Pagsusuring Pampanitikan Sa Asignaturang Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

STA.

CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL


Sta. Cruz

I. INTRODUKSYON
Ang librong ito ay ginawa upang linangin at higit na maunawaan ang pagpapahalaga sa
mga akdang pampanitikan tulad ng talumapati, dagli, mitolohiya, tula at dula, at ang maikling
kwento sa mga bansa ng kanluran. Susuriin natin dito ang mga akdang pampanitikan sa
asignaturang Pilipino. Kaya’t natitiyak naming magugustuhan ng karamihan ang mga nilalaman
nito.
Malaki ang nagging bahagi at nagging tulong ng araling ito sa ating buhay sapagkat mas
higit na malilinang natin dito ang mga pampanitikan at mga kultura ng bawat mamamayan sa
kanluran.
Ang kwento ng “Kita Kita” ay isang Romantikong Comedy na kung saan ang istorya ay
umiikot kay Lea (Alessandra de Rossi) at Tonyo (Empoy Marquez) na ginawa para ipaalam sa lahat
na hindi lahat ng pag-ibig ay may masayang pagwawakas. Ito ay simpleng istorya pero may kurot
sa puso na mag papaluha sa iyo, magpapangiti at kung minsan ay magpapahalakhak pa sa mga
mambabasa.
Inaasahang mauunawaan at mapahahalagahan ng mga mambabasa ang kwentong ito.
Pagkatapos mong mabasa ang kwentong ito, malalaman mo na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig
ay hindi bumabase sa panlabas na kaanyuan, ito ay kusang darating o mararamdaman mo nalang
ng hindi inaasahan. Tiyak na marami kang matututunan sa kwentong ito na makakatulong sa iyo
para magmahal ka ng totoo na walang halong biro.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

II. PAUNANG SALITA


Sagot na lumulutas!
Bulag ba talaga ang pag-ibig? Bakit maraming nagmamahal pero nasasaktan lang? May
tao pa kayang nagmamahal ng totoo?
Kung naitatanong mo rin ang mga iyan, hindi ka nag-iisa. Baka marami ka ng hiningan ng
payo pero magkakaiba ang mga sagot, isang kwento ng pag-ibig na pinamagatang “Kita kita” ang
dapat mong basahin. Sa bawat pangyayari ay tiyak na makakakuha ka ng aral.
Ang aklat na hawak mo ay talaga namang kapupulutan ng aral, lalo na para sa mga umaasa
at nagmamahal. Tutulungan ka ng aklat na ito na masagot ang iyong mga katanungan na gumugulo
sa iyong isip. Maitatatak sana inyong mga isipan ang mga aral na inyong matututunan at isa na dito
ang katotohanang hindi sa lahat ng kwento ng pagmamahalan ay may masayang pagwawakas kaya
dapat matuto tayong tanggapin ang katotohanan na may hangganan ang lahat ng bagay, hindi lang
sa taong di marunong mag mahal o manhid sa pagmamahal kundi para sa lahat ng taong mag
mamahal.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

III. PASASALAMAT SA MAY AKDA


Lubos na pinasasalamatan si Sigrid Andrea P. Bernardo na may akda ng istoryang “Kita
Kita”. Dahil sa istoryang kanyang ginawa, marami tayong natutuhan na kung saan ay nakadagdag
kaalaman sa ating puso at isipan. Tumatak ang bawat linya sa bawat istorya. Nalaman natin ang
halaga at hirap niya kung paano niya ito iniakda. Kaya naman nararapat na pasalamatan ang may
akda na may kung saan kami ay nakakuha ng istorya at kaalaman salamat sa inyong kasipagan na
walang sawang paglaganap sa mga isyoryang inyong iniakda. At pwede nating magamit sa ating
buhay ang mga naging solusyon ng karakter sa pelikula upang malagpasan natin ang ating mga
bawat pagsubok na dumadating sa ating buhay.
Nagiging inspirasyon ang pelikulang ito lalo na sa mga kabataan at magkasintahan na
laging dumadaan sa matinding pagsubok at mga problema sa buhay. Pagsubok na huwag sumuko
sa buhay kahit maraming pagsubok na ang pinagdaanan at pumili ng taong handing dumamay,
gumabay at tumutulong sa iyo sa oras ng pangangailangan.
Nagpapasalamat din kami sa may akda dahil sa gumawa sila ng pelikulang madaming
kapupulutan ng aral ng marami. At dahil sa pelikulang ito maraming kabataan ang manunulat sa
katotohanan na hindi basihan ang itsura sa pagmamahal sapat na ang kagandahang loob na
pinapakita dito ni Tonyo dito sa pelikulang ito.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

