Professional Documents
Culture Documents
Filipino Reviewer Second Shifting
Filipino Reviewer Second Shifting
Filipino Reviewer Second Shifting
Katutubo
Ayon kay S. Lily Mendoza (2016), makilala ang mga katutubo sa pamamagitan ng mga ilang natatanging
pananda:
1. Madalas nakatira sa relatibong maliliit na mga komunidad; alam pa kung paano mamuhay sa lupa labas ng
modernong industriyal na imprastraktura;
2. May sariling wika na kumakatawan sa napakaraming ugnayan sa lupang ninuno, ekolohiya, mitolohiya, at
mga kuwentonng bumubuo sa isang masalimuot na kosmolohiya;
3. Napananatili ang mga natatanging tradisyong kultura;
4. At kumikilala sa kanilang sarili bilang naiiba sa nakararami. Sa pangkaraniwang diskurso, ang salitang
katutubo ay kadalasang may estereotipikal na pakahulugan bilang “primitibo”, “paurong”, o di kaya’y “napag-
iwanan ng panahon”.
Ang wika mismo ang patunay ng ating katutubong kultura. Isang wika itong patuloy na nabuhay sa kabila ng
mahabang pananakop at nagtataglay ng kaalaman at katurungan ng lahi. Ngunit kailangan pang payabungin ang
wika. Tulad ng atas sa Konstitusyong 1987, kailangan nitong ilahok ang ibang katutubong mga wika ng Filipinas
upang ganap na matipon ang yaman at salimuot ng kulturang Filipino (Almario, 2003).
Ang AMBAGAN: MGA SALITA MULA SA IBA’T IBANG WIKA SA FILIPINAS ay isa sa mga tugon upang
mapagyaman ang wikang Filipino. Layunin nitong mapasimula at mapabilis ang pagpapayaman ng wikang Filipino
batay sa umiiral na mga wikang katutubo sa Filipinas.
Sa pag-aaral nina Marasigan, et al., (2018), inilista nila ang mga salitang katutubo na ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral sa Oriental Mindoro.
1. alimpungat 21. duhagi 41. kintal 61. panibugho 81. simpatya
2. alimpuyo 22. eskaparate 42. kislot 62. param 82. singkad
3. alunsina 23. galasgas 43. kulasim 63. pinid 83. singkaw
4. antig 24. gitaw 44. kuyom 64. pinatakasi 84. siphayo
5. antigo 25. gulumihanan 45. labaha 65. pintuho 85. sukab
6. antipara 26. haginit 46. lagak 66. pulas 86. supil
7. apuhap 27. hayok 47. lawig 67. pulos 87. taghoy
8. ayungin 28. hilahil 48. limahid 68. puyos 88. tagistis
9. balam 29. himaton 49. limayon 69. sagwil 89. talima
10. balana 30. himpil 50. linang 70. sakbibi 90. talos
11. balaraw 31. hinuha 51. linggatong 71. salamisim 91. talupak
12. balatay 32. hirati 52. lipos 72. salampak 92. tangis
13. balintanaw 33. hungkag 53. lukbutan 73. saling 93. tigib
14. balintuna 34. huntuhan 54. lunggati 74. signos 94. tiim
15. batulan 35. huwad 55. luwad 75. sigwa 95. tilad
16. bulaan 36. imbulog 56. luwat 76. sikdo 96. timyas
17. dalahira 37. kaginsa-ginsa 57. malakaya 77. silakbo 97. tudla
18. dalita 38. kahambal-hambal 58. ngalumata 78. silong 98. tudyo
19. dalumat 39. kalabukab 59. pailanlang 79. simbad 99. tulyapis
20. dimdim 40. kalatas 60. palitada 80. simpan 100. ulayaw
Mayaman ang wikang Filipino sa mga katutubong salita na magagmit sa paglinang at pagpapayaman ng ating kultura
(Marasigan, et al., 2018).
Ang pambansang wikang tinatawag na Filipino ay isang kumbinyenteng kasangkapan para sa pakikipagtalastasan
ng mga grupong etniko. Maaaring magtungo sa alin mang lugar sa bansa at makipag-usap sa kapwa Pilipino sa
pamamagitan ng wikang ito.
