito ay batay sa perspektiba ng mga paraan ng
pagtuturo, nakatuon sa pagdidesenyo ng kurikulum at pagsasanay sa mga guro. Isang
katulad na mga listahan ang maaaring magawa sa perspektibang nakatuon sa
pagkatuto. Maaari ding tignan ang mga batayang pilosopikal ng mga simulain at
isaalang-alang ang kalikasan ng wika, pagkatuto at ang tungkulin ng kultura.

Ang mga simulaing ito ay sinusuportahan ng mga pananaliksik at teorya sa


alinman sa mga larangan: pagkatuto sa pangalawa o dayuhang wika, pagkatuto sa
unang wika, at ang mga pananaliksik at teoryang pang-edukasyon. Ang mga simulaing
ito ay hindi eksklusibo o natatanging gamitin lamang sa pagtuturo ng wika kundi
maaari ding magamit sa pagtuturo ng iba pang mga kaalaman at kasanayan sa ibang
mga larangan. Gayunpaman, hanggat maaari, ang paggamit ay dapat mula sa
pananaliksik at teorya sa loob ng larangan kung saan ito magagamit.

Nahahati ang mga simulain sa tatlong pangkat. Ang unang pangkat ng mga
simulain ay may kinalaman sa nilalaman at pagsasaayos nito. Ang mga ito ay tungkol
sa kung ano ang mangyayari sa kurso/aralin at kung paano ang ayos ng mga aytem o
mga aralin. Layunin ng mga simulaing itong matiyak na ang mga mag-aaral ay may
matututunan sa kurso/aralin.

Isang karaniwang obserbasyon na pinagpaplanuhang mabuti ng nagdidesenyo


ng kurikulum/aralin ang umpisa ng aralin. Pinupuno ito ng mga kawili-wiling mga
gawain.Natututo naman ang mga mag-aaral ng bago hinggil sa wika. Gayunpaman,
nangyayari ding labis ang inilaang mga kawiliwiling gawain sa bahaging ito at maraming
mga oras ang inilaan sa mga gawaing ito subalit nagbunga ng napakaliit at limitadong
pagkatuto. Nangyayari din ang mababaw at kasalatan ng pagkatuto kapag ang mga
nilalaman o paksang isinama sa dinisenyong aralin/kurikulum ay hindi kakikitaan ng
anumang bagong matututunan ng mga mag-aaral o di kaya ay may napakaliit na
kahalagahan sa karaniwang gamit ng wika. Maaari din namang may mga
nakakasagabal na mga kondisyong nagbubunga ng paurong sa halip na pasulong na
pagkatuto ng wika/aralin.

Ang mga pangalawang pangkat ng mga simulain ay tumatalakay sa pormat at


presentasyon. Ang mga ito ay hinggil sa karaniwang nangyayari sa silid-aralan habang
isinasakatuparan ang aralin/kurikulum. Halos sadyang kaugnay ang mga ito sa mga
gawain sa kurso/aralin at mga paraan kung saan pinoproseso ng mga mag-aaral ang
materyal. Sa aspektong ito ng pagdidesenyo ng kurikulum, nagkakaroon ng
napakalaking impluwensya ang mga guro sa kurso.

Ang pangatlong pangkat ng mga simulain ay nakatuon sa pagmomonitor at


pagtataya at sa ilang antas ay pag-eebalweyt.

Ang mga simulain ay naisaayos ayon sa antas ng kahalagahan ng mga ito.

Nilalaman at pagkakasunud-sunod
1. Dalas (Frequency): Ang isang kurso sa wika ay nararapat makapagdulot sa mga
mag-aaral ng mga karanasang sumasakop sa gamit ng wika sa pamamagitan ng
pagsasama ng mga aytem na madalas na magamit sa wika.

May mga resulta ng pag-aaral na nagpapakita ng mga impormasyon hinggil sa


dalas ng paggamit ng bokabularyo, istraktura ng gramatika sa isang kursong
pangwika.

Mga pangkalahatang tuntunin tungkol sa kadalasan ng gamit, saklaw at uri


ng mga aytem.
a. Ang pinakamadalas magamit na mga aytem ay sumasaklaw ng malaking
bahagi ng teksto.

b. Matapos makilala ang ilan sa pinakamadalas gamitin na mga aytem, ang


malaking bilang ng pinakamadalang gamitin na mga aytem ay dapat makilala
upang mabuo ang teksto.

c. Karaniwan, ang mga pinakamadalas gamitin na mga aytem ay payak ang


anyo (subalit hindi kinakailangang payak din ang kahulugan ng mga ito).

Narito ang mga paraan upang magamit ang mga tuntunin sa pagpili ng materyal
para sa mga kurso/araling pangwika:

a. Nararapat mabigyan ng pinakamahalagang atensyon ang mga pinakamadalas


gamitin na mga aytem.

b. Ang mga pinakamadalang gamitin na mga aytem ay pagtutuunan lamang ng


pansin kapag natutunan na ng sapat ang mga pinakamadalas gamiting mga
aytem.

Kapag ang kurso ay naglalaman ng magkasamang lagi at madalang gamiting mga


aytem, maaaring gawin ng guro ang mga sumusunod:

a. Isama lahat ang mga laging ginagamit na mga aytem na naaangkop sa antas
ng mga mag-aaral.

b. Bawasan ang pagtutuon ng pansin o di kaya ay talakayin ng mabilis ang mga


aytem na hindi madalas magamit. Kasama dito ang pagmememorya sa mga
tuntunin.

c. Magbigay ng sapat na dami ng pagsasanay sa mga pinakamadalas gamiting


mga aytem. Ilan sa mga maaaring magamit na pagsasanay ay ang pakikinig
ng mga kwento, pinatnubayan at malayang pagsulat, at pinatnubayang
pagsasalita.
2. Mga istratehiya at awtonomiya (strategies and autonomy): ang isang kurso ng
wika ay dapat nagsasanay sa mga mag-aaral kung paano matutunan ang
wika/aralin at kung paano nila mataya ang kanilang sariling pagkatuto upang
maging mabisa at matuto ng wika/aralin nang mag-isa.

Nararapat matukoy ng mga mag-aaral ang mga mabisang istratehiyang


maaari nilang magamit upang matutunan ang wika/araling pinag-aaralan.

May mga mungkahing simulain para maitaguyod ang awtonomiya ng mag-


aaral (Cotterral, 2010). Ang mga simulaing ito ay kaugnay sa:
a. Mga layunin ng mag-aaral
b. Proseso ng pagkatuto ng wika
c. Mga gawain
d. Mga istratehiya ng mag-aaral
e. Repleksyon sa pagkatuto

Ipinakita nina Cotterall at Cohen (2003) kung paano makapagbibigay ng


impormasyon sa pagtuturo. Maaari ding maging layunin sa pagtuturo ang
paglinang ng awtonomiya ng mga mag-aaral sa kanilang kurso/aralin.

3. May pagitang pagtitipon at paulit-ulit na pagsasanay (Spaced Retrieval): Dapat


magkaroon ng papataas na agwat, paulit-ulit na mga pagkakataon upang
matipon at makapagsanay at mabigyang pansin ang mga dapat nilang
matutunan sa iba’t ibang konteksto.

Ang simulaing ito ay sinusuportahan ng mga pag-aaral hinggil sa epekto


ng paulit-ulit na pagsasanay sa pagkatuto (Kachroo, 1962; Saragi et al., 1978) at
ang teorya ng mga antas ng pagpoproseso (Craic at Tulving, 1975).

Ang pinakamadaling paraan upang makita kung nagkaroon ng pag-uulit-


ulit na pagsasanay sa isang kurso/aralin ay ang pagbibigay ng pagsubok kung
natutunan ng mga mag-aaral ang ninanais na mga kakayahan at kasanayan.

4. Sistema ng wika (language system): Ang tuon ng pag-aaral ng wika ay sa mga


pangkalahatang katangian ng sistema ng wika.

Nangangahulugan ito na ang direksyon ng pag-aaral ng wika/kurso ay


dapat patungo sa mga pormal na mga nangingibabaw na katangian nito. Ang
kahingian ng mga katangiang ito ay nag-uudyok sa mga mag-aaral na maging
‘malikhain’ sa paggamit ng wika. Ito ay para magamit ng mga mag-aaral ang
wika/aralin sa kanilang pagsasalita o pagsulat ng mga bagay na hindi pa nila
nagawa noon o di kaya ay maintindihan ang mga bagay na dati’y di nila
maintindihan.
Masasabing ginagamit ng guro ang simulaing ito sa isang partikular na
aralin kapag tinatanong ng guro ang ganito: “Ang gawain bang ito ay
nakakatulong sa mga mag-aaral na magawa ang kanilang mga gawain sa
hinaharap?”. Kung ang sagot ay “oo” ang simulain ay nagamit.

Mga halimbawa:
1. Kapag gumagawa ng mga tanong upang masubok ang pag-unawa sa teksto
ng mga mag-aaral, mas mabuting gumawa ng mga tanong na nakatuon sa
mga katangian ng wikang kailangang maintindihan upang makatulong sa
pag-unawa ng mga mag-aaral sa teksto. Ilan sa mga katangian ng wikang ito
ay ang mga pang-ugnay o cohesive devices, mga palatandaan o clue sa
paghula, mga istratehiya sa pag-unawa sa teksto. Ilan sa mga istratehiya
upang maunawaan ang teksto ay ang pagtukoy sa kahulugan ng salita mula
sa konteksto at pangungusap.

Para sa isang kurso,upang makita kung nagamit ang simulain, kailangang


eebalweyt ng guro ang mga layunin ng mga tiyak na aralin batay sa kung paano
magagamit ng mga mag-aaral ang wika. Isinasagawa ang ebalwasyong ito upang
makita kung ang layunin ng mga aralin ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga
mag-aaral na matutunan nang husto ang gamit ng wika.

5. Patuloy na pagsulong sa pagkatuto (Keep moving forward): ang isang kurso o


aralin ay dapat naisaayos na masasaklaw lahat ang mga makabuluhang aytem ,
mga kasanayan at mga istratehiya.

Nangangahulugan lamang ito na ang isang kurso ay may mga malinaw na


layunin ng pagtuturo at nararapat na may mga paraan upang matiyak ang
pagtamo sa mga layuning ito. Upang masubok kung nasasaklaw ng kurso ang
mga makabuluhang mga aytem, kasanayan at istratehiya kailangang magkaroon
ng listahan ng mga makabuluhang aytem kung saan ito iebalweyt.

Upang matiyak na ang simulating ito ay nagagamit, tiyaking bawat gawain


sa pagkatuto ay may layuning angkop sa plano ng kurso. Bago gumamit ng
anumang gawain sa pagkatuto, kailangang magpasya ang guro kung para sa
anong layunin ang ibibigay na gawain. Ang mga layuning pampagkatuto ay
maaaring kinabibilangan ng mga aytem sa wika, nilalaman ng materyal (mga
kaalaman), kasanayan, kasama na ang paglinang ng katatasan o kahusayan sa
wika, katangian ng diskurso tulad ng istraktura ng teksto o pagpapanatili ng
pag-uusap o dayalogo. Mahalaga ding malaman ng mga mag-aaral ang mga
layunin ng mga gawain sa pagkatuto. Kapag may mga gawain sa kurso na walang
malinaw na mga layunin o di kaya ay may mga layuning hindi nakabatay sa
pangkalahatang layunin ng kurso, mas makabuluhang palitan na lamang ang
gawain.
Isa pang paraan upang matiyak na ang kurso ay patungo sa mga layuning
pampagkatuto nito ay ang palagiang pagsubok sa mga layunin nito. Magdudulot
ito ng mabuting epekto sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto.

6. Maaaring ituro (teachability): Ang pagtuturo ng mga araling pangwika ay dapat


nagsasaalang-alang sa pinakamabuting pagkakasunud-sunod ng mga aralin
nito at nararapat isaalang-alang ang kahandaan ng mga mag-aaral na
matutunan ito.

