Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

University of Perpetual Help System DALTA

Senior High School


Calamba Campus

1
PERSEPSYON SA PANGANGALAGA SA NAKATATANDANG
KAPAMILYA NG MGA PILING MAG-AARAL NG ANTAS
11 NG SENIOR HIGH SCHOOL NG
UPHSD – CALAMBA CAMPUS
PANAHUNANG TAON
2017-2018

Isang Pananaliksik na Inihayag


sa Lupon ng Tagasuri ng Senior High School -
University of Perpetual Help System Dalta-Calamba Campus
Paciano Rizal, Calamba, Laguna

Isang Kahingian sa Asignaturang Filipino -


Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Accountancy, Business, and Management Track

JALEN ROSE A. ANTIOQUIA


KIANNE SHANE MEJICO
ARVIN C. NAMIA
JOSEPH T. NARVAEZ
MARK DAVID M. PASTOLERO
CLARISSE ANN O. PRADAS
DIVINA ANNE A. ROA
PATRICIA MAE M. TANALA

Abril 2018
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

KABANATA 1 2

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

A. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Ang mga Pilipino ay busog sa pagmamahal ng pamilya.

Pamilyang nariyan palagi kahit anong problema ang dumating sa

kanilang mga buhay. Bagama't hindi maiwasan ang alitan sa miyembro

ng isang pamilya, kahit paano nananatili parin silang buo,

nagmamahalan, nagtutulungan at nagkakaisa bilang isang pamilyang

Pilipino. Kagaya ng mga lolo at lola na ang pagmamahal sa kanilang

pamilya ay abot hanggang langit. Ang mga lolo at lola ay

napakamaawain lalo na sa mga apo. Ika nga, "mas mahal pa daw ng

mga lolo at lola ang kanilang apo kaysa sa mga anak nila" Sila ang tipo

ng kapamilya na napakamaunawain at malambot ang puso na kahit

kailan ay aalagaan at susuportahan sa mga bagay na gusto ng

kapamilya nila. Sa pagmamahal ng bawat kapamilya sa bawa’t isa ay

nagiging dahilan upang magsasama sama ang mga ito hanggang dulo.

Mula sa lolo at lola, mga magulang, mga anak lahat ito ay nagsama

sama sa isang bahay upang mapakita kung gaano nila kamahal ang isa’t

isa at para maalagaan nila ang isa’t isa hanggang sa pagtanda.


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

Sa panahon ngayon mayroon parin mga pamilya na kasama ang 3


kanilang lolo at lola sa kanilang mga tahanan ngunit ano ba ang

persepsyon ng mga mag-aaral na kasama ang kanilang lolo at lola sa

tahanan. Sa pagtanda ng kanilang mga lolo at lola pahina na ng pahina

ang mga ito at mas nangangailangan na ng tulong sa nakakabata. May

iba’t – ibang persepsyon ang mga kabataan o mga mag-aaral ukol sa

pangangalaga ng nakatatanda nilang mga kapamilya.

B. Paglalahad ng Suliranin

Sa paglipas ng panahon maraming nagbabago sa persepsyong

ng mga tao. Sa panahon ngayon, nagbabago na ang persepyon ng mga

mag-aaral ukol sa pangangalaga sa mga nakatatandang kapamilya. Sa

pag-aaral na ito ay may layunin na malaman ang mga kasagutan sa

tanong na kung marami pa bang pamilyang Pilipino ang kasama ang

kanilang mga lolo at lola sa kanilang mga tahanan. Nais din malaman ng

pag-aaral na ito ang opinyon ng mga mag-aaral sa pangangalaga sa

kanilang nakatatandang kapamilya. Dahil nga sa mga pagbabago dulot

ng oras at panahon, nais din malaman ng pag-aaral na ito kung marami

pa bang mag-aaral na gugustuhin na makasama ang kanilang mga

nakatatandang kapamilya sa kanilang mga tahanan.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagot ang mga

sumusunod na katanungan:
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

1. Marami pa bang pamilyang Pilipino ang kasama ang 4


kanilang mga lolo at lola sa kanilang mga tahanan?

2. Ano ang opinyon ng mga mag-aaral sa

pangangalaga sa kanilang nakatatandang kapamilya?

3. Marami pa bang mag-aaral ang gugustuhin na

makasama ang kanilang mga nakatatandang kapamilya sa kanilang

mga tahanan?

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito ay naglalayong makatulong sa mga apo, sa

anak ng nakatatandang kapamilya, at para sa mga susunod na

mananaliksik:

1. Sa mga apo - makakatulong ang pananaliksik na ito upang lalong

mapalawak ang kanilang mga kaalaman kung paano maging

isang mabuting apo. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang

malaman ang persepsyong ng ibang mga apo sa pagkakaroon ng

nakatatandang kapamilya sa loob ng kanilang tahanan.

2. Sa mga anak ng mga matatanda - ang pananaliksik na ito ay

makakatulong dahil magkakaroon sila ng kaalaman kung ano ang

maari nilang ibahagi sa kanilang mga anak tungo sa wastong

pangangalaga sa mga matatanda at mahikayat na maging isang

mabuting apo. ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa buong


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

pamilya upang malaman kung ano ang persepyon ng mga- 5


magaaral na makakatulong upang magtulungan sa pangangalaga

ng nakatatandang kapamilya.

3. Sa mga susunod na mananaliksik- ang pag-aaral na ito ay

makapagbibigay ng mga bagong kaalaman at mga impormasyon

kung paano mapangangalagaan ng mahusay ang mga

matatanda. Bukod dito, upang malaman at gabayan kung paano

magsagawa ng isang pag-aaral tungkol sa persepsyon nsa

pangangalaga sa nakatatandang kapamilya ng mga piling

magaaral.

D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Literatura

Iba’t ibang katangian ang meron ang mga Pilipino. Ayon kay Gene

Dela Paz (2015), mayroon iba’t ibang katangian ang mga Pilipino ang

ilan dito ay ang pagiging maka-Diyos, mapagmahal sa kanilang mga

pamilya, matulungin, matatag sa mga suliranin kanilang hinaharap, at

ang pagkakaroon ng utang na loob sa mga tao. Ayon naman kina

Jezelle Acusin, Chaps Bersales, Denisse Duque, Sharie

Manalansang, James Virtudes , Christian Domingo (2015), ang mga

katangian daw ng mga Pilipino ay ang pagiging positibo at masayahin,

pagiging matulungin, pagiging malikhain, pagiging mapagmahal sa


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

kanilang mga pamilya, pagiging maka-Diyos, pagiging magalang, at 6


pagiging makabayan. Ang mga Pilipino ay sadyang mapagmahal

pagdating sa kanilang mga pamilya. Hanggang sa pagtanda ng kanilang

mga kapamilya ay hindi parin nagwawakas ang kanilang pagmamahal

para dito.

