Professional Documents
Culture Documents
PeTa 2 - Scrapbook (Content)
PeTa 2 - Scrapbook (Content)
PeTa 2 - Scrapbook (Content)
INTRODUCTION
“Ang isang larawan ay nagkakahalaga ng isang libong salita”.
Tunay ngang hindi mawawala ang pagkuha ng litrato sa tuwing mayroong
espesyal na okasyon o kaganapan. Kaya naman ay sinigurado naming nakakuha kami
ng mga litrato upang mayroon kaming matignan sa tuwing nais namin balik-balikan ang
mga panahong ito.
Nilalaman ng scrapbook na ito ang mga litratong kinuha namin sa mga pinuntahan
namin maaaring sa mga nagdaang linggo o sa mga lumipas na bakasyon ngayong taon.
Sumulat din ang bawat isa sa amin ng sanaysay na nagbabalik-tanaw sa mga panahong
kami ay nanatili sa mga lugar na aming pinuntahan. Mayroon din kaming sinulat na mga
replektibong sanaysay ukol sa bawat aktibidad na pinagawa sa amin ng aming guro.
Hindi lamang ang pagbabakasyon sa iba’t ibang tanawin ang habol namin ngunit
pati na rin ang paggawa ng mga memoryang aming baon habang buhay at siguraduhing
kami ay magsaya at makaranas ng pahinga mula sa mga kahirapang patuloy binabato
sa amin ng realidad ng ating mundo.
PERSONAL INFOS OF EACH MEMBER
Arejola, Beatrice Jillana DC.
"Ipulot ang tama, itapon ang mali."
Ang aking paboritong pagkain ay... Sinigang na baboy
Ang aking paboritong artista ay si... Park Shin-hye
Ang aking paboritong pelikula ay… Silence of the Lambs
Ang aking paboritong musika ay… Good Old Fashioned Lover Boy - Queen,
Ang aking paboritong lugar ay… London, United Kingdom
Ang aking paboritong kulay ay… Rosas
Ang aking paboritong pangyayari ay… naging soloista ako sa isang ballet recital.
Ang aking pangarap sa buhay ay… maging psychiatrist at makatulong sa mga tao
nahihirapan at may kapansanan,
Sampung taon mula ngayon… may sarili akong negosyo kasama ang mga kaibigan
ko at ninang ako ng mga anak nila.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay... 90
Prieto, Mikaela P.
“Go big or go home.”
Ang aking paboritong pagkain ay... Tinola
Ang aking paboritong artista ay si... Johnny Depp
Ang aking paboritong pelikula ay… Flipped
Ang aking paboritong musika ay… Stolen - Dashboard Confessional
Ang aking paboritong lugar ay… Palompon, Leyte
Ang aking paboritong kulay ay… Bughaw
Ang aking paboritong pangyayari ay… Pasko
Ang aking pangarap sa buhay ay… maging isang ganap na abogado
Sampung taon mula ngayon… ako ay magtatapos sa law school at magsisimulang
mag-aral para sa bar exam. Ako ay masaya at kontento sa aking buhay ngunit patuloy
ko pa ring hinahanap ang kahulugan ng aking buhay - kung ano nga ba ang halaga ko
dito.
Ang inaasahan kong grado sa Filipino ay... 90
PICTORIAL ESSAYS / TRAVELOGUES
Lumakbay kami nina Joellene, James, Hanna, Daniella, Hans, Gilian at Ally, ang
aking mga kagrupo sa CPAR, ng hapon noong Pebrero 28, 2019 papuntang Taal,
Batangas. Tumungo kami roon upang mag - shoot ng aming commercial para sa PeTa
namin sa nabanggit na asignatura. Limang oras nagtagal ang aming byahe, sapagkat
dumaan muna kami sa Cavite at Tagaytay para lamang makarating ng Taal. Nanatili kami
sa bahay ng lolo at lola ni Daniella, sapagkat doon din magaganap ang aming pag - shoot.
