Ang alak ay isang uri ng inumin na gawa sa alkohol. Nakakalasing ito at may iba’t ibang antas ng tapang o dami ng alkohol, na siyang nagbibigay ng pakiramdam ng kalasingan sa isang tao ayon sa diksyonaryo ng Brainly Philippines. Ang alak ang humuhubog ng mga espesyal at pangunahing abilidad upang ang ating isipan ay nagsisilbing proseso ng pagbibigay o pagdudulot ng pangkalahatang kaisipan, paghuhubog ng kakayahan sa pagrarason, pagbibigay kumpyansa at lakas ng loob sa sarili at paglabas sa tunay na kulay ng isang tao. Nakatala sa artikulo ng TONITE (2018), ang pag-inom ng alak ang solusyon ng iilan upang makalimutan ang problema at makapagsaya. Ang mga pagod o tensyon na nakuha nila sa pagtatrabaho ay dinadaan nila sa pag-inom ng alak o pagwalwal tuwing sasapit ang katapusan ng linggo. Sa isang artikulo sa Innerself, ginagamit ang alak upang magbigay ng lakas ng loob sa isang tao. Ang lakas ng loob ang siyang bumubuo upang lumabas ang tiwala sa sarili na kayang hilingin na maisayaw ang isang babae at makalimutan ang mga presyon ng kasalukuyan at ang sakit ng nakaraan. Sa kasalukuyang siglo, ang alak ay simbolo tuwing may okasyon. Nakaugalian na ito tuwing may pagdiriwang o pagtitipon na may alak na pagsasaluhan sa mesa, magarbo man o simple ang okasyon ay hindi ito mawawala. Mahirap iwasan ang pag-inom ng alak kapag kasama ang buong kapamilya, kabarkada at kaopisina (TONITE, 2019). Ang alak ba ay gamot? Batay kay Dr. Tranquilino (2013), marami ang nakapagpapatunay na ang alak na “red wine” ay mabuti para mabawasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Ngunit kakaunti lang ang mga “nutritional values” ng alak at halos alcohol ang taglay nito. Ayon naman sa artikulo ng Diaryo Bomba (2019), napatunayan na ang katamtamang pag-inom ng alak ang siyang nagbibigay pagbaba ng dugo para hindi magkaroon ng “blood clot” at mahusay na “antioxidant”. Maraming nahihilig sa pag-inom ng alak mapabata man o mapatanda. Ano na nga ba ang mukha ngayon ng alak? May mga taong umiinom lamang kapag may okasyon. Minsan ginagamit ang alak upang manakit nang kapwa o magdulot ng away, ang iba naman ay ginagamit ang alak upang maging malakas ang pangangatawan. Iilan sa mga babaeng umiinom ng alak ay nabubuntis dahil wala silang malay na sila ay may ginagawa nang kakaiba. Ang isa pang dahilan ay kapag may problema ang isang tao. At ang huli ay ang bisyo. May mga tao na talagang nakaugalian na nila ang uminom ng alak ng walang dahilan.
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Sa panaginip, ang alak ay tanda ng kalusugan, kayamanan, mahabang buhay at kaligayahan. Patuloy ang pagyabong ng salitang “alak” sa ating henerasyon. Marami ang nahuhumaling at natutuong uminom ng alak. Hindi lamang matatanda kundi pati mga kabataan ay nabibiktima nito. Batay kay Mheiy (unknown date), ang nagiging rason ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay ang impluwensya ng kanilang mga barkada kaya sila natutong uminom. Sa panahon natin ngayon maraming gustong subukan ang mga kabataan mapa-alak man o droga. Ang alak ay isang daan sa kanila upang mabawasan ang kanilang problema sa paaralan o sa pamilya. Sa pananaliksik na ginawa nina Abano at Castronueva (2017), ang alak ay ginagamit ng isang tao kapag mayroon itong kasamang kaibigan, tropa o barkada at kapamilya. Kalahati sa nagsabi na ang alak ay hindi nakaka-apekto sa kanilang buhay habang ang kalahati naman ay sinabi na malaking impluwensya sa kanila ang pag-inom ng alak. Kung ang pag-uusapan naman ay ang unang nagpa-inom o nakasama sa unang beses na pag-inom, mas marami ang nagsabing kamag-anak o magulang ang nakasama. Isa ito sa dahilan kaya naman komportable ang umiinom dahil may pemiso ito sa magulang. Sa pagpili kung saan napapabilang ang imahe ngayon ng alak, ito ba ay pang-okasyon, pangtanggal ng problema, gamot sa sakit, pang-iwas sa pagod o tension at nakakaakit lamang, maraming bagay ang binibigyang konsiderasyon. Isa na rito ang impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa isang indibidwal. Ang kabataan ang kadalsang nakararanas nito. Ayon kay KishiKawaii28 (unknown date), ang alak ay tinuturing na “drug of choice” ng kabataan. Maraming kabataan ang umiinom ng alak dahil may okasyon, naimpluwensyahan at nagbibigay ng saya. Ngunit sa kadahilanang ito tinatayang 5,000 kabataan na may edad na hindi bababa ng 21 ang namamatay dahil sa kalasingan; kabliang ditto ang humigit kumulang na 1,900 na namamatay dahil sa aksidente sa motor, 1,600 dahil sa “homicides”, 300 dahil sa pagpapakamatay, at daan-daang pinsala dahil sa pagkalasing ng mga tao ang naitatala. Subalit patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan na umiinom ng alak ayon sa mga pag- aaral.