Kung gayon, hindi Tagalog ang pambansang wika at hindi lang Tagalog ang mga salitang ginagamit sa pagbuo ng
pambansang wika – ang Filipino
MGA HIRAM NA HINDI HIRAM O KUNG PAANO GAMITIN ANG WALANG BAGONG TITIK
PILIPINAS O FILIPINAS?
BAGUIO CITY – Walang binabago sa baybay ng Filipinas kundi ibinabalik ang dati at sinusunod ang batas na ginawa
noong 1987 sa bagong alpabetong Filipino.
Ito ang buod ng pahayag ng Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at pambansang alagad ng sining na si
Ginoong Virgilio Almario, bilang paglilinaw sa sinasabing pagbabago ng spelling ng ‘Filipinas’ sa pagbubukas ng unang
Pambansang Kongreso sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino sa Teacher’s Camp, Baguio City kahapon.
Mula sa nakagawiang Pilipinas, layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na maibalik sa orihinal nitong ispeling
ang pangalan ng bansa.
Ani Almario, ang Pilipinas ay ibinatay sa lumang alpabeto ng bansa, ang Abakada, na inalis sa sistema noong 1987.
Filipinas ang tunay na pangalan ng bansa, ayon kay Almario, dahil Las Islas Filipinas ang ipinangalan ng mga Kastila
noong ika-14 siglo.
Dagdag ni Almario, ang Filipinas ay nakabatay sa makabagong alpabeto ng Filipino na binubuo ng 28 titik. Giit niya,
ang mga titik na F at V ay ilan sa mga letrang dati nang ginagamit ng mga katutubong tulad ng Mëranaw at Ivatan.
Suportado rin ng mga katutubo ang “Filipinas” sapagkat gusto nilang makilahok sa “nation-building.”
Upang maiwasan ang pagkalito, Filipino ang opisyal na itatawag sa mga Pilipino, babae man o lalaki, at ang Filipinas
ang tanging gagamiting pantawag sa bansa.
MASTER INTERACTIONAL
IDENTIDAD
PERSONAL RELATIONAL
1. Master na Identidad
Master na Identidad (primarya) ay relatibong matatag at hindi nagbabago: seks, etnisidad, edad, Pambansa, at
rehiyunal na pinagmulan
Ang kahulugan ng master na identidad ay nagbabago ng panahon at espasyo.
- “Mahina ka lang. Hindi mo kaya ang ginagawa ng mga kalalakihan.”
2. Interaksyunal na Identidad
Ang interaksyunal na identidad ay tumutukoy sa gampanin ng tao sa komunikatibong konteksto sa ispesipikong
tao.
Halimbawa: Si Richard ay kapitbahay ko, na panganay na anak ni Romeo, nagtratrabaho siya sa isang fastfood,
kaibigan siya ng kapatid si Liza.
Kaugnayan ng tao sa isa pang tao.
Kung paano siya makitungo sa tao
Connect – connect
3. Personal na Identidad
Ang personal na identidad ay inaasahan na relatibong matatag at natatangi.
- Kadalasan ay tumutukoy sa kung paano nakikipag-usap at nakikitungo ang isang tao sa iba: maiinitin ang ulo,
matapat, bastos, makatuwiran, mahiyain, tsismoso, madaldal (sariling pagtingin at pagtingin ng ibang tao).
Ang personal na identidad ay kadalasang pinagtatalunan (sabi ng aking ina ay matigas ang ulo ko, ngunit sa sarili
ko ay hindi naman).
4. Relasyunal na Identidad
Ang relasyunal na identidad ay tumutukoy sa uri ng relasyon na ginagampanan ng isang tao sa isang particular
na kausap sa isang ispesipikong sitwasyon.
Ang relasyunal ng identidad ay napagkakasunduan mula sa isang tagppo sa iba pa at nagbabago.
