Thesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO

Kabacan, Cotabato

PAMAMARAAN NG MGA ILONGGO SA RITWAL NA PANGGAGAMOT:

ISANG PAGSASALIN AT PAGSUSURI

DALUMPINES, MARK ANTHONY

FORTES, HAUIE CLYDE

GALAN, JAYSON JOHN

GALILE, KRISTIAN REY

FAELDOÑA, DARRIEL

SEMILLA, APRIL JOY

SELOVERES, CYREL

VENTURA, STEPHEN

PATRIARCA, AR-JAY

AMBONG, JOMARIE

BAYUBAY, FEDMER

ALVERO, NERJONE

GALVE, RIZA MAE

CULTURA, RANYL

CASTOR, EDELYN

PACA, JOHN RAY

JAVISON, LEO

November 2019

1
INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang ritwal na panggagamot ay isang pangkalusugan na patungkol sa

panunumbalik at pagpapatuloy ng kalusugan at kagalingan ng isang indibidwal. Ito

ay nabibilang sa tradisyonal na paggagamot na kung saan bahagi na ito ng isang

kultura ng grupong nasasakupan. Binubuo ito ng tradisyunal na kaalaman,

kasanayan , at praktikal na panggagamot gamit ang pamahiin, paniniwala at

karanasang katutubo mula sa iba’t ibang kultura upang mapanatili ang mabuting

kalusugan sa pamamagitan ng pagbibigay-lunas. Sa tradisyonal na panggagamot

tinatawag ang mga manggagamot bilang isang manghihilot, mangtatawas,

magbubuga, manggagamot ng tuklaw ng ahas at ugam o “albularyo” sa kabuoan

sapagkat nakadipindi ito sa isang wika na ginagamit at kultura.

Nagmula pa noong unang panahon ang sakit ay bahagi na ng buhay ng tao.

Sa katunayan kahit anong pag-iwas na gawin ng tao hindi ito matatakasan ang mga

karamdaman sa kanyang paligid. Patuloy nating nilalabanan ang mga sakuna upang

ipagpatuloy ang ating pamumuhay para sa ating pamilya at sa ating bansa. Ayon

kay F. Landa Jocano(1966) nabanggit sa pananaliksik ni R. Tiston “The Psychology

of the Tambalan in Leyte”ang sakit ay isa sa unibersal na karanasan at ang paglitaw

nito ay maituturin bilang pasakit sa tao. At mapanatiling buhay ang tao sa lipunan ay

patuloy silang naghahanap ng mga solusyon ukol dito. Kung saan madalas, ang

mga solusyong ito ay palaging kinapapaloobab ng paniniwala, kaalaman, at

pamamaraan upang maging ipiktibong ganap(1983).

2
Ayon sa paniniwala ng mga sinaunang tao na ang sanhi ng sakit ng isang

indibidwal ay bunsod ng galit ng kanilang pinaniniwalang diyos-diyosan dahil sa

maling gawi ng mga mamamayan nito, sakit na dala ng mga ninuno at ilang espiritu

sa paniniwala nilang sila ay kinalimutan ng kamag-anak nito , sakit na likha ng

kapwa tao gaya ng mangkukulam, mata diablo, pagsanib ng masamang espirito sa

katawan ng tao at pagkawala ng balanse ng katawan dala ng labis na lamig at init na

nananalaytay dito. Subalit ang lahat ay nakadipindi sa ating paniniwala na kung

saang pangkat tayo nabibilang.

Ayon kay R. Safra, ang kasaysayan ng tradisyunal na panggagamot sa

Pilipinas ay iniuugnay sa kapangyarihan, relihiyon, hiwaga, at paniniwala. Nakabatay

ang mga paraan ng panggagamot sa iba’t-ibang pangkat ng kultura sa isang lipunan.

Sa pangkat ng mga Ilonggo, ay may iba’t-ibang ritwal na paraan na panggagamot.

Ito ay may kaugnay sa Negros Occidental, Bacolod, Ilo-ilo, Capiz at Mindanao tulad

ng Koronadal , Timog Cotabato, Sultan Kudarat at ganon na rin sa malaking parte ng

Hilagang Cotabato. Kilala dito ang mga manggagamot sa tawag na

albularyo,manghihilot, mangnanawas at iba pa. sila ay may iba’t ibang paraan ng

paggagamot. Subalit sa pagtakbo ng panahon unti-unti ring nagbabago at nawawala

ang mga riwal na ito dahil na rin sa mga makabagong medisina. Kung kaya’t ang

mga iloggo ay nagsisikap na hindi mawala ang mga paniniwalang ito dahil ito ang

mga kaugaliang namana sa mga kaninuuan natin noong unang panahon.