Nakabatay ang simulaing ito sa teorya ng pagkatuto ni Piaget, na ang


pagkatuto ng anumang gawaing kognitibo ay dapat naaangkop sa debelopment
ng bata.Gayundin na sa isa sa mga pangunahing batas ng pagkatuto ni
Thorndike sinasabing hindi maaaring matuto ang bata kapag hindi pa ito
handang matuto.

Ang teorya na maaaring ituro (teachability) ay naglalahad na ang kurso na


may layuning malinang ang pangalawang wika sa mga mag-aaral ay hindi
mababago ng mga salik na labas sa kanila. Ang kurso ng pangalawang wika ay
tumutukoy sa listahan ng mga pangunahing kailangang dapat matutunan ng
mga mag-aaral. Ang mga salik na eksternal sa mga mag-aaral ay tumutukoy sa
mismong pagtuturo. Ang teoryang ito ay simpleng nagsasabing hindi mababago
ng pagtuturo ang pagkakasunud-sunod ng istrakturang natutunan. Ito’y dahil
ang istrakturang natutunan sa isang yugto ay kinakailangan para matutunan
ang mga istraktura sa mga susunod na mga yugto. Gayunpaman maaaring
magkaroon ng epekto ang pagtuturo kung ito ay ginawa sa angkop na yugto ng
pagkatuto ng mga mag-aaral upang matutunan ang isang partikular na paksang
pangwika.

7. Bigat ng pagkatuto (Learning burden): Nararapat na nadisenyo ang kurso upang


matulungan ang mga mag-aaral na magamit nila nang husto ang kanilang mga
dating kaalaman.

May mga resulta ng pag-aaral na nagpapakitang ang pagkatuto ng


pangalawang wika o dayuhang wika ay naaapektuhan ng unang wika. Subalit
kapag sa silid-aralan lamang nangyayari ang pagkatuto ng pangalawang wika at
walang oportunidad na magamit nila sa labas, ang impluwensya ng unang wika
sa kanilang pagkatuto sa pangalawang wika ay di masyadong kapansin-pansin
(Nation, 2010).

Marami ding mga pag-aaral na nagpatunay na ang mga aspekto ng unang


wika ay makakatulong sa pagkatuto ng pangalawang wika. Ito ay nangyayari sa
lahat ng antas ng wika tulad ng pagbigkas, gramatika, bokabularyo at diskurso.
Nangyayari din ito sa mga kasanayan at kaalaman sa wika.
Ang simulain ay lalong kapansin-pansin sa bokabularyo. Kapag ang mga
katulad (cognate) na bokabularyo ay isinama sa babasahing tekstong nakasulat
sa pangalawang wikang pinag-aaralan, magiging mabilis ang kanilang pag-
unawa sa teksto sa maikling panahon na nagsisilbing pagganyak.

8. Sagabal (Interference): Ang mga aytem sa isang kurso/araling pangwika ay dapat


maisaayos nang sa gayon ang mga matututunan ay magkakaroon ng positibong
epekto sa isa’t isa para sa pagkatuto at maiwasang magiging sagabal sa isa’t isa.

Ipinapakita ng pananaliksik na ang mga aytem/paksa na may hindi tiyak ang


kaugnayan o walang kaugnayan sa isa’t isa ay higit na natututunan kapag pag-
aaralan ang mga ito nang sabay-sabay. Ang mga paksa/aytem na may malapit
na kaugnayan sa sa isa’t isa (magkasalungat, magkasingkahulugan, malayang
kaugnayan) ay nagiging sagabal sa isa’t isa kaya nagiging mas mahirap ang
pagkatuto sa mga ito (George, 1962; Higa, 1963; Nation, 2000). Gayunpaman,
ang pag-aayos ng mga aytem/paksa sa kurso ay nagpapakita ng pagkakaugnay-
ugnay sa isipan ng nagdidesenyo ng kurikulum na dapat sana ay kung ano ang
makakatulong sa pagkatuto.

Ang pangkalahatang tuntunin na sinusunod sa ganitong uri ng sagabal ay:


Kapag ang dalawang aytem ay may mga pagkakatulad sa kahulugan o sa anyo
subalit magkaiba sa ilang aspekto at kapag inilahad na aralin nang sabay, ang
pagkakatulad ng mga ito ay makakapagpalakas sa kanilang pagkakaugnay at
ang pagkakaiba ng mga ito ay makakalito sa pagkatuto. Halimbawa, kapag
ipinakilala sa mga hindi Tagalog ang mga salitang tila magkakasingkahulugan
tulad ng matangkad, mataas, matarik,- mahihirapan ang mga mag-aaral na
makita ang pagkakaiba ng gamit ng mga ito. Isa pang halimbawa ay ang isang
batang Pilipinong unang matutunang ang kahulugan ng salitang Inlges na kind
sa Ingles ay mabait sa Filipino o Tagalog. Subalit magkakaroon na ng kalituhan
sa panig ng mag-aaral na ito ang katotohanang ang salitang kind ay
nangangahulugan ding uri.

Iba pang halimbawa:


Busog- full
Puno-full
Malaman- full

Mga maling gamit:


Busog (Puno) lahat ang mga sasakyan
Ang bata ay puno (busog) pa kaya ayaw pa kumain
Ang kanyang sinabi ay puno (malaman)

Anyo at Paglalahad
1. Pagganyak o motibasyon: Hanggat maaari, nararapat maging interesado at
nasasabik ang mga mag-aaral tungkol sa pag-aaral ng wika/aralin at dapat
makita nila ang kahalagahan ng pagkatuto dito.

Ang simulaing ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng saloobin sa


kanilang inaaral. Ang saloobin sa pag-aaral ng aralin/kurso ang nagtatakda ng
panahon at pagsisikap na inilalaan ng mag-aaral sa kanyang pagkatuto.
Pinakamabuting uri ng pagganyak ay intrinsic na sumisibol mula sa mag-aaral
kaysa extrinsic, na nagmumula sa ilang eksternal na salik. Maaaring ang
intrinsic na motibasyon ay nag-umpisa bilang bunga ng extrinsic na motibasyon.
Sa una’y eksternal na salik ang dahilan ng kanyang pag-aaral sa wika at sa huli’y
nagbunga ng totoong pagmamahal sa mga gawain sa pagkatuto.

Mahalagang makuha ang interes ng mga mag-aaral sa aralin. Narito ang ilang
mga paraan kung paano makuha ang atensyon ng mga mag-aaral sa mga gawain
at araling ilalahad.

 Gawing makabuluhan at kawili-wili ang paksa sa mga mag-aaral. Ang


paggawa ng surbey hinggil sa mga kagustuhan at saloobin ng mga mag-aaral
ay makakatulong sa pangangalap ng impormasyong magsisilbing gabay sa
pagpaplano at pagpapatupad ng aralin.

 Hayaan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kontrol at pagpapasya sa


kanilang ginagawa. Isang paraan nito ay ang paghahanda ng
napagkasunduang (negotiated) silabus.

 Maghanda ng mga gawaing may malinaw na kalalabasan o resulta at may


mataas na posibilidad na matatapos ng mga mag-aaral

 Maghanda ng maikling mga pagsusulit na makapagbibigay sa kanila ng


tagumpay upang pasiglahin silang gumawa at maipakita sa kanilang maaari
din silang maging matagumpay na mga mag-aaral.
 Ipakita sa mga mag-aaral kung paano nila imonitor ang kanilang sariling pag-
unlad sa pagkatuto at upang makita nila ang kanilang tuloy-tuloy na
tagumpay.

 Tulungan ang mga mag-aaral na matuto sa kanilang sariling pagsisikap


(Crabbe, 1993; Cotterall, 2000) sa pamamagitan ng pagpapaliwanag sa
rationale at mga layunin ng anumang gawain sa klase. Nararapat ding
magsilbing modelo ang guro ng sariling pagsisikap at hikayatin ang bawat
mag-aaral na matuto sa sariling pagsisikap.
 Kilalanin ang mga pagsisikap ng mag-aaral sa pamamagitan ng paglalathala
ng kanilang gawain sa newsletter ng paaralan at pagkilala sa kanilang gawa.

 Gumamit ng mga mapanghamong mga gawain.

 Hikayatin ang mga mag-aaral na magtakda ng mga sariling makatotohanan


at natatamong mga layunin sa pagkatuto.

2. Ang apat na elemento: Dapat magkaroon ng balanse ang apat na elemento:


nakatuon sa kahulugan na input, nakatuon sa wika, nakatuon sa kahulugan
na awtput, at nakatuon sa mga gawaing lumilinang sa katatasan sa paggamit ng
wika.

Ang simulaing ito ay nakatuon sa dami ng oras na inilalaan sa apat na


pangunahing elemento ng isang kurso: nakatuon sa kahulugan na input,
nakatuon sa wika na pagkatuto, nakatuon sa kahulugan na awtput, at paglinang
ng katatasan sa paggamit ng wika.

Ang pangkalahatang tuntuning sinusunod dito ay ang paglalaan ng


pantay na oras sa bawat elemento. Kasamang dapat isaalang-alang ay ang
panahong gugugulin sa labas ng silid-aralan.

Tiyaking ang mga gawaing isasagawa sa labas ng silid-aralan ay


tumutugon sa apat na elemento ng wika. Kapag ang kurso ay hindi naglalaman
ng angkop na balanse sa apat na elemento, kailangang baguhin ang mga gawaing
ibibigay at magsama ng mga gawaing kinakailangan.

Napakahalagang bahagi ng pagdidisenyo ng kurikulum na mabalanse ang


apat na elemento. Ang pagbabalewala o labis na pagbibigay-diin ng alinman sa
mga elemento ay pangunahing kabiguan sa mga kursong pangwika.

3. Malinaw na input: Magkaroon ng sapat na dami ng kawili-wili at malinaw na


gawain sa pakikinig at pagbasa.

Sa isang pananaliksik nina Elley at Mangubhai (1981) ang ilang mga


gawaing pagsasanay sa aralin sa wikang English ng mga mag-aaral na Fijan ay
pinalitan ng mga self-directed na pagbasa ng mga aklat pambata. Pagkatapos ng
walong buwan, sa apat na beses na aralin sa English sa isang linggo, ang mga
mag-aaral na isinailalim sa eksperimento ay nagpamalas ng 15 buwang pag-
unlad sa mga pagsusulit sa iba’t ibang kahusayan. Ang maraming pagbasa na
ginawa ng mga bata ay hindi idinagdag sa kanilang karaniwang aralin sa English
kundi pinalitan nito ang sangkatlong bahagi (1/3) ng karaniwang kurso.Ang ilan
pang mga katulad na eksperimento ay nagpapakita rin ng katulad na resulta sa
malaking bahagi ng pakikinig na inilalaan sa pag-aaral ng wika. Ang magandang
paliwanag para sa nasabing pagdulog ay dahil kailangang magkaroon ng
pundasyon sa kaalaman sa sistema ng wika bago magamit ng mag-aaral ang
wika. Naniniwala din ang pagdulog na ito na may kakayahang bumuo ng pag-
unawa sa sistema ng wika ang mga mag-aaral (Nord, 1980).

Sa pagdulog na ito, nararapat mabigyan ang mga mag-aaral ng maraming


mga kawili-wiling mga materyales sa pakikinig at pagbasa. Ang mga materyales
na ito ay nararapat na angkop sa antas ng mga mag-aaral. Subalit hindi
maaaring pamalit ang mga materyales na ito sa mga pagsasanay na dapat
ihanda, ibigay at imonitor habang ginagabayan ang mga mag-aaral na
maisakatuparan ang mga ito.

Nagsagawa rin ng pananaliksik si Elley (1989) hinggil sa pakikinig ng mga


kuwento upang makita ang epekto nito sa pagkatuto ng bukabularyo ng mga
mag-aaral. Lumabas sa pag-aaral na may makabuluhang pagkatuto ng
bokabularyo mula sa pakikinig lalo na kung hinahalaw ito ng guro at binibigyang
diin upang mabigyang atensyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsulat
sa pisara o sa pamamagitan ng pagbibigay agad ng kahulugan ng salita.

