Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Posisyong Papel sa Malayang Paggamit ng

Internet at Social MediaSa Pag-aaral at


Pagpapahayag

Sa panahon natin ngayon madami nang mga makabagong teknolohiya


ang nabubo at isa na dito ang internet at social media kung saan ay
nakakatulong sa atin ang paggamit nito sa pagaaral, pagsasaliksik at
komunikasyon na mayroong negatibo at positibong epekto sa ating mga
mamamayan na gumagamit nito.

Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na


maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Binubuo ito ng milyon-
milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga
network na may lokal hanggang malawakang saklaw at pinagkakaugnay
Dinadala nito ang mga iba’t ibang impormasyon at serbisyo, katulad ng
online chat at magkakaugnay na mga pahina ng World Wide Web
samantalang ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-
ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga
Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

May mga positibo at negatibong epekto ang Internet at Social Media sa


ating mga mamamayan na gumagamit nito gaya na lamang sa pagaaral,
pagsasaliksik at komunikasyon.

Sa larangan ng pagaaral ay nagdudulot ito ng magandang


kapakinabangan sa mga magaaral sapagkat napapadali ang kanilang
paghahanap ng mga bagay na kailangan nilang malaman gaya na lamang ng
mga bagay na hindi pa nila alam , mga takdang aralin, research paper, mga
proyekto at iba pa.

You might also like