Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Filipino Roleplay

INT. CENTRAL LAB ROOM 1 - SCHEDULE SCENE


Nasa kanang bahagi ang eksenang ito. Para bigyang espasyo
ang Scene 2 na kaagad na mangyayari pagtapos nito sa bandang
kanan. Padating palang si Seth ng paalis na si Ella,
napagtanto niya na hawak ni Ella ang eskedyol niya para sa
semestre. Lumapit siya sa sekretarya ng faculty para din
kunin ang kanya.
Dahang lumapit sa poging sekretarya ng faculty. Sa pagitan
nila ay isang table.

SETH
Ha-hi po Sir, magandang umaga sa
iyo at sa mundo mo! Pwede ako
nalang?

SKY (FACULTY SEC)


Ha? Anong sabi mo Mr. Andres?
SETH
Ay mister. Wala po Sir, may
schedule na po bang naibigay ang
Dekana?
SKY
Ah, schedule, oo meron na. Saglit
Sabay kuha at abot ni Sky kay Seth ang bondpaper.

SKY
Ito rin pala karagdagang gawain
pinapabigay sayo ng Dekana.

SETH
Ay, ganon? Grabe ha. (Pout)
SKY
Bakit? Mr. Andres, may problema ba
tayo?

SETH
Ah, sir Pogi, ang problema ko lang
ay hindi tayo.
SKY
What are you talking about?
SETH
Ah, wala Sir... (pouting)... okay
lang ba tignan ang mga schedule ng
kapwa ko guro?

(CONTINUED)
CONTINUED: 2.

SKY
Bakit naman? Kanino ba ang titignan
mo?
SETH
Sir, tignan ko lang kasi kung same
tayo ng free time, baka kasi gusto
mo araw-araw mag sabay maglunch.
SETH
Ito naman, ang KJ mo, (Pasalamat ka
pogi ka *mahina lamang*)
SKY
Anong sabi mo Mr. Andres?
SETH
Wala po, yong kay Ella sana
titignan ko.
Kinuha ni Sky ang clearbook, sabay kuha ng schedule ni Ella.
SKY
Probably better na hindi mo ’to
tignan. Maiinis ka lang.
SETH
Ha? Bakit naman?

Sabay abot ni Sky. Tinignan ni Seth ang schedule.


Dahan-dahang sumaol ang mood. Papangit ng papangit.
SETH
What?! What is this?! How can this
be?!
SKY
Yeah... ganyan talaga kung paborito
ka ni Dekana. Di lang basta
eskedyol yan. Si Ella rin ang
laging nauuna sa listahan na
pinapadala sa mga seminarya at sa
kung ano-ano pa.
SETH
Sir! How can you let this be! It’s
just the start of the school year
but you, you... you! I can’t take
this any longer. Break na tayo!
Seth exits. The natural "Sky hands-up".

(CONTINUED)
CONTINUED: 3.

SKY
Anong nangyari?

INT. CENTRAL LAB ROOM SCENE 2 - FRIENDS SCENE


Palapit si SETH at nakita niya nang nakaupo ang bestfriend
niyang guro. Nilapit niya ito para maglabas ng sama ng loob.

SETH
Jiim! Hoy! Nakakaasar grabe!
JIM
Ha? Ano nanaman ba yan?

SETH
Hay nako, nakita mo na ba ang
eskedyol mo?
JIM
Oo, ito hawak ko.

SETH
Hay nako talagaa, nakita mo ba yong
kay Ella? Grabe ang ganda! Ala una
lahat ang simula ng klase niya,
monday to thursday lang tapos alam
mo yong pinakanakakainis?
JIM
Ano?
SETH
Hanggang alas kuwatro lang siya! Eh
ako? Ako na walang alam, ako na
walang ginagawang mali? Ganto?
Ganto?!

Sabay tulak ni Jim kay Seth.


JIM
Ano ba yan, tumigil ka nga.
SETH
Hindi pwede ’to! Hindi.
Nakita ni Seth si Ella kay Sky banda
SETH
Yan! Yan talagang si Ella na yan
namumuro na. Purket aso-aso siya ni
Dekana ganyan na siya pumorma sa
loob ng faculty! Hay napipikon
talaga ako! Masyadong namimiha-

(CONTINUED)
CONTINUED: 4.