Ang mga tagapagtaguyod ng pagdulog na pag-unawa sa pagkatuto ng wika


at natural approarch (Terrell, 1982) ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng
maraming mga naaangkop na binibigyang grado na pakikinig.Narito ang ilang
mga paraan ng pakikinig sa isang kurso ng wika (Nation, 2010):

a. Maglaan ng regular na oras para sa pakikinig ng isang maikling


kwento o itinutuloy na kwento na binabasa ng guro.

b. Magbigay ng mga naiteyp na mga kwento na maaaring iuwi sa bahay


o pakikinggan ng mga mag-aaral sa klase.

c. Gumamit ng quantity-based na teknik sa pakikinig tulad ng pakikinig


sa larawan (McComish,1982).

4. Katatasan. Ang isang kurso/araling pangwika ay dapat nagbibigay ng mga


gawaing naglalayong mapaunlad ang katatasan sa wika at dating alam ng mga
mag-aaral sa kanilang pagtanggap at pagpapahayag.

Ang katatasan (fluency) ay isa sa mga layunin sa pagkatuto ng wika. Ang


mga gawain pampagkatuto na naglalayong matamo ito ay hindi nakatuon sa
pagtuturo ng mga araling pangwika kundi sa layunin nitong marating ang dati
ng alam ng mga mag-aaral.

Ang kahalagahan ng katatasan sa paggamit ng wika ay binibigyang diin


sa pananaliksik sa unang wika sa ugnayan ng pagkatuto ng bokabularyo at pag-
unawa sa binasa. Isa sa mga ilang posibleng dahilan ng kakulangan ng pag-
unawa ay dahil nakatuon lamang sa pag-alam sa mga kahulugan ng mga salita
at hindi inuunawa ang salita batay sa pagkakagamit sa teksto. Mahalaga ding
maalala agad ang kahulugan ng mga ito nang mabilis kapag natagpuan ang mga
anyo ng mga ito sa teksto. Maraming nag-aaral ng pangalawang wika ang
nakakaranas ng kahirapang ito. Ang kanilang kaalaman sa bokabularyo at
modelo o pattern ng mga pangungusap ay maaaring matibay bilang bunga ng
ilang mga taong pag-aaral subalit ang kanilang kakayahang magamit ang
kaalamang ito ng matatas ay napakababa
.
Ang katatasan ay madalas salungat sa kawastuhan (Brumfit, 1984). Ito’y
dahil kapag ang tuon ng mag-aaral ay sa kawastuhan ng wika, magiging mas
maingat at malay siya sa paggamit ng wika.

Parehong mahalaga ang katatasan sa mga receptive na kasanayan


(pakikinig at pagbasa) at sa mga productive na kasanayan (pagsasalita at
pagsulat). Mahalagang laanan ng sapat na oras ang mga gawaing lumilinang sa
katatasan. Paano maisasama ang mga gawaing lumilinang sa katatasan ng mga
mag-aaral? Kapag ang mga gawaing ito ay naisama sa bawat aralin, hindi
masyadong mahirap at mabigat ang dating.Sa materyal sa pagbasa,
nangangahulugan ito na hindi bababa sa 85 na bahagdan ng mga salita
(Dowhower, 1989) ay dapat pamilyar sa mga mag-aaral. Isa pang paraan ay
isama ang mga gawaing lumilinang sa katatasan sa bawat aralin gamit ang mga
aytem o araling nauna nilang natutunan sa nakalipas na mga araw o linggo.

Isa sa mga pinakamalaking sagabal sa katatasan sa pinag-aaralang


pangalawang wika ay ang kakulangan ng pagkakataong magamit sa
pakikipagkomunikasyon ang pinag-aaralang wika sa labas ng silid-aralan.

5. Awtput: Dapat magamit ng mga mag-aaral ang wika/aralin sa pagsasalita o


pagsulat sa iba’t ibang uri ng diskurso.

Bagamat hindi maikakaila ang kahalagahan ng malaking bilang ng


nauunawaang input, may ilang naniniwalang hindi ito nakasasapat para sa
pagkatuto ng wika. Ang mga mag-aaral ay nararapat bigyan ng pagkakataong
magamit ang wika. Pinaniniwalaan ni Swain(1985) na ang kaalaman sa wika
upang maunawaan ito ay hindi katulad ng kaalamang kailangan upang magamit
ito. Halimbawa, ang isang mag-aaral sa wikang English ay nangangailangan ng
minimal na kaalaman sa mga article o pantukoy at sistema ng preposition nito
upang magkaroon ng katanggap-tanggap na pag-unawa sa pasalita at pasulat
na English.Gayunpaman, kapag ang mag-aaral ay gustong magsalita o magsulat,
kailangang magpasya sila sa gagamitin o tatanggaling pantukoy o ang gagamiting
mga preposition. Sa mga ganitong pagpapasya, kinakailangan ang higit na
kaalaman sa paggamit ng wika kaysa sa pagtanggap sa wika. Tinawag ni Swain
ang pagkakaibang ito bilang paglipat mula sa purong pagsusuring semantika ng
wika tungo sa sintaktikong pagsusuri dito.

6. Plinanong pagkatuto: Dapat kasama sa pag-aaral ng kurso/aralin ang mga tuon


sa pagkatuto sa wika: palatunugan, pagbaybay, bokabularyo, gramatika at mga
diskurso.

Ang pagkatutong nakatuon sa wika ay maaaring mangyari kapag ang


atensyon ng mag-aaral ay sa araling pangwika at hindi sa layuning tumanggap
o maghatid ng mensahe. Gusto ng mag-aaral na matutunan ang ilang bahagi ng
sistema ng wika.

Ang pag-aaral sa wika ay maaaring nakatuon sa sistema na palatunugan,


pagbaybay, bokabularyo, gramatika, at modelo ng diskurso.

Narito ang ilan sa mga epekto ng mga araling nakatuon sa wika (Long,1988;
Ellis,1990; Spada, 1997):

a. Nakakapagpabilis ito ng pagkatuto.


b. Natutulungan ang mga mag-aaral na malampasan ang mga sagabal sa
paglinang ng wika.

c. Maaaring may positibo itong epekto sa pagkatutong nakatuon sa


kahulugan.

Sa pangkalahatan, ang mga kursong naglalaman ng naaangkop na dami at uri


ng araling nakatuon sa wika ay may mas mabuting bunga kaysa sa mga kursong hindi
nagsama ng katulad na mga aralin.

Narito ang ilang mga kondisyon upang maging mabisa ang araling nakatuon sa
wika:

a. Ang mga pagtutuunang araling pangwika ay nararapat nagtataglay ng


angkop na kapayakan.

b. Ang mga katangian ng wikang pagtutuunan ay nararapat naaangkop


sa yugto ng debelopment ng mga mag-aaral.

c. Kung ang layunin ng pagkatuto ay magamit nang mas mabisa ang


natutunan mula sa araling nakatuon sa kahulugan bilang input, sapat nang
iangat ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga aytem at mga gamit ng mga
ito (Ellis, 1995).

Narito ang ilang mga halimbawa ng mga gawaing nakatuon sa wika:


Pakikinig ng mga tiyak na salita at parirala
Pag-uulit at mga drills
Pagmememorya ng mga dayalogo at tula
Pagsusuri ng mga cohesive devices o pang-ugnay
Mga gawain sa pagpupuno ng mga pangungusap
Pagsasama at pagbabago sa istraktura ng mga pangungusap
Pinatnubayang pagsulat
Pagtukoy ng mga pares-minimal
Pagtukoy sa mga tunog, intonasyon, at diin
Pag-aayos ng mga salita upang makabuo ng pangungusap
Pagtukoy ng mga mali sa pangungusap

Karamihan sa mga kurso ay kailangang bawasan ang dami ng araling nakatuon


sa wika sa halip na dagdagan ito ng oras. Sa pangkalahatan, kailangang laanan ito ng
25 bahagdan ng kabuuang oras ng kurso/asignatura.

7. Panahon o oras para sa task o gawain: Sapat na oras ay dapat mailaan upang
magamit at mapagtuunan ng pansin ang pangalawang wika.

Ang simulaing ito ay batay sa resulta ng pananaliksik na ang mga


pinakamabuting palatandaan ng dami ng kanilang naintindihan ay batay sa
dami ng oras na inilaan sa mga natukoy na mga naaangkop ng mga gawain. Mas
mahabang oras na inilaan sa pagkatuto ng wika lalo itong natututunan.

Mga dahilan kung bakit hindi naglalaan ang mag-aaral ng maraming oras sa
isang gawain.

a. Hindi nakatitiyak ang mga mag-aaral sa kanilang gagawin sapagkat hindi


pamilyar o bago ang mga iba’t ibang teknik at pormat na ginagamit ng guro. Kung
ang pagkakaayos ng bawat aralin ay mas madaling masundan at pamilyar na
mga hakbang o teknik ay palagiang ginagamit, mas madali itong masundan ng
mag-aaral

b. Ang mga ipinagagawa sa mga mag-aaral ay hindi naaangkop sa kanilang


interes. Kapag hindi kawili-wili ang nilalaman ng kurso sa mga mag-aaral, at
hindi ito maaaring mabago, maaaring gawin ng guro ang mga sumusunod:

 Maaaring magdisenyo ang guro ng gawain kung saan magkakaroon ng


pangkatang paligsahan ang mga mag-aaral. Ayon kay Gregorio (1976) ang
paminsan-minsang kompetisyon sa mga mag-aaral ay maaaring makaganyak
sa mga mag-aaral upang ilabas ang kanilang husay sa kanilang ginagawa.

 Ipaliwanag ang layunin ng pagkatuto at ang paraan kung paano maabot ng


mga mag-aaral ang layunin.
 Magbigay ng mga gawaing maaaring pagpilian ng mga mag-aaral.

 Nahihirapan ang mga mag-aaral na mapanatili ang kanilang atensyon sa


kanilang gawain. Ang mga mag-aaral na ito ay maaaring nangangailangan ng
natatanging pagsasanay upang mapanatili ang pansin sa kanilang ginagawa.
Sapagkat ang mga mag-aaral na ito ay kadalasang nakakagulo sa ginagawa
ng kanilang mga kamag-aral, nakabubuting maglaan ng mga gawaing
susubaybayan sa kanila at maglaan ng gantimpala para sa kanilang tumaas
na atensyon.

Ang simulaing ito ay mahalaga sa lahat ng antas ng mga mag-aaral.


Maging sa mga nag-uumpisang mag-aaral ng wika , maraming mga
pagkakataon upang magamit ang pinag-aaralang wika bilang pangunahing
wika sa silid-aralan sa pamamagitan ng paggamit ito sa pagbati at
pagpapaalam, bilang midyum ng pagtuturo at iba pang mga interaksyon sa
silid-aralan (Davis at Pearse, 2000). Ito ay makakatulong sa mga mag-aaral
upang makita ang wika bilang instrumento ng komunikasyon at hindi isang
bagay na inaaral.

8. Lalim ng pagpoproseso: Kailangang iprosesong mabuti ng mga mag-aaral ang


mga aytem na dapat matutunan.

Ang simulaing ito ay nakabatay sa teorya ng pagkatutong kognitibo at


konstraktibismo kung saan naniniwalang nangyayari lamang ang pagkatuto kapag
aktibong nagproproseso ang mental na aspekto ng mag-aaral. Ang mga gawain/aralin
na paulit-ulit nang walang pag-iisip ay hindi matututunan nang mabilis o
matatandaan kumpara sa mga gawaing kaugnay sa kanilang mga naging makabuluhan
o naintindihang mga naunang mga aralin. Masasabing ang dami ng natutunan ay
nakabatay sa kalidad ng ginawang mental na pagpoproseso ng mag-aaral.

Magagabayan ng guro ang mga mag-aaral na malalimang maproseso ang aralin


sa pamamagitan ng paggamit ng mga teknik na humihikayat ng malalimang pag-iisip.
Maaaring pagsasamahin ng guro ang mababaw na pagpoproseso tulad ng pag-uulit o
drill at mga teknik mas malalim na mental na pagpoproseso ng mga aralin tulad ng
pagbibigay ng mga halimbawa ng mga konseptong natutunan (deduction to
examples),pagsusuri ng mga halimbawa upang makabuo ng paglalahat, paghuhula,
paggamit ng mnemonic devices.