Sa ibang mga bahay ng mga Pilipino hindi lamang ito tinitirahan

ng ama, ina, at anak lamang. May ibang mga bahay kung saan ang ama,

ina ata anak ay kasama ang kanilang lolo at lola sa kanilang bahay

tinatawag ang ganitong uri ng pamilya bilang “extended family”. Ayon

kay Jeffrey Hays (2008), matibay ang relasyon ng mga Pilipino sa

kanilang mga pamilya. Naging parte na sa ibang mga Pilipino ang

pagkakaroon ng “extended family” sa kanilang mga bahay. Nakaugalian

na ng mga pamilya sa Pilipino na habang bata pa ang mga anak ay

aalagan ng kanilang mga magulang at paglaki naman ng mga anak ay

kanila namang aalagaan ang kanilang mga magulang. Dahil sa

nakaugalian ng mga Pilipino ito, mas pinipili nilang makasama ang

kanilang mga magulang kahit magkaroon man ang mga anak ng kani-

kanilang sariling pamilya.

Sa isang pahayagan sinabi ni Bobby Tagulinao ng Couples of

Christ Foundation for Family and Life (2015), mayroon daw mga

maganda at hindi magandang dulot ang pagkakaroon ng “extended

family”. Magandang dulot nito ay kapag ang anak ay may tampo sa


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

kanilang mga magulang at kailangan humingi ng saloobin at payo, sa 7


kanilang lolo at lola na lamang sila hihingi at hindi sa kanilang mga

kaibigan. Isa pang magandang dulot ay mas matututukan ang pagaalaga

sa mga lolo at lola dahil sariling kapamilya ang magaalaga at hindi ibang

tao. Ang hindi naman magandang dulot ng pagkakaroon ng “extended

family” ay pagkakaroon ng samo’t saring mga payo na hindi lahat ay

nagkakasundo at hindi lahat ay nagugustuhan kung kaya’t nagkakaroon

ng hindi pagkakaintindihan. Ngunit sa dulo ang pagmamahal sa pamilya

ang mas mamamayani sa hindi pagkakaintindihan. Ayon kina Ryan

Enriquez, Nathaniel Lorenz Flores, Noel Joseph Galido, Rica Jimenez,

Maria Luzviminda Paican, Bryan Vergara (2015), kahit naimpluwesyahan

man ng mga tiga ibang bansa ang mga Pilipino hindi parin nagbabago

ang pagpapahalaga ng mga ito sa kanilang mga pamilya.

Pag-aaral

Sa isang pagaaral na isinagawa ni Mohammad Taghi Sheykhi

(2006), ang nakakatanda raw ay mas gustong mapalapit at makasama

ang kanilang pamilya lalo na at sila ay tumatanda at humihina. Ayon

naman kina Premehand Dommaraju at JooEan Tan (2014), sa relasyon

ng mga pamilya ngayon ay may pagbabago ngunit hindi ito nagbabago

ng mabilisan. Hindi man gaano napapansin ngunit may mga pagbabago

sa pagsasama ng mga pamilya. Mayroong mga pamilya na kasama ang

lolo at lola sa bahay, mayroon naman agad na humihiwalay ang anak sa


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

mga magulang. Sa isang pagaaral naman na ginawa ni Roberta Sands, 8


Robin Goldenberg-Glen, at Heajong Shin (2009), na kapag ang isang

bata daw ay lumaki kasama ang kaniyang lolo at lola nagkakaroon daw

ito ng katangian na mas maging matatag. Sa pag-aaral nina Smith,

Toseland at McCallion (2001), mas nadarama ng isa nakatatanda ang

pagmamahal kapag ang nagaalaga sakanya ay ang kaniyang pamilya.

Ayon naman kay Tamara Smith (2011), mas nagiging positibo ang

pananaw ng isang bata kapag nakasama niya ang kaniyang lolo at lola

sa paglaki.

E. Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas

Teoretikal na Gabay

Ang teoryang gagamitin sa pananaliksik na ito ay ang “Bowen

Family Systems Theory.” Ayon kay Bowen, ang tearyang ito ay isang

teoryan na tumatalakay sa pag-uugali ng isang tao. Ayon sa teryong ito.

sa pagtagal ng panahon nagbabago ang emosyonal na pagdama ng

isang tao na isang parte sa pagbuo ng isang relasyon.

Ito ang teoryang ginamit sa pag-aaral na ito upang malaman kung

sa panahon ngayon paano nab a pinapahalagahan ng mga mag-aaral

ang relasyon nila sa kanilang mga nakatatandang kapamilya.


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

Konseptuwal na Balangkas 9

INPUT PROCESS OUTPUT

1. Marami pa bang
Pagsasagawa 1. Maraming
pamilyang Pilipino
ng sarbey o pamilyang Pilipino
ang kasama ang
interbyu ay kasama parin
kanilang mga lolo at
ang kanilang
lola sa kanilang
nakatatandang
mga tahanan?
kapamilya sa
2. Ano ang opinyon kanilang mga
ng mga mag-aaral tahanan.
sa pangangalaga 2. Masaya at payag
sa kanilang parin ang mga mag-
nakatatandang aaral sa
kapamilya? pangagalaga sa
3. Marami pa bang kanilang mga
mag-aaral ang nakatatandang
gugustuhin na kapamilya.
makasama ang 3. Marami pang
kanilang mga mag-aaral ang
nakatatandang pipiliin ay
kapamilya sa makasama at
kanilang mga alagaan ang
tahanan? kanilang
nakatatandang
kapamilya.

FEEDBACK

Nakapaloob sa konseptuwal na balangkas ay ang mga

katanungan ng pananaliksik na ito, paraan upang mabigyang sagot ang


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

pananaliksik at ang hinuha ng mga mananaliksik ukol sa mga 10


katanungan.

F. Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nais malaman ang pakikitungo at

pangangalaga ng mga kabataan sa kanilang mga lolo at lola. Ang mga

respondente sa pag-aaral na ito ay magmumula sa mga piling mag-aaral

ng University of Perpetual Help System Dalta - Calamba Campus na

nasa antas 11.