Narinig ni Ella ang lahat. Habang nagsasalita si Seth ay


sinisenyasan niya si Seth pero di niya ito napansin sa
sobrang pagiging hysterical nito. Hanggang...
ELLA
Mr. Andres. Ano iyong sinasabi mo
sakin?
Sabay harap ni Seth, gulat na gulat, pero di magpapatalo.
Dito simula ang pagkaseryoso ni Seth. Halos wala nang bahid
ng pagbibiro’t pagiging hysterical liban kung
nagkakatinginan sila ng bestfriend niya.
SETH
Ms. Calpito, wala po akong
pinapabatid na kawalang-galang sa
iyo. Kung ito ang napansin mo at
naunawaan mo, ako ngayon ay
humihingi na ng tawad.
Shift ng position si Ella, arms crossed. Taas isang kilay.
’Di naniniwala kay SETH.

SETH
Pero ’di ko naman itatago sayo ang
problema ko sa kasalukuyan.
SETH
Medyo may pagkakaiba lang kasi tayo
ng eskedyol na hamak na mas maganda
ang sayo kung ikumpara mo pa sa
ibang guro dito sa faculty na ito.
ELLA
Tapos ka na?
Sabay cross-arms din ni SETH.
SETH
Oo. (Tas yabang na tingin).

ELLA
Hindi naman ako ang gumawa ng
eskedyol. Bakit hindi ka kay Dekana
magsabi? Dun ka magsumbong. Tignan
natin kung may mangyayari sayo.

SETH
Hindi naman siguro dahil
pa-bo-ri-to ka niya ay ikaw na
laging ang tama.

(CONTINUED)
CONTINUED: 5.

ELLA
Edi sumubok ka. Tignan natin kung
saan ka pupulutin.
Sabay lakad ni Ella palayo. Poised pa rin. Biglang upo ni
Seth katabi si Jim.
JIM
Hoy! Ang galing mo!
SETH
Gaga. Kung nararamdaman mo lang ang
tibok ng puso ko.
JIM
Bakit ano meron?

SETH
Edi para pa rin kay Baby Sky!
Sabay mahinang batok ni Jim kay Seth.

JIM
Ayan kita mo na.
SETH
Hindi nga, grabe talaga ang pulso
ko ngayon.

JIM
O, ano nangplano? Gagawin mo ba ang
hamon niya sayo?
SETH
Hindi ko alam, pero gusto ko. Kasi
iyon ang tama.

INT. CENTRAL LAB ROOM SCENE 3 - SICK DAUGTHER SCENE

Magkasunoran lang ang scene na ito at ang scene 2. Nagring


ang phone ni Seth. Tayo at medyo layo niya kay Jim para
kausapin si Denise.
Sagot ni Seth ng phone.

SETH
Yes, baby? Kumusta ang
pinakamaganda kong anak?
DENISE
Eh, ’tay, ako lang naman ang anak
mo.

(CONTINUED)
CONTINUED: 6.

SETH
Kaya nga ikaw pinakamaganda ’e.
DENISE
Hay nako ’tay, ito nanaman po kayo.

SETH
Bakit ka ba napatawag?
DENISE
’tay, dumating po kasi ang meralco
kanina, hinahanap po kayo, kasi
mapuputulan na daw po tayo bukas
makalawa.
SETH
Ah gano-

DENISE
Tapos yong water bill din po ’tay
bukas na po ang due date
SETH
Ah, okay nak, walang problema yan
kay tatay ha. Nakalimutan lang ang-
DENISE
*cough* *cough* *cough*
SETH
Nako! Uminom ka ng tubig.
DENISE
Opo, ’tay, wala na rin po kasi
akong gamot.

SETH
Sige, sige. Si tatay ang bahala ka,
Dadalhan kita mamaya paguwi ko.
Pati ang paborito mong mga pagkain.
Tandaan mo, si tatay ay si?

DENISE
Si Superman! Salamat ’tay! Mahal ko
po kayo!
Sabay patay ng phone. Umupo si Seth. nakabusangot dahil wala
na man siyang pera na ipambibili dito.
JIM
Anak mo?