“Ang identidad, maging indibidwal man, sosyal, o institusyunal ay isang bagay na patuloy na nililinang at
pinagkakasunduan sa ating buhay sa pamamagitan ng ating interaksyon sa iba.” – Joanna Thornborrow (2004)
“Ang tuon ay nasa identidad na hindi ibinigay kundi aktibong nililikha – maging intensiyon man, estratehikong
manipulasyon o sa pamamagitan ng malay na praktis… itinuturing na ang wika ay isang panlipunang aksyon o gawain.”
– Paul Kroskrity (2000)
Wika at Identidad
Sa lingguwistika, ang Sapir-Whorf hypothesis (linguistic relativity hypothesis) ay bumuo ng palagay ng isang
sistematikong relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng gramatika ng wika na ginagamit ng isang tao at kung
paano ang parehong tao ay nakakaunawa sa mundo at kumikilos dito.
Ito ay ang ideya kung bakit maraming panawag sa “snow” ang mga eskimo at kung bakit maraming panumbas sa
“rice” ang mga Pilipino. Inilalarawan din nito kung paano nakakaugnay ang tao sa daigdig (Halimbawa: Kung ano
ang pagtingin natin sa “living things” at “non-living things” sa kaso ng “bato”)
WIKA
Anumang maaaring gamiting midyum na may kahulugan sa lipunan at magagamit upang magbigay ng mensahe.
Salita, busina, tunog, kilos, galaw, damit, kulay, senyas, kapaligiran, katahimikan, presensiya
ANG SALITA AY ISA LAMANG MANIPESTASYON NG WIKA
KULTURA
Mga teksto at gawaing pinagmumulan ng mga kahulugan
Uri ng pamumuhay (gawain tuwing pasko, bagoong taon, kasal, Nov. 1, etc.)
Kultura bilang signifying practices (soap opera, media, pop music, komiks, ---- cultural text)
Mula competence tungong resonance
Cultural competence – kakayahang matutuhan, unawain, at pag-aralan ang kultura.
Cultural resonance – tunay na pagdamdam / pagdama at pagdanas sa kultura. (Cruz, 12)
Hal. Ang pag-alam sa kultura ng mga igorot ay competence lamang, ang pag-alam sa mga wika sa bansa ay
competence lamang
Ngunit ang paglait sa mga Igorot, ang mababang tingin sa kanila ay kawalan ng cultural resonance.
Ang paglait sa mga wika sa Pilipinas ay kawalan ng cultural resonance.
Ang pagtatawa sa pagsasalita ng mga Bisaya/paggamit ditto bilang simbolo ng katulong sa tv/teatro ay kawalan
ng cultural resonance
Ang paglaki ng isyu ng MAJOR MAJOR ni Venus Raj ay salamin ng mababang pagtingin sa Phil. English na salamin ng
kawalan ng cultural resonance.
Konsepto ng kakayahan at kasanayan
Kakayahan – kaya, nagagawa, lagging ginagawa/hindi laging ginagawa, abilidad (COMPETENCE)
Kasanayan – sanay, laging ginagawa (SKILLS)
Galing – pagpakita o performance na hindi katumbas ng kasanayan (PROFICIENCY)
12 PANGUNAHING WIKA PARA SA MTB-MLE
Ilocano
Pangasinan
Kapampangan
Tagalog
Bicol
Waray
Hiligaynon
Cebuano
Maguindanao
Maranao
Tausug
Chavacano
Pagkakaisa sa Pagkakaiba
BEDDING
- Salitang Ilocano
- Hangganan ng dalawang komunidad, nagpapakita ng pagtatagpo (convergence) at pagkakaiba-iba
(divergence) dahil ang hangganan na ito ay nagsisilbi ring bigkis o pook ng pagsasama-sama, ng pagkakaisa
at pagpapaitan
BODONG
- Salitang Igorot
- Tumutukoy sa pagkakasundo ng kapuwa tungkulin at kaparusahan ng karatig na mga bayan.