“KITA KITA”
Matagal ng masayang namumuhay mag-isa ang Pilipinang tour guide sa Sapporo, Japan
na si Lea. Engaged siya sa kanyang kasintahan na Hapon na si Nobu. Mahigit limang taon na silang
magkasintahan. Ngunit sa limang taon na iyon ay nanlalamig na sa kanya si Nobu. Isang gabi
nalaman niyang may third party si Nobu. At ito ay ang kaibigan at isang Pinay na may dugong
Hapones ang karelasyon ni Nobu. Sa mga pangyayari ay labis na nasaktan at na-stress si Lea. Nguni’t
isang araw, bigla siyang mabubulag. “Temporary blindness” daw, ayon sa doktor, dala ng
stress. Anong sanhi ng pagkapagod ni Lea? Nasugatang puso. Nahuli niyang nagtataksil sa kanya
ang nobyo niyang Hapon, na siyang ikinaguho ng lahat ng kanyang mga pangarap. Magkukulong at
magmumukmok sa bahay angs awing na babae, at dito naman susulpot sa buhay niya ang
kapitbahay niyang si Tonyo, isang OFW sa Japan. Kapwa Pilipino sila kaya naman ng mapansin ni
Tonyo na nag-iisa at malungkot si Lea ay kinukulit nya itong makipag- usap at makipag kaibigan sa
kanya. Kasulukuyan namang bumabangon si Lea mula pagkasawi sa pag-ibig. Natural lamang na
mailap si Lea sa simula, ngunit walang sawang nagdadala ng mga nilutong pagkaing Pinoy si Tonyo
kay Lea araw araw. Lilibangin nya ito sa pagpapatawa, at hihimuking samahan siyang magpasyal sa
mga tourist spots ng Sapporo. Dahil na rin sa pag titiyaga ni Tonyo ay muling binuksan ni Lea ang
kanyang puso sapagkat dama naman na ni Lea ang katapatan ni Tonyo. Tatanggapin niya ang alok
nitong “maging mga mata” niya habang namamasyal sila. Unti-unting magkakalapit ang dalawa, at
kapwa sila sasaya sa kanilang pagkakaibigan.
Palagi silang magkasama at lumalabas ng bahay. Nangako naman sina Lea at Tonyo na
babalikan nila ang mga lugar na kanilang mga pinapasyalan kapag naging maayos na ang mga mata
ni Lea at bumalik na sa normal. Kinabukasan, nag selebrasyon ang dalawa ng pekeng kasalan kung
saan binigyan ng regalo ni Tonyo si Lea ng Daruma doll – Japanese doll na tutupad sa mga kahilingan
ni Lea, at dito na rin nya hiniling na sana ay makakita na ulit siya.
Habang sa kanilang pag didate, iniwan saglit ni Tonyo si Lea sa may kalsada at bumili ito
ng teddy bear na ibibigay dapat kay Lea. Sa oras naman na ito ay muling bumalik sa normal ang mga
mata ni Lea at nakita na ulit niya si Tonyo ngunit nasa kabilang kalsada naman ito at kumakaway-
kaway naman si Lea sa kanya. Nasiyahan si Tonyo ng malaman nyang nakakakita na ulit si Lea. Ngunit
sa hindi inaasahang pangyayari, nang tatawid na si Tonyo ng kalsada papalapit kay Lea ay sya
namang pagkahagip ng truck kay Tonyo . Labis ang pagkalungkot ni Lea ng bawian na ng buhay si
Tonyo at makalipas ang ilang araw na pagkamatay ni Tonyo ay binisita ni Lea ang bahay nito. May
nakitang mga papel, larawan at mga iba’t-ibang sulat dito. Ang isang sulat ay para kay Lea, nalaman
niya dito lahat ng dinanas na paghihirap ni Tonyo bago pa sya lumipat ng Sapporo at makilala si Lea.
Isang sawi din pala si Tonyo at pinaglaruan ng kanyang kasintahan kaya naman ito ang dahilan ng
kanyang pagkalasing. Napasama sa picture ni Tonyo at Sapporo na kanyang iniinom na alak ang
magandang babae at ito nga si Lea, kaya agad niya itong sinundan kung saan man ito pumunta.
Natutulog nalang daw sya sa tabi ng kalsada at malapit ito sa bahay ni Lea. Siya rin daw ang lalaking
inaalagaan at nilalagyan ng kumot at kada umaga ay binibigyan ni Lea ng repolyo upang may makain
siya. At noong gabi na makita nya ulit si Lea na malungkot at naka suot ng malaking costume na
hugis puso si Tonyo lamang ang nakapag pasaya dito at tamang tama naman ay naka suot din ng
malaking saging na mascot si Tonyo. Sya rin daw ang nagpadala ng sulat na pumunta sa isang bar
para makita nya ang pinaggagawa ng kanyang kasintahan na si Nobu. Sya rin daw ang tumulong sa
kanya at umalalay noong di makakita at nawalan ng malay si Lea. Sinabi nya rin na sya ay may
dinadalang sakit. Sakit na hindi pang karaniwan. Di pang karaniwan ang laki ng kanyang puso at kahit
kalian pwede itong sumabog at mamatay agad, kaya kahit sa huling sandal ay sinusulit nya ang mga
araw na kasama pa nito si Lea. Ginagawa na nya lahat gusto nyang gawin kasama si Lea. Maranasan
manlang nyang sumaya sa ilang sandali. At dahil nga sa pinangako nilang dalawa ay tinupad ito ni
Lea kahit mag isa nalang sya. Pinuntahan nya ang mga lugar na pinupuntahan nila noong siya ay
nabulag. Nag lagay ito ng panyo sa kanyang mata para walang makita at iniisip na kasama nya pa rin
si Tonyo sa mga oras na iyon kahit patay na si Tonyo.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