G. Daloy ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mayroong apat na kabanata. Ang bawat

kabanata ay naglalaman ng:

1. Sa unang kabanata dito ilalahad ang suliranin at sanligan ng pag-

aaral. Ipapakita rin sa kabanatang ito ang layunin at kahalagahan

ng pag-aaral. Ito ay susundan ng mga literatura na maiuugnay sa

nasabing paksa upang mas mapalawak at maging malinaw ito.

Nakalahad din dito ang isang tsart kung saan ipapakita ang

balangkas ng pananaliksik upang maging gabay. Kasunod nito ay

ang sakop at delimitasyon ng pag-aaral upang malaman kung

sino ang magiging parte at kung sino ang pagkukunan ng mga

datos na gagamitin sa pag-aaral.


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

2. Sa ikalawang kabanata nakapaloob ang disenyo at pamamaraan 11


ng pananaliksik. Ilalahad din dito ang lokal at populasyon ng

pananaliksik, kasangkapan at paraan ng paglikom ng datos, at

paraan sa pagsusuri ng datos

3. Sa ikatlong kabanata dito ipapakita ng resulta at diskusyon ng

mga nakalap na mga datos.

4. Ang huling kabanata dito ilalahad ang lagom, konklusyon, at

rekomendasyon ng pananaliksik.
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

KABANATA II 12

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, ginamit ng mga

mananaliksik ang uri ng pananaliksik ng kuwalitatibo na nakatuon sa

paglikom ng mga datos sa pamamagitan ng mga talatanungan na

pupunan ng mga respondente at siyang panggagalingan ng mga datos.

Ang disenyo ng pananaliksik ay isang normative study dahil ang paksa

ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa kultura ng mga Pilipino. Ang

pananaliksik na ito ay inilaan upang magbigay ng karagdagang

impormasyon tungkol sa mga partikular na katangian sa loob ng isang

partikular na larangan ng pag-aaral

B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na isasagawa, ang mga respondente ay mga mag-

aaral ng University of Perpetual Help System Dalta – Calamba Campus

na nasa antas 11 ng panahunang taong 2017-2018. Kukuha ng tatlong

mag-aaral sa bawat dalawang seksyon ng bawat strand ng antas 11.

Magkakaroon ng 30 na respondente at sila ang magiging respondente

na gagamitin upang makakuha ng datos para sa pag-aaral.


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos 13

Ang pangunahing instrumento na gagamitin ng mga mananaliksik

ay ang paggamit ng talatanungan o questionnaire na kung saan

nakasulat ang mga tanong na gagamitin sa pagsagot sa paksang

pinagaaralan. Ang mga mananaliksik ay magsasarbey upang

makapaglikom ng impormasyon tungkol sa paksa.

D. Paraan sa Paglikom ng Datos

Magbibigay ang mga mangangalap ng kaalaman sa may

awtoridad ng sulat pangkaalaman na sila ay magsasagawa ng pag-aaral

sa loob ng unibersidad. Matapos ipapaalam nila sa mga respondente na

sila ang napili para sa kanilang pag-aaral. Ibibigay na nila ang mga

katanungan sa mga respondente at matapos itong masagutan ay agad

kukunin muli ang mga talatanungan upang maiayos na ang mga datos at

masagutan ang mga katanungan ng pananaliksik.

E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Kapag nalikom na ang mga talatanungan mula sa mga

respondente, aayusin na nga mga mananaliksik ang mga datos na

kanilang nakuha. Pagsasama-samahin ang mga sagot na

magkakaparehas at magkakaugnay at kukunin din ang mga kasagutan

upang mailagay sa kabanata tatlo. Matapos pagsama-samahin, titignan

naman kung anong kasagutan ang mayroong pinakamaraming tugon.


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

Pagkatapos nito muling susuriin ang resulta upang malaman ang 14


kasagutan sa mga katanungan ng pananaliksik.
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

Kabanata III 15

Resulta at Diskusyon

1. Marami pa bang Pilipinong kasama ang kanilang lolo at lola sa

kanilang mga tahanan?

A. Oo – 16 na sagot

"Marami pa"

"Oo dahil karamiham sa pamilyang pilipino ay gustong makapiling

ang kanilang lolo at lola"

"Oo naman"

”Oo”

“Opo”

“Oo ata”

B.Hindi - 7 na sagot

"Hindi"

“Hindi.”

"Hindi na dahil karamihan bukod sila sa kanilang Grandparents"

“Bihira nalang.”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Kokonti na lang ang may kasamang lolo at lola dahil nawawala 16


na agad yung iba.”

“Kaunti na.”

“May pailan- ilan.”

C. Siguro - 5 na sagot

"Siguro"

"Siguro"

"Siguro kase uso naman ang extended family sa panahon

ngayon"

"Marami rami pa naman siguro,dahil ako kasama ko lola ko"

"Siguro po, sa pamilya namin kasi kasama aming lola."

D. Walang Sagot - 2 na sagot

Lumalabas sa resulta ng mga mananaliksik na marami pang

pamilyang pilipino na kasama pa ang kanilang lolo at lola sa kanilang

tahanan dahil gusto pa nilang makapiling ng matagal ang kanilang lolo at

lola at dahil narin siguro sila ay nasanay na laging andyan ang kanilang

nakakatandang kapamilya.
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

2. Kasama mo pa ba ang iyong lolo at lola sa inyong tahanan? 17

A. Oo - 16 na sagot

"Oo"

“Yes”

“Opo”

“Opo kasama lola nalang”

“Oo ulet”

"Lola oo pero ang lolo hindi na"

B. Hindi - 14 na sagot

“Hindi po.”

"Hindi, kasi ang lolo ko ay pumanaw na, ang lola ko naman nasa

kanilang tahanan na malayo sa amin."

"Hindi"

“Hindi na”

“Hindi naming kasama”

"Hindi, sila ay sumakabilang buhay na"

"Hindi,dahil nasa probinsya sila"


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

Ayon sa resulta na nakalap ng mga mananaliksik ay marami pang 18


kabataan na kasama ang kanilang lolo at lola sa kanilang tahanan ngunit

may mangilan- ngilan din na pumanaw na ang kanilang lolo at lola at

yung iba naman hindi kasama sa bahay.

3. Gaano mo katagal mo silang kasama o nakasama?

A. Anim na taon o higit pa - 17 na sagot

"17 years"

“Matagal na din”

“Mga 6 yrs to 16 yrs.”

“Simula nung ako ay pinanganak.”

“Matagal na.”

