REPLEKSYON

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REPLEKSYON

Ano nga ba ang mga positibo at negatibong naidudulot ng mga makabagong teknolohiya sa mga
kabataan at edukasyon? Paulit-ulit nang winiwika ng ating mga magulang ang mga katagang “Ang
edukasyon ang tanging maipapamana ko sa iyo”. Tunay ngang ang edukasyon ay isang kayamanan na ‘di
mananakaw ninuman. Ito ang sandatang kailangang makamit ng mga kabataan na magsisilbing
panangga nila sa kahirapan

Ang edukasyon ay napakahalaga sapagkat ito ang magiging sandigan ng mga kabataan tungo sa
kaunlaran. Ang mga kabataang ito ang magsisilbing susi upang umunlad ang ating lupang sinilangan.
Mga kabataang makapagbibigay liwanag sa mga mamamayan mula sa madilim na nakaraan. Na
magiging daan patungo sa ating pinakaaasam-asam na pagbabago at kaunlaran.

Sa panahon kung saan ang agham at teknolohiya ay patuloy na sumisibol, iba’t ibang mga
gadgets ang mga naiimbento’t natutuklasan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay na nalilikha
ng tao. Ilan sa mga ito ay ang cell phone, computer pati na rin ang pagtuklas sa internet. Ito ang mga
makabagong bagay na makagpapadali ng ating pamumuhay at ating mga gawain. Sa kasalukuyang
panahon, ito ay kinahuhumalingan ng mga kabataan.

Ang computer ay may napakalaking tulong sa ating mga mag- aaral lalong lalo na sa aspeto ng
pananaliksik. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng maraming aklat para kumuha ng mga kaunting
na impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na kailangang maghalungkat sa mga silid-aklatan upang
maghanap ng mga datos na kinakailangan sa iyong takdang aralin. Puntahan mo lang ang google, isulat
mo lang ang paksa na hinahanap mo, mag-antay ka lang ng ilang sandali, at makikita mo na ang iyong
hinahanap.

You might also like