9. Pinagsamang pagganyak: Ilalahad ang kurso/aralin upang magkaroon ng


positibong saloobin sa wika ang mga mag-aaral at mga gumagamit nito at sa
kasanayan ng gurong ituro ang wika at sa pagkakataon ng mga mag-aaral na
magtagumpay sa pagkatuto ng wika/aralin.

Ang mga pinakahuling mga pag-aaral tungkol sa pagkatuto ng


pangalawang wika ay kumikilala sa mahalagang tungkulin ng mga salik na
pandamdamin. Ang mga salik na pandamdamin ay tumutukoy sa mga
damdamin at saloobin na kinabibilangan ng motibasyon, pagkabalisa sa
pagsasalita ng dayuhang wika (‘language anxiety’), mga pananaw hinggil sa mga
katutubong tagapagsalita ng pangalawang wika at saloobin sa guro o nagtuturo
ng wika. Kapag negatibo ang saloobin ng mga mag-aaral sa wika at mga
gumagamit nito o di kaya pakiramdam nila’y napipilit silang gamitin ang wika,
magiging mahirap ang pag-unlad nila sa pagkatuto ng pinag-aaralang wika.

Narito ang mga mungkahi ni Dornyei (2001) kung paano ganyakin ang mga
mag-aaral sa pag-aaral ng pangalawang wika. Binubuo ito ng apat na
pangunahing mga aspekto:

a. Paglikha ng nakagaganyak na mga kondisyon/kalagayan


Ilan sa mga iminumungkahing mga istratehiya upang maitaguyod ang
aspektong ito ng pagganyak ay ang pagkakaroon ng naaangkop na gawi
(behaviour) ng guro; paglikha ng kaaya-aya at nagtataguyod na kapaligiran
sa silid-aralan; pagkakaroon ng nagkakaisang pangkat ng mag-aaral na may
naaangkop na pamantayan.

b. Paglikha ng paunang pagganyak sa mga mag-aaral


Pagpapalakas sa mga pagpapahalaga at saloobin ng mga mag-aaral;
pagpapataas ng inaasahan nilang tagumpay; pagtataguyod ng pagpapataas
ng tunguhin ng mag-aaral; paggamit ng mga makabuluhang kagamitang
pampagtuturo; paglikha ng mga makatotohanang adhikain ng mga mag-
aaral.

c. Pagpapanatili at pangangalaga ng motibasyon


Gawing masigla at kasiya-siya ang pagkatuto; paglalahad ng mga gawain sa
nakagaganyak na paraan; pagtatakda ng mga tiyak na layuning
pampagkatuto; pangangalaga sa pagpapahalaga sa sarili at pataasin ang
kanilang tiwala sa sarili; hayaan ang mga mag-aaral na mapagbuti ang
kanilang sosyal na imahen; paglikha ng kanilang pagsasarili; pagtataguyod
ng mga istratehiya ng pagganyak sa sarili; pagtataguyod ng pagtutulungan
sa klase.

d. Paghihikayat ng positibong pag-eebalweyt sa sarili


Pagtataguyod ng mga nakakaganyak na mga katangian; pagbibigay ng
nakagaganyak na feedback; pagpapataas ng pagkakuntento ng mag-aaral;
pagkakaloob ng gantimpala at grado o marka upang makaganyak.

10. Ang mga istilo sa pagkatuto ng wika: ang kurso ay nagbibigay ng pagkakataon
para sa mga mag-aaral na pag-aralan ito sa mga paraang tumutugma sa kanilang
mga istilo sa pagkatuto.
Ang paraan ng paggawa ng mga mag-aaral sa mga gawain ay batay sa
kanilang personalidad, sa kanilang mga naunang karanasan sa pagkatuto, ang
kanilang mga inaasahan pagsubok/pagtataya na ibibigay sa kanila, at ang
kanilang pananaw sa katangian ng mga gawain sa pagkatuto.

Maaaring higit na natututo ang mga mag-aaral kung makakapili sila ng istilo
ng pag-aaral na naaangkop sa kanila. Ang isang maayos na kursong pangwika
ay nagsasaalang-alang ng pagkakaiba-iba ng mag-aaral at nagbibigay ng
pamimilian at nababagay na mga paraan kung paano gawin ang mga gawain.
Narito ang mga maaaring pamimilian ng mga mag-aaral:

 Laki ng pangkat: maaaring mag-isa o may mga kasama


 Bilis at kasidhian: pag-aaral ng mabagal at malalim o mabilis at masinsinan

 Midyum: pag-aaral sa pamamagitan ng mga napakinggang mga input o mga


nakasulat na input.

 Representasyon ng impormasyon: pag-aaral sa pamamagitan ng wika, mga


larawan o mga representasyong diagrammatic.

 Kognitibong pagpoproseso: pag-aaral sa kabuuan o pagsusuri sa mga detalye

 Pag-unawa: pag-aaral sa pamamagitan ng paggawa o sa pamamagitan ng


pag-unawa.

 Paggamit ng unang wika: pag-aaral sa pamamagitan ng pagsasalin sa unang


wika o walang pagsasaling gagawin.

 Pagkontrol sa mga gawain: pag-aaral sa pamamagitan ng mga plinanong mga


gawain ng guro o sa pamamagitan ng nakuha ng mga mag-aaral o
napagkasunduang mga hakbang ng guro at mag-aaral.

May dalawang paraan upang maisasaalang-alang ang pagkakaiba-iba ng mga


indibidwal at ang kanilang mga istilo sa pagkatuto:1) sa pamamagitan ng pagbibigay ng
pagkakataon sa mga mag-aaral na magamit ang kanilang mga kalakasan, at 2) sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon at pagsasanay para sa mga mag-aaral na
sumubok ng mga iba pang mga paraan ng pag-aaral. Ang isang mabisang kursong
pangwika ay hindi lamang lumilikha ng mabisang pagkatuto kundi lumilikha ng
mabisang mga mag-aaral.
PAGMOMONITOR AT PAGTATAYA

Layunin:

1. Nasusuri ang kaangkupan ng mga pagtatayang ginagamit ng mga


guro sa Kurikulum ng Filipino sa Batayang Edukasyon

1. Patuloy na pagsusuri sa mga pangangailangan at kapaligiran: Ang pagpili,


pagsasaayos, paglalahad at pagtataya ng materyal sa isang kurso/aralin ay dapat batay
sa patuloy na maingat na pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga mag-
aaral, kondisyon ng pagtuturo at ang oras at maaaring makuhang materyales.

Binibigyang diin sa simulaing ito ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pagsusuri


sa kapaligiran at pangangailangan sa panahong pinaplano ang kurso/aralin.

2. Fidbak: Mahalagang makatanggap ng sapat na fidbak ang mag-aaral upang


mapagbuti niya ang kalidad ng kanyang pagkatuto sa wika.

Ang fidbak ay nagmula sa teorya ng komunikasyon. Pagkatapos naipadala ang


mensahe, maaaring makatanggap ng impormasyon ang nagpadala ng mensahe tungkol
sa iba’t ibang aspekto nito. Naipahatid ba ng mensahe ang dapat nitong ihatid? Ito ba’y
malinaw na natanggap? Ito ba’y nagdala ng kinakailangang aksyon o kasagutan ng
tumanggap ng mensahe. Ang lahat ng impormasyong bumabalik sa nagpadala ng
mensahe ay tinatawag na fidbak. Ang tumanggap ng mensahe ay maaari ding
makatanggap ng fidbak kung gaano niya naintindihan ang mensahe.

Ang fidbak ay maaaring magmumula sa tagapaghatid, tagatanggap o mula sa


mga tagamasid sa proseso ng komunikasyon.

Mapapabuti ng mga mag-aaral ang kalidad ng kanilang paggamit ng wika sa


pamamagitan ng pagmomonitor niya sa kanilang sarili. Ang sariling pagmomonitor sa
paggamit ng wika ay nangangailangan ng mga kondisyon (Krashen, 1981). Ang mga
kondisyong ito ay nakikita sa mga pagbasa at pasulat na mga gawain at sa ‘maingat’ na
istilo ng pagsasalita (Ellis, 1987). Magagabayan ng guro ang mga mag-aaral na imonitor
ang paggamit nila ng wika sa pamamagitan ng ilang paraan. Isang paraan ay ang
pagbibigay sa mga mag-aaral ng mga layunin sa gagawing sariling pagmomonitor.
Halimbawa, maaari silang bigyan ng pamantayan na dapat nilang isaalang-alang kapag
nagkaroon ng pasalitang gawain tulad ng pagtatalumpati o dayalogo; pagbibigay ng
listahan ng mga puntong pagtutuunan ng pansin sa kanilang mga pasulat na gawain;
pagbibigay ng mga gabay na tanong sa kanilang mga gawain sa pagbasa.

Maaari ding makapagbigay ng makabuluhang fidbak ang mga mag-aaral sa isa’t


isa. Isang prosesong nagsasangkot ng fidbak at may malaking kahalagahan sa ilang
mga teorya o paliwanag sa pagkatuto ng pangalawang wika ay ang tinatawag na
“pagkakasundo” (negotiation). Ang pagkakasundo ay nangyayari kung ang tagapaghatid
at ang tagatanggap ng mensahe ay nagbahaginan ng impormasyon tungkol sa mga
sagabal o suliraning naranasan nila sa kanilang paghahatid o pagtanggap ng mensahe.
Halimbawa, maaaring hindi maapuhap ng nagsasalita ang angkop na salitang kanyang
sasabihin at maaaring umapela siya sa tagapakinig/tagatanggap upang sumalo at
tumulong. Nangyayari din namang hindi maintindihan ng tagatanggap ng mensahe ang
isang salita o pahayag at maaaring ipaulit o humingi ng paliwanag hinggil dito sa
tagapaghatid ng mensahe. Ang mga ganitong pagkakasundo ay nagbubunga ng
pagkatuto sa wika at paglinang ng mga kasanayan sa paggamit ng wika.

Ang mga tagamasid sa proseso ng komunikasyon ay maaari ding makapagbigay


ng makabuluhang fidbak sa mga kasangkot sa komunikasyon. Ang guro ay nagsisilbing
tagamasid sa mga gawaing pangkomunikasyon na isinagawa ng mga mag-aaral.

Ang pagtutuon sa produkto ng komunikasyon, partikular sa pagbasa at pagsulat


ay may positibong epekto sa paggamit ng wika. Ang fidbak tungkol sa proseso ng
komunikasyon ay makakapagpaunlad sa pormal na pagsasalita at pagsusulat
(Franken, 1987).Mahalagang tandaan ng guro na kinakailangang gumawa ang mga
mag-aaral batay sa fidbak na kanyang ibibigay (Chandler, 2003).

Ang fidbak ay maaaring may mga positibo at negatibong epekto. Ilan sa mga
negatibong epekto ng fidbak ay ang pag-aatubili ng mag-aaral na gamitin ang wika dahil
sa takot na magkamali (o takot sa fidbak); ang pagtutuon ng sobrang pansin sa anyo
ng wika na kung saan naaapektuhan na ang nilalaman ng mensahe, at ang paggamit
ng mga istratehiyang naglilimita sa mga bahagi ng wika kung saan may tiwala sila sa
paggamit nito. Nararapat lamang na ang pagbibigay ng fidbak ay gagawin sa paraang
maiiwasan ang mga negatibong epektong ito.

Narito ang ilang mga listahan na magsisilbing gabay upang makita kung may
sapat na fidbak sa kurso:

1. Ang mga mag-aaral ba ay may palagiang nabibigyan ng pagkakataon para


sa maingat na paggamit ng wika?

2. Ang mga mag-aaral ba’y may hawak na pamantayan upang imonitor ang
kanilang mga gawaing pasulat? Mayroon bang inihandang sistema ang guro
upang magkaroon ng pagwawasto ang mag-aaral sa gawa ng iba?