VI. BISANG PAMPANITIKAN


 BISA SA ISIP
Maraming bagay ang makakapagpabago sa isip ng mga taong makakabasa o
makakapanuod ng pelikula at kwentong ito dahil tatatak sa iyong isipan na hindi sa lahat ng oras
kailangan ng mata para makita ang tunay na pag-ibig, ito ay kusa lang mararamdaman. Maiisip ng
mga manunuod na sa lahat ng mga problemang nadating, may mga taong handing tumulong,
magpasaya at mananatili sa ating tabi kahit na patuloy natin itong itaboy o palayuin. Maiisip din nila
na lahat ng problemang dumarating ay may solusyong maaaring gamitin.

 BISA SA KAASALAN
Ang problema ay hindi dapat hinaharap ng mag-isa at hindi tinatakbuhan sa halip ay
humanap ka ng bagay at tao na makakasama mo sa paglutas nito at magbibigay ng saya sayo para
makalimutan mo na ang kung ano mang pinoproblema mo. Ipinakita sa pelikula na lahat ng
kabutihang ginawa mo sa ibang tao ay ibabalik din sayo ng higit pa sa inaakala mo, kapag dumating
ang araw na ikaw naman ang nangangailangan ng tulong ng iba. At huwag mong gagawin sa kapwa
mo ang mga bagay na away nila gawin sa iyo.