3
Layunin ng Pag-aaral:

1. makalikom ng mga pamamaraan sa ritwal na panggagamot ng mga Ilonggo.

2. maisalin sa wikang Filipino ang mga pamamaraan sa ritwal na pangagamot

ng mga Ilonggo.

3. Matukoy ang mga paksa at mensahe ng mga pamamaraan sa ritwal na

pangagamot ng mga Ilonggo.

4. Masuri ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa bawat pamamaraan sa

ritwal na pangagamot ng mga Ilonggo batay sa:

a. Pagpapahalaga sa Kapwa(Panlipunan)

b. Pagpapahalaga sa Diyos(Panrelihiyon)

c. Pagpapahalaga sa Kabutihang-asal(Moral)

Kahalagahan sa Pag-aaral

Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga ritwal na panggagamot ng mga

ilonggo sa kultura at kasaysayan ng mga ilonggo. Ito ay mga paniniwala at mga

nakagawiang gawain ng mga ilonggo sa tuwing sila ay magkasakit o may

dinadamdam. Ang pag-aaral sa mga ritwal na panggagamot ng mga ilonggo ay may

malaking ambag para mapalawak ang ating kaalaman at ating mabalikan ang mga

posibling paraan ng panggagamot na kinagawiang ginagawa nong di pa lumaganap

ang agham at medisina. Isa na rito ay upang malaman ang iba’t ibang uri ng

traditional na panggagamot ng mga ilonggo na unti unti nang nawawala at

napapalitan ng modernong medisina.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mamamayan upang

mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa medisina lalong lalo na sa mga

estudyante sa hinaharap na may interes sa ganitong uri ng pag-aaral.

4
Kaugnay na Pag aaral

Isang artikulo na inilathala noong (JAMA Marso 4, 1998) ay nagsabi: “Para sa

maraming maysakit na pinahihirapan ng malulubhang karamdaman na walang

espesipikong resulta ng pagsusuri, ang homeopathy ay maaaring isang mahalaga at

kapaki-pakinabang na mapagpipiliang paraan ng paggamot. Kung hindi

pasosobrahan ang gamit nito, makatutulong anghomeopathy sa makabagong

paggamot na magsisilbing ‘isang karagdagang kasangkapang magagamit.’”

Gayunman, sa posibleng agaw-buhay na mga kalagayan, higit na may-katalinuhan

ang paggamit sa pangkaraniwang mga paraan ng paggamot.

Ang homeopathy ay nabuo noong dekada ng 1700 bilang isang uri ng

paggamot na mas magaan at banayad kaysa sa popular na paggamot na ginagamit

noong panahong iyon. Ang homeopathy ay nakasalig sa prinsipyong “pinagagaling

ng isang bagay ang kauri nito” at sa teoriya ng kaunting dosis. Ang homeopathy na

mga panlunas ay ginagawa sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbabanto sa isang

nakapagpapagaling na sangkap—kung minsan, labis na binabantuan ito anupat

wala nang natitira maging ang isang molekula ng orihinal na sangkap.

5
Kaugnay na Literatura

Kung ang mga doktor ay may general practitioner, sa faith healing, ang

albularyo ang masasabing katapat nito. Mga medicinal herbs ang kadalasang

ginagamit ng isang albularyo sa panggagamot. Madalas na takbuhan ang albularyo

ng mga tao sa isang lugar, lalo na sa mga baryo na walang nakukuhang tulong mula

sa gobyerno kaugnay ng problema nila sa kalusugan. Ang iba naman ay sinasabing

may abilidad talaga sa panggagamot matapos ipamana ito ng isang kakaibang

nilalang.

Kadalasan, ang mga albularyo ay walang pormal na edukasyon. Ang kanilang

mga ginagawang panggagamot ay mga namana nang panggagamot mula sa mga

nakakatanda.Dahil na rin sa pagsusumigasig, naging pamilyar na ang isang

albularyo sa mga ritwal, sa umano’y karamdaman ng isang pasyente at ang paraan

ng paggagamot kagaya ng dasal, bulong orasyon at paggamit ng mga medicinal

plants. Ang iba naman ay naging gamay na ang pagkuha ng pulso para malaman

ang sakit ng isang pasyente. Nag-iiba rin ang itinuturo ng albularyo na sanhi ng

pagkakasakit ng isang tao, depende sa paniniwala ng isang lugar sa mga kakaibang

nilalang kagaya ng dwende, nuno sa punso, lamang lupa, tikbalang at kapre.