Wika at Kultura
CEBUANO / HILIGAYNON
Mga Laro:
o Dampa – gamit ang mga palad sa pagpapalayo ng goma
o Tintin bika – step yes step no
o Tumba lata – tumbang preso
o Unggoy-unggoy – gamit ang baraha
o Takyan – sipa
o Bagol – gamit ang tsinelas
o Kadang-kadang – gamit ang kawayan o bao ng buko
Transportasyon:
o Kanga/karosa
o Palwa sa lubi
o Tuwang-tuwa
o Balsa sa saging
o Balsa sa kawayan
o Habal-habal
Glosari:
o Amuyong – katagang Ilonggo na bansang sa batang pasaway
o Balbal – aswang na pinaniniwalaang kumakain ng lamang loob ng tao
o Bulig – likas na ugali ng mga Ilonggo na pagtutulungan
o Gimino – niligaw ng engkanto, di makaalis sa lugar, pabalik-balik
o Kuhaw – uri ng ibon na may kakayahang magbigay babala sa pagdataing ng tagtuyot
o Tikal – yabang
o Was-ag – pagsaboy ng bigas sa kasal
CHAVACANO
Glosari:
o Pagnyuros – antanda ng krus sa sarili
o Tagalpo – pagpagpag ng tatlong beses sap aa bago pumasok sa bahay
o Kalibangbang – ay paruparo na mga kahulugan ayon sa laki at kulay
o Kilik – isang ibon o paniki na pinaniniwalaang tapat na katulon ng aswang
o Lubang – malaing dikdikan ng palay, mais, etc.
o Burubareta – isang kulay tsokolateng ibon
o Kikiyaw – isang dilaw na ibon
SUBANON
Glosari:
o Motiyagam – pangangaso ng baboy ramo at usa
o Mogloguwoy – pangangalap ng uhay sa gubat
o Momuwag – pangunguha ng pulot-pukyutan
o Mominalan – pagkakainigan. Paraan ng pagtatanim na pinuputol ang mga mallaking puno at sinusunog
upang magpagtamnam ang lupa
o Momonggit – pangingisda na gumagamit ng lubig na gawa sa uhay. NGAYON DAW AY NYLON NA ANG
GAMIT.
o Mongongan – masamang espiritu na kumakain ng tao
o Mongilus – hilot
o Busokoy – isang uri ng lamang dapat. SIGAY
o Moglokondawan – pagsasayaw at pagsamba ng magdamagan
o Pomutuk – seremonya at pagdiriwang sa pagsalubong sa bagong taon
o Mogdulang – tawag sa pagdiriwang ng subanon kung saan nagpapakain lahat ng dadalo
o Momitik – paggamit ng tirador sa paghuli ng ibon
o Boklug – isang mataas at sagradong ritwal ng mga subanon
o Mongingalan – pagbibigay ng pangalan sa tao – KADALASAN AY AYON SA KATANGIAN NITO. KAYA HINDI
AGAD-AGAD MAY PANGALAN ANG TAO.
o Baloy – bahay ng Subanon na karaniwang may mataas na poste. 8 talampakan ang taas ng sahig. Ang
hagdan ay gawa sa torso na inukitan at hinihila pataas kung sa gabi o may panganib.
SURIGAO
o Magjango-jango – nagpapahiwatig ng di pagsang-ayon
o Mangiwaw – nagpapahiwatig ng inggit o pag-ayaw sa tao
o Tuway-tuway – knee cap, bahaging katawan ng tao na pinaniniwalaang nagbibigay kapangyarihan sa
may hawak nito
o Tindok – uring saging na may malalaki at mahabang bunga
o Habak – isang uri ng anting-anting na gawa sa basyo ng bala, hindi ka tatablan ng bala
o Liti – kidlat na may malaking gamit sa larangan ng anting-anting
o Amimispis – uri ng hayop na pinaniniwalaang nagbibigay babala na may kaluluwa sa paligid
Mga Laro:
o Tago-tago – taguan
o Buyan-buyan – naglalaro sa kabilugan ng buwan
o Siomoy – larong joken ng mga bata
o Taksi – nangungulekta ng tansan at pinipitpit
Direksyon:
o Tudlo suob – kung may magtatanong sa iyo ng direksiyon na malapit lang ang ituturo mo sa direksiyon
ay ang kamay at hintururo mo.
o Simog-lajo – kung may magtatanong sa iyo ng diresksiyon na malayo ang ituturo mo sa diresksiyon ay
NGUSO
o Mino – kapag naglalakad at naligaw sa gubat, ikaw ay tagmino
Sakit:
o Panuhot – karamdamang di magamot ng medisina. Ang lunas ditto ay usok ng tabako at pagmamasahe
ng katawan.