 BISA SA DAMDAMIN
Halo-halo ang damdamin, ang mararamdaman mula umpisa hanggang sa wakas nito. May
masaya, may malungkot at may nakakaiyak. Malungkot, dahil sa panloloko ng fiancé ni Lea sa kanya
at nang mabulag sya. Masaya nang dumating si Tonyo sa buhay nya pero nakakaiyak nang mawala
rin ang taong ito na nagpapasaya sa kanya.

 BISA SA LIPUNAN
Masaya ang lipunang mayroon sa pelikulang “Kita kita” maayos at nagkakaiisa ang mga
taong dito hindi ikinaila ito ng pelikula kitang kita sa bawat eksena kung paano umasta ang mga tao
dito.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

VII. TEORYANG PAMPANITIKAN


ENVIRONMENTALISMO
Pinakita sa pelikula kung paano alagaan ni Lea ang mga halamang nasal abas ng
kanyang bahay niya at ang pag-aalaga ng mga tao sa Japan, pina-panatili nila angkaayusan at
kagandahan ng lugar nila at kung anong kapaligiran meron sa bansang Japan.

REALISMO
Pinapakita sa pelikula ang pagiging maganda at totoong ugali ni Tonyo kay Lea. Hindi
niya pinagsasamantalahan ang pagiging bulag at mga kahinaan ni Lea. Imbis na pabayaan niya ito
siya mismo ang nag-silbing mata ni Lea at kung paano niya alagaan ng tama si Lea.

SAYKOLOHIKAL
Ipinapakita sa pelikula kung paano nila binago ang buhay nila.Una noong mga panahong
si Tonyo ang nangangailangan ng pagkalinga, pag-aalaga, at karamay si Lea ang pumuna ng lahat ng
iyon. Pangalawa ng mga panahong si Lea naman ang nawawalan ng pag-asa para mabuhay dahil sa
problemang dumating sa kanyang buhay at sa mga taong nagbigay ng sakit sa kanyang puso. Si
Tonyo ang nagbukas kay Lea upang malaman ang katotohanang niloko siya ng kanyang kasintahan
at si tonyo din ang nagging panandaliaang mata ni Lea upang ibalik ang dating masigla, masiyahin,
at matulunging si Lea.

EKSISTENSIYALISMO
Pinapakita sa pelikula kungna mas pinli nilang maging masaya sa piling ng isa’t isa. Si Lea
na kahit sobrang nasaktan ng dahil sa ginawa ng kanyang dating kasintahan ay piniling maging
masaya kasama si Tonyo at piniling muling magtiwala. Si Tonyo naman na halos pagiinom nalang
ang ginawa at halos pabayaan ang sarili sa kalsada ay piniling magbago para kay Lea.

ROMANTISISMO
Ipinakita sa pelikula kung paano hindi sumuko at tumigil si Tonyo kahit na ilang beses
siyang ipinagtabuyan ni Lea. At kung paano ipinakita ni Tonyo ang pagmamahal niya kay Lea sa
pamamagitan ng pagbibigay niya ng pagkaingpinoy araw-araw at pananatili niya sa tabi nito
noongmga panhong malungkot si lea.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

