Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Module 5 Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik na

Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

” Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na bata!”

Isa sa mga kadalasang naririnig natin mga teenagers sa mga matatanda at ating mga
magulang. Paano nga ba nahuhubog ang pagkatao ng tao?

Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung
magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri
ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng
kaniyang buhay. Dahil sa isip at kilos-loob, kasabay ang iba pang pakultad na
kaniyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihang kumilos ayon sa
kaniyang nais at ayon sa katuwiran. Bawat segundo ng kaniyang buhay, siya ay
kumikilos ayon sa kaniyang kagustuhan at ninanais. Ito’y naghahatid ng pagbabago sa
kaniyang sarili, sa kaniyang kapuwa at sa mundong kaniyang ginagalawan. Ang kilos
ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol o pananagutan sa sarili.
May dalawang uri ng kilos ang tao:

1. Ang Kilos ng Tao (Acts of Man) – ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay ang
likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at
kilos-loob. Ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama – kaya
walang pananagutan ang ang tao kung naisagawa ito.
2. Makataong Kilos (Human Act) – ay kilos na isinagawa ng tao nang may
akaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng
isip at kilos- loob kaya’t may kaoabnagautan ang tao sa pagsasagawa nito.
Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinagya at knusa sapagka’t isinasagawa
ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alama niya ang kaniyang gignagawa at
ninais niyang gawin ang kilos na ito.

ANG MAKATAONG KILOS AY KILOS NA MALAYANG PINILI MULA SA


PAGHUHUSGA AT PAGSUSURI NG KONSENSIYA.
Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability)

1. Kusang-loob – ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng


kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
2. Di kusang-loob – ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat
isakatuparan.
3. Walang kusang-loob – ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon
sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t
walang pagkukusa.

You might also like