tunay na nag-uugat sa kaniyang pagkatao. Likas sa tao ang pagiging maganda o mabuti dahil may paniniwala na ang lahat ng nilikha ng Diyos ay kaaya-aya, maayos at may angking kabutihan. Kaya naman ang tao ay ginawa bilang tagapangasiwa ng mga nilalang dito sa sanlibutan. Ang tao bilang persona ayon kay Santo Tomas de Aquinas ay indibidwal na maaaring tumindig sa sarili niya dahil sa kaniyang kamalayan at kalayaan. Ang tao dahil siya ay persona ay orihinal ang kabutihan at ang paggawa ng mabuti ay pagpakapersona o pagpapakatao (Dy, 2012). Ang angking kabutihan o kagandahang-loob ng tao ay nakaugat sa kaniyang loob. Ang loob ng tao ang siyang nagsisilbing munting tinig na gagabay o gumagabay sa bawat kilos nito. Ang pagkakaroon ng likas na kagandahang-loob ang magbibigay-daan para sa pakikipagkapuwa. At ang pakikipagkapwa-tao ang siyang magbibigay ng kaligayahan sa tao na siyang huling layunin o hantungan niya. Ang Kabutihan o Kagandahang-loob bilang Ekspresyon ng Mga Magandang Buhay Ang kagandahang-loob sa kapuwa ay isang ekspresyon ng kagandahan ng buhay. Ang kabutihan o kagandahang loob ay maipaliliwanag sa iba’t ibang pagkaunawa: 1. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos na manlilikha. Ang kagandahang-loob o kabutihan ay likas na kaloob ng Diyos sa tao. Kaya naman ang tao ay pinagkalooban ng ispiritwal at material na kabutihan. 2. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay ang pinag- uugatan ng mabuti at magandang pag-iisip, damdamin at gawa ng tao habang namumuhay ito nang matiwasay 3. Ang kabutihan o kagandahang-loob ay hindi magiging ganap kung hindi Ito maipamamalas sa iba. Ito ay nararapat na magmula sa kalooban at maibahagi sa kapwa para sa kabutihang panlahat. 4. Ang kabutihan o kagandahang-loob at mabuting buhay ay nakasalalay sa antas ng kamalayan o pang-unawa kung ano nga ba talaga ang mabuti. (Alejo, 1990)
Ang Kabutihan o Kagandahang-loob sa
Kapwa Ang tao upang maging makatao ay nararapat na tunay na mabuti sa kapwa. Ang kagandahang- loob ay hindi patungkol sa sarili lamang. Sa halip, ito ay patungo sa kabutihang panlahat. Ang tunay na paggawa ng kabutihan o kagandahang-loob ay nangangailangan ng pagsasakripisyo. Dumarating sa punto na kailangang kalimutan mo ang sarili alang-alang sa ikabubuti ng iba. Ang kagandahang-loob ay Kadalasan ang paggawa ng matutunghayan sa iba’t kabutihan ay nagkakaroon ng ibang pa pamamaraan ng limitasyon. Nanaisin na lamang pagmamahal at pagkalinga natin gumawa o magpakabuti sa kapuwa. Makikita rin ito sa mga taong alam nating sa maayos at mapayapang masusuklian ang hating pamumuhay o pakikitungo ginawa. Sa pagkakataong sa kapitbahay at iba pang masusubok ang ating pagpapakatatao: kung likas kasapi ng pamayanan. tayong may kabutihan o Maipamamalas din ito sa kagandahang loob. pamamagitan ng pagmamalasakit sa mga palaboy sa lipunan. Ang kagandahang-loob ay di lamang para sa tao kundi sa ating kalikasan na nangangailangan ng ating pag-aaruga.