Nang makarating kami sa bahay ay alas diez na ng gabi. Hindi pa namin maibaba ang
aming mga gamit dahil kinailangan pang buksan at linisin ang bahay kasi ilang taon na
raw ang nakalipas mula nang umalis ang lolo ni Dani papuntang Amerika para
magpagamot sa kanyang sakit.
Si Ally ang gumanap bilang bida namin sa commercial. Ang kanyang asawa ay si
Hans at si Hanna naman ang kanilang anak. Tungkol sa bahay ang aming commercial at
ang mga alaala na pinaghahawakan nito sa mga may-ari. Ibebenta na nina Ally ang bahay
dahil matanda na siya at naalala niya lamang ang kanyang asawa rito. Kaya sa huli ay
umalis na sina Ally at Hanna ng bahay pagkatapos maalala ang mga nangyari roon.
Ano kaya ang pakiramdam ng nasa tuktok ka ng Pinas? Ano kaya ang
pakiramdam na makatakas sa mga kapaguran na idinulot ng nakaraang taon? Saan ba
pwedeng lumuwas? Gusto ko sa malayo, malayo sa mga tao, malayo sa syudad.
Batanes. Ito ang sagot ng aking kaibigan sa napakarami kong tanong. Tinawanan ko lang
siya. Pero pagsapit ng gabing iyon, napaisip ako, matagal ko nang pinapangarap na
makapunta sa Batanes. At wala pa naman akong pasok hanggang Enero 10, tanungin
ko kaya sila ate? Matapos ang apat na araw, naghahanap kami ng pwedeng kainan sa
Clark International Aiport bago ang flight namin. Gabi na nang makarating kami sa Basco,
Batanes at tumuloy sa hotel na inerekomenda ng isang kaibigan at natulog na lang muna.
Kinabukasan, kumain kami sa restawran ng hotel at laking gulat ko na kulay asul
ang kanin at tsaa na ihinanda para sa amin! Matapos naming mag-almusal, ay nag-
sightseeing kami sa Batan Island. Nakakababa ng loob na matanaw ang kagandahan ng
nilikha ng Diyos. Napakabata lang natin kung ikumpara sa mundo. Noong nakaupo ako
sa tuktok ng burol, pinapanood ang mahinahon na karagatan, tila nawala lahat ng
kapaguran, problema, at kalungkutan at ako ay tunay na nakaramdam ng kapayapaan.
Nakaka-refresh din na panoorin ang mga mamamayan ng Batanes, kuntento sa
napakasimpleng buhay. Maaaring nainggit ako sa paraan ng pamumuhay nila, kasi
pangarap kong manirahan sa Batanes, sa halip, mas lalo itong naging inspirasyon sakin
na magpatuloy na mangarap.
Ginugol namin ang buong araw sa pag-sightseeing at pagsapit ng dapithapon ay
bumalik na kami sa hotel na tinutuluyan namin at kinaumagahan ay sumakay na kami sa
eroplanong pabalik ng Clark. Kahit mahigit kumulang ay isang araw lamang kami sa
Batanes, masasabi ko na ang karanasang ito ay tunay na nagiging lunas para sa mga
kagaya ko na naghahanap ng paaran upang tumahan. At Batanes, maghanda ka,
babalikan pa kita.
Prieto, Mikaela P.
Kalanggaman Island, Palompon, Leyte (April 19 - 20, 2019)
Kalanggaman Island, Palompon. Leyte Province, Philippines. Ito ang isa sa mga
Isla ng Pilipinas na masasabi kong dapat lang na mapuntahan. Bukod sa maganda ang
tanawin, presko ang hangin, malinis ang paligid, mararanasan mo rin dito ang tunay na
kahulugan ng bakasyon. Para sakin may sariling paraan ang isla para iparamdam sayo
na sinasabing stress – free environment. May paraan ito para ipakita sayo ang
kagandahan ng kalikasan, ang kagandahan ng gawa ng Diyos. Madalas kami pumupunta
dito noong bata pa ako dahil malapit lang ang aming probinsiya dito - ang bayan ng
Palompon sa Leyte.
