Professional Documents
Culture Documents
Metro Manila Sinematograpiya
Metro Manila Sinematograpiya
Metro Manila Sinematograpiya
SINEMATOGRAPIYA
Ang pelikulang Metro Manila ni Sean Ellis ay sumasalamin
sa isyo ng kahirapan kung kayat mapapansin na ang
pinangyarihan ng mga eksena ay pinadillim. Mapapansin
natin na nag-umpisa ang pelikula ng may nagsasalaysay,
may mga parte din dito na kung saan may nagsasalaysay
kapag nagbabalik tanaw sa mga pangyayari o kaya’y
nagpapakita ng mga alaala na talaga namang nakaka-agaw
pansin sa mga manonuod. Ang pagkakaangkop ng mga
tunog na ginamit sa eksenang aksyon sa pelikula ay
nakadagdag epekto sa mga manunuod. Napakahusay ng
paggalaw ng kamara at transisyon ng mga eksena sa tuwing
nagbabalik tanaw ang mga tauhan. Ang mga lugar na
naitampok sa pelikula ay nakatulong sa pag-bibigay diin ng
mensahe nito, ang kahirapan.