o Bughat – sakit na nakamamatay
o Tayhop – nakisalamuha ng mga taong may malagkait na amoy
o Apriseya – lagging umiiyak pag gabi na maaaring gamutin ng dahon na ilalagay sa unan ng bata
BICOL
o Tabi apo – tabi tabi po
o Panuma/tungkos – isang pirasong bagay na binalot ng tinahing pulang tela at ikinakabit sa damit ng bata
upang di lapitan ng masamang espiritu
o Ogis – tawag sa mga taong mapuputi na pinaniniwalaang anak ng engkanto
o Santigwar – ritwal ng ginagawa upang gumaling ang mga may sakit
o Ipinangirak – tawag sa taong kinaawaan ng engkanto
o Unglo – kalahati tao kalahati kabayo
o Dotoc – novena sa santacruzan
Ideolohiya
Sistematikong magkakaugnay na mga ideya na pinaniniwalaan ng isang partikulat na grupo ng mga tao
Pagsasanib ng cultural text at practices upang maipakita at mailantad ang imahe ng pinaniniwalaang realidad.
Ideolohikal din ang wika
Ito ay nagbabago dahil sa mundo.
Isip Pinoy
Itaga mo sa bato
Ilista mo sa tubig
Tinamaan ng lintik
Lagpas tao/tuhod/binti/baywang/dibdib/leeg/ulo
Suntok sa buwan
Pagputi ng uwas pag-itim ng tagak
Mata mol ang ang walang latay
May gatas sa labi
Pizza pie – pizza
Pato ay bibi na puti o itik na brown
Bolig ang mundo / apatna sulok ng mundo
Hampaslupa / isa kang putik
Isip ipis / buwaya ka / ahas ka
Gabundok na labada
Mahangin ka
Bumaha ng luha
Estruktura ng kaalaman
Haypotesis ni Sapir-Whorf (Malaki ang papel ng wika sa paghubog ng pananaw pandaigdig ng tao – aircon, snow,
palay, bigas, taboo words, oo, hindi, bahala na, ewan ko, sutsot, sama-sama sa pagsakay sa jeep, konsepto ng
salimpusa, iba ang itingin sa espasyo, mukha/ari, tumatanggi kapag inaalok
Nagtira ng konti sa plato, nagkakahiyaan sa huling pagkain, nahihiya mauna sa pila, greetings/pagbati,
kompartmentalisadong pagkain, nakabibingi ang katahimikan.
MOULD THEORY/CLOAK THEORY – ang wika ay isang hulmahan ng basehan ng kaisipan
Habitual though ni Bourdieu
Iba’t ibang paraan ng pag-unawa ng bawat indibidwal sa kung paano niya tinitingnan ang mundo batay sa
kaniyang personal na karanasan at kaalaman.
Dito nabubuo ang habitus.
Nakagawiang paraann ng pag-iisip at pag-unawa
Paggamit ng kulay (pula-digmaan/pag-ibig)
Berde – buhay; green-green jokes
Orange – Villar, Erap, preso
Yellow – Cory/Ninoy/Noynoy
V sign – Marcos/victory/peace
L sign – Cory/Ninoy/Noynoy/oposisyon/libing
Kognitibong apropriyasyon
Ugnayan ng kinasanayang anyo ng pag-isip at pagkilos sa pggamit ng wika. Sa kasanayang kultural nauunawaan
kung paano nag-aangkop ang tao sa isang kaanyuang pang-wika na palat sa kanilang anyo ng pag-iisip (mahal na
araw, fiesta, ritwal sa patay, kasal, binyag)
Sa paggamit ng tama at angkop na salita, napapaganda ang pangit na konsepto
Ang paggamit ng wika ay isang tiyak na pag-iisip. Ang pag-iisip ay pakikipag-usap sa sarili. Ang pag-iisip ng tao ay
nangangahulugan ng paggamit nito ng tiyak na wikang nakuha at nauunawaan mula sa pakikipagkomunika sa
lipunan sa loob ng isang tiyak na karanasan (Shaff 82)
Ilang halimbawa nito ang konsepto ng aircon ng mga Pilipino at Hapon. Maging ang snow ng mga Eskimo ay
maraming katawagan:
o Apat – niebeng nasa lupa
o Qana – umuulang niebe
o Piqsirpoq – lumulutang na tipak ng niebe
o Qimuqsuq – nabuong tipak ng niebe dala ng hangin.