Matagal - tagal na nang huli akong nakapunta dito, ngunit dahil umuwi ang isa
kong pinsan galing sa Texas ay naisipan naming bumalik. Ang isa naming lola ay
mayroong malaking mansyon or kung tawagin ay ‘Beach House” at mayroong beach sa
likod ng “Beach House” na iyon na tinatawag na Crocodile Beach. Ang pamilya nila ang
nagmamay - ari noon. Kahit na nasa likod lang ng kanilang mansyon ang beach na iyon
mas pinili pa rin namin at ng lola ko na pumunta sa Kalanggaman Island dahil minsan
lang kami makabalik doon. Sabi ng lola ko ay lubusin na namin ang malinis at magandang
Isla sapagkat pagdating ng panahon ay may posibilidad na maglaho at masira ito katulad
ng Isla ng Boracay. Pero sa tingin ko kung pananatiliin natin na malinis at maganda ang
kalikasan, ang paligid, mapapanatili pa rin natin ang kagandahan at kalinisan ng mga
lugar na ito.
Masasabi ko lang na dapat makita at mapuntahan ng lahat ang Kalanggaman
Island. Bukod sa maputing buhangin nito ay meron rin itong tinatawag na “Sand Bar”.
Ang Sand Bar o Pulong Buhangin ay ang mahabang dulo ng isla na nawawala sa tuwing
tumataas ang tubig. Ito ang pinakamagandang bahagi ng isla sapagkat purong - puro ang
puting buhangin dito at maganda ang tanawin. Kung mabibigyan muli ng pagkakataon,
sigurado akong babalik ako dito.
BIONOTE NI RIZAL
Madami kaming nalaman tungkol sa ating pambansang bayani nang ginawa namin
ang aktibidad na bionote. Nalaman namin ang kanyang pamamamuhay bago siya
mamatay, ang kanyang nagawa at naibahagi sa ating bansa. Doon ko rin narealize gaano
kalaki ang isinakripisyo ni Rizal para sa atin. Ang kanyang mga nagawang nobela ay
pinagaaralan namin at onting-onti namin naiintindihan ang mga pangyayari noong
sinakop tayo ng mga Espanol. Lalo tumatatag ang aking gana para ipagtanggol at
ipaglaban ang akin bansa hamon sa mga pangyayari ngayon.
MEMO, ADYENDA, AT KATITIKAN NG PULONG
Hindi lamang limitado ang performance task na ito sa aming sari - sariling grupo -
kung tutuusin, kinailangan nito hindi lamang ang mga parte ng mga lider ng bawat grupo,
o iisang grupo lamang, kung hindi ang tulong ng bawat isa sa aming klase. Ang aktibidad
na ito ay isa sa mga pinakamabibigat na gawaing aming natanggap sa semestreng ito.
Tunay na sinubok ng aktibidad na ito ang kooperasyon ng bawat isa sa aming klase at
ang aming hangarin upang gawin ang aming makakaya sa mga parteng itinalaga sa amin
upang ito ay makagawa ng isang magandang bunga o resulta na pakikinabangan ng
lahat sa aming klase.
Ang isa sa mga naging elemento na sumubok sa amin ay komunikasyon. Maaaring
lahat kami ay nasa iisang silid - aralan lamang, ngunit lahat kami ay may kanya - kanyang
gawain na hindi matututukan ng bawat isa. May mga kaklase kaming mabibigat ang
gawain sa mismong gawain kaya kaunti lang ang inatasan sa kanilang tungkulin. May
mga kaklase rin kaming hindi gaanong kabigatan ang gawain kaya mas marami ang
kinailangan nilang gawin. Ito ay aming napagtantong gawin upang pare - pareho lang ang
distribusyon ng responsibilidad.