“Simula pagkabata hanggang ngayon”

“Ang lolo ko ay mga 12 years or 13 years ko nakasama. Ang lola

ko naman hanggang ngayon nakakasama pa naming.”

“Mga 10 taon.”

“19 yrs.”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

"Simula nung bago ako ipanganak" 19

"Halos buong buhay"

"Simula nung ipinanganak ako, 2001"

"19 years sa aking lola at 4 years naman sa aking lolo"

“araw-araw”

"17 years"

“Simula bata pa ako.”

“Mahigit labing-limang taon.”

B. Araw hanggang limang taon – 9 na sagot

"Tuwing weekends lang"

" 2 years"

"Simula 2014"

“Matagal na ang isang araw.”

"Siguro isang buwan lang"

“Siguro mga ilang buwan palang pero nakakapunta naman kami

lagi sa kanila.”

"Dalawang araw lang sa isang linggo"

“Mga 5 times a year.”


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

"Isa o dalawang buwan sa isang taon." 20

C. Hindi na kasama – 2 na sagot

"Patay na po sila"

"Simula pa nang bata pa ako di ko na sila nakasama"

D. Walang sagot – 2 na sagot

Lumalabas sa resulta na nakalap, maraming mga mag-aaral na

kasama ang kanilang mga nakatatandang kapamilya na mahigit sa anim

na taon o simula palang nung pagkapanganak sila. Mayroon din naman

mga mag-aaral na di kasama ang kanilang nakatatandang kapamilya

dahil wala na sila.

4. Kung ikaw ay nasa sitwasyon nila, ano ang mararamdaman mo

kung inaalagaan ka ng iyong mga kapamilya?

A. Masaya – 26 na sagot

"Masaya dahil nakakasama mo padin ang pamilya mo"

"Masaya dahil nandiyan sila para sa akin"


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

"Mararamdaman ko ang kasiyahan ng aking loob" 21

“Magiging masaya ako.”

“Masaya”

“Masaya dahil may paki-alam pa ang pamilya mong nakakatanda

sa lahat.”

“Masaya syempre”

“Matutuwa ako.”

“Masaya dahil may respeto at paggalang.”

“Masaya, feeling blessed.”

“Matutuwa dahil mahal ako ng aking pamilya”

“Magiging Masaya.”

“Masaya at kuntento.”

“Matutuwa kasi di ako magisa.”

“Masaya at feeling safe ako”

“Ako ay matutuwa dahil Masaya akong inaalagaan sila.”

“Masarap sa feeling, nakakaoverwhelm dahil inaalagaan ka ng

dating inaalagaan mo.”


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

B. Malungkot – 2 na sagot 22

"Malungkot"

C. Mahihirapan – 1 na sagot

"Kung ako nasa sitwasyon nila mahihirapan ako lalo nakapag

hindi nasusunod ang mga pangaral sa kanila "

D. Ayos lang – 1 na sagot

“Ayos lang.”

Ayon sa nakalap na datos, madaming mga mag-aaral ang

magiging masaya kung sila ay ang aalagaan ng kanilang mga kapamilya

dahil sabi ng iba ay mararamdaman nila ang pagmamahal ng mga ito.

Ang ibang mga mag-aaral ay malulungkot. mahihirapan, at magiging

okay lang kapag sila naman ang inalagaan.

5. Ano ang opinyon ng mga mag aaral sa pangangalaga sa

kanilang nakakatandang kapamilya?

A. Alagaan ang nakakatandang kapamilya – 10 na sagot


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

"Hindi masama ang alagaan ang mga lolo at lola sapagkat ito ay 23
tungkulin natin bilang anak o apo.”

“Ito ay dapat ipagpatuloy dahil maraming aral na mapupulot sa

kanila.”

“Ipagpatuloy lang ang pag-alaga dahil inalagaan din naman sila

siguro noon”

“Siguro ano mas masaya kung aalagaan sila ng nakakatandang

pamilya kasi ng mga natutunan.”

"Pagpatuloy lang nilang alagaan ang kanilang lolo at lola dahil

higit na nila itong kailangan"

"Alagaan nila ito ng mabuti"

“Masaya dahil may nagaalagaan.”

"Dapat natin alagaan ang mga lolo at lola natin hanggat nandiyan

pa sila sa ating tabi para lang yan sa magulang natin"

“gusto talaga nilang mag-alaga ng mga nakakatanda sa kanila. “

“Mas kailangan pagtuunan ng kahit kaunting oras para

matulungan ang mas nakakatanda para sa kanilang

pangangailangan.”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

B.Iba pang opinyon. – 6 na sagot 24

"Ipakita at iparamdam"

"May kaniya kaniyang opinyon ang mga mag aaral ukol dito."

“Dapat nating iparamdam na nandito tayo para sa kanila.”

“okay lang naman.”

“Bilang mag-aaral ang pangangalaga ng isang kapamilya o

kadugo ay isang obligasyon na nakaatang sa atin habang tayo’y

nabubuhay.”

“Meron may gusto kasama ang mga lolo at lola meron ding

ayaw.”

C. Nakabubuti ito – 4 na sagot

"Sa tingin ko ay nagiging mas responsible sila dahil sa

responsibilidad ng mag aaral"

"Ito ang mas nakakabuti"

"Ang opinyon ko sa pangangalaga ng nakakatandang kapamilya

ay ang pagkakaroon ng masaya at buong pamilya"

"Mahirap man silang alagaan saya naman ang balik nito dahil

inaalagaan mo sila ng maayos"


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

D. Intindihin ang mga nakakatandang kapamilya. – 3 na 25


sagot

"Magtimpi kasi matatanda na sila"

"Kailangan na naman i adjust yung time schedule"

“Mas naintindihan ang kanilang kalagayan.”

E. Walang sagot – 7 na sagot

Ipinapakita dito na maraming mag-aaral ang nagsasabi na dapat

ipagpatuloy ang pag-aalaga sa mga lolo at lola sapagkat ito ay mabuting

pagbabalik loob sa kanila bilang isang mabuting kapamilya na inaruga at

inalagaan tayo nung sila'y malalakas pa at pagiging responsableng apo

sa mga nakatatanda.

6. Masaya ka ba na kasama mo inyong lolo at lola sa inyong

tahanan? Ipaliwanag.

A. Oo – 26 na sagot

"Oo naman dahil kahit na nandiyan ang magulang ko nandiyan

din sila para alagaan kami."


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Oo.” 26

“Oo dahil gusto ko sila makasama ng matagal hanggang

nabubuhay pa sila.”

