Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-A CALABARZON


Dibisyon ng Batangas
Distrito ng Padre Garcia
Pambansang Paaralang Sekundarya ng Padre Garcia
Poblacion, Padre Garcia, Batangas

Masusing Banghay-Aralin Para sa Pakitang-Turo sa Filipino 7

Petsa: Setyembre 13, 2017


Asignatura: Filipino
Markahan: Ikalawang Markahan
Tema: Panitikang Bisaya: Repliksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang mga akdang pampanitikan ng
Kabisayaan.
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awitng-bayan gamit ang wika
ng kabataan.

I. LAYUNIN
F7WG-IIc-d-8
1. Natatalakay ang iba’t-ibang salitang ginagamit sa paghahambing.
2. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas,di-gaano,di-
gasino at iba pa.)
3. Napahahalagahan ang wastong paggamit ng mga salitang pahambing.

II. NILALAMAN
PAKSA: Mga Pahayag sa Paghahambing
SANGGUNIAN:
KAGAMITAN: TV, Laptop, piraso ng papel, puting papel
KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN: Gamitin ng wasto ang salitang pahambing
upang sa pamamagitan nito ay matukoy natin ang pagkakatulad at di-katulad na katangian ng
mga bagay-bagay.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


 Panimulang – Gawain

*Pagdarasal
Sa Ngalan ng Ama,ng Anak at ng Espirito
Santo……….
*Pagbati sa klase
Maayong adlao sa imo a tanan.
Maayong adlao din po sa imo.
*Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsiupo:
1.Pulutin ang mga kalat sa ilalim ng
inyong mga upuan (Inaasahang ang mga mag-aaral ay
2. Ihanay ng tuwid ang inyong mga magsisiupo)
silya.
At kung tapos na ay maaari na kayong
magsiupo.
*Pagtatala ng mga liban
Sinong sekretarya ng klaseng ito,
maaari mo bang itala sa akin ang mga
liban sa araw na ito?
Ang mga liban po sa araw na ito ay
si/sina………
*Pagbabalik-aral
1. Anong alamat ang pinaghambing ninyo
nung nakaraang araw?
Ang alamat po na pinaghambing naming ay
ang alamat ng Bunok Tsokolate at Alamat
Bundok Kanlaon.
2. Ano-ano ang element na inyong
pinaghambing sa dalawang alamat?
Ang mga element po na aming
pinaghambing ay ang
Tauhan,Tagpuan,Banghay at Aral ng
dalawang alamat.
A.AKTIBITI
Ngayong araw ay may ipakikita at
ipatitikim akong mga pagkain sa inyo.Nais
kong ilarawan at ikumpara ninyo ang
dalawang magkaibang pagkain.
Maliwanag ba ang aking panuto sa
inyo?
Opo,maliwanag po ang inyong panuto.
Mga pagkain na ipatitikim at ipakikita:
1.Bayabas 5.Tuyo
2.Kalamansi 6.Suka

3.Asin 7.Saging
4.Asukal 8.Saging

B.ANALISIS
1. Ano ang iyong napansin sa ating gawain?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
2. Sa iyong palagay, bakit kailangan nating
pagkumparahin ang mga bagay-bagay?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
3. Batay sa inyong ginawa ano-ano ang mga
salitang ginamit ng iyong mga kamag-aaral sa
pagkukumpara ng dalawang pagkain? (Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)

C.ABSTRAKSYON
Ang mga salitang ginamit ninyo sa
pagkukumpara ay ang mga pahambing na
salita.

May ideya ba kayo sa mga pahayag


sa paghahambing?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
Ngayon ay ating tuklasin ang Mga
Pahayag sa Paghahambing.
I.PAHAMBING O KOMPARATIBO
-Mga pahayag na ginagamit sa
pagtutulad ng dalawang tao,bagay,lunan o
pangyayari.
Ang pahambing o komparatibo
ay dalawang uri ito ay ang:
1.MAGKATULAD
Ano ang inyong ideya pagnarinig
ninyo ang salitang Magkatulad?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
Korek!
Ang magkatulad ay sabay-sabay basahin.
“Paghahambing ng patas ang katangian ng
pagtutulad.”

1.1.KA
-Nangangahulugang kaisa o
katulad.

Halimbawa:
Kapangalan ko ang nanay niya.
Sinong makapagbibigay ng ibang
pahayag na ginagamitan ng ka?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
Ang sumunod ay Magka:
‘‘Nangagahulugan din ng kaisahan at
pagkakatulad.”

Halimbawa:
Magkapangkat ba kayo?
Sunod ay ang Sing(sin-/sim)
“Gaya rin ng ka,nagagamit ito sa lahat ng
uri ng pagtutulad.”

Halimbawa:
Sinlakas ni Bernardo Carpio ang taong iyon.
Maaari ka bang magbigay ng iba pang
halimbawa nito?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)

“KASING”
-ang paggamit at kahulugan ay
katulad din ng sing.
Halimbawa:
Kasingganda ni Myrna si Angel Locsin.

