Professional Documents
Culture Documents
MgaPrehistorikongPamayanansaIndo Pasipiko PDF
MgaPrehistorikongPamayanansaIndo Pasipiko PDF
net/publication/321421615
CITATIONS READS
0 1,418
1 author:
Myfel Paluga
Leiden University
41 PUBLICATIONS 18 CITATIONS
SEE PROFILE
Some of the authors of this publication are also working on these related projects:
All content following this page was uploaded by Myfel Paluga on 04 December 2017.
Tampok na Artikulo
Abstrak
Bago natatag ang mga mas kompleks na kaayusang “estado” (state)—sa anyong “estadong
siyudad” (city state), malalawak na imperyo (empire o kingdom), at nitong huli, “estadong
nasyon” (nation-states)—chiefdom ang pampulitikang gulugod sa panlipunang
pamumuhay ng mga sinaunang bayan. Ang chiefdom ay minsan ngang tinuring bilang
isang transisyunal na yugto lamang patungo sa pagiging “estado.” Sa kabilang banda,
maaaring tingnan ito bilang “terminal” na yugto sapagkat sa iilang kaso, “ang panloob na
salik sa pagsulong ay lumikha ng chiefdom ngunit hindi tumungo sa pagiging estado”
(Wenke 1990, 284).
Paksa ng artikulong ito ang konsepto/kategorya ng chiefdom at ang papel nito sa pag-
aaral sa ebolusyon ng mga prehistorikong bayang Austronesyano sa Indo-Pasipiko.
Tatalakayin sa partikular ang apat na ispesipikong lugar: Rehiyong Bais, Negros Oriental
(Pilipinas); Look ng Hawke, Hilagang Pulo (New Zealand); at mga arkipelago ng Tonga at
Marquesas. Susuriin ng artikulo ang “chiefdom” bilang kategorya at ang mga kadalasang
tema sa kasalukuyang pag-aaral tungkol dito. Nais ding buksan ng artikulo ang
panimulang pag-aaral sa mga prehistorikong Austronesyanong bayan tungo sa paglilinaw
sa kaayusan, paggalaw, at pagbabago—sa madaling salita, sa ebolusyon—ng sinaunang
bayang Pilipino.
Hahatiin ang laman ng artikulong ito sa tatlong bahagi: [1] Ang chiefdom: taypolohiya,
kategorya, at mga tema; [2] Ang mga Austronesyanong chiefdom sa Indo-Pasipiko; at [3]
Tungo sa malapitang pag-aaral sa mga sinaunang bayang Pilipino at sa makahulugang
pagsasakasaysayan.
ANG CHIEFDOM:
TAYPOLOHIYA, KATEGORYA, AT MGA TEMA
Unang nagamit ang termino bilang isang panlipunang tipo sa pag-aaral ni Kalervo Oberg
sa ilang katutubong grupo sa Amerika. Sa sumunod na mga pag-aaral nina Elman R.
Service, Marshall D. Sahlins, at Karl Paul Polanyi, nalinang ang konsepto at nalapatan ng
kahalagahang teoretikal lalong lalo na sa perspektibo ng ebolusyong panlipunan (Kirch
1991, 119).
HANAYAN 1
Mga Taypolohiya ng Ebolusyong Panlipunan4
CHIEFDOM
Simple Chiefdom
Chiefdom
Civilization Complex Chiefdom Stratified Society
State
State State
Civilization
HANAYAN 2
Mga Tipo ng Lipunan7
The most distinctive economic feature of chiefdoms was their shift from
reliance solely on the reciprocal exchanges characteristic of bands and tribes,
by which A gives B a gift while expecting that B at some unspecified time will
give a gift of comparable value to A. We modern state dwellers indulge in
such behavior on birthdays and holidays, but most of our flow of goods is
achieved instead by buying and selling… While continuing reciprocal
exchanges and without marketing or money, chiefdoms developed an
additional new system termed a redistributive economy. A simple example
would involve a chief receiving wheat at harvest time from every farmer in the
chiefdom, then throwing a feast for everybody and serving bread or else
storing the wheat and gradually giving it out again in the months between
harvests. When a large portion of the goods received from commoners was
not redistributed to them but was retained and consumed by the chiefly
lineages and craftspeople, the redistribution became a tribute, a precursor of
taxes that made its first appearance in chiefdoms (Diamond 1998, 275).
Narito ang ilan pang pagpapakahulugan sa chiefdom ng iba pang mag-aaral tungkol dito.
Ang sentralisasyon ng kapangyarihan sa pamunuan at ang hereditaryong relasyong
hirarkikal ay binibigyang-diin dito:
...it is not management that distinguishes “chiefdom” from “tribes,” but rather
the nature of superordinate status: in chiefdoms such status is ascribed
rather than achieved. Before the development of social stratification leaders
had always achieved their positions through service to their followers
(Gilman 1991, 148) (akin ang diin).
We have been talking about chiefdoms generically, as if they were all the
same. In fact, chiefdoms varied considerably. Larger ones tended to have
more powerful chiefs, more ranks of chiefly lineages, greater distinctions
between chiefs and commoners, more retention of tribute by the chiefs, more
layers of bureaucrats, and grander public architecture. For instance, societies
on small Polynesian islands were effectively rather similar to tribal societies
with a big-man, except that the position of chief was hereditary. The chief’s
hut looked like any other hut, there were no bureaucrats or public works, the
chief redistributed most goods he received back to the commoners, and land
was controlled by the community (Diamond 1998, 275) (akin ang diin).
Sa mga kasalukuyang pag-aaral sa chiefdom (Upham 1990b; Earle 1991a), makikita ang
sumusunod na mga paksa/katanungan:
3. Kung papaano nakuha ng mga namumuno ang kooperasyon ng mga sakop sa gitna ng
relasyong di-pantay. Halimbawa, ang “kooperasyon” ng mga karaniwang tao sa paglikha
ng kaayusang chiefdom bilang isang “negosasyon” at pagbabalanse sa makukuhang
pakinabang (benefit) at ang kaakibat nitong “kabayaran” (cost).18
Ang tinutungo ng mga pagsisikap na ito ay mas maingat na paggawa ng mga masaklaw na
pahayag (generalizations) tungkol sa direksyon ng panlipunang pagbabago, paghihigpit sa
mga inferens, at pagbibigay-diin sa malapitang pagsusuri ng mga ispesipikong kaso para
sa mas matatag na komparatibong pag-aaral.
The past two decades have seen a marked resurgence of interest among
anthropologists in theoretical approaches to the study of complex pre-state
societies. One payoff of this work has been the recognition that the
proliferation of typologies for complex societies and the concern with the
taxonomy of particular cases is not likely to add much to our understanding
of the cyclical development and collapse of chiefdoms. Cross-cultural
comparisons across narrow checklists of arbitrary traits have given way to
the careful documentation of individual cases… In addition, studies of long-
term change have been recognized as essential for a better understanding of
the evolution of cultural complexity. History and archaeology are, thus, best
poised to address this process (Allen 1996, 172).