TAUHAN
 Lea – Isang Pilipinang tagagabay sa mga dayuhan sa Japan

 Tonyo – Kababayan ni Lea na may dinadalang sakit sa puso

 Nobu – Manlolokong dating kasintahan ni Lea na Hapon

 Hannah Espia – Dating kasintahan ni Tonyo

 Aiko – Traydor na kaibigan ni Lea

 Lea – Alessandra de Rossi

 Tonyo – Empoy Marquez

 Nobu –Junpei Yamamoto

 Aiko –Carolle Urbano

 Old Couple –(lalaki) Hiroshi Ito

 Old Couple –(babae) Yukiyo Ichikawa

 Lesbian Couple –Yukiko Ohashi

Tricia Okada

 Giril –Hanano Koma

 Bartender –Yuki Ikshikawa

 Beer Garden Guest –Mai Nitzuma

Koharo Niizuma

Chie Narita

Riko Narita

 Dating kasintahan ni Tonyo – Hannah Espia


STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

TAGPUAN
 Japan

 City of Sapporo

 Bahay ni Lea

 Bahay ni Tonyo

 Odori park

 Sapporo Clark tower

 Beer Garden

 Tokyo
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

BANGHAY
SIMULA
Ang istoryang ito ang umikot sa buhay ni Lea, siya ay masayang namumuhay mag-isa sa Sapporo,
Japan. Nagtatrabaho siya dito bilang isang taga patnubay sa mga manlilibot , may kasintahan siyang hapon,
na kung saan sa lalaking ito nagsimula ang kanyang mga pangarap. Si Lea ay umaasang papakasalan ng
kanyang kasintahan, ngunit ang hindi alam ni Lea na ang kanyang kasintahan ay may kalandian ng iba at
niloloko na lamang siya at ang masakit pa dito mismong kababayan pa nya ang nang agaw at nang traydor sa
kanya. Hanggang dumating sa punto na sya ay nabulag ng di inaasahan dala ng matinding pagod dahil sa
kanyang pagtatrabaho at dagdagan pa ng problema sa kanyang nobyong niloko sya ngunit ito ay panandalian
lamang at maari pang bumalik ang kanyang paningin.

SAGLIT NA KASIGLAHAN
Dito sumulpot sa buhay nya ang kapitbahay niyang si Tonyo,isang OFW sa Japan,at
kasalukuyan namang bumabangon mula sa pagkasawi sa pag-ibig.Natural lamang na mailap si Lea
sa simula,ngunit walang sawang nagdadala ng mga niluto niyang pagkaing pinoy si Tonyo kay Lea
araw-araw,lilibangin ni Tonyo si Lea sa pamamagitan ng pagpapatawa at sisimuking samahan siyang
magpasyal sa mga tourist spots ng Sapporo.

SULIRANIN
Nahuli nyang nagtataksil sa kanya ang kasintahan nyang hapon sa Beer Garden,na siyang
ikinaguho ng kanyang pangarap. Hindi sya agad nagsalita bagkos inisip nya muna kung ano ang
kaniyang dapat gawin, bumilang siya ng isa hanggang sampo. Sa bawat pagbilang niya inalala ni Lea
ang lahat ng alala nila ng kasintahan niyang hapon. Dumating na lang sa punto na hindi na lng sya
nag salita, tumalikod na lang siya at umalis. Sinundan siya ng kaniyang kasintahan humingi ito ng
tawad ngunit itinapon na lang ni Lea ang bigay na singsing ng kanyang kasintahan na hapon. Iniwan
niya ito at naglakad, hanggang sa dumating na sa punto na unti-unting dumilim ang kanyang
panginin at tuluyan na syang nawalan ng malay.Nalaman nya mula sa kanyang Doktor na siya ay
pansamantalang mabubulag dala ng pagod at malaking problema.

