Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Alamat at mga Milagro ng Nuestra Señora del Pilar o Fort Pilar sa Lungsod ng Zamboanga

Ang kultura ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Dito
rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat isa. May kani-kanila silang orihinal na talent,
paniniwala at mga programa sa iba’t ibang larangan. Masasabi nating mayaman ang kultura ng
mga Pilipino sapagkat ito ay pinaghalong kultura ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng
mga unang mangangalakal at mananakop sa Pilipinas noon. Napakalaking impluwensiya ang
naidulot ng mga mananakop lalo na ng mga Kastila dahil sila ay nanirahan sa ating bansa nang
humigi’t-kumulang 333 na taon. Malaki ang kanilang kontribusyon lalo na sa ating relihiyon. Sila
ang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa bansa, na naging ugat upang mabago ang ating mga
pananaw sa buhay.

Nauuri ang kultura ng Pilipinas sa pitong grupo, ito ay ang ating wika, paniniwala,
tradisyon, pagkain, sining, at relihiyon. Tatlong klase ng kultura ang nakapaloob sa tekstong aming
nabasa. Ang tatlong kulturang naipakita ay ang mga paniniwala, tradisyon, at relihiyon.

Naipakita ang kultura ng mga Pilipino sa tradisyon na kanilang isinasagawa tuwing


mayroong pista, ito ay ang pagdaraos ng isang prusisyon sa mga Santo at Santa ng bawat lungsod.
Ang Santa Patrona ng lungsod ay ang Nuestra Señora del Pilar kung kaya naman, ito ang
iprinusisyon ng mga mamamayan. Sa prusisyon ay inililibot ang mga inukit na larawan ng kanilang
mga santo at santa, na nagagayak ng magagarang kasuotan, at napapalamutian ng ginto, pilak at
mahahalagang bato. Kung minsa’y pasan-pasan ito ng mga tao sa kanilang balikat at kung minsan
nama’y nakalulan ito sa karo at hilahila o kaya’y itinutulak ng mga nagpapanata. Hindi man
nabanggit ang buong detalye ay masasabing ito ang kanilang ginawa sa prusisyon.

Ang kultura ng mga Pilipino ay naipakita sa relihiyon na nakapaloob sa teksto. Nabanggit


na Muslim ang mga sumalakay sa mga katolikong Espanyol. Mayroong hidwaan sa pagitan ng
dalawang panig dahil sa mga pagkakaiba sa pananaw at kultura. Sinisimbolo din nang
pagprusisyon ng imahen ng mga santo o santa ang relihyong katoliko, ito ang isa sa mga
impluwensiyang naibigay sa atin ng mga Espanyol. Isa pang paraan na naipakita ang relihiyon ng
mga Pilipino ay noong humihingi sila nang tulong at patnubay sa Mahal na Birhen, isa sa ating
mga kaugalian ang paghingi nang tulong sa mga Diyos lalo na kung tayo ay gipit sa buhay.

Paniniwala sa mga Milagro at mga kakaibang pangyayari na gawain ng mga Diyos o Santo.
Naniniwala ang mga Pilipino sa mga bagay na hindi kayang gawin ng tao, ito ang tinatawag nilang
milagro o himala. Maiuugnay naman ang ang paniniwala ila sa relihiyon dahil ang pinaniniwalaan
nilang nagmimilagro ay isang santa ng mga katoliko. Hindi naman masamng maniwala sa mga
ganitong bagay, ngunit tandaang maaaring ito pala ay walang katotohanan. Ang paniniwala ng
mga Pilipino sa mga milagro ay masasabing paraan natin upang magkaroon ng pag-asa sa
panahong walang-wala na tayo.

Ang mga kulturang nabanggit ay ilan lamang sa napakaraming kultura ng mga Pilipino, at
bilang isang mamamayan nararapat lamang na it’y ating tangkilikin at paunlarin pa lalo. Tayo’y
magtulungan upang payabungin pa lalo ang angking kayamanan ng mga Pilipino- ang ating
kultura.

You might also like