“MAGSING/MAGKASING”
-ang pinagtutulad ay magkapareho ng
katangian.

Halimbawa:
Magkasintangkad sina Arnold at Aljur.
May iba pa ba kayong alam na halimbawa ng
pangungusap na ginagamitan ng
magsing/magkasing?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
Ang sumunod naman ay ang Ga/Gangga
“Nangangahulugan ng gaya,tulad,para”

Halimbawa:
Gamunggo ang nakuhang bubog sa
kaniyang paa.
Sinong makapagbibigay ng isa pang
halimbawa nito?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
Dumako naman tayo sa ikalawang(2) uri ng
pahambing o kaomaparatibo:
2.MAGKATULAD
-Paghahambing na nagpapakita ng siwa
ng pagkakait,pagtanggi o pagsalungat.
Sa inyong palagay,ano ang pagkakaiba
ng magkatulad sa di-magkatulad na pahayag
sa paghahambing?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
Ang di-magkatulad na paghahambing ay may
mga Uri:
Ang una(1) ay ang LALO
‘‘Nangangahulugan ng pagdaragdag o
pagpapahigit sa ‘‘kulang’’ na
katangian.Sinusundan ito ng katuwang na
pinaghambing o kaysa kung ngalan ng
bagay o pangyayari.”

Halimbawa:
Lalong maliit ang ina kaysa anak.
Maaari ka bang magbigay ng ibang
halimbawa nito?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)

“DI-GASINO-TULAD NI…”
-ginagamit sa paghahambing ng mga
tao.Sinusundan ito ng mga katagang
panandang ni.

Halimbawa:
Di-gasinong naglakbay si Cory tulad ni
Fred.
Iba pang halimbawa nito?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
Ang sumunod ay ang:
“Di-gaano-Tulad ng”
-tulad din ng di-gasino subalit sa
mga hambingang bagay lamang ginagamit.

Halimbawa:
Di-gaanong masarap ang papaya tulad ng
manga.
Ang sunod na uri ay ang “Hambingang
Palamang”
-may higit na katangian ang
inihahambing sa pinaghahambing.Ang
halimbawa sa itaas ay maari na ring
gamitin,palitan lamang ng di-lubha ang di-
totoo.
“Higit/mas...kaysa/kaysa sa/kay”
-sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung
ginagamit ito sa paghahambing.

Halimbawa:
Higit na matapang siya kaysa sa akin.

“LABIS”
-tulad din ng higit/mas.

Halimbawa:
Labis na masipag ang ina kaysa anak.
Sinong makapagbibigay ng halimbawa?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
“Di-hamak”
-kung ginagamit ay karaniwang
isinusunod sa pang-uri.

Ano nga ba ang tinatawag nating pang-uri?


(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
Ang pang-uri ay ang salitang naglalarawan sa
pangngalan.
Halimbawa:
Malupit na di-hamak ang Hapon kaysa
Kastila.
Ano ang pagkakaiba-iba ng Labis,Di-hamak
at Higit/mas na pahayag?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
II.MODERASYON/KATAMTAMAN
-Paghahambing na ginagamitan ng
panlaping ma,sa paggamit ng salitang
medyo na sinusundan ng pang-uri,sa
paggamit ng katagang may na sinusundan
ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng
mga panlaping kabilaan ka-/-han.

Halimbawa:
1. Mabuti-buti na ngayon ang kaniyang
kalagayan.
2. Medyo masama ang aking pakiramdam.
Sinong maaaring magbigay pa ng ibang
halimbawa nito?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)

III.PASUKDOL
-Pinakamataas na atas ng
paghahambing.
A.PANLAPI
Ano nga ba ang panlapi?
(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)

“KA-AN/-HAN”
-Ikinakabit sa salitang-ugat na
pangngalan p pang-uring payak at saka
inuulit.may diing mariin sa ka.

Halimbawa :
Kabait-baitan
kataas-taasan
“NAPAKA”
-kapag ikinabit sa salitang-ugat pangngalan
o pang-uring payak,ito ay may diwang
pagsisi,padaing o pahanga.

Halimbawa:
Napakasakit
Napakalungkot

Gamitin mo nga ang salitang Napakasakit sa (Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)


isang pangungusap.
-Inauunlapi ito sa inuulit na salitang-ugat.
“PAGKA”
Halimbawa:
Pagkakalakas-lakas
Pagkasama-sama

“PINAKA”
-inuunlapi sa mga payak na pang-uri
at ilan sa mga maylapi,lalo na sa may
panlaping ma.Nagbibigay ito ng katuturang
pangingibabaw ng uri sa mga kasamahan.

Halimbawa:
Pinakamasipag
Pinakatamad

(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)


Maaari mo ba itong gawan ng pangungusap?
“ANONG”
B.SALITA O PARIRALA -Ang gamit nito ay hindi pagtatanong kundi
paghanga, pahinagpis o pasisi.

Halimbawa:
Anong buti!
Anong swerte!