Dala ng naganap na pagpapalawak, nabuo ang mga bayang may magkakaibang lebel ng
panlipunang kompleksidad. Sa dinamiks ng magkakaibang ekolohiya at sa dialektikang
panlipunan, natatag sa maagang yugto ang mga bayang kakikitaan ng relatibong antas ng
The expansion was slow and piecemeal, and an initial source through
population growth and a need for new land seems to me to be a perfectly
adequate explanation for the first millenium [BK] or so. As groups
expanded[,] so they developed better methods of canoe construction and
navigation, and since they almost certainly had a stratified form of
society... there would perhaps be every reason for younger sons of
chiefs, restricted in their inheritances at home, to attempt to found
villages and chiefly lineages in newly-cleared areas of land (Bellwood
1988, 109) (akin ang diin).
…the speakers of Proto Oceanic language and the makers of Lapita pottery
were one and the same... These people continued to expand eastwards into
the southwest Pacific, leading to the rapid differentiation of Oceanic
languages. Ultimately, descendants of Proto Oceanic speakers who first
moved into the Bismarck Archipelago about 1,500 BC would discover and
colonize the farthest reaches of Remote Oceania, including the far-flung
islands of Polynesia and the archipelagoes of central and eastern Micronesia
(Kirch 1997, 15-16).
Tatalakayin natin ngayon ang mga partikular na bayan sa Negros, Look ng Hawke, Tonga,
at Marquesas upang makita ang ilang ispesipikong dinamiks ng mga sinaunang bayang
Austronesyano. Ang mga sumusunod ay batay sa mga partikular na arkeolohikal
(kinokomplementaryuhan ng etnohistorikal na datos) na pag-aaral na naisagawa tungkol
sa mga nabanggit na lugar.
Ang Chiefdom ng Tanjay, Rehiyong Bais, Negros Oriental.27 Ang rehiyon ng Bais ay
isang malawak na kapatagan kung saan makikita ang Ilog Tanjay. Pag-aagrikultura ang
batayang pamumuhay ng mga naninirahang pamayanan. Makikita ang unang indikasyon
ng kaayusang chiefdom sa maagang bahagi ng unang milenyo MK (500 MK). Sumasaklaw
ito ng dalawang pamayanang may relasyong hirarkikal (two-level settlement hierarchy).
Katulad ng maraming inter-etniko, ilawud-ilayang ugnayan ng mga pamayanan sa
maraming lugar sa Pilipinas,28 nakikipagpalitan ng produkto ang bayang ito sa mga
nagkakainging “tribo” (tribally organized) at nangangalap-at-nangangasong mga
“pangkat” sa bulubunduking bahagi ng rehiyon. Bumubuo ang ugnayang ito ng isang
“pang-ekonomiyang simbiosis” (economic symbiosis):
resources (e.g., pottery, textiles, fish, salt, and metal tools) (Junker 1994, 235)
(akin ang diin).
Ang mga katangian ng pagbabagong ito ay nagaganap din sa ilang baybaying bayan
(coastal trading polities) sa Pilipinas: sa Jolo, Magindanao, Cebu, Maynila, at iba pang
lugar. Nagkaroon ng sentral na papel ang mga kasapi ng uring maginoo/datu (chiefly
class) sa pamamahala ng ekonomiya (complex regional economy): kontrol sa paggamit ng
lupa (controlled agricultural livelihood through restrictive land tenure); mobilisasyon ng
surplas sa pamamagitan ng pormal na sistema ng tributo; pag-iipon ng “yaman” sa
pamamagitan ng pananalakay (raiding) at expedisyong pangkalakalan para sa
“prestihiyong kalakal.” Naging “materyal na pondo ng kapangyarihan” sa pulitikal na
pakikipag-alyansa ang “yamang” ito at makikita sa kanilang magagarang kagamitan, mga
ornamentasyon sa katawan, at espesyal na paglilibing ang angat na sitwasyon ng
namumunong uri:
Chinese texts and archaeological data from Philippine sites indicate that
Philippine chiefs began to obtain a substantial portion of their prestige-
enhancing luxury goods through long-distance trade with the Chinese
state (as well as other state-level polities of mainland Southeast Asia)
by the tenth century A.D. Chinese-derived porcelains, silks, magnetite
mirrors, and metal jewelry functioned as powerful social status symbols and
as important currency for political authority in the early second millenium
A.D. Philippines, as evidenced in their frequent use in elite bodily
ornamentation, their common use as accompaniments to high-status burials,
and their ubiquitous presence as “wealth” objects in the households of
hereditary elite (Junker 1994, 234) (akin ang diin).
Partikular sa chiefdom ng Tanjay, binanggit ni Laura Lee Junker ang apat na tema ng
pagbabago bilang repleksyon ng nagaganap na sosyo-pulitikal na pagsasaayos: [1]
paglawak ng kabahayan sa sentro ng Tanjay at di-pagkakapantay sa loob ng bayan, [2]
pagtingkad ng kalakalang “panlabas,” [3] pagbabago sa “panloob” na kaayusan ng
Chinese porcelain densities increase more than two-fold between the Santiago
Phase (eleventh-fourteenth century) and Osmena Phase (fifteenth-sixteenth
century)… and Siamese and Annamese trade porcelains appear in substantial
quantities in the archaeological record for the first time (Junker 1994, 242).
Statistical analyses of vessel rims from ten Aguilar Phase (A.D. 500-1000) and
Osmena Phase (A.D. 1400-1600) surface surveyed sites indicate that the
Aguilar Phase wares had a level of standardization comparable with that of
part-time Kalinga potters [sa pag-aaral nina Longacre et al.] (i.e., had a high
coefficient of variation), and the Osmena Phase wares had a level of
standardization comparable with full-time Paradijon pottery (i.e., a low
coefficient of variation) (Junker 1994, 245).
Mayroon bang malinaw na sanhi-epektong relasyon (causal relation) ang mga nabanggit?
Hindi nagbigay ng konklusibong pahayag si Junker. Sinalungguhitan lamang nito ang
temporal na pagkakasabay ng mga nabanggit lalong lalo na sa dantaon 15 at 16 MK: may
“dinamikong relasyon” ang pagtaas ng pampulitikal na kompleksidad, panloob na
pagbabagong pang-ekonomiya, at pagbuo ng mga estratehiya sa gitna ng kompetisyon.
Ang pokus ng pag-aaral ni Junker sa chiefdom ng Rehiyong Bais ay ang tanong: paano
nagtatagumpay (gain political ascendancy) ang isang chiefdom sa kompetisyong
pangangalakal laban sa ibang bayan sa harap ng sumusulong na kalakalang panlabas?
Sentral na interes nito ang paglalagay sa dinamiks ng bayan sa “konteksto ng
kompetitibong kalakalang panlabas.”
…this essay argues that the ability of a competing polity to gain regional
political ascendancy is frequently dependent on a dual strategy: (1) the
reorganization of its internal economy (i.e., internal trade networks and
tribute mobilization systems) to mobilize resources more efficiently for
foreign export; and (2) the development of more effective military
organization, weaponry, and strategies of interpolity warfare aimed at
disrupting the participation of competitors in foreign luxury good trade
(Junker 1994, 229).
