Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PANGKAT MINORYA

(Panitikan ng Pilipino)

GOMBURZA

Arenas, Mary Anne Geneth N.

Arenillo, Alyssa Marie A.

Javier, Elijah Yosef Braulio H.

Langgal, Huzaida G.

Madrona, Kate D.

Siton, Jacquilyn S. Ipinasa kay:

Dgro. Julieta N. Velasquez


MANGYAN
MGA MANGYAN

 Sila ay kinikilala bilang mga naunang nanirahan sa Mindoro bago pa dumating


ang mga Kastila.
 Binubuo ng walo (8) grupo- Hanunuo, Iraya, Tau-buid, Tadyawan, Bangon,
Alangan, Buhid, at Ratagnon.

Hanunuo Iraya Tau-buid Tadyawan

Bangon Alangan Buhid Ratagnon


 Bagama’t nasa iisang tribu, sa Bandang hilagang Mindoro, ang mga mangyan ay
mas maalam sa mga paggamit ng mga makabagong kagamitan sa pagsusulat,
paghahabi, at paggawa ng mga palayok samantalang ang mga taga Timog
Mindoro naman ay mas simple mamuhay.
 Ang katawagan sa kanila na, Mangyan, ay may kaugnayan sa salitang magus at
majika dahil may karunungan sila tungkol sa ilang salamangka gaya ng lumay at
kulam.

MGA KATANGIAN

 Itinuturing silang isa sa mga "mahiyaing tribo."


 Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata, at
katamtaman ang tangkad.
 May sariling pamumuhay, kultura, pamayanan, at kabuhayan.
 Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangingisda, at kalakalan sa
Mindoro.
 Sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig.

PANITIKAN

 Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa


pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o
lalagyan ng nganga.
 Ang ambahan ang kilalang panulaan ng Hanunuo-Mangyan. Naka-ukit ito sa
kawayan.

Mga halimbawa ng Ambahan


 Binubuo ng pitong pantig bawat linya at may tugma ang mga dulong pantig.
 Kadalasan ay isinasaliw sa di matukoy na tono ng mga instrumentong gaya ng
bangsi, batiwtiw at iba pa.
 Kadalasang ginagamit sa panliligaw, pamamaalam sa mga mahal sa buhay, sa
mga bisitang nanghihingi ng pagkain at marami pang iba.

PAG AASAWA NG MGA MANGYAN


 May kanya-kanyang kultura ang mga mangyan pag dating sa pag-aasawa.
Halimbawa ay sa grupo ng Alangan, maliit pa lamang ang anak na babae ay may
nakatakda na dito na mapapangasawa, kahit na matanda na ang lalaki, ito ang
tinatawag sa kanila na dugayan.
 Ang mga mangyan na Iraya naman ay nagtatakda ng basbas ng mga matatanda,
magulang, at ang kanilang APO IRAYA na ang ibig sabihin ay Panginoong Diyos.

KABUHAYAN
1. Pagtatanim- palay, saging, kamote, ube, gabi
2. Lamang gubat- rattan, bungang kahoy, kawayan, pugon
3. Panghuhuli- baboy damo at maiilap na hayop
4. Pangingisda- hipon at mga isdang tabang

MGA SINING NA GAWANG KAMAY

Ramit Bay-ong Bag Kwintas Rosaryo


SA KASALUKUYAN
• Sa ngayon, mas organisado na ang mga mangyan. Bawat grupo ay may kanya-
kanyang samahang kumakatawan.
• Mayroon na silang “By Laws”, mga parusa na katumbas sa mga krimen na ginawa.
• Sa kanilang lugar ay mayroon na ding mga maliliit na paaralan. Yung iba pa ngang
mangyan ay naging guro pa.
• Umaangat na ang kamalayan sa kanilang karapatan bilang Indigenous People.
• Ang kanilang madalas kainin hanggang ngayon ay lamang-lupa pa rin gaya ng
ube at kamote. Itinuturing nilang luho ang pagkain ng kanin.
• Walang sikreto sa kanilang tribu. Lahat ng tao ay nalalaman ang lahat ng
nangyayare sa pamamagitan ng pagpapasahan ng ambahan.
• Ang kanilang ibang ritual at kultura ay kanilang napanatili ngunit dahil rin sa mga
dayo at mga tagalog, unti unti ring nababago ito.

TULA

AKO’Y ISANG MANGYAN


(SA PANAHON NG HALALAN)
Ni Jaycee Ziv

Ako’y isang mangyan, katutubo mang naturingan


Sa bundok ako’y nakatira, at hindi sa kapatagan
Marumi man laging tingnan, damit parang basahan
Ako’y tao rin po naman, may prinsipyo’t paninindigan.

Ako’y isang mangyan, sa tingin ay isang mangmang


Hindi man nakapag-aral, dahil sa labis na karukhaan
Nagpipilit ring matuto’t magkaroon ng pinag-aralan
Ako nama’y hindi tuso, marunong din pong magbilang.
Ako’y isang mangyan, dukha’t habag nga’y kailangan
Sa payak man na pamumuhay, pilit pa ring lumalaban
Kahit nga naghihikahos, ang sandigan ko’y kasipagan
Nagbabanat ng aking buto, hindi ako umaasa sa iilan!

Ako’y isang mangyan, kilala nga nila kung halalan


Boto ko raw ay mahalaga, sa salapi’y tinutumbasan
Katwiran ko’y ang aking prinsipyo, at ang kinabukasan
Hindi ako manghihingi, hindi pulubing nililimusan!

Ako’y isang mangyan, sa pagpili’y marunong din nman


Hanap ko’y kandidatong, yaong sa ami’y maninindigan
Sa aking abang kalagayan, ay siyang laging makikialam
Sa aki’y magbibigay ng PAG-ASA, PAGBABAGO sa bayan!

Ako’y isang mangyan, sa pagsulat nga’y walang alam


Ang aking pong dalangin, ako’y huwag ipagbili naman
Ako’y nagtitiwalang totoo, at laging lubos na umaasam
Ang tinitibok ng aking puso’y siyang aking lalagdaan!

Ako’y isang mangyan, taas noo kahit saan at kalian


Ang boto ko’y sagrado, hindi ipagbibili kaninuman
Hindi pagagamit sa pulitiko, kahit isang mangmang
Katutubo ako sa puso, sa isip, hindi mapapantayan!
LISTAHAN NG SANGGUNIAN:
https://www.jacobimages.com/2012/12/the-mangyan-of-mindoro
http://www.mangyan.org/content/mangyan-cultural-festival
https://www.wikiwand.com/tl/Mangyan
https://www.wattpad.com/28181922-ako%27y-isang-mangyan

You might also like