3. May listahan ba ang guro ng mga aspekto ng wikang pinakagamitin at


nabibigyang sigla ang mga mag-aaral upang gamitin ito?

4. May mga gawain bang inihanda ang guro kung saan magpupunuan ng
impormasyon o opinyon ang mga mag-aaral?

5. Ninanais ba ng mga mag-aaral na makatanggap ng fidbak mula sa guro


tungkol sa gamit ng wika?
6. Ipinoproseso ba ng guro ang pagsulat at pormal na pagsasalita ng mga
mag-aaral?

7. Alam ba ng guro ang mga aspekto ng proseso ng pagsulat at pagsasalita


kung saan kailangan ng mga mag-aaral ang gabay?

8. Palagian bang gumagamit ang guro ng mga impormatibo at katanggap-


tanggap na sistema ng pagmamarka ng mga sulatin ng mga mag-aaral?

9. Nauunawaan ba ng mga mag-aaral ang sistema ng pagmamarka at


ginagamit ang fidbak?

Paggamit sa mga simulain

Sa naunang talakayan, sinikap na inilahad ang mga simulain at ang


aplikasyon ng mga ito sa pagdidesenyo ng kurikulum. Gayunpaman, may malawak
na gamit ang mga nasabing mga simulain. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Maaari itong maging gabay sa pagdidesenyo ng pagtuturo ng mga kurso at


araling pangwika.
2. Maaari itong magamit sa pag-eebalweyt ng mga ipinapatupad na mga kurso at
mga isinasagawang aralin.
3. Maaari itong makatulong sa mga guro sa pagpasok at pag-contextualize ng aralin.
4. Maaari itong maging batayan sa pagmumuni-muni ng guro sa kanyang
pagtuturo at pag-unlad sa kanyang propesyon.
5. Posible itong magiging baayan sa paghahanda ng mga pagsasanay para sa mga
guro.

Narito ang 10 mga simulain mula kay Ellis (2005) na katulad sa mga natalakay
na 20 mga simulain. Subuking ihambing ang mga ito sa mga natalakay na simulain.
Alin sa mga ito ang mga nabanggit na sa mga naunang natalakay ng mga simulain?

1. Dapat tiyakin sa pagtuturo na malilinang pareho ang mayamang saklaw ng


pamantayan sa mga pahayag at kakayahan sa paggamit ng tuntuning gramatika.
2. Dapat matiyak sa pagtuturo na ang mga mag-aaral ay pangunahing nakatuon
sa kahulugan.
3. Dapat matiyak sa pagtuturo na ang mga mag-aaral ay nakatuon sa anyo.

4. Ang pagtuturo ay dapat pangunahing nakatuon sa paglinang ng implicit na


kaalaman sa pangalawang wika nang hindi naisasantabi ang explicit na
kaalaman.
5. Dapat maisaaalang-alang sa pagtuturo ang “built-in syllabus” ng mga mag-aaral.
6. Ang matagumpay na pag-aaral ng wika ay nangangailangan ng extensive na
input mula sa pangalawang wika.
7. Ang matagumpay na pag-aaral ng wika ay nangangailangan din ng mga
pagkakataon para sa awtput.
8. Ang pagkakataong makipag-interak sa pangalawang wika ay ang
pinakamahalaga upang malinang ang proficiency dito.
9. Ang pagtuturo ay dapat magsaalang-alang sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
10. Sa pagtataya ng mga proficiency sa pangalawang wika, napakahalagang masuri
ang malaya at kontroladong paggamit dito.

Mga Layunin, Nilalaman at Pagsasaayos

Ang nilalaman at pagsasaayos ay dapata nagsasaalang-alang sa kapaligiran o


sitwasyon kung saan ito ituturo, sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral at sa mga
simulain ng pagtuturo at pagkatuto. Ang sumusunod na talahanayan ay nagpapakita
ng listahan ng ilan sa mga salik na dapat isaalang-alang:

Mga gabay sa pagpapasya at pagtingin sa Nilalaman at pagsasaayos ng kurso


Kapaligiran Mga mag-aaral Ang mga kaisipan sa kurso ay nararapat na makakatulong sa
pagkatuto sa silid-aralan.
Ang mga kaisipan sa kurso ay nararapat na angkop sa gulang
ng mga mag-aaral.
Ang nilalaman ay dapat na nagsasaalang-alang sa inaasahan ng
mga mag-aaral na matututunan sa aralin/kurso.
Ang pagkakaayos ng nilalaman ay nararapat na nagsasaalang-
alang sa mga mag-aaral na maaaring lumiban sa klase.
Mga guro Nararapat na maging modelo ang guro sa paggamit ng wikang
itinuturo at inaasahang nauunawaan niya ito.
Sitwasyon Ang bilang ng mga aralin sa kurso ay nararapat angkop sa haba
ng panahong inilaan para dito.
Nararapat na mapataas ang pagiging katanggap-tanggap at
pagiging makabuluhan ng kurso sa labas ng silid-aralan.
Mga Mga kakulangan Ang nilalaman ay nararapat na naaangkop sa antas ng
Pangangailangan kahusayan ng mga mag-aaral
Mga kagustuhan Ang nilalaman at nararapat na nagsasaalang-alang sa
kagustuhan ng mga mag-aaral.
Mga Nararapat lamang na ang mga nilalaman ng kurso ay sumasagot
kinakailangan sa kailangan ng mga mag-aaral.
Mga simulain

Mga layunin at Nilalaman

Ang mga layunin ng mga araling pangwika ay maaaring magbigay ng tuon sa isa
o higit pa sa mga sumusunod: wika, mga kaisipan, mga kasanayan o teksto (diskurso).
Maaaring magplano o mag-ebalweyt ng nilalaman ng kurso sa pamamagitan ng
pagtingin sa bawat nabanggit na lawak.Kailangang pagpasyahan ng guro kung ano-ano
ang mga pagrtikular na aralin/gawain ang ipapasok o isasama sa bawat lawak.

Bagamat sa pagpili ng nilalaman para sa kurso ay nakabatay sa mga paksa, tema


o mga sitwasyon, nararapat na matiyak na ang mga isasamang mga aytem o aralin ay
ang mga higit na mahalaga. Ang paggawa ng makabuluhan at makatwirang mga
pagpapasya tungkol sa nilalaman ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagdidesenyo
ng kurikulum. Kapag ang nabigyang diing mga aralin ay hindi masyadong
makabuluhan, ang bunga ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay hindi lubusang
magiging mabunga at makabuluhan.

May mga pagkakataong na kung saan ginagawang higit na tiyak at batay sa


performans ng ilang mga nagdidesenyo ang mga layunin ng kurikulum (Brown, 1995).
Ginagawa ito upang mas mapadali ang pagmomonitor at pagtataya sa pag-unlad ng
pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang mga yunit ng pag-unlad sa kurso/aralin.

Ang mga yunit ng pag-unlad sa isang kurso ay ang mga aytem na ginagamit
upang matukoy ang pag-unlad sa isang kurso. Halimbawa, kung ang umpisa ng kurso
ay mga aytem sa wika, partikular sa bokabularyo, ang pag-unlad ay mag-uumpisa sa
mga salitang pinakamadalas at karaniwang ginagamit hanggang sa mas malawak na
antas o mga salitang pang-akademiko. Ang mga paksa ay lumalawak at papaunlad.

Tinawag nina Long at Crooks (1993) ang yunit ng pag-unlad na “pagsusuri sa


mga yunit” at ang pagpili ng yunit na susuriin ay isa sa mga unang hakbangin sa
pagdidisenyo ng kurikulum. Ang mga yunit ng pag-unlad ay maaaring mauri sa dalawa-
ang mga pag-unlad sa tiyak na pagkakasunud-sunod katulad ng antas ng bokabularyo
at mga araling kumakatawan sa larangan ng kaalaman. Sa pagsasaayos ng mga aralin
may mga nakakapaglimitang ilang mga pedagogical na mga konsiderasyon. Ilan sa mga
ito ay ang pagpapanatili ng interes ng mga mag-aaral at ang pagpili at paggamit ng mga
materyal. Binigyang diin ni Harden (2006) na may malaking pagkakaiba ng pag-unlad
sa pagkatuto at pag-unlad ng kurso.Nagkakaroon ng pag-unlad sa kurso kapag
natatapos ang mga yunit ng aralin sa takdang panahon. Samantala, ang pag-unlad sa
pagkatuto ay nakadepende sa kalidad ng aktwal na natutunan ng mga mag-aaral sa
mga araling pangwika.

Bagamat may mga yunit ng pag-unlad na maaaring gamitin sa pagpili at pag-


aayos ng materyal sa isang kurso, makabuluhang tignan kung ang ibang mga yunit ay
masasakop sa kurso at nasa angkop na antas. Halimbawa, nararapat makita kung ang
mga bokabularyong ginamit sa kurso ay angkop sa mga mag-aaral.

Ang mga yunit ng pag-unlad ay maaaring mag-umpisa sa:

1. Bokabularyo. Ang pagkatuto ng mga salita bilang batayan ng pag-unlad ng aralin


ay tumitiyak na magkakaroon ng mataas na kontrol ang mag-aaral sa
bokabularyo ng wikang pinag-aaralan mula sa
pinakamadalas magamit na mga salita hanggang sa mga salitang pang-
akademiko.

2. Gramatika. Ang pag-unlad ng mga yunit ng aralin ay mula sa mga anyo at


istraktura ng mga parirala, sugnay at mga pangungusap na kailangang
matutunan upang magamit ng tama ang wika.

3. Tungkulin ng wika. Pag-unlad ito ng mga araling hinggil sa mga tungkulin ng


wika katulad ng pagbabahagi at pagkuha ng impormasyon, pagpapahayag at
pagpapalabas ng mga saloobing intelektwal, pagpapahayag at pagpapalabas ng
mga saloobing emosyonal, pagpapahayag at pagpapalabas ng mga saloobing
moral, panghihikayat, pakikipagkapwa ( Van Ek at Alexander,1980).

4. Diskurso. Ang pag-ulad ng aralin ay mula sa mga uri ng teksto at genre na


ginagamit sa pagpapahayag na kinabibilangan ng pagsasalaysay, paglalahad,
paglalarawan at pangangatwiran.

Ang mga silabus na nakabatay sa task (task-based syllabuses)

Kasabay ng pagbabago ng pagtuturo ng wika patungo sa pagtuturong


kumunikatibo noong mga dekada 70 ay ang higit na pagbibigay diin sa paggamit ng
wika upang makapaghatid ng mensahe. Nagbunga ito ng papataas na atensyong
ibinibigay sa paggamit ng tasks sa silid-aralan. Nagbigay si Ellis (2003) ng iba’t ibang
katuturan ng tasks subalit ang pinakatuwiran at pinakamakabuluhan para sa mga
guro ay ang “ Ang task ay isang gawain kung saan ang mga mag-aaral ay
nangangailangang gumamit ng wika na nagbibigay- diin sa kahulugan upang matamo
ang isang layunin” (Bygate et al., 2001). Narito ang isang halimbawa ng task mula kay
Prabhu (1987) na nagpapakita kung paano makapagpokus at maunawaan ang
kahulugan ng wika upang matagumpay na matapos ang task.

1. Pangalanan ang itaas na mga sulok ng parisukat: M sa kaliwa at A sa kanan.


2. Pangalanan ang ibabang mga sulok : R sa kanan at S sa kaliwa.
3. Ipagpatuloy ang linya ng SM at pangalanan ang dulo ng linya ng B
4. Ipagpatuloy ang linya ng AR at pangalanan ang dulo ng linya ng L
5. Pagdugtungin ang BA
6. Anong susunod na dapat pagdugtungin?

Sina Willis at Willis (2007) ay nagbigay ng anim na mga tanong na makakatulong sa


guro at nagdidisenyo ng kurikulum upang matukoy kung ang isang gawain ay tunay
na task:

 Ang gawain ba ay nagsasangkot ng interes ng mga mag-aaral?


