Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG MGA LARO NG ATING LAHI

AGAWAN BASE

Ang Agawan Base naman ay nangangailangan ng dalawang


grupo. Mayroon sariling base ang parehong grupo. Kailangan
lang tayain ng kabilang grupo ang base ng kalaban upang
manalo, pero kung masalat ng kalaban ang isa sa inyong grupo
tatawagin nila itong “bihag”. Upang mailigtas ang bihag, kailangan
lang siyang salatin ng kanyang kasamahan.

HOLEN

Ang Holen o Marble sa Ingles ay isa rin sa sikat na laro sa mga


batang pinoy. Iipunin ng mga manlalaro ang kanilang holen sa
isang ginuhit na box o bilog. Ang manlalaro na may
pinakamaraming holen na nailabas ay ang panalo, maaari din
tirahin ng manlalaro ang holen ng ibang manlalaro upang manalo.

LUKSONG BAKA
Ang larong Luksong Baka ay katulad din ng Luksong Tinik. Sa
larong ito, isang taya na magsisilbing baka ay yuyuko at
luluksohan ng ibang manlalaro. Ang baka ay tatayo sa bawat
lukso ng ibang manlalaro. Matataya lamang ang manlalaro kapag
sya ay sumalat sa baka habang lumulukso.

LUKSONG TINIK

Ang Luksong Tinik ay nilalaro ng dalawang grupo. Isang grupo


para sa paglukso at isang grupo naman para magsilbing tinik.
Ang dalawang manlalaro ay magsisilbing tinik sa pamamagitan ng
kanilang mga kamay at paa. Luluksohan naman nito ng ibang
manlalaro. Matataya lang ang isang grupo kung masalat nila ang
tinik habang lumulukso.
PALO SEBO

Ang Palosebo ay karaniwang nilalaro tuwing fiesta sa barangay o


isang bayan. Sa pamamagitan ng mataas na kawayan na
nilagyan ng grasa, kailangan itong akyatin ng manlalaro upang
makuha ang premyo sa dulo ng kawayan. Ang premyo maaring
pera o mga laruan.

You might also like