Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Elias at Salome

Narrator: Sa isang dampa sa pampangin ng lawa, mayroong isang dalagang tumatahi ng


makukulay at maninipis na kamisa. Nag-aantay sa pagdating ni Elias, ng biglang nakarinig siya
ng mga yabag. Tinigil ang pananahi at nakita ang pagdating ni Elias na may dala-dalang
panggatong at saging. Napansin ng dalaga na si Salome na tila malungkot ang binata.

Salome: kamusta ang iyong paglalakbay?

Elias: Ang daming magagandang babae ang aking nakita at isa sa kanila ay nagngangalang
Maria Clara, ang iniibig ng isang mayamang binata na nagmula pa sa Europa.

N: Pagkatapos ng pag-uusap ay tumayo si Elias upang maghanda sa kanyang pag-alis

Elias: Hindi ako maaaring magtagal sapagkat hindi magiging maganda ang kalalabasan kapag
nalaman nilang inabot ako ng magdamag dito.

Salome: Ngunit hindi ko kayang mag-isa. Dahil dito mas maigi siguro kung uuwi na lamang
ako sa mga kamag anak ko sa Mindoro.

Elias: Yan ang nararapat Salome. Kalimutan mo na ako. Humanap ka ng isang binata na hindi
katulad ko.

Salome: Ngunit….

Elias: Ang oras natin ay tapos na. Humanap ka ng isang lalaking papakasalan at mamahalin ka
ng tunay.

Salome: Sumama ka sakin Elias.

Elias: Hindi maaari Salome! Masyado ng maraming nangyari. Kailangan kong tapusin kung ano
nasimulan ko at kahit sumama pa ako sa iyo hindi pa din maaalis sa akin na maaaring
madiskubre ang nakaraan ko.

N: Nagkatitigan ang dalawa at walang nagawa si Salome kung hindi ang tanggapin ito

Salome: Elias, ditto ka tumira sa bahay na ito para maalala mo ako, matulog ka kung saan ako
natutulog na para bang katabi mo lamang ako. At wag kakalimutan ang mga alaala nating
dalawa.

N: Nagpaalam na ang dalawa sa isa’t isa

Elias: Paalam Salome. Kalimutan mo na ako.

N: At niyakap ng binata ang dalaga sa huling pagkakataon na may mabigat at lungkot na dala-
dala at tuluyan ng lumisan.

You might also like