Ang Chiefdom ng mga Maori sa Look ng Hawke, Hilagang Pulo, New Zealand.33
Ang mga Austronesyano ay unang nakapagtayo ng mga pamayanan sa New Zealand
noong mga dantaon 8 at 10 MK. Hinarap ng mga Polynesianong ninuno ng mga Maori
ang malamig na klima ng lugar. Namuhay sila sa pamamagitan ng hortikultura, lalong
lalo na iyong mga nanirahan sa Hilagang Pulo. Kamote ang pangunahin nilang pagkain
na sentral sa kanilang ekonomiya. Sa kanilang paghahardin, matinding hamog ang
kanilang pangunahing kalaban dahil sinisira nito ang kanilang mga halamang-ugat. Sa
mga cultigen na nabubuhay sa lugar tulad ng ubi, gabi, ti, gourd, at kamote (kumara),
itong huli lamang ang matibay laban sa matinding hamog.
Nabuo ang dalawang malalaking chiefdom sa may Look ng Hawke, Hilagang Pulo,
pagpasok ng dantaon 16 at 17 MK. Pinamunuan ang bayang ito ng mga pinuno (ariki) na
may malaking papel sa pagtatatag ng mga kabahayang may fortipikasyon—ang pa
(fortified settlements). Ang pa ay nasa matataas na lugar at kadalasang napapalibutan ng
mga tanggulan at istakada.34 Ito ang deskripsyon ni Allen sa mga pa at ang kahalagahan
nito:
maliban sa dalawang malalaking chiefdom, may apat pang bayan sa rehiyon (na maaaring
nasa antas ng “tribo”) at ilan pang maliliit na pamayanang malalayo sa mga bayang ito at
may magkakaibang lebel ng awtonomiya. Ang pagkakatatag ng mga bayang Maori ay
naganap sa gitna ng pagbabagong ekolohikal at demograpikal. Kaugnay ng paglawak ng
populasyon at degradasyong pangkalikasan, nagkaroon ng intensipikasyon sa
hortikultura at dumalas ang pananalakay sa mga pamayanan. Sa tumataas na panganib sa
kabuhayan, nagiging kritikal ang pangangailangan ng pa:
Maori traditional history makes it clear that leaders who organized and
financed pa owned or at least controlled them... With pa, or the promise of
pa, chiefs offered followers increased security in the form of more dependable
(and likely, more varied) food as well as security from raiders (Allen 1996,
178).
Ngunit hindi ito tinitingnan ni Allen bilang isang kaso ng isahang-panig na pagtatakda ng
kapangyarihan. May antas ng pagsang-ayon ng mga sakop ang nabuong kaayusan dahil
maaari pa ring mabuhay sa mga lugar na labas sa kontrol ng mga chiefdom ang mga
pamilyang pumiling humiwalay rito. Ang kinakailangang teknolohiya at kaalaman sa
produksyon ay nasa kapasidad ng bawat indibidwal na pamilya at mabubuhay pa rin ang
mga halamang-ugat sa mga lugar na ito maliban nga lang sa relatibong inseguridad dito.
Sa mga nagpailalim naman sa mga kaayusang chiefdom, kapalit ng kasiguraduhang pang-
ekonomiya at pangmilitar ay ang dalang bigat ng pagpapasakop. Sa paningin ni Allen:
People within the polity’s social system likely bemoaned several costs of
their participation. They live in denser concentrations than did any other
people in the region. In addition, the storage facilities... are the physical
remnant of extra labor expended for a political economy controlled by
chiefs... They were also coerced, cajoled, or persuaded into digging ditches,
hauling palisade poles, and constructing elite houses. The most obvious
reason these costs would have been paid, at least initially, was that the
enhanced security was viewed as worth it (Allen 1996, 216) (akin ang diin).
Ano ang mga kaparaanan ng mga naghaharing uri ng Tonga sa mga kaganapang ito ng
pagpapatatag/pagpapalawak ng kapangyarihan? Masusing tinalakay ito ng pag-aaral nina
Shankar Aswani at Michael W. Graves. Makikitang ang pagtindi ng ekspansyonistang
direksyon sa mga dantaon 16 hanggang 19 MK ay panahon din ng pagtindi ng
demograpikal na presyur at intensibong agrikultura. Una, upang maiwasan ang
matinding komprontasyon laban sa mga ambisyosong kamag-anak, lumikha ng mga
bagong posisyon at titulo ang mga namumuno para maakomodeyt sila rito habang
napapanatili ang kanilang mataas na posisyon. Makikita halimbawa na ang
namumunong posisyon, na simula noong mga dantaon 12 at 13 MK ay hinahawakan ng
dinastiyang Tu‘i Tonga, ay mahahati sa dalawa pagdating ng ika-15 at 16 dantaon MK.
Ang Tu‘i Ha‘atakalaua ang magiging direktang tagapangalaga sa larangang sekular ng
kaharian at ang orihinal na Tu‘i Tonga ay magiging “simbolikong monarkiya,” isang
inkarnasyon ng bathala, habang nananatiling may malaking hati sa nakokolektang tributo
mula sa mga karaniwang tao at maliliit na mga datu. Magkakaroon muli ng isa pang
hagdan sa pamunuan pagdating ng dantaon 17 MK kung kaya’t magiging isang uri ito ng
“tatluhang pamumuno” (tripartite rule): ang Tu‘i Ha‘atakalaua ay magiging isa na ring
“bathalang hari” tulad ng Tu‘i Tonga habang ang Tu‘i Kanokupolu ang magiging
direktang sekular na tagapamahala. Sa pananaw nina Aswani at Graves:
By creating new niches for competing siblings, two things happened: the Tu‘i
Tonga ang Tu‘i Ha‘atakalaua again quelled the ambitions of younger kinsmen
by providing them with powerful positions, while at the same time they
maintained differential access to resource themselves (Aswani at Graves
1998, 147).
Ngunit ang mas buong paliwanag ay ang pagpapaloob ng lahat ng ito sa masaklaw na
Darwinistang perspektibo: sa pinakaelemental na lebel, resulta ang mga ito ng kabuuang
(aggregate) mga estratehiya (kooperatibo o kompetitibo) ng mga indibidwal na pagkilos
(action/behavior). At dito papasok ang mekanismo ng seleksyong natural: sa
magkakaibang kilos/estratehiyang ito—at sa pagbabalanse sa dalang peligro/pakinabang
ng bawat estratehiya at sa interaksyon nila at sa umiiral na kaayusan/kapaligiran—mas
mauulit (replicate) sa mga susunod na henerasyon ang mga estratehiyang magbibigay ng
mataas na relatibong pakinabang sa kaligtasan at reproduktibong kapasidad ng mga
indibidwal kumpara sa ibang naririyang estratehiya. Magiging matatag ang mga
estratehiyang ito sa daloy ng panahon, magkakaroon ng integrasyon sa isa’t isa, at
matibay na pag-aanyo sa perspektibo ng mahabang panahon. Sa pananaw nina Aswani at
Graves, sa ganitong paraan nabuo at nanatili ang komprehensibong estratehiya ng
pagpapalawak (maritime expansionism) ng mga namumunong uri ng Tonga na tumagal
ng mga pitong dantaon mula dantaon 12 hanggang 19 MK. Sa nabanggit na, ang mga
direktang sanhi (proximate causes) ay kailangang ipaloob sa isang masaklaw na
Darwinistang perspektibo upang maipaliwanag ang mga elemental na sanhi (ultimate
causes) sa panlipunang ebolusyon ng kaayusang chiefdom.
