Professional Documents
Culture Documents
Mito
Mito
Mito
- Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga
kwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.
- Ang Mitolohiya o Mito ay tinatawag ding Malumat. Ang mito ay matandang kwentong-bayan tungkol sa mga bathala,
diyos, o diyosa, tungkol sa pagkakalikha ng daigdig, sa pinagmulan ng unang tao, sa mahihiwagang nilikha,sa buhay ng
mga bayani, sa kanilang kagitingan at kapangyarihan, at tungkol sa iba pang may kinalaman sa pangako ng tao sa kanilang
mga anito.
- Ang mga mito ang nagsisilbing kapaliwanagan sa mga bagay-bagay na nagaganap sa kanilang paligid na hindi pa batid ng
kanilang kaisipan kung anu-ano ang mga sanhi nito.
Mitolohiyang Griyego
Zeus -punong diyos;panginoon ng langit
Hera - asawa ni Zeus;diyosa ng langit
Phoebus - diyos ng araw;diyos ng liwanag, musika, at propesiya
Poseidon - diyos ng dagat
Hermes - diyos ng komersyo;sugo ng mga diyos
Haphaestus - diyos ng apoy;panday ng mga diyos
Ares - diyos ng digmaan
Athena -diyosa ng karunungan
Artemis - diyosa ng buwan at pangangaso
Demeter - diyosa ng agrikultura at pertilidad
Hestia - diyosa ng apuyan at tahanan
Dionysius - diyos ng alak
Aphrodite -diyosa ng kagandahan at pag-ibig
Mitolohiyang Pilipino
Ang Mitolohiyang Pilipino ay nababatay sa iba’t ibang pangkat ng tao o tribo sa kalupaan ng bansa kaya maraming kuwento at
nagkakaiba-iba ang mga ito. Narito ang ilan sa kanilang mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Pilipino:
Mabubuting Espiritu
Patianak – Tagatanod sa lupa
Mamanjig – Tagapangiliti sa bata
Limbang – Tagatanod sa kayamanang nasa ilalim ng lupa
Masasamang Nilalang
Tiktik – isang ibong kasama ng aswang
Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan ang kalahati
ng kanyang katawan.
Tama-Tama - maliit na taong kumukurot o nagpapaiyak ng sanggol
Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako
Salot – nagsasabog ng sakit
Tiktik – isang ibong kasama ng aswang
Ang mitolohiya tungkol sa mga aswang ay bantog sa Visayas, lalo na sa mga lalawigan ng Capiz, Antique and Iloilo.
Bathala
- Kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal. Siya ang makapangyarihang diyos, pinaniniwalaan ng mga sinaunang
Tagalog at hari ng mga Diwata. Lahat ng mga paniniwalang ito ay naipluensya ng mga Kastila .
Pinalitan nila ang lumang pananampalataya ng mga lumang Tagalog sa Kristiyanismo. Si Bathala ay inuugnay sa
Diyos ng rehiliyong Kristiyanismo, at ang ibang diyos-diyosan ay pinalitan ng mga santo. Kaya, sa panahong
nagyon, ang salitang "Bathala" ay tinatawag sa Diyos ng Rehiliyong Kristiyanismo ng mga Pilipino ngayon.
Sa Mitolohiyang Pilipino, ang Diwata or Lambana ay mitolohiyang pigura gaya ng fairies o nymphs.
Sinasabing sila ay nananahan sa malalaking puno gaya ng acacia and balete at pinaniniwalaan na espiritung
tagapagbantay ng kalikasan, tagapagbigay ng pagpapala at sumpa sa sinumang nangangalaga o sumisira sa
kabundukan at kalikasan.
Sa Filipino baybayinang Sanskrit na salitang devadha, ay mula sa Sanskrit na salitang dev, nangangahulugang
kabanal-banalan.
Ang salitang "diwata" ay hango sa iba’t ibang kahulugan mula sa konsepto ay iniuugnay sa mga mitolohiya noong
pre-colonial.
Malimit ito ay isang ginagamit upang tukuyin ang isang nilalang gaya ng diwata o engkantada, o gaya ng mga
nabanggit.
Ang salitang "diwata" ay kasingkahulugan ng "anito," at ang paggamit ng salitang "diwata" ay
kilala sa Katimugan ng Pilipinas, habang ang "anito" ay ginagamit at kilala sa Hilagang bahagi.
Ang lalaking diwata ay tinatawag na enkanto, at nananahan sa karagatan. Ito ay karaniwan sa mga mangingisda
na nag-aalay sa engkanto ng karagatan upang magkaroon ng masaganang huli.