(CONTINUED)
CONTINUED: 7.

SETH
Oo.

JIM
Basta tandaan mo na isinasakripisyo
mo rin ang kalagayan niya kung
babanggain mo ang mga taong nasa
taas mo.

SETH
Hindi, desidido ako.
Sabay alis ni Jim. Si Seth nakaupo pa rin at nagiisip.

INT. CENTRAL LAB ROOM SCENE 4 - HOME SCENE


Umuwi si Seth na may mga dalang gamit. Binigay niya ang mga
pagkain kay Denise
DENISE
Thank you ’tay!
SETH
Sige lang, kumain ka na dyan.
Nagpho-phone si Seth

DENISE
Ano ba yan, ’tay?
SETH
Ah, wala. Kumain ka lang dyan.

INT. CENTRAL LAB ROOM SCENE 5 - CONFRONTATION SCENE


Dumating si Seth sa faculty office.

NARRATOR
Ang sumunod na araw.
SETH
Sir Pogi, nandyan ba si Dekana?

SKY
Oo, nasa loob, bakit?
SETH
Ah, kakausapin ko lang.

Sabay pasok ni Seth sa office. Maraming ginagawa si Dean.


Hindi niya pinansin si Seth na pumasok.

(CONTINUED)
CONTINUED: 8.

SETH
Magandang tanghali ho, Dekana.

HURI
Yes, Mr. Andres, what do you need?
SETH
Ah, Ma’a-

HURI
Wait, before you start, I have
additional work for you that I need
done by the weekend. Some
accreditation agency is coming so I
need it by Saturday.

SETH
Ah, Ma’am-
Pasok ni Ella, maamo sa Dekana

HURI
Oh! Ms. Calpito! Buti naman
napadaan ka. Mr. Andres, si Ms.
Calpito ang mamumuno ng preparasyon
para sa accreditation. Ms. Calpito,
kung may kailangan ka, sabihan mo
lang si Mr. Andres. Siyang bahala.
ELLA
Ah ganon ba, Dekana. Sige po, siya
na po ang bahala.

Sabay tingin kay Seth, natutuwa. Alis ni Ella.


HURI
Ano uli ang concern mo, Mr. Andres?

SETH
Ah, Ma’am tungkol po sana sa
workload ko at sa schedule. There
has been some discrepancies sa
schedule and some of my co-workers
feel na hindi po pantay-pantay ang
dami ng trabaho at ang hirap ng
iskedyol.
HURI
Hindi ko alam ang sinasabi mo,
malamang naman sa malamang na
maraming pagkakaiba. Alam mo Mr.
Andres, kung napapagod ka na. Pwede
ka namang magpahinga.

(CONTINUED)
CONTINUED: 9.

SETH
Magpahinga po, Ma’am?

HURI
Oo, hand me your resignation letter
then go and rest as much as you
want.
SETH
Ay grabe rin to si Ma’am. Ano ba
naman ’di maayos kausap.
Tayo ni Seth at labas ng office ni Dekana.
SETH
Kung hindi gagana sayo, edi sa
presidente nalang ng eskwelahan.
Lakad lang palayo ni Seth.
NARRATOR
Nagpadala si Seth ng liham sa
presidente ng paaralan tungkol sa
mga problema niya sa faculty lalo
na sa kung paano siya tinanggap ng
dekana sa kanyang problema.

INT. CENTRAL LAB ROOM SCENE 6 - FIRING SCENE


Galit na galit si Dekana at hinahanap si Seth. Nakaupo si
Seth kasama si Jim sa gilid.

HURI
Mr. Andres, what is this?!
Hawak-hawak ang liham ni Seth.

HURI
Tingin mo ba talaga ay kayang-kaya
mo ako banggain?!
Unti-unting dumadami ang tao na nakikinig. Tumayo si Seth,
sabay tayo rin ni Jim.

JIM
Dekana, maghinay po-
HURI
Shut up! Mr. Gonzales. You don’t
want to get involve in this.
Tahimik bigla si Jim.

(CONTINUED)
CONTINUED: 10.