Itinanong nina Aswani at Graves: kung nabuo ang lipunan, grupo o sistema/kaayusan
dahil sa paghuhugpong/pagtatalaban ng mga parehong pansariling-interes (mutual self-
interests), paano maipapaliwanag ang paglitaw ng di-pagkakapantay-pantay at
eksploytasyon at bakit ito tinanggap ng mga sakop? Sa Darwinistang pagpapaliwanag,
naganap ito dala ng matinding pangangailangan ng mga sakop na manatili at mabuhay sa
gitna ng gumigipit na kapaligiran/kaayusang nagpapaliit sa mga naiiwang opsyon. Sa
gitna na mga restriksyong umiiral, tinitimbang ng mga indibidwal ang relatibong
pakinabang ng kanilang bawat estratehiya at maaaring sumiksik sila sa isang opresibong
ugnayan para lamang manatili/mabuhay.
Because individuals hold a wide array of self-interests, the costs and benefits
of reciprocity do not fall equally among all members of a group. Mutual
Dahil seasonal ang breadfruit, mahalaga ang papel ng imbakang ma sa mga pagitang
buwan ng tagbunga at sa teknolohiya nila ng fermentasyon nito. Ang pagkontrol sa
malalaking ma ay isang maaaring pag-uugatan ng kapangyarihang maisasalin sa
larangang pampulitika. Ito ang paliwanag ni Kirch sa gamit ng ma at ang kaugnayan nito
sa kapangyarihang pulitikal:
The Marquesan marine environment with its deep bays lacking reef requires
the use of canoes for effective exploitation. These were under the control not
only of the fishermen themselves, but of the elite chiefs and “persons of
property” (Kirch 1991, 129).
Ito ang kaibahan ng kaayusang umiiral sa Marquesas: hindi buo ang pagkontrol ng mga
namumunong haka’iki sa mga estratehikong gamit-pamproduksyon dahil
nakikipagkompetensya rito ang mga babaylan, ang “pinuno ng hukbo,” ang “panday” o
tuhuna (craft specialists), at iba pang “nagmamay-aring uri.”
To a greater degree than in virtually any other society, the ritual prerogatives
and power of chiefs were usurped by tau’a, and to some degree even by
warriors. It was tau’a who officiated at virtually all of the critical rituals and
ceremonials of the tribe, who prescribed the times for war, and to whom
human sacrifices were offered for “transmittal” to the deities. Although
priestly offices were developed in some other Polynesian groups (e.g.,
the kahuna ng Hawaii), nowhere else did the power of the priests so
thoroughly eclipse that of the hereditary chiefs (the only case which
rivals that of the Marquesas is Easter Island). This dispersion of ritual power
away from the chiefs is thus a significant departure from the general
evolutionary trend in Polynesia, one that points to fundamental
contradictions within Marquesan society (Kirch 1991, 130-131) (akin ang diin).
Bakit may ganitong hidwaan sa mga haliging personahe ng Marquesas? Hindi na ito
pinalawig ni Kirch: ipinahiwatig ng kanyang pag-aaral na may “likas” na kontradiksyon
ang posisyong hereditaryo (hereditary status) at posisyong nakakamit (achieved status).
Mas sentral sa kanyang pagpapaliwanag ang pagtukoy sa pagbabago ng “materyal na
kondisyon” bilang “dinamikong konteksto” sa umiiral na hidwaan. Ito ang kanyang
pagbubuod na paliwanag sa nangyaring proseso:
Mula sa pagkakatatag ng mga neolitikong pamayanan sa Pilipinas (ca. 3000 BK) hanggang
sa kasalukuyan, sumasaklaw ito ng mga limang milenyong lalim ng kasaysayan. May
mahabang panahon ang kaayusang chiefdom [mga 1,000 taon sa pinakamababa:
halimbawa, ang Tanjay (ca. 500 MK-ca. 1500/1600 MK)] kumpara sa kaayusang state (mga
400 taon: mula dantaon 16 MK ng panananakop/imposisyon ng estadong kolonyal
hanggang kasalukuyang “estadong nasyon” ng Republika) (tingnan ang Diagram sa sunod
na pahina). Ang chiefdom ng Tanjay ay halos may parehong tagal ng panahon ng
chiefdom ng Tonga bilang nagsasariling kabuuan bago sinakop ng makakapangyarihang
kaayusang “estado.” Pareho rin silang umabot sa antas ng pampulitikang katatagang
matatawag na “kompleks na chiefdom” at may kapangyarihang manalakay at manakop ng
ibang bayan. Bakit hindi pareho ang tinungong direksyon ng kanilang pagsulong?
Maaaring may mahalagang papel dito ang demograpikal na presyur. Di-katulad ng sa
Tonga, walang ganitong indikasyon sa Kabisayaan. Hindi pinasok ng pag-aaral ni Junker
ang usapin ng demograpiya, ngunit ayon kay William Henry Scott kakikitaan ang mga
dating bayan ng “kakulangan ng trabahador” (shortage of labor) para sa eksploytasyon ng
kanilang kapaligirang mayaman sa likas-yaman (Scott 1994, 133). Habang ang
pananalakay ng mga Austronesyanong Tonga ay tinulak ng demograpikal na presyur,
agrikultural na intensipikasyon, at matinding hidwaan ng mga naghaharing kamag-
anakan, tila walang indikasyon para sa ganitong kondisyon sa bayan ng Tanjay para
humantong ang pananalakay sa pananakop.
DIAGRAM
LINYANG PANAHON
Ang Pilipinas sa Ebolusyunaryong Balangkas ng Band-Tribe-Chiefdom-State
May maisasalaysay pa rin ang isang historyador kahit wala pang buong kapasyahan sa
problemang sanhi-epekto ng panlipunang paggalaw. Ang pagpresenta ng mga relasyong
kawsal (causal relations) ay hindi ang tanging paraan ng pagsasalaysay. Angkop para sa
puntong ito ang sumusunod na sipi:
...causation must moderate the claims it dare make upon the historian’s
exclusive attention. It can no longer be argued that the historian must make
it his primary task to acquire a knowledge of the causes of events or of things.
Instead of wondering all the time why events did happen, he can give his
attention to the question “what did actually happen?” and this will greatly
improve the quality of the story he has to tell. He will still look for the
anterior event that “guides” him to the subsequent event. He will still have
recourse to the postulate of causation as to one of the methods available for
the serialization of his events. But he will do it in a spirit of freedom (Renier
1950, 183-184).
Ang Marxistang tradisyon kung saan ang peryodisasyon ng ebolusyong panlipunan ay siya
ring peryodisasyon ng Kasaysayan (i.e., ang ebolusyong panlipunan at pagsasakasaysayan
ay titingnang iisa) ay isang tradisyong maaaring makapukaw ng interes sa panig ng isang
Pilipinong historyador. Totoo namang interesante ang pananaw na ito. Isa itong
ideolohikal/teoretikal na pagpoposisyon na sa tono at timpla ay bumabatis sa isang
sosyolohikong tradisyon ng Kanluran. Ang pagsasapilipino ng tradisyong ito ay
nagpapatuloy na hamon para sa mga Marxista.
Maaaring mapalawig pa mula rito ang ilan sa mga magkakaugnay na mga nadaplisang
tema: ang mga layunin ng pambansang pagsasakasaysayan, ang pagbubuo ng teorya sa
pangkabuuang ebolusyong panlipunan, ang pagtatalaban ng mga disiplina at diskurso, at
sa malawakang perspektibo, ang pang-akademikong praxis para sa
pagbubuo/pagpapalalim ng kabihasnang Pilipino.
