Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Caraga Regional Science High Scool

San Juan, Surigao City


Modyul sa Filipino 8
Pangalan: Petsa: Pebrero 22, 2018

Guro: Mary Grace Tantoy Iskor:

PAKSA: Aralin 17: Pag-ibig sa Anak


Aralin 18: Sa Atenas
TALAAN NG KONSEPTO
Aralin 17- Pag-ibig sa Anak
Sobrang nag-alala si Duke Briseo sa nakikitang masaya at kainggit-inggit na buhay ni Florante sa Albanya.
Alam ng duke ng malayang kalagayan ng anak.
Aralin 18- Sa Atenas
Nag-aral si Florante sa Atenas at naging kamag-aral niya ang kababayan niyang si Adolfo anak ni Konde
Sileno. Dinatnan niyang bukambibig sa buong Atenas ang katalinuhan ni Adolfo subalit hindi naging
magkaibigan ang dalawa. Si Menandro ang kaibigan ni Florante sa paaralan.
 Basahin nang may pag-unawa ang saknong bilang 196-204
 Basahin nang may pag-unawa ang saknong bilang 205-217
SANGGUNIAN
 Pinaikling Bersyon ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar
 Alab ng Lahi: Florante at Laura
GAWAIN
I. Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga italisadong salita sa bawat pangungusap.
1. Namayapa ang kalooban ng ina nang dumating na ang anakna ligtas mula sa pakikidigma.
2. Pinopoon si Adolfo ng mga taga-Atenas dahil siya’y marunong.
3. Huwag nating lapastanganin an gating mga magulang.
4. Isang huwarang anak si Florante kaya siya hinangaan sa kanilang bayan.
5. Kinamulatan ni Florante ang maginhawang buhay, subalit lumaki pa rin siyang masunurin.
6. Ganoon na lamang ang hinagpis ni Florante sa sinapit ng kaniyang ama.
7. Dapat tayong magpakatatag sa bawat hilahil na darating sa ating buhay.
8. Ang anak na namihasa sa layaw ay lalaking mahina.
9. Talastas nating lahat na ang gawaing masama ay di pinagpapala.
10. Masyadong hinamak ng kaniyang ama ang kakayahan ng anak.
II. Ipaliwanag ang iyong sagot.
1. Sa iyong palagay, tama bang sisihin ang mga magulang sa hindi wastong pagpapalaki sa anak?
Pangatuwiranan.
2. May epekto ba sapagkatao ng isang bata ang labis na pagpapaplayaw? Patunayan.

3. Naranasan mo na bang magkaroon ng pakikipagkompetiyon sa isang kamag-aral sa ilang gawain sa


klase? Ano ang ibinunga nito sa iyo? Sa kaniya?

4. Paano malalaman na ang pakikitungo ng isang tao ay balatkayo lamang? Magbigay ng halimbawa.
Caraga Regional Science High Scool
San Juan, Surigao City
Modyul sa Filipino 8
Pangalan: Petsa: Pebrero 25, 2018

Guro: Mary Grace Tantoy Iskor:

PAKSA: Aralin 19- Hiram na Bait


Aralin 20- Palasong Hiram
TALAAN NG KONSEPTO
Aralin 19- Hiram na Bait
Naging bukambibig si Florante ng mga taong-bayan lalo na’t natalo niya si Adolfo na dating sikat sa
paaralan. Nagsimula rito ang inggit at galit ni Adolfo sa kaniyang kababayan.
Sa isang dula sa paaralan, nagbago ng sinabi si Adolfo. Talagang papatayin niya si Florante kundi sa
liksi ng kaibigan ni Florante, si Menandro. Bilang kaparusahan sa binatang taksil, pinauwi siya sa Albanya
kinabukasan din.
Aralin 20- Palasong Hiram
Halos ikamatay ni Florante ang nilalaman ng liham ng kaniyang ama na nagbabalitang namatay na ang kanyang
ama, si Prinsesa Floresca. Naroong himatayin at magkaulirat muli. Hindi makalunas ang alo ng guro at ng
kaniyang mga kamag-aral sa tindi ng kaniyang kalungkutan.
 Basahin nang may pag-unawa ang saknong bilang 218- 231
 Basahin nang may pag-unawa ang saknong bilang 232-242
SANGGUNIAN
 Pinaikling Bersyon ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar
 Alab ng Lahi: Florante at Laura
GAWAIN
III. Talasalitaan
Panuto: Piliin sa kahon ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
1. Tila isang himala ang pagkatuto ni Florante sa buhay.
2. Lahat ng nilalang ng Diyos ay may kani-kaniyang hantungan pagdating ng panahon.
3. Nasalag ni Menandro ang ulos ng taga ni Adolfo kay Florante.
4. Hinandulong niya ng taga ang kababata sa itinanghal na dula-dulaan.
5. Nakaiwas si Florante sa tiyak na kamatayan.
6. Ganoon na lamang ang pangingilabot ng mga nanonood sa nasaksihan.
7. Biglang nabulagta si Florante nang sugurin siya ni Adolfo.
8. Inakala ni Adolfo na inagaw sa kaniya ni Florante ang kaniyang kapurihan.
9. Magkakabaka ang ginagampanan nila sa dula-dulaan.
10. Kung hindi nasalag ni Menandro ang taga ay baka nautas na ito.

Nasangga sinugod
Destinasyon
Nakailag magkakalaban
milagro
karangalan pagkatakoy namatay
natumba
sinugod
II.
1. Ilahad ang naging saloobin ni Florante sa ilang pangyayaring binigyang-diin sa aralin.

2. Naranasan mo na bang makatanggap ng isang pabatid o balitang hindi maganda ang nilalaman? Ano ang
iyong reaksiyon?

3. Sa oras ng kalungkutan, ano ang dapat gawin upang mapawi ang lungkot na nararamdaman?

4. Mahalaga bang ipahayag ang kalungkutan o pagdaramdam ng sinuman? Bakit?

You might also like