“Oo naman, bukod kase sa lahing masaya ay may isa pang

nadagdag ma nag-aasikasi sa amin.”

“Oo dahil sila ang nag-alaga sakin nung bata ako.”

“Oo dahil may mag-aalaga sakin.”

“Oo dahil pag magkagalit kami ng aking magulang sila ang

nalalapitan ko.”

“Oo naman kasi sila yung gumagabay sa akin.”

“Oo naman dahil masaya kumpleto kami.”

“Oo dahil naaalagaan ko sila.”

“Oo kasi masaya ang isang pamilya pagsama-sama”

“Oo para may kausap at may katawanan.”

“Opo sana kasi alam kong maraming nagmamahal sakin.”

“Oo dahil sila ang gumagabay sa amin kapag wala ang mga

magulang naming.”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Oo iba kasi ang pakiramdam pag may lolo at lola. Iba ang saya 27
na nabibigay nila sa sila lang kayang makagawa.”

“Oo dahil buo kami at magkakasama.”

“Opo kasi kay lola ano talga matatanggap yung pag-aalaga at

magkwento pa sila tungkol sa pagkabata.”

“Oo, sapagkat mayroong mga nakatatanda na gumagabay sa

amin.”

“Opo dahil sila mismo ang nagpalaki sa akin nung pumunta ng

ibang bansa ang aking mga magulang.”

“Opo dahil kapamilya ko ang aking kasama.:

“Oo dahil masaya ang sama-sama”

“Oo, dahil sila ay magandang ehemplo bilang nakakatanda sa

akin.”

"Masaya dahil sa mga bagay na mas nakakapagbigay ng aral sa

aking buhay"

"Oo dahil pagwala ang mga magulang ko sila ang nag aalaga sa

amin "

“Oo kase kasama ko sila.”


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

"Oo sobra kahit na nasesermunan na nila ako ay nararamdaman 28


ko parin kung gaano nila ako kamahal at nararamdaman ko parin

kung paano nila ako alagaan "

B.Hindi – 4 na sagot

"Hindi ko nga kasama e"

“Hindi ko alam. Hindi kami close e"

“Hindi ko po sila kasama.”

“Noon oo dahil ramdam ko yung pag-aalaga nila.”

Sa nakalap na datos marami ang sumagot na oo kung masaya ba

na kasama ang lolo at lola sa tahanan at iilan lamang sa mga

respondante ang sumagot na hindi masaya. Sa sarbey na ito mas

lamang parin ang pagiging masaya na kasama ang lolo at lola.

7. Dumating ka na ba sa puntong naiinis ka sakanila?

A. Oo – 12 na sagot

“Oo”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Oo dahil sa sunod-sunod nilang paguutos.” 29

"Opo pero hindi sa puntong sinasagot ko na sila"

"Oo nung meron hinding pagkakaintindihan"

"Oo dahil sunod sunod kanilang pag uutos"

"Oo kasi malaki na ako pero ginagawa parin nila akong bata"

“Oo dahil minsan makulit sila.”

“Opo pero di sa puntong sinasagot ko na sila.”

B. Hindi – 10 na sagot

“Hindi po”

“Hindi naman, dahil iniintindi ko sila.”

"Hindi dahil lagi ko silang iniintindi dahil sila ay matanda na"

"Hindi dahil alam ko naman na ako rin ang may kasalanan siguro

may pagkakataon na nagtatampo ako pero yung sabihin na

magalit talaga ay hindi ko magagawa"

C. Minsan – 8 na sagot

"Minsan"

“Minsan!”

“Medyo”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Kung minsan kapag pinagbabawalan po.” 30

"Minsan dahil ang kulit nila paulit ulit"

"May pagkakataon lalo na pag andami mong ginagawa tapos

guguluhin ka"

“Oo, pero sobrang minsan lang mangyari.”

Lumalabas sa resulta ng mga mananaliksik na ang karamihan sa

mga kabataan ay dumating na sa puntong nainis sila sa kanilang lolo at

lola dahil narin sa paraan ng pagtrato sa kanila at halimbawa na nito ay

tinuturing pa rin sila ng parang bata.

8. Nahihirapan ka bang makasama at alagaan ang iyong

nakakatandang kapamilya? Magbigay ng halimbawa.

A. Hindi – 21 na sagot

"Hindi naman dahil maayos naman silang alagaan "

“Hindi dahil mas nakakasundo ko kasi sila kaysa sa magulang

ko"

“Hindi po”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

"Hindi dahil hinding hindi ako nahihirapan tulad nga ng pag 31


aalaga nila saakin ay mas hihigitan ko pa ito"

"Hindi kasi hindi pa ako masyadong nag aalaga sa mga lolo at

lola ko"

“Hindi naman kasi hindi sila gasino makulit at paulit-ulit.”

“Hindi dahil mahal ko sila.”

“Hindi”

“Hindi kasi hindi pa ako masyadong nag-aalaga sa mga lola at

lolo ko.”

“Hindi po.”

“Hindi naman dahil hindi naman sila nahirapan nung ako ang

kanilang inalagaan.”

“hindi kasi masaya akong inaalagaan ko sila.”

“Hindi madali silang kausap.”

“Hindi dahil hindi sila nahirapan alagaan ako noon.”

“Hindi naman dahil iniintindi ko sila.”

“Hindi pa naman sila gaano katanda.”

“Hindi naman pero minsan kapag paulit-ulit.”


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Hindi ako nahihirapan eh.” 32

“Hindi. Alam ko naman na bilang pamilya, ang pagkakaroon

aalagaan o kailangan alagaan ay isang responsibilidad.”

“Hindi dahil mapapatunyan ko sa sarili ko na isa akong

responsableng apo kapag kapiling ko sila.”

B. Oo – 5 na sagot

"Oo minsan pag moody sila"

"Oo mataas ang standards nila masyado"

"Oo pag ayaw nila ang isang bagay na pinag pipilitan nilang

gawin"

“Oo dahil sae dad kong ito hindi ko pa kayang ng nakatatanda

sakin.”

“Oo kulit kasi nila minsan ang dami nilang tanong.”

C. Minsan – 2 na sagot

"Minsan kahit na hindi ko maiintindihan ang mood nila"

"Minsan kasi ang kulit nila tapos palagi pa silang nagagalit"

D. Walang sagot – 2 na sagot


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

Ayon sa mga nakalap na datos ng mananaliksik marami sa 33


kanilang respondante ang sumagot ng hindi na magpapatunay na

talagang hindi mahirap kasama at alagaan ang mga lolo at lola ngunit

may mangilan ngilang na hindi lahat ng kabataan ay nadadalian sa

pagaalaga sa kanilang lolo at lola

9. Marami pa bang mag aaral ang gugustuhin na makasama ang

kanilang mga nakakatandang kapamilya sa kanilang tahanan.