Talahuli
1
Tingnan ang paglilinaw ni Zeus A. Salazar (1991) sa “pangkabihasnang diskurso” ng pananaw at ang mga
pagtalakay sa akdang pinamatnugutan nina Atoy M. Navarro, Mary Jane B. Rodriguez, at Vicente C. Villan
(1997).
2
Ang “ebolusyunaryong” lapit/iskima na tinutukoy ay mas maihahalintulad sa kladistang perspektibo ng
ebolusyon sa Biolohiya kaysa sa “ebolusyunismo” ng mga naunang pormulasyong antropolohikal.
3
Tingnan ang ebalwasyon ni Kristian H. Kristiansen sa kategorya, taypolohiya, at ebolusyunaryong
balangkas. Partikular na binanggit niyang:
Several recent works stress the inadequacy of our present evolutionary typology and
emphasize that an individual type, such as chiefdom, spans too broad a range of variation.
Although some might propose abandoning evolutionary theory, it remains the most
persuasive explanatory framework in archaeology… (Kristiansen 1991, 16).
4
Hango na may kaunting pagrebisa mula sa artikulo ni Timothy K. Earle (1994, 941).
5
Maaari pang lagyan ng mga hagdang hakbang ang ebolusyon mula chiefdom tungong state. Para kay
Kristiansen (1991), ang “istratipikadong lipunan” (stratified societies) ang intermediaryong antas: chiefdom
-> stratified societies (na may dalawang uri: decentralized stratified societies at centralized archaic state) ->
state.
6
Ang isang sistema ay maaaring tawaging “simple” o “kompleks” depende sa tinutukoy na katangian, kaya’t
may tumatangi sa ganitong lapit sa pagtingin ng lipunan gaya ng makikita sa akda ni Anthony Giddens
(1995, 90-91). Ngunit sa isang set ng mga tinutukoy na katangian (variable), ang isang sistema na hindi
kakikitaan ng ilang elemento kumpara sa isa pang sistemang pinag-aaralan ay maaaring bigyan ng
magkaibang bigat sa kompleksidad. Maaaring sabihing mas kompleks ang eucaryotes (may nucleo) kaysa
procaryotes (walang nucleo) na mga organismo; sa lipunan, mas kompleks ang isang sistemang may
sentralisasyon at isa o maraming antas ng burukrasya kumpara sa isang sistema na walang gayong
katangian.
7
Hango na may kaunting pagrebisa mula sa aklat ni Jared M. Diamond (1998, 268-269).
8
Ngunit maaaring tawaging “chiefdom” ni Patrick V. Kirch (1991, 124). Tingnan din ang artikulo ni Robert
M. Netting (1990) para sa paghihiwalay (decoupling) ng lawak ng populasyon at paglitaw ng sentralisasyon.
Ikumpara naman ito sa artikulo ni Steadman Upham (1990a, 112) para sa medyo salungat na argumento
tungkol sa demograpikal na “prekondisyon na kailangang maabot bago maganap ang isang mahalagang
ebolusyunaryong pagbabago.” Mahalagang tema sa kasalukuyang mga pananaliksik sa chiefdom ang papel
ng demograpiya.
9
Sa artikulo ni Upham (1990a, 98-109), may makikitang ibang variable para sa pag-aaral ng pagkakaiba-iba
ng mga sistemang pampulitika na magandang ikumpara sa iprinesenta ni Earle. Maaaring tingnan din ang
artikulo ni Kristiansen (1991).
10
May mababang libo ang populasyon; isang lebel ng pulitikal na hirarkiya sa itaas ng lokal na komunidad;
sistema ng pagraranggo (graduated ranking) (Earle 1991c, 2-3).
11
May mataas na libong populasyon; dalawang lebel ng hirarkiya; matatag na istratipikasyon (Earle 1991c, 2-
3).
12
Ang pagtustos sa batayang pangangailangan ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain o ilang
kagamitan bilang kapalit ng serbisyo (isang anyo nito ang pagpapapiyesta) (Earle 1991c, 2-3).
13
Pagbibigay ng mga bagay na may simbolikong halaga (Earle 1991c, 2-3).
14
Pagbibigay-diin sa identitad ng grupo sa pamamagitan halimbawa ng “pamumuhunan” sa panggrupong
konstruksyon ng mga monumental na arkitektura (investment in corporate labor constructions) (Earle 1991c,
2-3).
15
Pagbibigay-diin sa identidad ng mga namumunong elit sa pamamagitan ng kanilang “yaman,” mga tattoo,
at dekorasyon sa katawan, magagarang bahay, at espesyal na pagpapalibing (Earle 1991c, 2-3).
16
Ang papel ng ideolohiya sa pagbubuo ng gahum ng mga namumunong uri ay pareho ring binibigyang-
diin ng mga kasalukuyang Marxistang pagsusuri. Ayon kay Barbara Bender, ang spatlayt ngayon ng
Marxistang pag-aaral sa mga prehistorikong lipunan ay nakatuon sa diakronikong “dinamiks ng
panlipunang pagkilos at ideolohiya.” Ito, mangyari pa, ay napabayaan ng mga Marxista ng Inglatera at
Pransya dahil sa singkronikong kiling nito na nakatuon lamang sa “relasyong panlipunan at sa feed-back
(basahing tensyon) sa pagitan ng puwersa at relasyon sa produksyon” (Bender 1990, 258).
17
Ang mga pag-aaral nina Laura Lee Junker (1994), Shankar Aswani at Michael W. Graves (1998), at Kirch
(1991) ay tumukoy sa temang ito at sa naunang nabanggit. Tatalakayin sa susunod na bahagi ng artikulo
ang kanilang mga pag-aaral.
18
Makikita ang temang ito sa pag-aaral nina Mark W. Allen (1996) at Aswani at Graves (1998) na tatalakayin
din sa susunod na bahagi nitong artikulo.
19
Halos lahat sa mga pag-aaral na makikita sa Upham (1990b) at Earle (1991a) ay tumukoy sa paksang ito sa
magkakaibang antas ng pagbibigay-bigat sa papel nito sa pagbabago.
20
Halimbawa, pagpaiksi ng agwat ng pagtatanim, pagpalawak ng taniman, paggawa ng irigasyon, at
paggamit ng bagong teknolohiya.
21
Ipinakita ng komparatibong pagsusuri ni Netting na walang korelasyon ang “pang-
ekonomiya/demograpiyang sistema” sa “kawalan o presensya ng sentralisasyong pampulitika,
dependensyang relasyon, at digmaan.” Sa kabilang banda,
…there is a strong probability that a dense local population of farmers will (a) practice
intensive cultivation, (b) substitute labor and capital for scarce resources, (c) produce and
consume in family households rather than unilineal descent groups, (d) maintain
individualized, heritable rights to property, and (e) have unequal access to resources,
including the possibility of nonagricultural means of support (Netting 1990, 22).
22
May mahalagang punto si Diamond (1998, 405-425), tungkol sa magkakahawig na katangian ng “mga
historikal na Agham” (na maliban sa Historya/Kasaysayan at Arkeolohiya, ay sumasakop din sa:
Astronomiya, Klimatolohiya, Ekolohiya, Biolohiyang Ebolusyunaryo, Geolohiya, at Paleontolohiya), na
nagpaiba sa kanila sa “mga di-historikal na Agham” (Pisika, Kemistri, at Biolohiyang Molekular).