KASUKDULAN
Sinusuyo ni Tonyo si Lea sa pamamagitan ng pagdadala ng mga pagkain na lutong Pinoy.
Nung una ayaw tanggapin ni Lea ang kagustuhan ni Tonyo na maging mag-kaibigan sila. Ngunit dahil
sa patuloy na panunuyo ni Tonyo ay pumayag na rin ito sa alok na pakikipag-kaibigan. Humiling si
Tonyo na kung pwedeng mamasyal silang dalawa sa magagandang lugar sa Sapporo. Unang pasyal
pa lang nilang dalawa naging masaya na sila. Nagpatuloy ang pamamasyal nila hanggang sa bumalik
ang dating sigla at saya ni Lea. Naka buo sila ng mga bagong alaala. Nang minsan nag-laro sila ng
kasal-kasalan dito nila naramdaman na may nabubuo na palang pag-mamahalan sa kanilang dalawa.
Ipinag patuloy nila
KAKALASAN
Sa paglipas pa ng araw sa buhay ni Lea.Hindi niya naiiwasang iiyak nalang lahat ng
problema nya sa buhay. Hindi naiiwasang ilabas niya lahat ng kanyang saloobin at pilit kalimutan
lahat ng bagay at taong nanakit sa kanya. Hanggang isang araw may isang taong nagpakilala sa
kanya. Isang lalaking napaka-kulit at konyo. Ito na nga si Tonyo. Noong una ayaw na ayaw ni Lea na
mapalapit si Tonyo sa kanya. Ayaw na ayaw niya itong makausap. Dahilan na may problema pa
siyang dinadala. Ngunit hindi talaga sumuko si tonyo. Para mabuo ang tiwala ni Lea ay araw-araw at
paulit-ulit pa rin niya itong dinadalaw at binibigyan ng pagkaing pinoy. Araw-araw pa rin kinakausap
ni Tonyo si Lea. At kahit ayaw ni Lea ay nagkukusa pa rin si Tonyo upang diligan ang kanyang
halaman. At hindi nagtagal ay unti-unti nang nabuo ang lood ni Lea kay Tonyo.
Buti na lang nandyan si Tonyo. Si Tonyong nag-aaruga sa kanya, si Tonyong nag-aalaga sa
kanya, si Tonyong nag-mamahal sa kanya, at si Tonyong walang sawang nagpaparamdam sa kanya
na hindi siya nagiisa sa buhay. Sa masayang pagsasama nina Tonyo at Lea ay lalong lumalalim ang
kanilang pagsasama at hindi na makakaila na masayang masaya si Lea kapag asama niya si Tonyo.
Sa mga panahong walang makita si Lea, si Tonyo ang patuloy na nagpaparamdam ng pagmamahal
sa kanya at patuloy na nagpupuno ng kasiyahan sa puso ni Lea. At sa paglipas pa ng mga araw si
Tonyo ang patuloy na nagsisilbing mata ni Lea. Si Lea ay patuloy na pinasasaya ni Tonyo para
malampasan ang lahat ng problema niya. Para makalimot si Lea, dinadala ni siya ni Tonyo sa tahimik
at napaka-gandang lugar. Hindi isa , dalawa, o tatlong beses kundi maraming ngiti at tawa ang nakita
ni Tonyo sa mga mata ni Lea.
At sa patuloy na paglipas ng oras, ay siya namang nakalilimutan ni Lea lahat ng nagyari sa
buhay niya at lahat ng taong nanakit sa kanya na naging dahilan ng kanyang panandaliaang
pagkabulag. Ang kasiyahang naramdaman ni Lea kay Tonyo ay siyang nagpspalaki ng posibilidad na
makakita na ulit ito. Ito ay patunay lamang na ang pagibig ang pinakamalakas na sandata sa lahat
ng problema sa buhay at walang sinuman o anoman ang makakatalo rito.

