Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Candie Mapili 11-2-2019

12 HAS 4
Eddie Garcia
Si Eduardo Verchez Garcia o mas kilala sa pangalang Eddie
Garcia o “Manoy”ay ipinanganak noong Mayo 2, 1929. Siya ay isang
tanyag na actor, direktor at tagagawa ng pelikula sa Pilipinas. Siya rin
ay kilala bilang “Pinakadakilang Pilipinong Aktor sa Lahat ng Panahon”
dahil sa kanyang humigit-kumulang na 600 na pelikula at karerang
umabot sa pitong dekada. Iba’t ibang papel ang kanyang ginampanan
katulad ng pagiging bakla, kontrabida at bida. Ilan sa mga mahuhusay
niang papel ay ang “Beast of the Yellow Night(1971), “The Woman
Hunt(1972)”, “The Debut(2001)”, at marami pang iba. Tumanggap rin
siya ng maraming parangal na sumasaklaw ng 43 panalo at 38 na
nominasyon galing sa mga tanyag na pagpaparangal. Siya ang nag-
iisang actor na nanalo sa Famas Hall of Fame bilang pinakamahusay na
aktor, pinakamahusay na pagsusporta sa aktor, at pinakamahusay na
director. Siya rin ang nag-iisang Pilipino na nakakuha ng parangal bilang Pinakamahusay na
Aktor sa Asian Film Award.
Si Ginoong Garcia ay ipinanganak sa Naga kina Antonio Garcia at Vicenta Verches.
Nag-aral siya ng elementarya sa Paaralang elementarya ng Sorsogon at lumipat ng Maynila.
Nagtapos siya ng sekondarya at nag-aral ng A.B Psychology ng tatlong taon sa San Beda
College. Siya ay nagkaroon ng unang asawa, Lucilla Scharnberg, ngunit namatay sa sakit na
kanser. Nagkaroon siya ng relasyon kay Lilibeth Romero sa loob ng 33 taon.
Nagsilbi siya bilang isang military policeman sa Philipinne Scouts ngunit nahikayat siya
ng kanyang kaibigan upang sumali sa industriya ng pelikula. Si G. Garcia ay sumali sa mga
nagnanais na maging aktor ni Manuel Conde at na natanggap sa pelikulang “Siete Infantes De
Lara”. Dahil sa kanyang pinagmulan, siya ay kadalasang binibigyan ng pang-kontrabidang
papel. Dinirekta rin niya ang kanyang unang pelikula na “Karugtong ng Kahapon” noong 1961 at
nakuha niya ang unang pagkapanalo bilang pinakamahusay na director noong 1969 sa kanyang
pelikulang “Pinagbuklod ng Langit” sa FAMAS. Siya ay isang mahalagang bahagi noong 1960s-
1980s na tinatawag na “Second Golden Age Of Philippine Cinema”. Iba’t ibang parangal ang
kanyang nakuha kaya naman naging FAMAS hall of famer siya. Nakuha rin niya ang kanyang
unang internasyunal na parangal sa Asia-Pacific Film Festival bilang bidang aktor ng “Bwakaw”.
Siya ay patuloy na lumabas sa mga pelikula at binigyang diin na wala sa kanyang bokabularyo
ang pagreretiro. Ang kanyang huling kilalang pagganap ay ang pelikulang “ML” na pumasok sa
14th Cinemalaya Independent Film Festival.
Noong Hunyo 8, 2019 ay idinala siya sa hospital dahil siya ay natalisod ng cable wire at
tumama ang kanyang ulo sa simento habang sila ay nagtratrabaho sa pelikulang “Rosang
Agimat” ng GMA network. Nagresulta ang aksidente ng pagkabali ng kanyang leeg at cervical at
naging dahilan ng kanyang pagkakoma. Namatay siya noong Hunyo 20, 2019 sa gulang na 90.

You might also like