A. Oo - 23 na sagot

"Sa palagay ko syempre naman, kung ako na hindi nabigyan ng

pagkakataon na makasama sila ng matagal ay humihiling kaya

sa palagay ko ay sila rin"

"Oo dahil mahalaga padin ang pamilya para sa mag aaral"

"Oo naman "

“Oo dahil sa mas may karanasan sila at mas nakakapagbigay

linaw sa mga pangyayaring nagaganap sa panahon ngayin.”

“Oo naman, dahil masaya ako pagkaama ko sila.”

“Oo”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Oo dahil mahalaga padin ang pamilya para sa mga mag-aaral” 34

“Opo naman.”

“Opo.”

“Marami pa kasi ang masaya pag kasama ang nakatatandang

pamilya.”

B. Hindi nakakasiguro - 4 na sagot

"Hindi ko alam"

"Dipende"

“Siguro”

C. Hindi - 1 na sagot

"Tingin ko ay hindi dahil mas lamang ang mga kabataang mas

iniisip ang sarili"

D. Walang sagot - 2 na sagot

Lumalabas sa resulta ng mga mananaliksik ay karamihan ay oo

sapagkat mas gugustuhin nila na may pamilya na gumagabay at

nagmamalasakit sa kanila at merong pagkakataon na makasama sila

habang nabubuhay pa.


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

10. Kung ikaw ay papipiliin, gugustuhing mo pang alagaan at 35


makasama ang iyong nakakatandang kapamilya ? Ipaliwanag ang

kasagutan.

A. Oo - 30 na sagot

"Oo gusto ko maranasan na makasama sila"

"Opo yun yung paraan ko para magoasalamat nung inaalagaan

nila ako nung ako'y bata pa"

"Opo dahil kapag kami ay sama sama masaya kaming lahat"

"Oo dahil, ibabalik ko lang ang care at effort na binibigay nila sa

akin noong bata pa ako"

“Oo dahil gusto ko pa sila makasama.”

“Oo dahil ito na ang utang na loob natin sa kanila dahil nung mga

bata pa tayo ay inaalgaan din nila tayo.”

“Oo gugustuhin kong alagaan sila dahil sila ang nagaruga at

tumulong sa akin simula nang aking pagkabata.”

“Oo kung hindi busy.”

“Oo naman.”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Oo dahil dati sila ang nag-aalaga sa akin ngayon susuklian ko 36


naman.”

“Oo kasi mas gusto ko pa din na makasama habang nabubuhay

pa sila.”

“Oo dahil gusto ko silang alagaan gaya ng pag-aalaga nila sakin

noon ako’y bata pa.”

“Opo palit nadin or sukli sa pag-aalaga at mas masarap sa

feeling na kasama sila.”

“Oo kaysa naman ipaalaga sila sa iba.”

“Oo dahil kung tumanda ako nais ko rin mangyari sa akin na

maalagaan at makasama ang pamilya ko.”

“Oo kung pwede, dahil sa panahon ko ngayon gustuhin ko man

na makapiling sila ay masyado ako abala sa pag-aaral.”

“Oo kadugo mo yan eh.”

“Oo gusto kong iparanas yung alagang binigay nila sa akin noong

ako ay bata.”

“Oo dahil bilang pagtanaw ng utang na loob at sakriprisyo nila sa

akin dati para makabawe at sila naman ay alagaan.”

“Oo dahil masaya naman sila kasama.”


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Para sakin oo naman, kasi mas masaya kapag madami sa 37


pamilya.”

“Oo naman kasi nga the more the merrier.”

“Oo dahil inalagaan din nila ako dati nung bata pa ako.”

“Oo kasi masaya ako na makasama ang nakatatandang

pamilya.”

“Oo kasi gusto kong makasama sila habang buhay.”

“Opo kasi maraming magmamahal at mag-aalaga sakin.”

“Opo para masaya.”

Ayon sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, sinagot ng

mga respondente ay lahat oo sapagkat mas pipiliin nila na may

makasamang pamilya na nakakatanda kasi nung bata pa tayo sila ang

nag aalaga at nagmamahal sa atin kaya kailangan natin ibalik sa kanila

ang pagmamahal na binigay nila sa atin

11. Hanggang sa pagtanda mo ba ay gusto mo silang makasama?

Ipaliwanag ang sagot.


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

A. Oo - 28 na sagot 38

"Oo dahil gusto ko silang alagaan sa aking makakaya"

"Oo dahil masaya ako pag kasama sila"

Oo dahil sila ang nag bibigay saya sa aking pang araw araw"

"Oo naman dahil sila ang nag palaki sa akin at ako ay may utang

na loob"

“Kung nakasama ko sila siguro oo hanggang sa pagtanda.”

“Oo dahil sila nagpalaki sakin.”

“Opo, may guide kasi sila na nakakatulong saka masaya kasama

sila lola.”

“Oo naman.”

“Oo walang kaso yun, lalo na at kapamilya kami kung anong akin

ay kanila na rin.”

“Oo, dahil nagiging responsible at masaya akong apo pag kasama

sila.”

“Oo.”

“Oo naman syempre.”

“Oo, dahil iba ang pakiramdam ng may kasamang lolo at lola.”


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Hanggang maaari dahil gusto ko makilala ng aking mga anak ang 39


lola ko.”

“Oo, sino ba naman ang ayaw makasama sila hanggang

pagtanda.”

“Oo, dahil nga tulad ng sa una kong sagot hinding hindi ako mag

sasawang makasama sila.”

“Oo, para maibalik yung favor ng buhay.”

“Opo dahil magiging mas matibay an gaming samahan.”

“Oo, dahil para maalagaan ko pa sila.”

“Oo, para maalagaan ko pa sila.”

“Oo kasi gusto ko silang alagaan kasi inalagaan nila ako nung

bata pa ako.”

“Oo naman dahil ang saya makita na kahit may sarili na kayo

pamilya may makakasama parin ako.”

“Oo dahil ayoko silang mawala sakin.”

“Gusto ko dahil mahal ko ang lolo at lola ko.”

“Oo kasi gusto silang makasabay sa langit.”