WAKAS
Ang patuloy na pag-puno ni Tonyo ng kasiyahan sa puso ni Lea ay siyang patuloy na
pagkapa sa pisikal na kaanyuan ni Tonyo. Sa masasayang ala-ala nina Tonyo at Lea may mga bagay
talagang bumabalakid sa pagibig ni Tonyo kay Lea. Ngunit hindi ito hadlang upang patuloy niya itong
mahalin sa paglapit ng oras na makakita si Lea ay siya namang posibilidad ng pagikli ng buhay ni
Tonyo dahil sa kanyang sakit sa puso. Pero Isinantabi niya ito para lamang mapagtuunan ng pansin
si Lea. Isang masyang gabi ang dumaan kina Lea at Tonyo. Habang hinihintay ni Lea si Tonyo na
bumilisa kabilang kalsada nang biglang bumagal ang mundo ni Lea at unti unti nitong nakita ang
paligid. Nang makakita si Lea kasabay nito ay narinig niya ang salitang "kabayan" na nagpapahiwatig
na tinatawag siya ni tonyo sa kabilang kalsada. Hindi akalain ni Lea na ang taong nagpasaya at
nagparamdam sa kanya ng pamamahal ay ang lalaking noo’y walang kahahantungan ang buhay at
binibigyan nya lamang ng repolyo sa daan. Ngunit tumigil ang mundo, tumigil ang mundo ni Lea ng
tumawid si tonyo papalapit sa kanya at nasilayang itoy nabangga ng sasakyan. Biglang gumuho ang
mundo ni Lea na para bang bumalik lahat ng problema niya noon. Noong walang makita si Lea, si
Tonyo ang nagsilbing mata si Lea. Ngunit ngayong nakakakita na siya si Tonyo naman ang nawala sa
piling niya.
Nang lumipas ang mga araw na wala si Tonyo pumunta si Lea sa bahay ni Tonyo at doon
nakita nya ang barong na ginamit ni Tonyo noong nagkasal-kasalan sila ni Lea. Nakita din nya ang
Daruma Doll na reaglo sa kanya ni Tonyo at sa huli nakita at nabasa nya ang sulat na iniwan sa kanya
ni Tonyo. Simula noon nalaman nya na si Tonyo pala ang taong binigyan nya ng pagkain at si Tonyo
din ang saging na gumabay at sumama sa kanya sa oras ng pagiisa at kumakaylangan ng karamay.
Si Tonyo din ang taong nagbigay ng bulaklak kay Lea na ang alam nya ay ang dating nobyo nya ang
nagbigay.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

Ngunit hindi na maibabalik ang oras kaya pinili nalang ni lea na isiping kasama pa niya si
Tonyo. Ito ang nagpapatunay na ang tunay na pagmamahal sa tao ay hindi basta basta matatawaran
ng kung anong bagay lamang.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

PANANAW
Sobrang nakakaaliw sina Alessandra at Empoy. Sasakit ang tiyan ng lahat ng manunuod
dahil sa kanilang normal na mga patawa. Tiyak kong sa mga makakapanood ng trailer ng pelikula ay
pare-pareho ang nasa-isip kung ano ang magiging reakyon ni Lea sakaling makakita siyang muli.
Medyo may twist ang pelikula bukod sa patatawanin kayo paiiyakin din kayo ng pelikula na siyempre
hindi ko na ikukuwento para panoorin ninyo.
Madali ding sakyan, madaling intindihin, nakakaaliw panuorin pero malalim ang
pinaghuhugutan kaya’t malalim din ang hatid ng katotohanan.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

TEMA
Pinapaksa ng pelikulang “Kita Kita” ang pag-iibigan ng isang dating bulag at ng isang lalaki
na matagal ng nagkakagusto sa kaniya ngunit hindi nakalapit nung nakakakita pa. Ang babaeng bida
dito ay nakaranas ng ipagpalit ng kasintahan sa iba noong nakakakita pa siya, hindi niya nakilala ang
bidang lalaki. Ngunit sa huli ng naging malapit sila sa isa't isa, namatay ang lalaki ngunit nagkita pa
rin silang dalawa bago mabundol ng sasakyan ang lalaki. Ang pagmamahal ay isang bagay na kayang
maghintay, magsakripisyo at mag alay ng sariling buhay. Pinapakita rito na ang pagmamahal ay
kailan ma'y hindi magiging makasarili.

