Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1.

Teksto- ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba't ibang tao o impormasyon
tungkol sa mga bagay bagay.

2. Mga Uri ng Teksto:

A. Informatib- ito ay isang teksto kung saan bago lahat ng kaalaman, pangyayari, at impormasyon. Ito ay
batay sa katotohanan at kadalasang nasa tonong obhektibo na sumasagot sa tanong na ano, bakit, paano,
saan, at sino. Isang halimbawa nito ay “Balita”.

PAL pilot nakaka-proud


TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2019

Number one airline ko na talaga ang Philippine Airlines, lalo na nang mabalitaan ko ang
nangyari sa Los Angeles International Airport noong nakaraang linggo.

Ibinalik ni PAL pilot Captain Triston Simeon ang eroplano na pinalilipad nito dahil
napansin niya ang mechanical trouble at ang pumutok na gulong.

Bongga na safely, naibalik niya sa airport ang eroplano at ang 320 passengers na
nakaligtas mula sa possible accident.

Malaking factor ang mabilis na presence of mind at tapang ng Filipino pilot na hindi
nagdalawang-isip na mag-emergency landing kaya naiwasan ang plane crash.

Ganyan kahusay ang mga piloto natin na gustong sulutin ng ibang airlines.

Iba talaga ang Philippine Airlines, ang flag carrier natin dahil we feel safe and we feel
protected kahit delay pa kung tinitiyak naman nila ang kaligtasan ng mga pasahero, okey na ‘yon
di ba?

Ang sabi nga ni Cielo Villaluna, ang PR ng Philippine Airlines, your safety is number
one. I love PAL, salute to the pilots and crew.

B. Argumentatib- Ito ay naglalayong mapatunayan ang katotothanang naisa ipahayag sa mga


mamababasa. Naglalalhad ito ng proposisyon na nangangailangan na pagdiskusyunan o pakakaroon ng
pagtatalo base sa nais na patunayan sa teksto. Ang halimbawa ay ang mga editoryal sa diyaryo.

SEA Games dangal ng Pinas


AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2019
Huwag panghinayangan ang malaking ginastos sa South-east Asian Games. Higit
kailanman, kailangan ng Pilipinas ng image building sa harap ng world community. Para sa akin,
blessing ang pagkakataon na tayo ang mag-sisilbing host sa gaganaping prestihiyosong torneo.
Sa katapusan na ng buwan gaganapin ito at imbes na tuligsain, dapat nating suportahan ito.
Mailalagay sa mapa ng pagkilala ng daigdig ang ating bansa na sa nakalipas na panahon
ay naging batbat ng mga negatibong publisidad.

Sa pagkakaalam ko, last priority ng mga organizers ng SEA Games ang Pilipinas pero sa
dakong huli, tayo pa rin ang pinili na pagdarausan ng torneo.

Dito’y mapapatunayan natin sa mata ng mundo ang kapasidad ng Pilipinas na maging


punong-abala sa ga-nito ka-grandeng sports events. Hindi puwedeng pipit-sugin ang ating mga
pasilidad at ang paghahanda sa ga-nitong torneo ay hindi puwedeng tipirin.

Ano naman ang benepisyong mapapala ng Pinas? Daragsa ang mga turista at mababago
ang negatibong impresyon nila sa ating bansa. Tourism spells the influx of dollars to the
Philippines. Puwede ring dumagsa sa bansa ang mga dayuhang negosyante at mahikayat na
mamuhunan sa bansa. Suma total, makikinabang nang malaki ang Pilipinas lalu na sa aspetong
pang-ekonomiya.

Kung tatanggi tayo sa hosting ng ganitong mga world events, nagtapon din tayo ng
oportunidad para ma-reha-bilitate ang nasisirang image ng bansa. Kaya itigil na natin- ang mga
mapanirang pahayag. Kung may nagdududang may katiwalian sa prepa-rasyon nito, hintayin na
muna nating matapos ang palaro bago pag-usapan para hindi mademoralize ang ating mga
atleta at hindi masira ang imahe ng bansa sa mata ng international community.

