Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Date/Day: Nov.

27, 2019/Wednesday
Time/Section: 11:10-12:00/Isaiah
Subject: Filipino IV
Quarter: Third Quarter
Teacher: Claire Gernale-Acbang

I. Layunin
A. Nagagamit ang pariralang pang-abay at pandiwa, pariralang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan
F4WG-IIId-e-9
II. Paksang Aralin
A. Paggamit nang Pariralang Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos
B. Pahina ng LAMP-
C. Kagamitan: Tsart sa Filipino Tsart, larawan, kuwento

III. Pamamaraan

A. Paunang Gawain
1. Balik Aral
Muling balikan ang pagsulat ng Editoryal
2. Paghawan ng Balakid
-walang mintis
-nagdadadamba
-patibong
3. Pagganyak
Sino ang may hardin sa bakuran ng inyong bahay?
Kung wala kayo sa inyong bakuran, nakapasyal na ba kayo sa ating gulayan sa paaralan?
4. Pangganyak na tanong:
Ano-ano ang inyong makikita sa harden?
B. Pag-unlad ng Aralin

1. Pagtatalakay
Ano ang ginawa ng tauhan sa pahinang ito?
Ilarawan ang kilos na isinagawa sa ipinakitang pahina.
Ano ang salitang kilos ang binanggit dito?
Paano inilalarawan ang bawat kilos?
Basahin muli ang mga sumusunod na salita
dahan-dahang naglakad
pausad-usad na gumapang
Ano ang napapansin nyo sa mga salitang may salungguhit?
Anong tanong ang sinasagot ng mga ito?
2. Paglinang na Kasanayan
Basahin ang mga pangungusap na hinango buhat sa kwento.. Bilugan ang pariralang pang-abay
na naglalarawan ng kilos.
1. Mahusay na nag-isip si Mang Atong kung paano niya mahuhuli ang mga tipaklong.
2. Habang kumakain ng kangkong si Tipaklong mabilis itong nahuli ni Mang Atong.
3. Paluhod na nagmamakaawa si Tipaklong na siya ay pakawalan.
4. Matiyagang binungkal ni Tipaklong ang lupa at tumulong siya sa pagdidilig ng mga halaman.
5. Patalon-talong sumasayaw si Talong habang kumakanta si Okra.

3. Paglalahat
Ano ang pang-abay?
(Pang-abay ang tawag sa mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa)
Anong tanong ang sinasagot nito?
(Paano)?
4. Paglalapat
Pangkatang Gawain
5. Pagtataya
Basahin ang mga pangungusap.Bilugan ang mga pariralang pang-abay na naglalarawan ng kilos.
1. Mahusay sumayaw si Karen.
2. Taimtim na nagdasal ang mga tao upang tumigil na ang ulan.
3. Masayang nagkikita-kita sila tuwing Linggo.
4. Ang bata ay pagapang na kinuha ang kanyang gatas.
5. Maingat na ibinalik ni Jose ang hiniram na aklat.
IV. Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan upang maging maunlad ang lahat.
Gumamit ng mga pariralang pang-abay na naglalarawan ng kilos.

You might also like