Mayroon din tayong ganyan sa wika natin; mula sa palay hanggang suman.
Saka na – hindi katumbas ng bukas na… kundi paghihintay ng tama at angkop na panahon.
Ang imbitasyon ay paulit-ulti dahil sa pagitan ng imbita at okasyon ay may espasyo na dapat punan…….. sanay
ang isipan sa paghihintay.
Polikronik ang Pinoy – ginawgawa ang mga bagay nang sabay-sabay… pinupunan ang espasyo ng paghihintay
kaya mataas ang pasensya ng Pinoy sa paghihintay. (Wowowee stampede)
Espasyo bilang wika sa kulturang Pinoy….
o Bahay ng Pinoy
o Dingding
o Taxi
o Kotse
o Mesa
o Eskaparate
Masasabing Malaki ang papel ng pag-iiba o pagkakaiba ng paradigm sa pagtingin at pagkaunawa sa wika.
Iba ang paradima at pagtingin ng Filipino sa Ingles na nasasalamin sa paraan nito ng paggamit sa Ingles kung
kukumpara sa paradima ng Amerikano sa kanilang wika.
Iba ang pagtingin ng wika at iba rin ang pagkaunawa.
To wear VS to use sa usapin ng pabango. Iba ang gamit natin at pagtingin sa salitang Ingles na wear at use
samantalang sa Amerikano ang lahat ng ginagamit para sa katawan ay to wear. Sa atin, iba ang isuot sa gamitin.
How are you? I’m fine sa Filipino at I’m good sa Amerikano. Iba ang fine sa atin at good. Fine ang para sa
kalagayan ng tao at good para sa pagiging mabuting tao.
“Implication to” sa Filipino; “implication on” sa Amerika; “implication for” sa British. Mas pinili natin ang “to”
kase ang katumbas nito sa ating isip at “sa” dahil nag-iisip tayo sa wika natin kaya “implikasyon sa”
“In search for” – Filipino VS “in search of” – Ingles
Outside of – Filipino VS Outside – Amerikano
Nakikilala ang kultura sa pamamagitan ng angkop na pakikipagkomunika ng taong gamit ang wikang nagtataglay
at imbakan ng mga pagpapahalagang kultural.
Ang wika ay sumasakultura sa pamamagitan ng komunikasyon.
Sa madaling sabi, magkakasalikop ang wika kultura at komunikasyong umiiral sa isang masalimuot na lipunan.
PAKIKI…..TUNGO
PAKIKI…..SALAMUHA
PAKIKI…..LAHOK
PAKIKI…..BAGAY
PAKIKI…..SAMA
PAKIKI…..PAGPALAGAYANG LOOB
PAKIKI…..SANGKOT
PAKIKI…..ISA
Palahwak ang mga Pilipino…..
Hipo
Pisil
Lamas
Akbay
Himas
Makikita ang mga kilos na ito sa patalastas ng mga politico sa eleksiyon
Anak kahit hindi anak
Kuya kahit hindi kapatid
Tito kahit hindi kapatid ng magulang
Nanay kahit hindi anak
Hindi mapartisyon
Nabuo ang kahulugan dahil nabigyan ng halaga ang aking mga kilos, ginagawa, hindi lamang dahil sa ako ang
gumagawa at kumikilos kundi kakabit at karugtong ito sa kilos, isip, gawa ng iba. May nabubuong salasay at
pagpapakahulugan sa palitan ng mga umiiral (Zosimo Lee, 2001).
May malalim na pinsala sa kaisipan at damdaming Pilipino ang hindi maingat at malabong pagkilala sa halaga ng
wika para humbog ng tao at pagpapahalaga nito na maaaring makaiwas sa tinatawag na kasalanan at pananakit
sa kapuwa.