 May bahagi bang nakatuon sa kahulugan?
 Mayroon bang resulta o kinalabasan ang task?
 Ang tagumpay ba ng task ay tatayahin batay sa resulta o kinalabasan nito?
 Napakahalaga bang matapos ang task?
 Ang gawain ba’y kaugnay sa mga tunay na gawain?

Sina Long at Crookes (1992) ay nagmungkahing ang pinakaangkop na tasks na


tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na natukoy sa pagsusuri ng
pangangailangan. Ang pagkakasunud-sunod ng tasks ay depende sa kahirapan at
pagiging kumplikado ng mga ito.

Isa sa mga usapin hinggil sa silabus na nakabatay sa task ay higit itong


nagtutuon sa katatasan kaysa sa kawastuhan. Iminungkahi rin ni Ellis (2003) na ang
tasks ay maaaring may pokus o walang pokus. Ang task na may pokus ay may tiyak na
layuning partikular na katangian ng wika sa isang nakabatay sa kahulugan na
komunikasyon.

Pag-aayos ng Nilalaman ng isang kurso

May dalawang pangunahing hati ng pag-aayos ng nilalaman ng kurso depende


sa mga unang mga natutunan (linear na pag-unlad) o kung ang bawat aralin ay
maaaring matutunan ng hiwa-hiwalay (moyular na pag-aayos).

Ang mga pagdulog sa linyar na pag-aayos ng aralin

Karamihan ng mga araling pangwika ay nag-uumpisa sa pinakamadalas at mga


payak na mga aytem upang maihanda sila sa mas komplikadong mga aytem/aralin.
Bagamat ang ganitong uri ng pag-aayos ay hindi nagsasaalang-alang sa mga mag-aaral
na madalas lumiban sa klase, iba’t ibang istilo at bilis ng pagkatuto gayundin ang
pangangailangan sa muling pag-uulit ng mga materyales. Ang pinakamalalang uri ng
linyar na pag-unlad ay tinatanggap ang ideyang kapag nailahad na ang isang
aytem/aralin ay natutunan na ito ng mag-aaral at hindi na nangangailangan ng
rebisyon o pagbabago. Ang paniniwalang ito ay sumasalungat sa mga kinalabasan ng
pag-aaral hinggil sa memorya (Baddeley, 1990). Gayunpaman, may mga baryasyon ang
linyar na pag-unlad ng aralin. Kinabibilangan ito ng spiral na kurikulum, matrix model
at rebisyon ng mga yunit sa isang kurikulum.

Pinakakilalang tagapagtaguyod ng spiral na kurikulum si Bruner (1962). Sa


pagbuo ng spiral na kurikulum, pinipili ang mga pangunahing mga aytem na isasama
sa kurikulum at paulit-ulit na tatalakayin nang may papataas na antas ng detalye at
kasalimuutan sa loob na mahabang panahon. Sa paggamit ng modelo ng spiral,
nalalahad ito ng mas madaling imonitor na pag-uulit ng mga material, nabibigyan ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na mas mabagal ang pagkatuto upang makahabol sa
susunod na siklo, at tinitiyak nitong ang mga pinakamahalagang aspekto ng wika ay
matatalakay.

Ang matrix model ay mukhang katulad sa spiral na kurikulum. Subalit ang


malaking pagkakaiba: pag-aaralan ang unang natutunang mga materyal sa ibang mga
konteksto at hindi sa papataas na kasalimuutan. Gaya halimbawa, parehong aytem
panggramatikang gagamitin sa iba-ibang mga aralin. Halimbawa, ang aralin hinggil sa
paksa bilang bahagi ng pangungusap ay muling pag-aaralan hindi upang ipakilala pa
ang iba’t ibang uri ng mga paksa ng mga pangungusap (paksang pangngalan,
panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay at iba pang mga salitang maaaring pag-
usapan sa loob ng pangungusap) gaya ng ideya ng spiral na kurikulum.Sa halip, pag-
aaralang muli ito kung saan matututunan naman ng mga mag-aaral ang pagtukoy sa
paksa o pinag-uusapan hindi sa pangungusap kundi sa mga iba’t ibang genre o
tekstong binabasa.
Katulad ng spiral na kurikulum, ang paggamit ng matrix model ay nagbibigay ng
pagkakataon sa mga mag-aaral na paulit-ulit na pagkakataong matutunan at
mapalawak ang kaalaman sa mga mahahalagang aralin.

Ang rebisyon ng mga yunit ay isang karagdagan sa linyar na modelo. Sa linyar


na pag-unlad may mga pagkakataon kung saan nagkakaroon ng pagrerebisa sa unang
natutunang aralin/materyal. Habang papaunlad ang kurso/aralin, dumarami ang
pagrerebisa. Ang pagrerebisa ay hindi lamang minsan kundi ilang beses. Ang mga
rebisyon ay higit sa pag-uulit ng mga natutunang mga materyal kundi pagpapayaman
pa ang mga ito.

Sa field approach ang mga ayem/paksang pag-aaralan ay pagpapasyahan at


hahayaan na ang mga mag-aaral na tapusin ang mga aytem/araling ito. Nagsasangkot
ito ng mga hakbang: 1) pagpapasya ng mga aytem na dapat matapos; 2) pagbibigay ng
iba-ibang pagkakataon upang matapos ang mga materyal; 3) pagtingin na ang bawat
mahalagang aytem ay may sapat na oras upang matapos. Halimbawa, kapag ginamit
ang dulog na ito para sa pagpapalawak ng bokabularyo sa isang aralin sa pagsasalita,
maraming bilang ng mga gawaing ididisenyo ang kakikitaan ng mga salitang target na
matutunan bilang bahagi ng input sa mga sulatin. Maaaring magkaroon ng mabilisang
pagtingin kung bawat target na bokabularyo ay nagamit sa mga input na sulatin sa
hindi bababa sa limang mga gawain.

Bagamat ang dulog na ito ay hindi nangangailangan ng mahabang panahon ng


paunang pagpaplano, nangangailangan naman ng higit na maraming panahon ang
pagsisiyasat kung may sapat na panahon ng pagtapos sa mga aralin.

Ang modyular na pag-aayos ng mga aralin

Sa modyular na pagdulog na pag-aayos ng aralin, ang mga aralin ay hati-hatiin


sa magkakahiwalay at hindi linyar na mga yunit. Bawat yunit o modyul ay buo na sa
sarili nito at karaniwang matatapos ang mga ito nang hindi kinakailangan ang
kaalaman sa naunang tinapos na mga modyul. Hindi karaniwan sa modyular na
pagdulog na samahan ito ng pagtatayang gumagamit ng mataas na set ng antas ng
masteri bilang pamantayan.

Sa kursong pangwika, ang kurso ay maaaring mahati sa yunit o modyul sa iba’t


ibang paraan. Ang modyul o yunit ay maaaring batay sa kasanayan para sa pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat at mga kasanayang nasa ilalim ng mga ito. Maaaring
ding ang modyul o yunit ay batay sa mga tungkulin ng wika o mas malawak na mga
sitwasyong kaugnay sa gamit ng wika tulad ng wikang kailangan sa pamimili,
paglalakbay, pakikipag-usap sa bangko, paliparan atbp.

Ang mga kursong modyular ay maaari mahati sa dalawa: mga kinakailangan o


sentral na mga modyul at mga modyul na hindi sapilitan o elective.

Si Ellis (2003) ay nagpanukala ng modyular na pagdulog para sa kursong


pangwikang nakabatay sa task. Ang kanyang panukala ay binubuo ng dalawang hindi
magkaugnay na mga modyul. Para sa mga nag-uumpisang pag-aralan ang kurso, ang
nag-iisang layunin para sa isang modyul ay sa kakayahang komunikatibo at
kahulugan. Para sa mga mag-aaral sa mas mataas na antas, pagtutuunan ng pansin
ang anyo ng wika at mawala ang interlanguage na karaniwang nagaganap sa pag-aaral
ng pangalawang wika dahil sa impluwensya ng unang wika. Sa pagkakataong ito,
maiwawasto rin agad ang mga kamalian sa pag-aaral ng wika.

Paglalagom sa mga hakbang sa pag-aayos sa nilalaman ng kurikulum

1. Tukuyin ang mga layunin ng kurso


2. Pagpasyahan ang mga yunit ng pag-unlad para sa kurso
3. Pumili ng paraan ng pag-aayos ng nilalaman ng kurso at ayusin ang mga ito
4. Tignang mabuti kung ang mga dapat na nilalaman ay nasaklaw ng kurso.

Ang yunit ng pag-unlad sa isang kurso ay karaniwang tinitignan ng nagdidisenyo


ng kurikulum na mahalaga sa pagkatuto. Nangangahulugan ito na may malaki itong
epekto sa mga uri ng mga gawaing gagamitin na bahagi ng pormat at paglalahad ng
disenyo ng kurikulum.

Pormat at Presentasyon

Sa bahaging ito ng proseso ng pagdidisenyo ng kurikulum ay pinagsama-sama


ang mga datos na nakalap mula sa pagsusuri sa pangangailangan at kapaligiran at
pagpili ng mga simulain upang matamo ang pinakamataas na bunga ng pagkatuto sa
mga gawaing kasangkot ang mga mag-aaral.Karamihan sa mga pagpapasya hinggil sa
mga pagsusuri sa mga naglilimitang salik, pangangailangan, simulain, nilalaman at
pagsusunud-sunod ay masasalamin sa pormat at presentasyon ng mga aralin.

Mahalagang malinaw pareho sa guro at mga mag-aaral ang mga layunin ng


kurso, ang kahalagahan ng mga ito, paano matatamo ang mga ito sa mga gawaing
inihanda, ano ang kinakailangang gawin ng mga mag-aaral upang matamo ang mga ito,
at ano ang mga indikasyon na ang mga layunin ay natamo.

Narito ang mga gabay sa pormat batay sa kapaligiran at pangangailangan


Mga gabay sa pormat batay sa kapaligiran at pangangailangan
Kapaligiran Mga mag-aaral -kaakit-akit ang paraan ng pagkakaayos ng nilalaman ng kurso
-may kasanayan ang mga mag-aaral upang maisakatuparan ang mga
gawain
-isinasaalang-alang kung ang mga mag-aaral ay may iisang unang
wika
-angkop ang mga gawain sa antas ng kakayahan ng mga mag-aaral,
dami ng mga mag-aaral, at istilo ng mga mag-aaral sa pagkatuto

Mga guro -nailalahad at napamamahalaan ng guro ang mga gawaing inihanda.

Sitwasyon Ang mga materyal ay madaling madala, hindi kamahalan,ang dami ng


gawain ay angkop sa haba ng oras ng pag-aaral, angkop sa pisikal na
katangian ng silid-aralan.

Mga Mga -Nararapat na matagumpay na matatapos ng mga mag-aaral ang mga


kailangan pangangailangan Gawain

Mga kagustuhan Ang mga gawain ay nararapat na tumutugon sa inaasahang


matutunan ng mga mag-aaral
Mga Ang mga gawain ay magagamit nila sa kanilang mga susunod pang
pangangailangan mga araling pangwika

Mga Motibasyon
simulain Balanse sa apat na strands
Nauunawaang input
Katatasan
Awtput
Sinadyang pagkatuto
Oras para sa mga task
Lalim ng pagpoproseso
Integratibong motibasyon (positibong saloobin)
Istilo ng pagkatuto

Ang apat na strands

Natalakay sa mga simulain na mahalagang magkaroon ng balanse ng lawak ng


mga pagkakataon para sa pagkatuto. Isa sa mga paraan upang makita na ang kurso ay
balanse ay kung may pantay na haba ng panahong inilaan sa apat na strands:
nakapokus sa kahulugan na input, nakapokus sa kahulugan na awtput,nakapokus sa
wika na pagkatuto at paglinang ng katatasan.