“Opo dahil mahal ko sila, ayaw kong mawala sila sakin kasi sila na

lang ang meron.”


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Oo para happy.” 40

B. Walang sagot - 2 na sagot

Ayon sa resulta ng mga datos madami paring mga mag-aaral na

pipiliin mag-alaga ng nakatatandang kapamilya hanggang sa pagtanda

nila dahil sabi ng iba ang dahilan ay ang kanilang pagmamahal para

sakanilang kapamilya.

12. Ano ang mas pipiliin mong gawin, gumamit ng social media o

alagaan qng iyong nakakatandang kapamilya? Ipaliwanag ang

sagot.

A. Alagaan ang nakakatandang kapamilya - 18 na sagot

"Mas alagaan sila kasi para makabawi ako sa mga pag hihirap

nila saakin"

"Mag alaga kila lola kasi di naman masasabi kung anong

mangyayari if di ka naka focus sa pag aalaga sakanila"

“Alagaan siyempre gaya ng pagaalaga nila sayo nung bata ka.”

“Alagaan sila.”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Ang alagaan ang nakakatandang kapamilya, kaysa gumamit ng 41


social media kasi may matutunan pa ako sa kanila na hindi pa na

ituturo ng magulang ko.”

“Alagaan ang akin mga lola at lolo kasi gusto ko silang

makasama.”

“Parang pinapili ako sa kailangan at gusto ko nito pero syempre

alagaan ang nakakatandang kapamilya dahil ang social media

pag iniwan mo maaari mo pang balika pero ang pamilya baka pag

iniwan mo wala ka ng balikan.”

“Alagaan ang aking pamilya dahil ang pagsasama-sama naming

ay isa sa di mapapantayang saya.”

“Mas pipiliin kong alagaan sila dahil sa mas nangangailangan sila

ng atensyon.”

“Alagaan ang nakakatandang pamilya, dahil iba ang karanasan

kapag kasama sila o kabonding.”

“Alagaan dahil mahalaga sila sa atin at siya rin ang nag-aalaga sa

akin.”

“Alagaan ang mas nakakatanda sa pamilya dahil makakaya ko

parin naman ang paggamit ng social media habang inaalagaan

sila.”
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Mag-aalaga kayang maghintay ng internet.” 42

“Alagaan sila kasi ang pag-gamit ng social media ay pwede mo

naming isangtabi!”

“Alagaan sila. Nakakapaghintay naman ang social media e.”

“Alagaan ang aming nakakatanda dahil mas mahalaga ang

pamilya kaysa sa social media.”

“Alagaan ang nakakatandang kapamilya dahil kaysa gumamit ng

social media ay wala namang ibang gagawin.”

“Alagaan ang nakakatandang pamilya, sapagkat ang social media

ay hindi nawawala, samantala ang ating nakakatandang

kapamilya, ay hindi natin alam kung kalian at saan sila kukuhanin

ng ating Poong Maykapal.”

“Lolo at lola padin syempre.”

B. Parehas - 7 na sagot

"Both para pwede rin sila maki-in sa generation ngayon"

"Parehas kasi pwede ka namang gumamit ng social media

habang inaalagaan ang nakakatandang kapamilya"

"Kaya ko naman i balance ang time ko kaya hindi ko na kailangan

pumili, time management lang ang kailangan"


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

“Parehas.” 43

“Parehas dahil pwede mong gamitin ang social media sa

pagpapakita ng pagmamahal sa kanila.”

“Pwedeng parehas kasi pwede mo naman ibalance ang iyong

oras sa paggamit ng social media at sa pag-aalaga.”

“Pareho lang kasi pede mo naman sila alagaan habang

gumagamit. Walang koneksiyon.”

C. Social media – 1 na sagot

"Sa panahon ngayon syempre social media ang pipiliin ko pero

syempre pamilya ko sila kaya aalagaan ko sila"

D. Walang sagot – 3 na sagot

Ayon sa datos na nakalap ng mga mananaliksik mas madaming

mag-aaral na mas pipiliin ang mag-alaga ng nakatatandang kapamilya

kaysa mag social media. Mayroon din naming mga mag-aaral na kayang

pagsabayin ang paggamit ng social media sa pag-aalaga ng kanilang

nakatatandang kapamilya.
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

KABANATA IV 44

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Lagom

Sa pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, natuklasan nila na

marami pang pamilyang Pilipino na kasama ang kanilang lolo at lola sa

kanilang tahanan sa iba't ibang kadahilanan tulad ng nais pa nila ito

makasama ng matagal at nasanay na din sila na kasama ang kanilang

nakatatandang kapamilya. Ngunit may ibang pamilya na hindi na kasama

ang kanilang lolo at lola sa kadahilanang sila ay pumanaw na kaya’t ang

iba sa mga kabataan ay hindi na naranasan ang pagmamahal at kalinga

ng kanilang nakatatandang kapamilya.

Nabigyan rin ng sapat na kaalaman ang mga mananaliksik na

ang mga lolo at lola ay dapat talagang alagaan sapagkat ito ay tungkulin

bilang isang apo.Kasabay ng pagaalaga sa nakakatandang kapamilya ay

ang pagbibigay nila ng kasiyahan sapagkat nararamdaman ng mga apo

ang pagmamahal at pagaalaga ng kanilang lolo at lola sa kanila. Isa sa

mga halimbawa nito ay sa tuwing wala ang kanilang mga magulang ang

kanilang lolo at lola ang nandyan upang sila ay gabayan, alagaan at higit

sa lahat sila ang nagiging pangalawang magulang nila.

May mga mangilan-ngilan pa rin namang naiinis sa kanilang

nakatatandang kapamilya dahil may mga pagkakataon na sunod-sunod


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

sila kung magutos o kaya naman minsan ay paiba iba ng ugali. 45


Naaapektuhan na rin sila ng kanilang pagtanda kaya tila nahihiya na sila

kapag tinuturing sila na parang bata. Sa mga mag-aaral na kinuhang

respondente ng mananaliksik karamihan sa kanila ay nanaisin na alagan

ang kanilang nakakatandang kapamilya kaysa gumamit ng social media

para mas maalagaan pa ang kanilang lolo at lola at para narin makabawi

sila sa mga sakripisyo na inilaan ng kanilang lola at lola sa kanila

May mga kabataan din na ayaw alagaan ang kanilang

nakakatandang kapamilya dahil ito daw ay nakakarindi at nakaka irita

dahil ang mga matatanda ay mabilis ng makalimot at sila ay nagiging

pasaway narin kung minsan. Ngunit meron din namang nagsabi na

pinipilit nilang intindihin ang sitwasyon ng kanilang lolo at lola dahil ito ay

matanda na at dapat maging mahaba ang pasensya at intindihin na

lamang ang kalagayan nito. Dahil alam naman natin na ang lolo at lola

talaga natin ang naging una nating magulang dahil sila ang unang nag

aalaga satin pag parehas may tarbaho ang mga magulang natin.