Ang pagmamahal ay nararamdaman at hindi nakikita. Sabi nga sa iskrip “noong


nakakakita ka pa, hindi mo ako nakikita. Noong hindi ka na nakakakita doon mo lang ako nakita at
napansin. Pero noong nakakakita ka na ulit saka naman doon na tayo hindi na muling pwedeng
magkita”. At may kasabihan tayong “Love is blind” ang pag-ibig ay diumano ay bulag. Nabigyan
katuwiran ito ng “Kita kita” kung saan napalambot ang puso ng isang babae ng isang lalaking di
naman niya nakikita – ngunit ito ay dahil kahit siya ang bulag nakikita niya ang puso ng lalaki, isang
pusong mayaman sa kabutihang loob. May isa ring payo ang nakakatanda sa mga kababaihan na
nabibigyan katuwiran ng “Kita kita”; Pakasalan mo ang lalaking kaya kang pasayahin sa panahon ng
pasakit at kadiliman ang pakiramdam ng taong malapit sa atin ang mag aangat sa atin. Tulad ni
Tonyo, na dahil sa pakiramdam niya ay nagsilbing salbabida ni Lea na malapit ng malunod sa pighati.
Ang tunay na pakiramdam ay hindi lamang basta nagpapatawa – lalo na’t hindi kung pagpapatawa
itong may halong panglilibak – kung hindi isang magandang katangian ang nag-uugat sa kababaang
loob. Dahil sa ating pakiramdam kaya nating pagtawanan an gating sarili, at hindi rin tayo napipikon
kahit tayo’y pagtawanan pa ng iba.

Hindi mo makikita ang kahalagahan ng isang tao kung hindi siya mawawala sa iyo.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

DAMDAMIN
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

PAMAMARAAN
Halatang pinag-isipan talaga ng manunulat ang bawat pangyayari sa pelikulang “Kita
kita” dahil mapapansin na mayroong medyo magulong pangyayari pero sa huli ay malalaman mo na
parte iyon ng kwento. Napakaganda ng pamamaraan na ginawa nila dahil alam nila na magiging
patok ito sa mga manunuod.
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

PANANALITA
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

SIMBOLISMO
Daruma Doll – Tumupad sa mga wish ni Lea na makakita muli
Saging – Pinagtuan ng katauhan ni Tonyo
Panyo – Ginamit ni Lea pangpiring para maramdaman at maalala muli ni Lea si Tonyo
Repolyo – Binibigay na pagkain ni Lea kay Tonyo
Puso – Kasuotan ni Lea
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

TALASALITAAN
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

BALARILA/GRAMATIKA
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

PAGTATAYA
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

GLOSARYO
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

BIBLIOGRAPIYA
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

REKOMENDASYON
Sa aming pagsusuri sa buong pelikula, sa iskrip, at iba pang ginamit sa pelikula ay napakita ang pag
kamalikhain nila. Ngunit nais lang naming na imungkahi na dapat pinahaba pa nila ang pinatunguhan
ng istorya. Makikita natin na ang suliraning kinakaharap ni Lea ay ang pagkawala ni Tonyo. Nakakita
nga siya muli ngunit ang kapalit ay ang pagkawala ng nagmamahal at minamahal niyang si Tonyo.
Kaya imbis na mag pakamiserable, gawin niyang inspirasyon ang mga magagandang alaala nila
Tonyo. Mabuhay ng normal at isipin na pagsubok lamang ito na malalampasan niya. Kung ang
pagiging bulag ay kinaya niya dahil kay Tonyo, kailangan niyang kayanin ang pagsubok na ito para
kay Tonyo. Kaya mairerekomenda lang naming ay sana pinahaba at mas pinaganda pa nila ang
pagwawakas ng istorya. Sana hindi muna nila pinatay ang karakter ni Tonyo dahil magiging matatag
sana ang relasyon nilang dalawa. Si Lea at Tonyo ay isang halimbawa sana ng metatag na relasyon
kung hindi namatay si Tonyo. Gumaling nga sa sakit si Lea ngunit parang nabulag muli siya dahil sa
pag pakamatay ni Tonyo
STA. CRUZ NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz

DOKUMENTASYON

You might also like