Ang wika ng kaluluwa at ang damdamin nito. Damdamin na nagiging isang aksiyon na nakikita at nababasa ng
kapuwa.
ARALIN 5: ANG KATAYUAN NG FILIPINO SA MGA GLOBAL NA WIKA
SAMPUNG WIKANG PINAKAMALAGANAP NA SINASALITA SA DAIGDIG BATAY SA DAMI NG GUMAGAMIT DITO BILANG
UNANG WIKA
1. CHINESE
1.2 bilyong may unang wika (China at ga pamayanang Tsino sa buong daigdig)
2. Spanish
400 milyon ang may unang wika (Espanya, Gitna, at Timog Amerika)
3. English
360 milyon ang may unang wika (UK, US, at mga kasapi ng British Commongwealth gaya ng Canada, Australia,
New Zealand, etc.)
4. Hindi
(India at Pakistan)
5. Arabic
250 milyon may unang wika (Gitnang Silangan)
6. Portuguese
215 milyon may unang wika (Portugal, Brazil, Goa, Angola, Mozambique, Cape Verde, Guinea-Bisseau, Sao Tome
and Principe, and Macau)
7. Bengali
(India at Bangladesh)
8. Japanese
130 milyon may unang wika (Japan)
9. Punjabi/Lahnda
100 milyon may unang wika (India at Pakistan)
SAMPUNG WIKANG PINAKAMALAGANAP NA SINASALITA SA DAIGDIG BATAY SA DAMI NG GUMAGAMIT DITO
(UNANG WIKA MAN O HINDI)
1. English
1.121 bilyon kabuuang nagsasalita
2. Chinese
1.107 bilyon kabuuang nagsasalita
3. Hindi
534.2 milyon kabuuang nagsasalita
4. Spanish
512.9 milyon kabuuang nagsasalita
5. French
284.9 milyon kabuuang nagsasalita
6. Arabic
273.9 milyon kabuuang nagsasalita
7. Russian
265 milyon kabuuang nagsasalita
8. Bengali
261.8 milyon kabuuang nagsasalita
9. Portuguese
236.5 milyon kabuuang nagsasalita
10. Indonesian
198.4 milyon kabuuang nagsasalita
Ano ang isang wikang global?
Nagkakaroon ng tunay na estadong global ang isang wika kapag pinag-ukulan ito ng natatanging papel na kinikilala sa
bawat bansa.
1. Kapag ginawa itong opisyal na wika ng isang bansa na gagamiting wika ng komunikasyon sa mga domeyn gaya
ng gobyerno, mga hukuman, midya, at sistemang pang-edukasyon. Kailangang mamaster ang opisyal nawika
habang bata at magiging “pangalawang wika” o komplemento sa unang wika.
2. Kapag ang isang wika ang ginagawang priyoridad ng isang bansa sa pagtuturo ng dayuhang wika, kahit hindi ito
kilalaning opisyal na wika. Ito ang wikang ituturo sa mga bata pagpasok nila sa paaralan.
Paano Nagiging Global ang Isang Wika
Walang kinalaman sa dami ng nagsasalita ang pagiging global ng isang wika. Mas mahalaga kung sino-sino ang mga
nagsasalita ng wikang iyon.
Hal., nagging wikang internasyonal ang wikang Romano sa kabuuan ng kanilag Imperyo hindi dahil mas marami ang mga
Romano. Sadyang mas makapangyarihan sila kaysa sa kanilang mga nasasakupan.
Hinfi nagiging global ang wika dahil sa mga katangiang estruktural nito, o dahil sa lawak ng bukabularyo nito, o dahil dito
nasusulat ang mga dakilang panitikian ng nakaraan, o dahil nauugnay ito sa dakilang kultura o relihiyon.
Mga salik ito na maaaring makahihikayat sa isang tao nap ag-aralan ang isang wika ngunit hindi ang mga ito ang
makatitiyak ng pagpapalaganap ng isang wika.
Nagiging global ang isang wia dahil sa isang pangunahing dahilan: ang kapangyarihan ng tao, lalo na ang kanilang
kapangyarihang political at military.