Konklusyon

1. Napatunayan sa pananaliksik na ito na hanggang ngayon sa

panahon na ito, madami pading mga pamilyang Pilipino ang

kasama ang kanilang mga nakatatandang kapamilya sa kanilang


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

mga tahanan. Mayroong mga pamilya naman na kahit hindi nila 46


kasama sa tahanan palagi padin naman nilang nakakasama.

2. Ayon sa nakalap na mga datos, pipiliin padin ng mga mag-aaral

na mag-alaga ng kanilang nakatatandang kapamilya kahit minsan

ay naiinis na ang mga ito at hindi sila mahihirapan sa pag-aalaga

sa mga ito dahil sa dulo ay nagiging masaya naman sila sa pag-

aalaga.

3. Napatunayan din ng pananaliksik na ito na marami paring mga

mag-aaral na pipiliin na mag-alaga ng kanilang nakatatandang

kapamilya kung sila ang papipiliin at mas pipiliin nilang mag-alaga

kaysa gumamit ng social media. Handa rin silang alagaan ang

mga ito hanggang sa pagtanda nila.

Rekomendasyon

Sa mga apo

1. Inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga apo na mas

pagtibayin pa nila ang kanilang pasensya sa kanila mga lolo at

lola nang sagayon hindi maramdaman ng mga matatanda na

nagiging pabigat na sila sa kanilang apo.

2. Inirerekomenda din ng mga mananaliksik na paglaanan ng mas

mahabang oras ng mga apo ang pangangalaga sa matatanda

upang mabigyan sila ng sapat na atensyon at aruga.


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

Sa mga anak ng matatanda 47

1. Bilang anak ng matatanda dapat nila ipamahagi sa kanilang mga

anak ang mga tamang paraan sa pangangalaga sa matatanda

nang sagayon mapangalagaan nila ng wasto ang mga lolo at lola.

Sa mga susunod na mananaliksik

1. Ang mga mananaliksik ay nais gumawa ng isang rekomendasyon

para sa mga susunod na mananaliksik upang makagawa ng mas

mahusay na pananaliksik.

2. Inirerekomenda din ng mga mananaliksik sa mga susunod na

mananaliksik na magsagawa ng pananaliksik hinggil sa kung

paano mapananatili ang pangangalaga sa mga matatanda gamit

ang pag-aral na ito, na makakatulong upang mas malaman ng

mga susunod na henerasyon kung paano mapapangalagaan ng

wasto ang mga lolo at lola.


University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

BIBLIYOGRAPIYA 48

Acusin, J., Bersales, C., Duque, D., Manalansang, S., Virtudes, J., &

Domingo, C. (2015, March 15). Mga Katangian ng mga Pilipino.

Nakuha mula sa http://filipinoproject01.blogspot.com/

Bowen, M. (2017, December 13). Murray Bowen, M.D. and The Nine

Concepts in Family Systems Theory. Nakuha March 15, 2018,

mula sa https://yourmindfulcompass.com/about/dr-bowen/

Enriquez, R., Flores, N., Galido, N., Jimenez, R., Paican, M., & Vergara,

B. (2015, March 28). The Filipino Family. Nakuha March 31,

2018, mula sa http://allaboutnatality.blogspot.com/2015/03/its-

okay-its-gonna-be-alright.html

Hays, J. (2008). FAMILIES IN THE PHILIPPINES: GODPARENTS,

KINSHIP STRUCTURE AND BLOOD FEUDS. Nakuha March 31,

2018, mula sa http://factsanddetails.com/southeast-

asia/Philippines/sub5_6c/entry-3874.html

Paz, G. D. (2015, March 14). Ang mga katangian ng mga Pilipino.

Nakuha March 31, 2018, mula sa

http://genedelapaz.blogspot.com/2015/03/katangian-

pagpapahalaga-ng-pilipino.html
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

Sands, R., Goldenberg-Glen, R., & Shin, H. (2009). The Voices of 49


Grandchildren of Grandparent Caregivers: A Strengths-

Resilience Perspective (Master's thesis, United States, Arlington,

2009). Child Welfare; Arlington, 88(2). Nakuha March 31, 2018,

mula sa

https://search.proquest.com/central/docview/213807416/abstract/

9BD1F645496C4EF3PQ/1?accountid=34302

Sheykhi, M. (2006). The Elderly and Family Change in Asia with a Focus

in Iran: A Sociological Assessment (Master's thesis, University of

Calgary, Department of Sociology, 2006). Journal of Comparative

Family Studies; Calgary, 37(4), 1-12. Nakuha March 31, 2018,

mula sa

https://search.proquest.com/central/docview/232579513/abstract/

1162A1F368664A29PQ/1?accountid=34302

Smith, T. L. (2011). Adult Grandchildren Providing Care to Frail Elderly

Grandparents (Master's thesis, United States, 2011). ProQuest

Dissertations and Theses. Retrieved March 31, 2018, from

https://search.proquest.com/central/docview/886769387/abstract/

884FD1826C184B91PQ/1?accountid=34302
University of Perpetual Help System DALTA
Senior High School
Calamba Campus

Tagulinao, B. (2015, September 16). Pros, cons: Living with an extended 50


family. Retrieved March 31, 2018, from http://news.abs-

cbn.com/lifestyle/09/17/15/pros-cons-living-extended-family

Tan, J., & Dommaraju, P. (2014). Households in Contemporary

Southeast Asia (Master's thesis, University of Calgary,

Department of Sociology, 2014). Journal of Comparative Family

Studies; Calgary, 45(4). Retrieved March 31, 2018, from

https://search.proquest.com/central/docview/1784999169/abstrac

t/D7E1C930F8944398PQ/1?accountid=34302

Toseland, R. W., Smith, G., & McCallion, P. (1995). Supporting the family

in Elder Care. In G. C. Smith, S. S. Tobin, E. A. Robertson-

Tchabo, & P. W. Powers (Eds.), Strengthening aging families:

Diversity in practice and policy (pp. 3-24). Thousand Oaks, CA:

Sage.

You might also like