Kabilang sa mga ritwal na ginagawa ng albularyo sa kanyang panggagamot ay

tawas at luop samantalang ang ginagamitan naman niya ito ng iba’t-ibang panlunas

kagaya ng tapal, lunas, kudlit, pangkontra, bulong at orasyon. Kadalasang maririnig

sa albularyo na ang sanhi ng pagkakasakit ay na-nuno, na-dwende at na-lamang-

lupa.

Ang mga espiritista ay sinasabing nabibilang sa isang sekta at nagmula sa

Europa. Nauso ang mga espiritista sa pagsapit ng 20th century. Kabilang umano sa

6
mga prominenteng miyembro ng mga espiritista ay sina Isabelo de los Reyes, ang

iskultor na si Guillermo Tolentino, at isang naging gobernador ng Pangasinan. Sikat

ang mga espiritista sa Northern Luzon, partikular sa Pangasinan.Gumagamit sila ng

“séances” para makipag-usap sa mga patay o sa iba pang ispiritu. Nanggagamot din

ang mga espiritistas. Galing sa grupo ng espiritista ang kauna-unahang psyhic

surgeon na si Eleuterio Terte na nakilala noong 1950s. Karamihan ng mga naunang

psychic surgeons ay nagmula sa Northern Luzon at kalaunan ay kumalat na sa iba’t-

ibang parte ng bansa hanggang ang mga ito ay naging popular noong 1980s at early

1990.

Ang tawas ay isang popular na diagnostic na ritwal na isinasagawa ng

karamihang alternative healers’ para magbigay ng clue ng sanhi o kadahilanan ng

sakit ng isang pasyente. Nakuha ang pangalan ng pagtatawas sa salitang alum, o

crystalline double sulfate ng aluminum at potassium at mula nga noon ekslusibong

ginamit na ito sa diagnostic ritual. Sa ngayon, ang tawas ay ginagamit sa diagnostic

ritual o pamamaraan gamit ang iba’t-ibang bagay gaya ng kandila, itlog, salamin,

plain paper, balat ng sigarilyo at alum. Kadalasan, limitado lamang ang ginagawa ng

mga hilot sa mga nararamdamang sakit sa katawan na naiibsan sa pamamagitan ng

panghihilot at masahe. Kabilang sa mga kagamitan ng isang hilot ay isang anting-

anting, isang “empowered” cane, isang nazarene-garb na pinamana ng isang guro at

mga ilang ritwal para malaman ang karamdaman. Isang sinaunang teknik ng

pagmamasahe ay paggamit ng simbolo ng krus, koronang tinik, rosaryo at ang

pagpako ng kamay at paa. Kadalasang ginagamit ng manghihilot ang langis ng

niyog at mga dahon na ginagawang pantapal sa apektadong parte ng katawan.

Nilalapitan ang manghihilot sa mga pilay, tapilok, nabalian at pagmamasahe.

7
Ang mangluluop ay isang espesyalista para malaman ang sanhi ng isang

karamdaman sa pamamagitan ng ritwal na luop. Kabilang sa ginagamit sa ritwal ay

ang kalanghuga, isang klase ng shell mula sa tubig tabang o tubig alat, asin, para

umano manghina ang mga supernatural spirits, benditang palaspas, uling mula sa

bao ng niyog, tingting at isang lata. Paghahalu-haluin ang mga sangkap sa lata at ito

ay dadasalan at resulta ay base sa itsura ng pinagsama-samang sangkap sa lata.

Pagkatapos nito, papayuhan ng mangluluop ang pasyente ng nararapat niyang

gawin. Pagkatapos isagawa ang ritwal, dudurugin ang shell habang dinadasalan ang

pasyente. Itatapon ang mga ginamit sa ritwal sa ilalim ng hagdanan para umano

hindi na bumalik ang mga masamang espirito sa bahay. Karaniwang ginagawa sa

panghihilot para malaman ang apektadong parte ng katawan o sala ay ang

panghihila. Minamasahe muna ng langis ng niyog ang apektadong lugar bago

isagawa ang panghihila gamit ang isang salamin, cellophane, at papel ng sigarilyo.

Tinatakpan ng medicinal na dahon ang ginamot na parte pagkatapos ng isinigawang

hilot.

You might also like