Kakulangan sa oras at maayos na pagpaplano rin ang ibang mga nakapaghamon
sa aming pagtapos ng performance task na ito. Dala na rin ng kasagsagan ng mga
gawain mula sa iba pang mga asignatura, hindi napagtuunan ng atensyon masyado ang
masinsinang pagplano ng mga ibang kinailangang gawin sa mismong araw ng
presentasyon ng performance task. Kumbaga ito ay medyo minadali at alam naming mas
maayos sana ang aming pagkagawa ng nasabing aktibidad kung kami ay nagplano ng
sabay - sabay bilang isang klase imbes na nagplano sa kanya - kanyang grupo at
sadyang ipinagsama na lang ang mga ideya ng bawat grupo.
Bilang konklusyon, may mga bagay na amin sanang napagbuti kung hindi lamang
nagkaroon ng mga hadlang sa aming pagsasagawa ng gawain, subalit alam naming lahat
na ginawa namin lahat ng aming makakaya upang makapagpakita ng isang magandang
presentasyon na tugma sa aming gawain at makuha ang gradong aming natamo. Masaya
kaming lahat na nakakuha kami ng magandang grado sapagkat ito ay isang grado na
tunay na nagpapakita ng aming ginawang pagsisikap at pagtutulungan at sapat na sa
amin ito. Ipinakita namin na hindi dapat naghihilaan pababa ang bawat isa upang
makakuha ng mas mataas na grado kumpara sa iba. Dapat lahat kami ay nagtutulungan
upang sama - samang makakuha ng grado aming ipagmamalaki at makabuo ng
maraming mga alaala bilang isang klase, bilang 11HUMSS - 1.
PAGGAWA NG POSISIYONG PAPEL
Sa paggawa ng posisiyong papel, natutunan naming bilang isang grupo ang mga
opiniyon at sentimyento ng bawat isa ukol sa mga isyung panlipunan. Ang
napagdesisyunan naming paksa ay ang pagbaba ng edad ng pananagutan o age of
criminal liability. Ang bawat miyembro ng aming grupo ay tutol dito kaya mas naging
madali ang proseso ng aming pagsusulat. Natutunan namin ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng posisyon sa mga isyung kagaya nito hindi lamang dahil parte kami ng
Humanities and Social Sciences Strand, ngunit dahil parte tayong lahat ng lipunang
Pilipino.
Naniniwala kami na dapat mayroon tayong opiniyon sa mga problema na
hinahaharap ng lipunan. Hindi sapat na wala kang kinikilingan o niyutral ka sa mga bagay-
bagay dahil hindi dahil hindi ka naapektuhan ay wala ka nang pakialam. Mahalaga rin na
bago ka pumili ng iyong papanigan, mayroon kang sapat na ebidensiya upang patibayan
ang posisyon mo. Napakaimportante ng masinsinang pananaliksik sa paggawa ng
posiyong papel upang maiwasan ang mga maling argumento. Tiyakin din na ang mga
pinagmulan ng impormasyong nakuha mo ay mapagkakatiwalaan upang masigurado na
ang mga puntong mayroon ka ay nakabase sa katotohanan. Kapag nagsusulat ng
posisyong papel, mahalaga rin na alamin mo ang mga punto na maaaring ibato sayo ng
kabilang panig upang makahanap ka ng itatapat na argumento.
Lubos na makakatulong ang regular na pagbasa ng diyaryo at pakikinig o pagnood
sa balita upang hindi mahuli sa mga balitang panlipunan. Maging wasto sa pagpili ng
panig at siguraduhing tama ang mga ebidensiyang nakokolekta. Sa panahon ngayon na
napakarami ng mga isyung hinaharap ng ating lipunan, gamitin natin an gating boses
upang ipahayag ang ating mga opiniyon. Bilang kabataang Pilipino, dapat ay ngayon pa
lang ay mulat na tayo sa mga isyung panlipunan at dapat mayroon tayong kagustuhan
maging parte ng solusyon.
