Professional Documents
Culture Documents
Filipino 9
Filipino 9
u o
2. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita.
i a
3. Nagpanggap si Ravana bilang isang matandang paring Brahman.
g n
4. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umisip sila ng ibang paraan.
n n w
5. Gumawa sila ng patibong para maagaw nila si Sita.
b t
Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A. Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang bago ang
bilang.
HANAY A HANAY B
Punan ang mga patlang ng elemento sa paggawa ng TV/Movie Trailer na tinutukoy sa bawat numero. Isulat ang iyong
sagot sa patlang bago ang bilang.
____________________11. Isang elemento sa paggawa ng TV/Movie Trailer na naglalahad kung ano ang konsepto ng
pelikula.
____________________12. Nakasalalay sa kanya ang pagiging malikhain ng pelikula.
____________________13. Ito ang matapat na naglalarawan ng buhay o pamumuhay ng tao sa pelikula.
____________________14. Tagakuha ng aktuwal na shooting ng pelikula.
____________________15. Ito ang mga ginagamit na tagpuan sa pelikula.
Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod nito mula sa nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi.”
Lagyan ng letrang A-E ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
______16. Mula rito ay pumunta siya sa hari. Isinalaysay rin niya ang pangyayari at humingi rin siya ng tulong upang
mapakawalan ang kaniyang sinasabing kapatid.
______17. Humingi rin siya ng tulong sa Cadi. “Diyos ko!Cadi. Pag-aralan mo ang kaso ko at gagantimpalaan ka ng
Diyos”,sinabi nito.
______18. Umalis siya pagkatapos at humanap ng isang karpintero at sinabi nito, “Ipaggawa mo ako ng isang cabinet na
may apat na compartment, magkakapatong, may pinto ang bawat isa at masasaraduhan.”
______19. Nang malaman ng babae ang tungkol sa pagkakakulong ng lalaking kanyang iniibig, agad siyang nagbihis nang
pinakamaganda niyang damit at pumunta sa hepe ng pulisya.
______20. Pumunta rin siya at humingi ng tulong sa Vizier na palayain ang kaniyang kapatid sapagkat lubha niya itong
kailangan.
Piliin ang letra ng tamang sagot mula sa mga pamimilian. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot sa patlang bago ang
bilang.
______21. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.
Inilalarawan din ang kanyang pakikipagsapalarang pinagdaanan at binibigyang diin ang katangiang supernatural ng
tauhan. Nagtataglay siya ng pambihirang lakas hindi kapani-paniwala.
a. Elehiya b. epiko c. awit d. tanaga
______22. Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na
pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinhagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng
tao. a. pabula b. parabula c. anekdota d. talambuhay
______23. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan, maraming tunggalian, at
masalimuot ang mga pangyayari. a. sanaysay b. maikling kuwento c. nobela d. dula
______24. Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya.
a. Pandamdamin b. pasalaysay c. tulang dula d. patnigan
______25. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay
ko sa iyo ang lahat ng kayamanan”, sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana
ay nangangahulugang ____________________.
a. Natatakot c. Hindi si Ravana ang kanyang gusto.
b. Mahal ang kanyang asawa d. Naniniwala sa milagro.
______26. Ang pahayag na,” Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli” ay nangangahulugang ____________.
a. Kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
b. Lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan.
c. Ang nahuhuli kadalasan ang unang umaalis.
d. Mahalaga ang oras sa paggawa.
______27. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina.
Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
a. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
b. Habang may buhay, magpakasaya ka.
c. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
d. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid.
______28. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa? Kung ikaw
ang isa sa mga huling dumating na isang oras lamang gumawa, ano ang gagawin mo?
a. Tatanggapin ang ibinigay na upa.
b. Pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa.
c. Hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama.
d. Ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo.
______29. Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa payo ng magulang?
a. Magiging sikat sa pamayanan.
b. Bibigyan ng medalya ng pagkilala
c. Mapapabuti ang buhay.
d. Hindi masasangkot sa anumang kapahamakan.
______30. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga”. Ano ang nais ipahiwatig nito?
a. Huwag pakialaman ang buhay ng iba. c. Huwag sasama sa hindi kauri.
b. Huwag agad magtitiwala sa iba. d. Iwasan ang pakikipagkaibigan.
______31. ”Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay”. Ang unang linya ng tula ay
nagpapahiwatig ng ___________.
a. Pag-iisa b. paglubog ng araw c. pagpanaw ng isang tao d. panibagong araw na darating
______32. “Isang lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo ang kanyang napangasawa. Dahilan ito upang siya ay
malungkot. Umibig siya sa isang guwapong lalaking mas bata sa kanya.” Ang pahayag ay bahagi ng synopsis ng nobela.
Maaari itong: a. simula b. gitna c. kakalasan d. wakas
______33. “Nang Makita nila ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan na lamang sila. Lumabas sila ng bahay
na tinatakpan ang kanilang mga mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng mga kapitbahay.” Ang pahayag sa
itaas ay bahagi ng __________ ng isang kuwento. a. simula b. wakas c. gitna d.tunggalian
Basahin at unawain ang sumunod na teksto.
May mga enerhiyang nukleyar at ibang kauri. Pamuksa ba ng tao o pantulong sa ating pangangailangan ang enerhiya?
Napakalaki ang maitutulong ng agham at teknolohiya sa pagkakaroon ng maunlad na pamumuhay kung magagamit ito
sa mabuting kaparaanan na may maganda at makataong hangarin. Hindi lamang ang pag-unlad na pisikal ang mahalaga
kundi pagsasaalang-alang ng sosyal na kalagayan ng tao kaalinsabay ng mga teknolohiyang dumarating. Sa hangaring
mabuti, ang agham at teknolohiya ay ilaw na magbibigay-liwanag at nag-uugnay sa lahat ng mga bansa sa mundo.
Mula sa Retorika ni Bandril