23
Ang Austronesyanong pamilya ng mga wika ay may apat na sub-pamilya: tatlo ay nasa Taiwan at ang isa,
ang sub-pamilyang Malayo-Polynesiano, ay makikita sa kalawakan ng Indo-Pasipiko at sa Madagascar. Ang
Malayo-Polynesianong sub-pamilya ang pinakamalawak [pumapaloob ng 945 wika sa 959 wikang
Austronesyano (Diamond 1998, 338)] at nahahati naman sa dalawa: ang Kanlurang Malayo-Polynesiano
(kasali ang Pilipinas) at Sentral-Silangang Malayo-Polynesiano (kasali ang mga wikang Osyaniko sa
Pasipiko).
24
Narito ang peryodisasyon ni Peter Bellwood: ca. 4500-4000 BK, pagbubuo ng mga pamayanan ng mga
Naunang Austronesyano sa Taiwan; ca. 3000 BK, umpisa ng pagbubuo ng sub-pamilyang Malayo-
Polynesiano; pagpasok ng mga Austronesyano sa Hilagang Pilipinas; ca. 2500 BK, pagpasok sa Katimugang
Pilipinas, Borneo, Moluccas, at iba pa. Maraming pag-aaral tungkol dito ngunit tingnan sa partikular ang
mga akda nina Bellwood (1985 at 1988), Kirch (1997), Matthew Spriggs (1999), at ang maikling paglalagom
ni William Henry Scott (1994, 1-14).
25
Ang “sub-sub-sub-pamilyang” Osyaniko (tingnan ang Tala 23 sa itaas) ay pumapaloob sa mga katutubong
wika ng Melanesia, Mikronesia, at Polynesia (maliban sa Palau at Marianas, interyor ng New Guinea, at
ilang dako sa Arkipelago ng Bismarck at Kapuluang Solomon).
26
Makikita ang mga sityong “Lapita” sa mga kapuluan ng Solomon, Samoa, Fiji, Tonga, at New Caledonia.
Pangunahing tumutukoy ang “kalinangang Lapita” sa naiibang dekorasyon sa palayok ngunit binigyang-diin
ni Spriggs na ito’y talagang pumapaloob ng isang malawak na “pangkalinangang kompleks” at hindi “puro
palayok lang.” Tungkol naman sa lumalabas na debate tungkol sa pinagmulan ng “Lapita,” iginiit ni Spriggs
na talagang Timog Silangang Asya ang “lupang tinubuan” ng kalinangang ito (Spriggs 1999).
27
Ang sumusunod na pagtalakay ay batay sa akda ni Junker (1994).
28
Tinawag ito ni Karl L. Hutterer (1977) na primate dendritic system.
29
Ang mga ekstensibong proyektong arkeolohikal sa Rehiyong Bais ay nag-umpisa noon pang taong 1979.
30
Maaaring sinisiguro ng chiefdom ang pagpapatuloy ng palitan sa pamamagitan ng paggamit ng dahas sa
mga taga-interyor ngunit sa kalakhang bahagi, naniniwala si Junker na isinagawa ito sa mapayapang paraan
sa kadahilanang maaaring napakahirap ang pananalakay sa mga armado at palipat-lipat na mga grupo sa
bulubunduking lugar (Junker 1994, 244).
31
Ang teknolohikal na istandardisasyon bilang batayan sa pagtaya ng pagkakaroon ng espesyalisasyon sa
paglikha (craft specialization) ay naunang ginamit ng grupo nina William A. Longacre sa lugar ng Kalinga-
Apayao (Kalinga) at Bikol (Paradijon) sa kanilang pag-aaral sa mga magpapalayok doon.
32
Inihambing ito ni Junker sa mga etnohistorikal na datos sa Pilipinas na nagpapakitang ang mga chiefdom
ay target at lunsaran ng organisadong pananalakay: pagkakaroon ng mga fortipikasyon palibot sa mga
sentrong bayan, paggamit ng mga sopistikadong kanyon at sandatang bakal, pagtatayo ng mga
sekondaryong sentro sa matataas at estratehikong lugar para malilikasan sa panahon ng pananalakay. Ang
pagsasagawa ng mga “sekondaryong sentro” ay inilagay sa malawak na pangkabihasnang konteksto sa pag-
aaral ni Salazar (1997a).
33
Ang sumusunod na pagtalakay ay batay sa akda ni Allen (1996).
34
Tingnan ang Tala 32 sa itaas (cf. Field 1998).
35
Hindi na ito matatalakay rito maliban sa pagtala na ang kalakhang bahagi ng pag-aaral ni Allen ay
nakatuon sa pangkalikasang analisis, pagtukoy sa mga angkop na dimensyong dapat tingnan, at
arkeolohikal na metodolohiyang ilalapat.
36
Ang sumusunod na pagtalakay ay batay sa akda nina Aswani at Graves (1998).
37
Dahil kadalasang may misinterpretasyon sa konsepto ng “seleksyong natural” (“pagpipiling likas”) at sa
“adaptasyon,” kailangang matukoy ang mekanismo nito. Ang tanging tinutukoy ng “seleksyong natural” ay
ang magkakaibang tagumpay sa pagpaparami (differential replicative/reproductive success) ng mga
indibidwal (phenotype/genotype) dala ng mga taglay na hereditaryong pagkakaiba-iba (inherited variations)
sa mga katangiang (traits/characters) biolohikal o beheybyoral. Istatistikal na konsepto ito kaya’t hindi
“sirkular” ayon sa kadalasang pagkakaunawa rito dala ng popular ngunit hindi tumpak na mga linyang
tinutumbas: “matira ang matibay,” “matira ang nagkataong matira,” at iba pa. Dahil istatistikal, hindi ito
naglalaman ng deterministikong tantiya: probisyunal lagi ang bigat/halaga ng pakinabang ng isang
katangiang nakakalusot sa batas ng seleksyong natural dala ng nagbabagong ugnayan/kaayusan sa
kapaligiran. Hindi pinakaoptimal na solusyon ang bubuuin ng seleksyong natural sa dumidiing suliranin ng
kaayusan/kapaligirang ginagalawan ng isang organismo. Sa set ng naririyang “pagpipilian” (available
variations), mas makokopyang-muli at dadami, kumpara sa iba, ang mga elemento na nagtataglay ng
mataas na komparatibong pakinabang para sa kinapapalooban nitong indibidwal (phenotype) sa isang tiyak
na panahon. Ito lang ang sinasaad ng selesyong natural. Pansining walang pakialam ang mekanismong ito
sa pinagmulan ng mga elementong pagpipilian: itong huli ay ipinapaliwanag kaugnay sa mekanismo ng
pangongopya (mutation, recombination), na pinapalagay na siyang “di-matuyuang balon” ng mga lumilitaw
na pagkakaiba-iba (variabilities). Kaugnay nito, tingnan ang mga akda nina Ernst W. Mayr (1970) at David
P. Braun (1990).
38
Tingnan halimbawa ang akda ni Daniel C. Dennett (1995).
39
Ang sumusunod na pagtalakay ay batay sa akda ni Kirch (1991).
40
Maaaring ikumpara ito sa papel ng “raha muda” o “raha kechil/kachil” sa ilang kompleks na chiefdom
(tatawaging “estadong bayan” ni Salazar) sa Pilipinas (Salazar 1997b, 15).