Ang nakapokus sa kahulugan na input ay nagbibigay ng mga pagkakataon sa


mga mag-aaral na matuto mula sa pakikinig at pagbabasa. Tinawag ito ni Krashen
(1981) na pagkatuto mula sa nauunawaang input. Ang mga kondisyong kailangan para
matuto mula sa mga input na ito ay ang mababang kakulangan ng kaalaman sa mga
aytem ng wikang pinag-aaralan, pagtutuon sa kahulugan ng mensahe, at maraming
dami ng input. Sa mga kursong pangwika, ang pinakamahalagang paraan upang
makapagbigay ng madaming nauunawaang input ay ang pagkakaroon ng masaklaw na
programa sa pagbasa.Nararapat na ang mga babasahing kasali sa programa ay
gumamit ng mga salita/bokabularyong angkop sa mga mag-aaral. Ang mga babasahing
ito ay nararapat ding may katumbas ng mga materyal para sa pakikinig. Samantala,
ang pakikinig na hindi sinamahan ng mga visual clues ay mas mahirap matutunan
kaysa sa pagbasa. Samakatuwid, ang paulit-ulit na pakikinig ay makabuluhang
gawain.Natuklasan pa ni Elley (1989) na kailangan niyang magbigay ng tatlong
pagkakataong makinig para sa iisang kuwento upang masukat ang makatwirang
pagkatuto mula sa input sa pakikinig. Isa pang pangunahing pagmumulan ng input na
pokus na nakatuon sa kahulugan ay ang interaksyon sa loob ng klase. Ang maganda
sa interaktibong pakikinig ay maaaring linawin ng tagapakinig ang napakinggan sa
tagapagsalita. Ang awtput ng isa ay maaaring magiging input ng tagapakinig.Ito’y dahil
maaaring tanungin ng tagapakinig ang kahulugan ng salita at ipaulit ang hindi
masyadong narinig at naintindihan na bahagi ng materyal. Maari din nilang pakiusapan
ang tagapagsalita na bagalan ang pagsasalita.

Tandaan na kung pagbasa ang tuon ng kurso, nararapat na magbigay ng


maraming mga gawain sa pagbasa. Kung pakikinig ang layunin ng kurso, nararapat na
magbigay na maraming mga gawain sa pakikinig.

Ang nakapokus sa kahulugan na awtput ay nagbibigay ng pagkakataong


matuto mula sa pagsasalita at pagsulat. Hindi sapat ang mga input upang matuto sa
wika. Ang kaalamang kailangan upang maunawaan ang input ay hindi kinabibilangan
ng mga kaalamang kailangan naman upang makagawa ng awtput.Ang isang balanseng
kursong pangwika ay gumugugol ng sangkapat na bahagi ng buong panahon ng kurso
para sa pagsasalita at pagsulat. .

Ang pagtutuon sa kahulugan na pagsasalita ay nagsasangkot sa mga mag-aaral


sa mga usapan at maging sa mga monolog.Ang usapan ay maaring nakatuon sa mga
usapang panlipunan at maaari ding ginagamit upang makipagpalitan ng mahalagang
impormasyon. Nararapat na magkaroon ng mga pagsasagawa ng mga interaksyunal at
transaksyunal na gamit ng wika (Brown, 1978). Ang mga kondisyon sa pagtutuon ng
kahulugan na awtput ay katulad sa pagtutuon sa kahulugan na input. Ito ay ang
pagtutuon sa mensahe. Nararapat magbigay ng sapat na dami ng nakahahamong mga
gawain.

Kapag ang layunin ng kurso ay upang malinang ang kasanayan sa pagsulat ng


mag-aaral, nararapat na magbigay ng palagiang mga gawaing pagsulat na nakatuon sa
kahulugan. Ilan sa mga ito ay ang pagpapalitan ng liham ng mga mag-aaral o sa guro,
pagsulat ng talaarawan, pagsulat ng mga sanaysay, pagsulat ng mga listahan ng mga
gagawin sa isang araw, pagsulat ng mga maikling kwento, tula at iba pa.

Kapag ang kurso ay naglalayong malinang ang kasanayan sa pagsasalita,


kailangang palagiang magbigay ng mga gawaing nakatuon sa pagsasalitang nakatuon
sa kahulugan.Ilan sa mga gawaing maaaring ipagawa ay pagsasatao, maikling usapan,
talakayan upang malutas ang problema.

Ang pagkatutong nakatuon sa wika ay nagsasangkot sa sadyang pagtutuon sa


mga katangian ng wika tulad ng pagbigkas, pagbaybay, bahagi ng salita, bokabularyo,
konstraksyon ng gramatika, at mga katangian ng diskors. Mahalagang bahagi ito ng
isang kursong pangwika at nararapat laanan ito ng sangkapat na bahagi ng kabuuang
oras ng kurso. Ang pagtutuon ng strand na ito ay may pangunahing bunga. Maaaring
magbunga ito kamalayan sa mga aytem ng wika na makakatulong upang magkaroon
ng kamalayan sa mga katangian ng wikang kanilang matatagpuan sa input ( mababasa
at maririnig).

Maaaring gumamit ng mga gawaing katulad ng masisinang pagbasa, mga gawain


sa pagbigkas, ginabayang pagsulat, gawain sa pagbaybay, mga gawain sa pagpupuno,
pagbuo ng pangungusap, atbp.

Ang paglinang ng katatasan ay nagsasangkot ng pagiging matatas sa mga


natutunan ng katangian ng wika. Ang mga kondisyon para sa paglinang ng katatasan
ay kinabibilangan ng 1) madali at pamilyar na materyal, 2) nakatuon sa paghahatid ng
mga mensahe, 3) ilang presyur upang makaganap nang mas mabilis, 4) maraming mga
gawain humahasa ng katatasan

Mahalagang magkaroon ng katatasan sa apat na makrong kasanayan: pakikinig,


pasalita, pagbasa at pagsulat. Ilan sa mga gawaing nagtataguyod ng katatasan sa
pakikinig ay pakikinig ng maikling kwento, mga gawaing nagtataguyod ng interaksyon,
pakikinig sa mga lektyur tungkol sa mga materyal na pamilyar.Ilang sa mga gawaing
lumilinang ng katatasan sa pagsasalita ay paulit-ulit na pagsasalita kung saan ang
tagapagsalita ay naghahatid ng iisang paksa ng ilang beses sa iba’t ibang tagapakinig,
pagsasalita tungkol sa isang paksang lubhang pamilyar, malakas na pagbasa ng mga
pamilyar na materyal, pagsasalita hinggil narinig o nabasa. Ang katatasan sa pagbasa
ay nalilinang sa pamamagitan ng pagbasa ng ng mga materyal na gumamit ng
kontroladong bokabularyo. Ang iba pang mga gawaing makakalinang ng katatasan sa
pagbasa ay kinabibilangan ng paulit-ulit na pagbasa ng iisang materyal at malawakang
pagbasa ng mga napakadaling intindihing mga materyales.

Ilan sa mga gawaing lumilinang sa katatasan sa pagsulat ay ang 10-minutes


writing. Ang guro ay hindi magwawasto ng anumang mali sa sulatin sa halip ay
magbibigay ng komento sa nilalaman at maaari ding magmungkahi ng maaaring
susunod na isusulat ng mag-aaral. Isa pang gawaing lumilinang ng katatasan sa
pagsasalita ay kinabibilangan ng mga gawaing kaugnay sa pakikinig, pagsasalita at
pagbasa. Sa mga magkakaugnay na gawaing ito, ang mga mag-aaral ay gagawa sa iisang
materyal sa loob ng isang serye ng mga gawain. Halimbawa, mula sa pakikinig ng isang
materyal, pag-uusapan ang hinggil dito at pagkatapos ay magsusulat ang mag-aaral
hinggil sa materyal.

Mga teknik at mga gawain

Maraming mga teknik at mga gawain ang maaaring magamit kapag nagdidesenyo
ng aralin. Maaari itong mauri sa apat na pangunahing uri at bawat uri ay mayroon
itong siklo ng mga gawain, mga layunin at mga simulain ng pagkatuto. Ang isang
gawain ay maaaring pinagsamang dalawa o higit pang uri (e.g. isang ginabayang
gawaing pang dalawahan o pangkatan) at minsan dalawa o higit pang uri ay nagamit
sa magkasunod na gawain (tulad ng pangkaranasang gawain bago magbigay ng mga
gawaing pang-isahan). Narito ang apat na uri:

1. Ang mga pangkaranasang gawain ay nagsisikap na mapanatili ang kaalamang


kailangan upang maisagawa ang gawain batay sa dating karanasan ng mga mag-
aaral. Maisasagawa ang mga ito sa pamamagitan ng ilang paraan:

a. Ang nagdidisenyo ng kurikulum o materyal ay maingat na kinokontrol ang


wika, mga ideya, mga kasanayan atbp. upang magiging pamilyar ang mga ito
sa mga mag-aaral. Ang mga pinasimpleng mga tekstong babasahin ay isang
halimbawa nito.

b. Ang kaalamang kailangan upang maisagawa ang gawain ay ibinibigay sa


pamamagitan ng mga naunang mga aralin o gawain sa loob ng aralin. Isa rito
halimbawa ang pagbibigay ng mga gawaing pasalita kapag malapit ng
matapos ang aralin o mga gawaing pakikinig sa umpisa ng aralin.

c. Tinutulungan ng guro ang mga mag-aaral upang ibahagi ang mabalikan ang
unang karanasan upang mapadali ang isang gawain. Magbubunga ito ng
pormat ng aralin na maaaring mag-umpisa sa talakayang pinangunahan ng
guro o pangkatang gawain at nagtatapos sa gawaing maaaring naging
napakahirap sana para sa mga mag-aaral. Halimbawa nito ay ang talakayan
sa isang paksa at susundan ng pagsusulat hinggil dito, paggawa ng semantic
mapping at pagkatapos ay pagsasalita hinggil dito.
Ang mga teknik sa mga gawaing pangkaranasan ay nagpapahintulot sa mga mag-
aaral upang maisagawa ang mga gaawain nang may malinaw na katatasan dahil sa
paghahanda at kontrol na unang nang isinagawa. Karaniwan nang nakatuon sa
kahulugan ang mga task na may layuning malinang ang katatasan ng mga mag-aaral.

2. Ang mga gawaing nagbabahaginan ang mga mag-aaral ay matatamo sa


pamamagitan ng mga pangkatang gawain. Si Nation (1989) ay naglarawan ng
apat na pangunahing uri ng pangkatang gawain:

a. Ang mga mag-aaral sa isang pangkat ay may pare-parehong impormasyon

b. Bawat mag-aaral ay may hawak na ibang piraso ng impormasyong mahalaga


upang makumpleto ang task.

c. Isa o higit pang mga mag-aaral ay may hawak ng lahat ng impormasyong


kailangan ng iba.

d. Pare-parehong may hawak ng impormasyon ang mga mag-aaral subalit ang


bawat isa ay may iba-ibang task na gagawin.

3. Sa pinatnubayang mga gawain, pinupunan ang mga gawaing may mga bahagi
ng natapos. Halimbawa, mga gawing pagpupuno, pagpapalit, pagtutugma, pag-
uulit at pag-aayos kung saan kasama ang nagdisenyo ng kurikulum o aralin na
nagbibigay ng bahaging kailangan upang magawa ng mga mag-aaral ang tasks
mabawasan ang pagkakamali.

4. Ang mga gawaing pangkaranasan ay nakabatay sa suportang mula sa dating


kaalaman. Ang mga task na nagbabahaginan ang mga mag-aaral ay nakabatay
sa suporta ng iba at ang pinatnubayang mga gawain ay nakabatay sa suporta
mula mismo sa gawain. Ang pang-apat na uri ng gawain, mga independent
learning na mga gawain, ay tinatapos ng mga mag-aaral ng walang suporta.
Aasahan nila ang kanilang mga kasanayan, at kakayahang gumamit ng mga
material at higit sa lahat sila ang may kontrol sa kanilang sariling pagkatuto.
Ang mga gawaing ito ay karaniwang ibinibigay sa huling bahagi ng pag-aaral sa
mas mataas na antas.