POSTER
Itong gawaing pang-upuan namin na ito ay resulta ng pinagsama-sama naming
pagsisikap sa kakaunting oras na pinagawa sa amin nito. Pinagawa kami ng isang poster
ukol sa aming posisyon at opinyon sa pagkawala o pagtanggal ng paksang Filipino sa
kolehiyo. Lahat kami sa grupo ay hindi sang-ayon sa pagkawala nito dahil ipinaglalaban
namin na ang sariling wika ay ang buhay ng ating bansa at parang hindi na rin tayo
Pilipino kapag ang nahiligan at mas nagagamay pa natin ay ang salitang hindi totoong
atin. Ito rin ay naging pagmumulat sa aming mga estudyante na huwag nating patuloy na
kalimutan at tanggalin sa ating pagkatao ang wikang Filipino dahil ito ang pangunahing
rason sa ating pagka-Pilipino.
TALUMPATI
Sa paggawa ng talumpati, nahasa namin ang sarili naming kasanayan sa
pagsusulat at sa pagtatalumpati mismo. Ang pinal na nagawang talumpati ay naging
paraan para sa aming mga estudyante na ihayag ang aming sari-sariling pananaw ukol
sa mga isyung panlipunan. Isa itong naging instrumento para ipamulat ang mga
tagapakinig sa ilan sa mga paksang napili, ilan ditto ay ang gender equality, pera,
kalikasan, atbp. Natutunan namin ang kahalagahan ng eye contact sa audience, tamang
tono at kalakasan ng boses, kung kalian titigil nang saglit, at ang bilis ng pananalita. Kahit
kami ay medyo nagalinlangan dahil mayroong impromptu na parte ng talumpati,
nakuntento naman kami sa naging grado namin sapagkat sa pamamagitan nito, na-
challenge kaming mag-isip nang on the spot at suriin kung ang aming galing. Isa rin itong
naging paraan upang mas matutunan namin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng
magkagrupo. Nagpapasalamat kami dahil pinayagan kami ng guro na piliin kung sino ang
aming ninanais na maging kagrupo at sa gayon, mas napadali ang pagsasagawa at
pageensayo ng talumpati dahil komportable kami sa aming kagrupo.
PAPER DOLL
Ang aktibitidad na ito ay hindi lamang hinahasa ang pagkamalikhain ng mga
estudyante sa larangan ng pagsulat at pagguhit ngunit pati na rin ang kalawakan ng isip
na alamin kung sino na nga ba sila—katulad parin ba ng dati o nagbago na?
Ang pinakaimportanteng bagay sa paaralan na madalas nating nalilimutan ay hindi
lamang maglikom ng matataas na grado ngunit ang tunay na matuto. Maaaring ang iba
sa amin ay hindi magaling at hindi diretso mag-Tagalog subalit dahil sa asignaturang ito,
napaalalahan kami ng importansya ng pagmamahal sa sariling wika.
Natuto kaming sumulat ng talumpati, posisyong papel, adyenda at iba’t ibang
akademikong papel na aming kakailanganin sa academe at sa aming mga propesyon sa
hinaharap. Alam naming talagang magagamit namin ang aming mga napag-aralan. Ang
mga aktibidad sa klase’y hinasa kami maging mas magaling na manunulat at
tagapagsalita.
Naging malikhain at teknikal kami sa aming pagsulat at natutong maging analitiko.
Importante ‘to bilang isang kabataan at lider ng bansang ito sa hinaharap kaya’t
nagpapasalamat rin ako sa aming masipag na propesor sa walang sawang pagtuturo sa
amin.
ISANG TULA PARA SA ASIGNATURANG FILIPINO
Para kanino ang bawat hakbang na ito?
Para kanino ang letra sa bawat libro?
Para kanino ang bawat luha mo?
Para kanino ang lahat ng ito?