41
Sa sipi ni Kirch sa isang pag-aaral: property appears privatised to an unusual degree (Kirch 1991, 130).
42
Ang mga oripun (commoners) ay binubuo ng mga “peasants, peons, serfs, tenants, or farmhands” (Scott
1994, 131) na may iba’t ibang antas ng pagkakautang/pagkakatali.
43
Marami sa pag-aaral na nabanggit dito ang matutukoy ngunit tingnan sa partikular ang akda ni Stephen
J. Athens (1977). Maaaring napakahigpit nga ng paninindigang siyentipiko ni Athens tungkol sa
panlipunang pagteteorya. Narito ang kanyang kritisismo sa ilang makaagham ding pagte-“teorya”:
...their theory is not theory in the scientific sense of the word. What they consider to be
theory really amounts to “descriptive mechanics” or the study of internal dynamic processes
of system states... [They are] unsuccessful because they cannot predict state formation.
This is symptomatic of an inability to address adequately the problem of causation...
(Athens 1977, 360) (akin ang diin).
Tingnan din ang balanseng diskusyon tungkol sa pagkakaisa ng mga Agham at disiplina sa akda ni Murray
Gell-Mann (1994). Nagbigay ng malawak na bista si Gell-Mann sa iba’t ibang lebel ng “kompleksidad”: mula
sa sub-atomikong lebel hanggang sa iba’t ibang porma ng “kompleks, umaangkop na mga sistema”
(complex, adaptive systems) at sa umiiral na “gulo” (chaos) sa mga transaksyong panlipunan.
44
Tingnan din ang akda ni Diamond (1998, 405-425) para sa pagsasaagham (sa huwaran ng Biolohiyang
Ebolusyunaryo) ng “kasaysayan ng tao” (human history).
45
Tingnan ang akda ni Gell-Mann (1994) para sa ideya ng mga lebel ng deskripsyon at ng “coarse graining”
para sa naaayong lebel ng pag-aaral sa “complex systems.” Dahil ang puntong binabanggit dito ay tungkol
sa lebel ng deskripsyon/analisis, angkop pa rin ang puna kahit na ang taxonomiyang gagamitin ay
“pangkat,” “angkan” (“tribo”), “kapunuan,” at “estado.”
46
Para kay Salazar, ang Dunia Melayu (ang “Malayan ecumene” ng kapuluang Indo-Malaysia at Pilipinas) ay
isang mahalagang yunit historikal/pangkabihasnan na bukas pa sa seryosohang pag-aaral (Salazar 1998a,
1998b, at 1998d).
47
Ihambing ito halimbawa sa mungkahi ni Salazar tungkol sa konsepto ng AC*anitu sa pag-aaral ng
relihiyong Austronesyano (Salazar 1998c, 364-366).
48
Masalimuot para sa iba ang usapin ng “wikang pambansa”: kung mayroon na nga ba tayo nito. Ngunit
maaari namang baguhin ang tanong: paano ba maisusulong ang pagbubuo nito?
49
Ayon kay G.R. Elton batay sa pagkakasipi sa akda ni Keith Windschuttle (1994, 218).
50
Hindi na papasukin dito ang isa pang masalimuot ngunit kaugnay na isyu tungkol sa hangganan at
limitasyon ng pagkakatumbas (commensurability) ng mga kategoryang batay sa magkakaibang wika. May
interesanteng ilustrasyong ibinigay si Douglas R. Hofstadterr tungkol dito na sensitibo sa ilang mahalagang
tema ng postmodernismo ngunit di nagpapatianod sa malabis nitong anyo. Ipinakita ni Hofstadter, sa
perspektibo ng Kognitibong Agham, na may pagtatalaban ang mga wika kahit may mga limitasyon ang
pagsasalin ng mga kategoryang batay sa magkakaibang wika (Hofstadter 1997).
51
Katulad ng tinutukoy ng penomenong ito, walang isahang depinisyon ang “postmodernismo.” Dito sa
artikulong ito, tinutukoy ang isang estilo ng pag-iisip na radikal ang pagpapahalaga/selebrasyon sa
pagkakaiba-iba at hidwaan hanggang sa puntong tinutumbas na nito sa “Sindak” at “Terorismo” ang
anumang diskurso sa “kabuuan” (whole, totality), “pagkakaisa”/“pagkakapareho” (similarity/identity),
“katotohanan” (truth), o mga usapin tungkol sa “taal” at “batayang pundasyon/ugat” ng kabihasnan.
Maaaring isa lamang itong radikal na anyo. Ngunit anumang halaga ang makikita sa ibang bersyon nito—
mababanggit ang posisyon ni Jean-Francois Lyotard (1984)—sa perspektibo ng ating kabihasnan at sa
kasalukuyang konteksto, siguradong hindi tayo kasali sa “tayo” noong manawagan si Lyotard:
…[w]e have paid a high enough price for the nostalgia of the whole and the one… Let us wage
a war on totality… let us activate the differences and save the honor of the name… (Lyotard
1984, 81-82) (akin ang diin)
…dahil hindi pa nga buo sa atin ang kamalayan ng pangkalinangang pag-uugnayan/pagkakaisa ng mga
Austronesyano. Iba rin ang “kabuuang” pinaghihimagsikan ni Lyotard at ang “kabuuang” maaaring
pahalagahan ng bayan/bansa.
52
Ayon kay Michelle Z. Rosaldo:
Cultures are not uniform and “integrated” wholes, but universes of conventional discourses
whose coherence, however partial, problematic, and incomplete, enables recognition of
connections among the things that people do—connections that make activities not just
“appropriate” but intelligible and fraught with sense (Rosaldo 1980, 28).
Sanggunian
Allen, Mark W. 1996. Pathways to Economic Power in Maori Chiefdoms: Ecology and
Warfare in Prehistoric Hawke’s Bay. Nasa Research in Economic Anthropology,
pat. Barry L. Isaac, 171-225. Connecticut: Jai Press, Inc.
Althusser, Louis Pierre at Etienne Balibar. 1965. Reading Capital. New York: Pantheon
Books, 1970.
Aswani, Shankar at Michael W. Graves. 1998. The Tongan Maritime Expansion: A Case in
the Evolutionary Ecology of Social Complexity. Asian Perspectives 37, blg. 2: 135-
164.
Athens, Stephen J. 1977. Theory Building and the Study of Evolutionary Process in
Complex Societies. Nasa For Theory Building: Essays on Faunal Remains, Aquatic
Resources, Spatial Analysis, and Systemic Modelling, pat. Lewis R. Binford, 353-384.
New York: Academic Press.
Bellwood, Peter. 1988. A Hypothesis for Austronesian Origins. Asian Perspectives 26, blg.
1: 107-117.
Bender, Barbara. 1990. The Dynamics of Nonhierarchical Societies. Nasa The Evolution of
Political Systems: Sociopolitics in Small-Scale Sedentary Societies, pat. Steadman
Upham, 247-263. Cambridge: Cambridge University Press.
Childe, V. Gordon. 1951. Man Makes Himself. New York: New American Library.
Corpuz, Onofre D. 1989. The Roots of the Filipino Nation; Volume 1. Quezon City: Aklahi
Foundation, Inc.
Dennett, Daniel C. 1995. Darwin’s Dangerous Idea: Evolution and the Meaning of Life.