Buod ng mga hakbang sa pormat at presentasyon ng kurikulum/aralin

1. Magpasya sa mga pangunahing teknik at mga gawain


2. Magplano ng pormat ng mga aralin
3. Suriin ang pormat kung naaayon sa mga simulain
4. Isulat ang mga aralin

Pagmomonitor at Pagtataya
Sa pamamagitan ng pagmomonitor at pagtataya, nakakakalap ng mga
impormasyon hinggil sa kaalaman at pag-unlad ng mga mag-aaral. Nakahihikayat din
ito ng pakikisangkot at pakikibahagi ng mga mag-aaral. Narito ang ilang mga ilang uri
ng pagmomonitor at pagtatayang ginagawa sa isang kurso o aralin:

1. Placement assessment. Tinataya ang mga mag-aaral sa pag-uumpisa ng kurso


upang matukoy ang antas ng kurso/aralin na naaangkop sa kanila. Layunin
nitong matiyak na ang kurso/aralin ay hindi magiging napakadali o lubhang
napakahirap para sa kanila. Ang pagtatayang ito ay kinakailangang maging 1)
pamillyar, madaling maibigan at maluwag, 2) makatwiran ang haba at madaling
markahan at bigyang kahulugan, 3) nakatuon sa pangangalap ng
pinakamahalagang impormasyon. Nangangahulugan lamang ito na ang
pagtatayang ito ay higit na nakatuon sa mga aytem ng wika (e.g. pagsusulit sa
tamang pagbigkas, bokabularyo at gramatika) at hindi sa mga pagsusulit na
nakatuon sa gamit ng wika (e.g. pagsasagawa ng panayam,pagsasatao,
pagsusulit sa pakikinig, pag-unawa sa binasa at pagsulat ng komposisyon)

2. Pagmamasid sa pagkatuto. Habang ipinapatupad ang kurso/aralin, maingat na


minomonitor ang mga gawain ng mga mag-aaral upang makita kung natatamo
ang layunin ng bawat partikular na gawain. Ginagawa ito sa pamamagitan ng
pagsusuri at pagmamasid sa silid-aralan.Layunin ng pagmomonitor na ito na
makita kung kinakailangan ang pagbabago sa mga gawain o task upang
makahikayat ng pagkatuto. Narito ang mga tanong na dapat masagot kapag
nagmamasid ng mga gawain sa pagkatuto (Nation, 2001):

 Ano ang layuning pampagkatuto ng gawain o task?


 Ano-ano ang mga kondisyong pampagkatuto na kailangan sa pagtamo ng
layunin?
 Ano-ano ang mga nakikitang mga indikasyon ng mga kondisyong ito?
 Ano-ano ang mga katangian ng gawain o task na bubuo sa mga kondisyon ng
pagkatuto o kailangang baguhin sa mga gawain upang mangyari ang mga
kondisyon?

Halimbawa sa isang gawaing lumilinang sa katatasan sa pagsasalita ay may mga


kondisyon sa pagkatuto na dapat mangyari. Nararapat na nakapokus ang mga mag-
aaral sa kahulugan ng task. Ang task ay dapat may limitado lamang na
pangangailangan sa wika. Kailangang pamilyar ang mga mag-aaral sa wikang kailangan
upang magawa nila ang task. Kailangan ding malinaw sa mga mag-aaral ang inaasahan
sa kanila upang mapresyur silang pagbutihin ang kanilang performans. Ang mga
indikasyong dapat tignan ng guro kapag nagmomonitor ng gawain ay ang pakikipag-
usap ng mga mag-aaral sa kanilang mga kapareha nang may katamtamang bilis ng
pagsasalita. Kung may pag-aalinlangan sa pagsasalita ay dapat bahagya lamang, at
nararapat na naiintidihan ng kausap ang kanilang sinasabi. Kasama sa dinisenyong
mga katangian ng task ay ang pagkakataon para sa paghahanda, pag-uulit sa task ng
ilang ulit sa iba’t ibang tagapakinig, isang pamilyar na paksa, nagsasangkot ng
tagapakinig at time pressure.

3. Short-term achievement assessment.Maaring magkaroon ng regular na


pagmomonitor sa natututunan ng mga mag-aaral sa kurso/aralin. Isinasagawa
ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng lingguhang pagsusulit, pagtatago ng mga
datos hinggil sa performans ng mga mag-aaral. Ito ay short-term na pagtataya
sapagkat isinasagawa ito araw-araw o lingguhan. Tinawag naman itong
“achievement” na pagtataya sapagkat sinusuri dito ang mga aytem na nakuha
mula sa kurso. Nagsisilbi ding motibasyon ang pagtatayang ito upang gawin ng
mga mag-aaral ang kanilang dapat gawin at nagbibigay sa kanila ng pakiramdam
ng tagumpay sa pamamagitan ng mga resulta ng mga pagsusulit.

Magiging mas mabilis tayahin ang short-term achievement kapag may malinaw
na layunin ng pagganap. Ang layunin ng pagganap ay isang pahayag na may limang
bahagi (Brown, 1995). Inilalarawan ng pahayag kung 1.)sino dapat ang magsasagawa
sa layunin, 2) ano ang nararapat gawin ng magsasagawa (performans), 3) sa anong
mga kondisyon dapat magawa ang performans, 4) paano tatayahin ang pagganap, 5)
anong antas ng pagganap ang dapat matamo (criterion). Narito ang isang halimbawa ng
layunin ng pagganap:

Ang mga mag-aaral ay inaasahang makasusulat ng komposisyong binubuo ng


1000 na salita batay sa isang paksang akademiko

4. Diagnostic assessment. Upang makapagplano ng kurso, mahalagang matukoy


ang mga kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral at kung saan may mga gap
ng kaalaman. Sinisikap ng pagtatayang itong matukoy ang mga bahaging
nangangailangan ang mga mag-aaral. Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagbibigay-kahulugan sa mga resulta ng mga placement test, achievement test,
proficiency test , pagmamasid sa mga mag-aaral habang gumagawa sa kanilang
mga task, pagtatanong sa mga mag-aaral, at sa pamamgitan ng resulta ng
diagnostic test. Ang layunin ng diagnostic na pagtataya ay matukoy ang mga gap
at kahinaan nang sa gayon ay maremidyuhan ang mga ito.Nakakatulong ang
diagnostic assessment sa mga mag-aaral upang makagawa ng personal na mga
layunin sa kursong mapunuan ang mga bahaging may kakulangan.

5. Achievement assessment. Karaniwan itong isinasagawa sa pagtatapos ng kurso.


Tinataya dito ang natutunan ng mga mag-aaral sa kurso. Naglalayon din itong
masuri ang kabisaan ng kurso sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Narito ang mga katangian ng isang achievement test:


a. Batay ang mga ito sa mga naituro sa kurso

b. Karaniwang batid ng mga mag-aaral ang mga tanong at mga materyal o


mga araling saklaw ng pagtataya

c. Batay ang mga ito sa pamantayan. Kailangan ang pagtatakda ng


pamantayang magiging indikasyon kung sapat ang natutunan ng mag-
aaral na mga aralin upang maipasa ang asignatura. Samakatuwid, ang
mga mag-aaral ay hindi tatayahin kumpara sa kanilang mga kamag-aral
kundi tatayahin sila ayon sa itinakdang pamantayan.

6. Proficiency assessment. Ang pagtatayang ito ay batay sa kabuuan ng natutunan


sa wika. Sinisikap nitong masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa wika.
Mahalaga ang proficiency test upang maging basehan ng ebalwasyon ng buong
kurso.

Katangian ng mabuting pagtataya

1. Kapani-paniwala- Ang resulta ng isang kapani-paniwalang pagtataya ay hindi


naaapektuhan ng malaki ng mga kondisyong hindi kasama sa mga nilalayong
masukat. Kapag ang pagsusulit ay inulit na ibinigay sa iisang mag-aaral,
inaasahang magiging halos pareho ang magiging resulta. Ang pagiging kapani-
paniwala ng pagsusulit ay masusukat sa pamamagitan ng pagbibigay ng
parehong pagsusulit ng dalawang beses sa mga mag-aaral. Maaari ding hatiin
ang mga iskor sa mga indibiwal na mga aytem sa dalawang pantay na grupo at
titignan kung makakakuha ang mga mag-aaral ng parehong iskor sa dalawang
pangkat ng pagsusulit.

Magiging higit na kapani-paniwala ang pagsusulit kung:


a. binibigay ito lagi sa parehong mga kondisyon;
b. konsistent itong binibigyan ng marka;
c. sapat ang bilang ng mga tanong; at
d. malinaw ang mga panuto.

Ang mga kondisyong isinasaalang-alang sa pagbibigay ng pagsusulit ay


kinabibilangan ng haba ng oras na inilalaan para sa pagsusulit, kung ang mga panuto
ay ibinibigay sa pare-parehong paraan, kapag ang pagsusulit ay para sa
pakikinig,nakarekord ba ang materyal upang hindi mabago ang bilis at diin at kung
naririnig ba ang nakarekord na materyal sa buong silid.

Kailangang maging kapani-paniwala din ang pagmamarka sa isang pagsusulit


upang maging kapani-paniwala ang resulta nito na magpapakita sa tunay na kaalaman
o performans ng mga mag-aaral. Magagawa ito sa pamamgitan ng paghahanda ng susi
ng pagwawasto o pinag-isipang hakbang sa pagwawasto.

Kapag sapat ang bilang ng mga tanong, kahit may problema sa isa o dalawa sa
mga tanong, wala itong malaking epekto sa kabuuang resulta ng pagsusulit.
Ang pagsusulit na hindi kapani-paniwala ay hindi kailanman magiging balido o
katanggap-tanggap.

2. Pagiging balido. Balido ang isang pagsusulit kapag sinusukat nito ang nilalayon
nitong sukatin. Sinusukat nito kung ano ang natutunan sa aralin/kurso. Ang
pinakapraktikal na paraan upang makita ang pagiging balido ng pagsusulit ay
makita ang pagkabalido ng anyo nito (face validity); at nilalaman nito (content
validity).

Balido ang anyo ng isang pagsusulit kapag ito ay nagmumukhang ayon sa sa


tinataya nito. Kapag ito ay pagsusulit para sa bokabularyo, nararapat na magmukha
itong pagsusulit para sa bokabularyo. Kapag ang pagsusulit ay para sa pag-unawa
sa binasa, nararapat na magmukha itong pagsusulit sa binasa.

Walang masyadong siyentipikong hakbang na sinusunod sa pagkakaroon ng face


validity subalit mahalaga ito sapagkat sumasalamin ito ng magiging reaksyon ng
mag-aaral na kukuha dito o ng sinumang titingin dito.

Nagkakaroon ng content validity ang isang pagsusulit kapag nagtutugma ang


mga aytem o tanong sa mga natapos na kasanayan at kaalaman sa kurso/aralin.
Nararapat din na bawat kasanayan o kaalamang tinalakay ay may representasyong
mga aytem o katanungan sa pagsusulit.

3. Pagiging praktikal (practicality). Masusuri ang pagiging praktikal ng pagsusulit


kapag tinignan ang 1) halagang gugugulin sa pagsasagawa at pagmamarka ng
pagsusulit; 2) ang haba ng oras na kailangang gugulin upang maibigay at
matapos ang pagsusulit; 3) dami ng taong kailangan sa pagsasagawa at
pagmamarka ng pagsusulit; 4) paano ang pagbibigay-kahulugan at pag-aaplay
ng mga resulta ng pagsusulit.

Kadalasan, nagkakaroon ng salungatan ang mga simulaing ito ng pagsusulit.


Ang isang maikling pagsusulit ay maaaring praktikal o madaling isagawa subalit
hindi masyadong magiging balido at kapani-paniwala. Minsan, kinakailangang
isakripisyo ang pagiging praktikal ng pagsusulit upang magiging balido ito. Hanggat
maaari, ang pagiging kapani-paniwala at pagkabalido ng pagsusulit ay siyang dapat
nangingibabaw kaysa sa pagiging praktikal nito.

Buod ng mga hakbang sa pagtataya

1. Magpasya sa mga uri ng pagtatayang kailangan.


2. Ihanda ang mga pagsusulit.
3. Tignan kung ang mga pagsusulit ay kapani-paniwala, balido at praktikal.

You might also like