HURI
Mr. Andres, this is
insubordination. You are, from this
moment on, fired and expelled from
this school!

SETH
Po? Ma’am, saglit lang naman po, di
niyo man lang ako pinasalita-
HURI
No discussions! Kapal ng mukha mo.
Take your things and leave!
SETH
What? No. Ma’am please po.

Hinawakan ni Seth ang kamay ni Huri


HURI
Don’t touch me.
Lapit ni Ella, tingin kay Seth, smirked tapos alis.

SETH
No. If this is how they want it.
Lalaban ako!
Storm out ni Seth... well, storm out papuntang kabilang side
ng room where Josh is waiting.

INT. CENTRAL LAB ROOM SCENE 7 - LAWYER & DOLE SCENE


Nakaupo si Josh.

JOSH
O! Mr. Andres, kanina ko pa kayo
inaantay. Halika’t umupo.

Umupo si Seth.
SETH
Magpapatulong lang po sana sa
nangyari sakin.

JOSH
Oo, alam ko na ang detalye. Oo,
tama ka na may Labor Code tayong
tinawag at Security of Tenure dahil
hindi ka isang contractual ng
eskwelahang iyon. Pwede kang
lumapit sa DOLE para mas matulungan
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 11.

JOSH (cont’d)
ka nila. Heto, kinontak ko na sila
at inaantay ka na ng isang
representative nila sa susunod na
opisina.
SETH
Maraming salamat po, Attorney.

JOSH
Walang anuman.
Pumunta across the room para umupo sa harapan ni Chelsea.
CHELSEA
Mr. Andres, umupo po kayo.
SETH
Salamat po.
CHELSEA
Naibahagi na sakin ni Attorney
Pascua ang nangyari sa inyo.
Illegal ang pagkasisante sayo ng
Dekana ng inyong faculty.
SETH
Opo, pinahiya pa po nila ako. Kung
nandoon lang po kayo, maawa po
talaga kayo sakin.
CHELSEA
Di bale, wala kami noon, pero
andito na kami ngayon. Sasamahan
kita ikompranta ang Dekana ninyo.
Tayo ni Chelsea at ni Seth.

INT. CENTRAL LAB ROOM 8 - FINAL CONFRONTATION SCENE


Lapit ni Chelsea kay Sky.
CHELSEA
Ako si Chelsea Valones,
representative ng DOLE, gusto ko
sanang makausap ang Dekana ninyo.
SKY
Ah sige po, nandoon po siya sa
opisina niya.
Punta nila Chelsea at Seth. Katok kunyari ni Chelsea.

(CONTINUED)
CONTINUED: 12.

HURI
Skyler! Ang sabi ko walang
magiistorbo sakin diba!
CHELSEA
Pagpasensyahan niyo na po, Ginang.
Nagulat si Huri.
HURI
Ay, pasensya hindi ko alam na may
bisita pala ako. Sige umupo kayo.
Ano po ba ang problema
CHELSEA
Alam mo, Ginang, ang problema ay
ikaw. Nakaabot po sa opisina ng
DOLE ang isang illegal na
pagsisante sa isang guro niyo dito.
HURI
Ah, ang kaso ni Mr. Andres? Ginoo,
hindi niya ako nirespeto.
Pinapahiya niya ako sa buong Board
ng school dahil sa liham niya.
CHELSEA
Ginang, nilapitan ka na niya
minsan, hindi mo siya pinansin kaya
siya nagsulat ng official at
professional na liham sa presidente
ng paaralan. Lahat ng ginawa niya
ay nasa due process.

HURI
Pasensya na. Mr. Andres, pwede ka
nang bumalik sa trabaho.
Sisiguraduhin ko rin mas magiging
patas sa eskedyul at sa dami ng
gawain ang mga guro.

CHELSEA
Aba’y dapat lang! At hindi lang
yan. Dapat rin na magpatupad ng mga
bagong polisiya sa tamang pagtrato
ng mga guro dito sa paaralan. Sa
susunod na buwan ay magpapadala ako
ng (representative) para imonitor
ang mga pagbabago rito. Sana ay
masolusyonan at mabigyan ng
hustisya si mr. andres at ang iba
pang mga naaping eplyado.
END.

You might also like