New York: Simon and Schuster.
Diamond, Jared M. 1998. Guns, Germs, and Steel: The Fates of Human Societies. New
York: W.W. Norton & Company.
Earle, Timothy K., pat. 1991a. Chiefdoms: Power, Economy, and Ideology. Cambridge:
Cambridge University Press.
Earle, Timothy K. 1991b. The Evolution of Chiefdoms. Nasa Chiefdoms: Power, Economy,
and Ideology, pat. Timothy K. Earle, 1-15. Cambridge: Cambridge University Press.
Earle, Timothy K. 1994. Political Domination and Social Evolution. Nasa Companion
Encyclopedia of Anthropology, pat. Tim Ingold, 940-956. London: Routledge.
Ferriols, Roque J. 1991. Pambungad sa Metapisika. Quezon City: Office of Research and
Publications, Ateneo de Manila University.
Field, Julie S. 1998. Natural and Constructed Defenses in Fijian Fortifications. Asian
Perspectives 37, blg. 1: 32-58.
Gell-Mann, Murray. 1994. The Quark and the Jaguar: Adventures in the Simple and the
Complex. New York: W.H. Freeman & Company.
Gilman, Antonio. 1991. Trajectories Towards Social Complexity in the Later Prehistory of
the Mediterranean. Nasa Chiefdoms: Power, Economy, and Ideology, pat. Timothy
K. Earle, 146-168. Cambridge: Cambridge University Press.
Hofstadter, Douglas R. 1997. Le Ton Beau de Marot: In Praise of the Music of Language.
New York: Basic Books.
Hutterer, Karl L. 1977. Prehistoric Trade and the Evolution of Philippine Societies: A
Reconstruction. Nasa Economic Exchange and Social Interaction in Southeast Asia,
pat. Karl L. Hutterer, 177-196. Ann Arbor: University of Michigan.
Junker, Laura Lee. 1994. Trade Competition, Conflict, and Political Transformations in
Sixth- to Sixteenth-Century Philippine Chiefdoms. Asian Perspectives 33, blg. 2:
229-260.
Kiefer, Thomas M. 1972. The Tausug Polity and the Sultanate of Sulu: A Segmentary State
in the Southern Philippines. Sulu Studies 1: 19-64.
Kirch, Patrick V. 1991. Chiefship and Competitive Involution: The Marquesas Islands of
Eastern Polynesia. Nasa Chiefdoms: Power, Economy, and Ideology, pat. Timothy
K. Earle, 119-145. Cambridge: Cambridge University Press.
Kirch, Patrick V. 1997. The Lapita Peoples; Ancestors of the Oceanic World. Masachusetts:
Blackwell Publishers.
Kristiansen, Kristian H. 1991. Chiefdoms, States, and Systems of Social Evolution. Nasa
Chiefdoms: Power, Economy, and Ideology, pat. Timothy K. Earle, 16-43.
Cambridge: Cambridge University Press.
Lee, Richard B. 1990. Primitive Communism and the Origin of Social Inequality. Nasa
The Evolution of Political Systems: Sociopolitics in Small-Scale Sedentary Societies,
pat. Steadman Upham, 225-246. Cambridge: Cambridge University Press.
Navarro, Atoy M., Mary Jane B. Rodriguez, at Vicente C. Villan, mga pat. 1997. Pantayong
Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong Kasaysayan.
Mandaluyong City: Palimbagang Kalawakan, 2000.
Netting, Robert M. 1990. Population, Permanent Agriculture, and Polities: Unpacking the
Evolutionary Portmanteau. Nasa The Evolution of Political Systems: Sociopolitics
in Small-Scale Sedentary Societies, pat. Steadman Upham, 21-61. Cambridge:
Cambridge University Press.
Ortner, Sherry B. 1984. Theory in Anthropology Since the Sixties. Comparative Studies in
Society and History 26: 126-166.
Renier, Gustaaf J. 1950. History: Its Purpose and Method. New York: Harper and Row,
Publishers.
Rosaldo, Michelle Z. 1980. Knowledge and Passion: Ilongot Notions of Self and Social Life.
Cambridge: Cambridge University Press.
Saitta, Dean J. at Arthur S. Keene. 1990. Politics and Surplus Flow in Prehistoric
Communal Societies. Nasa The Evolution of Political Systems: Sociopolitics in
Small-Scale Sedentary Societies, pat. Steadman Upham, 203-224. Cambridge:
Cambridge University Press.
Salazar, Zeus A. 1991. Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan. Nasa
Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan; Pambungad sa Pag-aaral ng Bagong
Kasaysayan, mga pat. Atoy M. Navarro, Mary Jane B. Rodriguez, at Vicente C.
Villan, 67-125. Mandaluyong City: Palimbagang Kalawakan, 1997.
Salazar, Zeus A. 1997a. Ang ‘Real’ ni Bonifacio Bilang Teknikang Militar sa Kasaysayan ng
Pilipinas. Bagong Kasaysayan 1.
Salazar, Zeus A. 1998a. ‘Malay,’ ‘Malayan,’ and ‘Malay Civilization’ as Cultural and
Anthropological Categories in the Philippines. Nasa The Malayan Connection: Ang
Pilipinas sa Dunia Melayu, may-akda Zeus A. Salazar, 111-143. Quezon City:
Palimbagan ng Lahi.
Salazar, Zeus A. 1998b. The Malay World: Bahasa Melayu in the Philippines. Nasa The
Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu, may-akda Zeus A. Salazar, 81-
107. Quezon City: Palimbagan ng Lahi.
Salazar, Zeus A. 1998c. The Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu. Quezon
City: Palimbagan ng Lahi.
Salazar, Zeus A. 1998d. The Matter with Influence: Our Asian Linguistic Ties. Nasa The
Malayan Connection: Ang Pilipinas sa Dunia Melayu, may-akda Zeus A. Salazar, 59-
80. Quezon City: Palimbagan ng Lahi.
Scott, William Henry. 1982a. Class Structure in the Unhispanized Philippines. Nasa
Cracks in the Parchment Curtain and Other Essays in Philippine History, may-akda
William Henry Scott, 127-147. Quezon City: New Day Publishers.
Scott, William Henry. 1982b. Cracks in the Parchment Curtain and Other Essays in
Philippine History. Quezon City: New Day Publishers.
Scott, William Henry. 1982c. Filipino Class Structure in the Sixteenth Century. Nasa
Cracks in the Parchment Curtain and Other Essays in Philippine History, may-akda
William Henry Scott, 96-126. Quezon City: New Day Publishers.
Scott, William Henry. 1994. Barangay, Sixteenth-Century Philippine Culture and Society.
Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
Upham, Steadman, pat. 1990b. The Evolution of Political Systems: Sociopolitics in Small-
Scale Sedentary Societies. Cambridge: Cambridge University Press.
Warren, James Francis. 1985. The Sulu Zone, 1768-1898: The Dynamics of External Trade,
Slavery, and Ethnicity in the Transformation of a Southeast Asian Maritime State.
Quezon City: New Day Publishers.
Wenke, Robert J. 1990. Patterns in Prehistory: Humankind’s First Three Million Years.
New York: Oxford University Press.
Windschuttle, Keith. 1994. The Killing of History: How a Discipline is Being Murdered by
Literary Critics and Social Theorists. Paddington: Macleay Press.