C. Persweysib- ito ay isang uri ng tekstong nanghihikayat. Ito rin ay tekstong naglalayong
makapangumbisi o makapanghikayat sa tagapakinig, manonood o mambabasa. Ito rin ay pagbibigay ng
opinyon ng may akda o nagsasalita upang mahikayat ang kanilang kausap. Ang tono ng tekstong ito ay
sobhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ediya. Isang halimbawa nito ay mga flyers
ng mga produkto.

D. Naratib- ito ay naglalahad ng simpleng pagsasalaysay. Ito ay nasa anyong pasalaysay na tila
nagkukwento ukol sa isang tiyak na pangyayari. Ito ay naglalayong magbigay kabatiran at kawilihan sa
mga mambabasa.
Halimbawa

“Karanasan sa Pag-ibig"

Minsan, may isang tao sa ating buhay na nagpapakita ng kakaibang klase ng


pagmamahal. Pagmamahal na ipaparamdam sayo na mahalaga ka sa buhay ng isang tao.
Pagmamahal na nagbibigay ng kakaibang pag-aalaga sayo. Pagmamahal na nagbibigay ng
inspirasyon upang magawa ang mga bagay na sa tingin mo ay imposible hanggang sa dumating
ang pagkakataon na ang taong nagpaparamdam sayo ng kakaibang pagmamahal, ay hindi mo na
rin kayang bitawan.

Itago mo ako sa pangalang Angel. Ako po ay isang lalaki, nag-aaral bilang isang
Animation at Computer Progamming sa paaralan ng Brokenshire College Toril sa baitang 11.
Ako'y labin-walong gulang. Sa haba ng karanasan ko sa pagmamahal, minsan tumatakbo na sa
isip na tumigil nalang dahil sa paulit-ulit na sakit na aking nararamdaman. Dahil sa hindi mawala
saking isipan ang kasabihan na, " Feelings are not permanent ". Yung tipong mamahalin ka sa
simula, at kapag lumaon na'y iiwan ka sa hindi maipaliwanag na dahilan. Itago niyo siya
pangalang Rouge. Ang babaeng nagpabago sa buhay ko. Mula sa madilim na karanasan, binigyan
niya ng liwanag ang aking daan. Mula sa isang binatang walang plano at pamamaraan sa buhay,
tinuruan niya ako kung paano bigyan ng halaga ang pag-aaral. Mula sa isang binatang ayaw nang
magmahal, ngayon, tinuruan niya akong kung paano ulit mahal.

Madami na kaming pinagdaanan sa buhay. Naging lovers kami ngunit walang lebel sa
sitwasyon ng pagmamahalan. Ang alam lang namin ay merong ako, at merong ikaw, pero walang
kami. Alam namin saming sarili na mahal namin ang isa't - isa. Marami na kaming pinagdaan na
mga pabsubok sa buhay, lalong - lalo na sa aming pagmamahalan. Ngunit hindi namin ito
nagawang sukoan. Marami narin kaming naranasan na kasiyahan at kalungkutan sa buhay. Alam
ko sa sarilo ko, na mahal niya ako, kaya sa huling pagkakataong ito, mananatili akong tapat sa
pagmamahalan naming iyon. Tumatak na sa isipan ko na hindi ako susuko at maghihintay ako sa
tamang panahon na maririnig ko sa kanya harap - harapan ang salitang, " OO ". Niligawan ko
siya sa pamamarang gusto ko at gusto ng pamilya niya. Hindi ko aiya pinabayan na maging
malungkot araw-araw. Hanggang sa dumalas na ang pag-aaway, pagsisigawan at di
pagkakaintindihan.

Dumating na ang panahon na kung saan madalas na kaming nag-aaway dahil sa selos, di
mapaliwanag na dahilan at dahil sa pride. Dito ko na naisip at naramdaman na unti-unti nang
nawawala ang pagmamahal niya na pinaramdam sakin. Takot akong mawala pa siya sa buhay
ko, pero hindi naman natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo. Ngunit handa ka ba kung
sakaling mangyari ito sa buhay mo na isang araw, yung taong nagturo sayo kung paano
magmahal ulit, siya pa yung mawawala nang hindi mo malaman-laman ang tunay na dahilan.