(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)


Sinong may alam pa ng pariralang anong?
“LUBHA”
-Sa panukdulan,ito’y di na kailangang
pangunahan pa ng panalungat na di.

Halimbawa:
Lubhang magaling ang batang iyan.

“TOTOO”
-Katulad din ng lubha.

Halimbawa:
Totoong masipag si Camille sa klase.

Sinong may karagdagang halimbawa sa (Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)


salitang totoo?
-Dapat sundan ng panandang ng ang
“UBOD,SAKDAL,LABIS,HARI” mga ito bago sundan ng salitang-ugat ng
pangngalan o pang-uri.

Halimbawa:
Ubod ng daldal si Ryza Mae.
Sakdal ng bait si Macky.
Labis ang sipag ng kapatid mo.
Hari ng prinsipyo ang ama mo.

(Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)


Iba pang halimbawa?
“WALA”
-Bumubuo ng mga pariralang nasa
antas ng panukdulan kapag inuuna sa
panlaping magkahambingna kasing o mga
salitang panghambing tulad ng
katulad,kapara,kaparis,kahambing.

Halimbawa:
Walang kasindamot ang aming kapit-bahay.
Walang katulad sa linis ang bahay ni
Maribeth.

Sa iyong palagay,bakit kailangan nating (Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)


gumamit ng mga pahambing na salita?

Kung hindi tayo gagamit ng mga


pahambing na salita sa pagtutulad o
pagkukumpara ng mga bagay, ano kaya ang (Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)
maaaring mangyari?

Sa iyong pananaw,mahalaga ba ang


paggamit ng mga salitang pahambing? (Malayang kasagutan ng mga mag-aaral)

D.Aplikasyon

Upang subukin kung higit ninyong


naunawaan ang ating paksa sa araw na
ito.Nais kong kumuha kayo ng isang buong
malinis na papel at sagutan ang mga
sumusunod na pahayag.Nais kong piliin ninyo
ang salitang pahambing na ginamit sa bawat
pangungusap.Bibigyan ko lamang kayo ng
limang (5) minuto upang inyong matapos ang
gawain. Opo, maliwanag po ang inyong panuto.
Maliwanag ba ang aking panuto?

1. Singganda ni Diane ang binibining


iyon.
2. Magkasinglakas sina Ben at Jun.
3. Gapisngi niya ang peklat sa kaniyang
batok.
4. Lalong maganda ang ina kaysa anak.
5. Mabait na di-hamak ang Barley kaysa
Rye.
6. Medyo masama ang kaniyang suot.
7. Napakasakit ng puso ko dahil sinaktan
mo ito ng paulit-ulit.
8. Pinakamabait si Wena sa lahat ng
kaniyang mga kapatid.
9. Lubhang mahal ang bagay na iyan.
10. Walang kaparis ang ganda ng iyong
damit.

SUSI SA PAGWAWASTO:
1. Sing
2. Magkasing
3. Ga
4. Lalo
5. Di-hamak
6. Medyo
7. Napaka
8. Pinaka
9. Lubha
10. Wala

Bahagdan ng Pagkatuto:____________

Paano mo maipakikita ang kahalagahan Maipakikita ko ang kahalagahan ng


ng paggamit ng mga salitang pahambing? paggamit ng mga salitang pahambing sa
pamamagitan ng wasto at tamang paggamit
sa mga salitang ito.

Ang mga pahayag sa paghahambing ay ang


Ano ang mga Pahayag sa Paghahambing? mga sumusunod:
I.Pahambing o Komparatibo
1.Magkatulad 2.Di-magkatulad
Ka Lalo
Magka Di-gasino
Sing Di-gaano
Kasing
Maagsing
Ga
3.Hambingang Palamang
Higit/mas
Labis
di-hamak
II.Moderasyon/Katamtaman
III.Pasukdol
Ka—an/-han
Napaka
Pagka
Pinaka
IV.Salita o Parirala

IV.PAGTATAYA
Panuto:Basahing mabuti ang mga
pahayag.Piliin ang pinaka-angkop na salitang
pahambing sa loob na parentisis.

1. Si Darlene ang (napaka, pinaka)


maganda sa kanilang lahat.
2. Ang Panginoon ang (katas-taasan,
pinakamataas) nating Poong may
Kapal.
3. Mabait na (lalo,di-hamak) ang ibon
kaysa aso.
4. (totoo ,ubod) ng talino si Ana.
5. (walang ,wala) kakupas-kupas ang
kaniyang kagandahan.

Susi sa Pagwawasto:
1. Pinaka
2. Kataas-taasan
3. Di-hamak
4. Ubod
5. Walang

V.Takdang-Aralin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang komiks?
2. Paano bumuo ng isang komiks?
3. Gumawa ng sariling pamantayn/rubrik
sa pagsasagawa ng sariling komiks.
Inihanda ni:
DONNA ROSE T.ALAGAR
GURONG NAGSASANAY
Pinagtibay ni:
Gng. Annie T. Asi
GURONG TAGAPAGSANAY

You might also like