Professional Documents
Culture Documents
A Be Gail Feature Fantasy
A Be Gail Feature Fantasy
Ang entrance fee sa historical na kastilyong ito ay fixed sa halagang isang libong
piso (₱1,000.00) kahit pa solo ka lang at kung gustong mapag-isa. Pero kung tropa at
family bonding naman ang hanap,sulit na ito and good for 10 persons.Sa halagang
ito,mae-experience mo na ang mala-Hong Kong Disney Land Tour na kung saan ay
pwede ang unlimited picture taking,mamasyal sa mga rides na hindi man natapos at
gumagana ay napapaligiran naman ng malaking espasyo at magandang tanawin kung
saan maaaring matanaw ang Taal Volcano at ang mapunong lugar nito. Pagpasok
palang ng lugar ay mararamdaman mo nang isa kang maharlika dahil sa kakaibang
awra at istilo nito. Mayroon ding maliit na simbahan sa loob,coffee shop,photo
booth,fountain na maayos na gumagana at ang mga pangunahing tourist spots dito
tulad ng garden maze,hanging bridge na nakakonekta sa isang treehouse at sa gusali
ng kastilyo pati na rin ang isang daan at labindalawang hakbang paakyat ng nasabing
gusali upang mas makita ang kabuuan ng palasyo na masasabing isa sa mga perfect
scenery at patok na pang-post sa instagram at iba pang social media sites.
Mula Maynila ay apat o higit pang oras ang igugugol ng mga turista sa pag-
byahe kung kaya maswerte ang mga nasa kalapit-lugar nito dahil anumang oras nila
gustuhin ay madali nila itong mararating. Ang Taal Volcano,balisong,barong
tagalog,tapa,kapeng barako at marami pang iba ang magpapatunay na ang mga
Batangueño ay maraming maipagmamalaki.