Oo di siya nawala sa pisikal na antas, pero yung pagmamahal niya na dati kong
naramdaman sa kanya, tila ba parang bula na sa isang idlap ay nawala.Palagi ko pa rin siya
nakikita saming eskwelahan, ngunit ang pagpapansinan na kadalasan naming ginawa ay naglaho
naglaho nalang bigla. Pakiramdam ko, nawala na talaga siyang nararamdaman para sakin. Kaya
nagdisisyon ako na itigil na rin ang nararamdaman ko para sa kanya at lumayo-layo para
makalimut sa sakit na nararamdaman. Ngunit ipinangako ko sa sarili ko, na siya ang kahuli-
huling babae na mamahalin ko.

Hanggang dito nalang at maraming salamat.

E. Deskriptib- teksto kung saan nagtataglay ng impormasyong paglalarawan na may kinalaman sa


katangian ng tao, bagay, o lugar.

Halimbawa:

Si Jae ay isang miyembro ng Koreanong banda na nagngangalang Day6. Siya ang


miyembrong tumutugtog ng electric guitar sa grupo. Siya ay ang pinakamatangkad na
miyembro. Ang kaniyang mga mata ay maliliit, ang kaniyang ilong ay matangos at ang kaniyang
mga pisngi ay matataba. Ang kulay ng kaniyang buhok ay kulay kape na may mga blondeng
highlights.

F. Prosijural- ito ay nagpapakita ng wastong pagkakasunod sunod ng hakbang para sa pagsasakatuparan


ng gawain. Ito ay karaniwang tumutugon sa tanong na paano. Isang halimbawa nito ay ang mga
cookbooks.

PARAAN NG PAGLUTO NG ADOBONG BABOY

1. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero
at imarinate ng 30 minuto.

2. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang
lumambot ang karne. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.

3. Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.

4. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.

5. Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.

6. Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.

7. Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.

8. Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan.

G. Nareysyon- naglalahad ng mga impormasyon na tumutugon sa mga tanong na paano at kailan. Mga
halimbawa ay mga alamat.

Alamat ng Rosas
Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang
Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi,
kung kaya’t pinagkakag- uluhan si Rosa ng mga kalalakihan.

Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga
manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing ng pahintulot na
manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at
dahil na rin sa rason na si Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang
kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at
pasiyahin ito.

Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa
sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang
dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid na binata.

Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon
rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang
pala siya ni Antonio nang marining niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Parang
pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso sa
kanyang unang pag-ibig. Hindi tumigil ang pag-iyak ni Rosa habang siya ay bumalik sa kaniang
bahay. Nag-aalala naman siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang
dalaga. Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa susunod na mga araw.

Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan
nina Rosa at Antonio. Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay
nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na
napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinumon ang makakakuha sa
magandang bulaklak na hindi nasasaktan.

H. Referensyal- naglalahad ito ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilahad na kaalaman. Naglalahad
ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba
ay malinaw na tinitiyak at inilalahad.

Mga Halimbawa:

1. Kobak, Roger et al. “Adapting to the Changing Needs of Adolescents: Parenting


Practices and Challenges to Sensitive Attunement.” Current Opinion in Psychology, Vol. 15
(2017): 137-142. doi:10.1016/j.copsyc.2017.02.018.

2. Ryan, Rachael et al. “Parenting and Child Mental Health.” London Journal of Primary
Care, Vol. 9, 6 86-94. 10 Aug. 2017, doi:10.1080/17571472.2017.1361630.

3. Ang layunin ng tekstong impormatibo ay maglahad ng mga impormasyong makadadagdag-kaalaman


ukol sa isang paksa. Naglalaman ito ng detalyadong paglalarawan ng isang bagay, mga halimbawa nito at
maging mga argumento tungkol dito. Ang mga datos na ito ay naglalayong magbigay ng lohikal na
paliwanag sa mga mambabasa.

4. Narito ang isang halimbawa ng bahagi ng tekstong impormatibo:

i. Panimula

ii. Pamungad na pagtalakay sa paksa

iii. Graphical representation

iv. Aktuwal na pagtalakay sa paksa

v. Mahalagang datos

vi. Pagbanggit sa mga sangguniang ginamit

vii. Paglalagom

viii. Pagsusulat ng sanggunian

You might also like